Share

Kabanata 16.1

Sumama si Scarlett kay Jared sa coffee shop na malapit lang sa kompanya ni Zion. Wala naman na rin kasi silang gagawin lalo na at mamayang gabi pa ang balik nila para sa unang release ng episode nila. Muling napabuntong hininga si Scarlett, inaasahan niya naman na hindi magiging maganda ang sasabihin ng mga viewers lalo na at siya ang female lead pero hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan.

Hinihintay niya si Jared na nasa counter pa para sa order nila. Nang makaorder si Jared ay bumalik na siya kay Scarlett.

“Kinakabahan ka ‘no?” nang-aasar na saad ni Jared.

“Hindi ah,” tipid na sagot ni Scarlett kaya bahagyang natawa si Jared. Masyado bang halata sa mukha niya na iniisip niya ang paglabas ng first episode nila?

“Huwag mong isipin kung anong sasabihin ng iba. Just focus to your goal Scarlett, hindi sila ang dahilan kaya ka nagpapatuloy. Yung kaibigan mo ang hindi ko maintindihan. Nagagalit siya dahil lang sa nagtago ka?” napapailing na saad ni Jared.

“No offense ha? Alam ko naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status