Una pa lang ay planado na kung bakit ayaw ni Scarlett na ipaalam kaagad sa public ang pagbabalik niya. Sinurpresa niya ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng new series niya. At dahil ang alam ng lahat ay patay na siya at bigla siyang lumabas sa TV show, nacurious silang lahat na isearch ang pangalan ni Scarlett at ang new series niya. Sa loob lang ng magdamag ay naka-200 million views sila at Pilipinas ang pinakamaraming views. Dahil sa pagtataka ng mga tao ay napasearch sila sa new series niya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila naglabas ng trailer. “Well, it’s a good idea. Umingay uli ang pangalan mo, hindi man ganun kaganda ang mga sinasabi tungkol sayo. I know that you can handle this, right?” tanong pa ni Zion. “Ngayon pa ba ako susuko at aatras? Ito pa lang ang simula. Wala na akong pakialam kung anong sabihin nila sa akin. Maganda man o hindi ang sabihin nila way pa rin yun para mas paingayin nila ang pangalan ko lalo na ang new series ko under your company. Ayaw man
Nang makauwi si Scarlett ay humugot siya ng malalim na buntong hininga saka niya inopen ang social media niya. Napalunok pa siya dahil alam niyang below the belt na naman ang mga comment nila pero kailangan niyang gawin, kailangan niyang lampasan ang mga bagay na ikinakatakot niya.Ano pa nga bang aasahan niya sa mga dati niyang fans? Tumingala pa siya at muling humugot ng lakas ng loob saka niya tiningnan ang social media niya. Sa loob lang ng ilang oras ay popular na siya kaagad, marami ng mga memes at marami ng article ang tungkol sa kaniya.Marami ng masasakit na salita ang ibinabato sa kaniya.Lakas loob na binasa yun ni Scarlett pati ang mga magagandang sinasabi ng mga fans ni Layla sa kaniya. Marami ang gusto siyang alisin sa series at si Layla ang ipapalit. They are willing to wait for the series basta si Layla ang magiging female lead.Napangisi na lang si Scarlett at napapailing. Siya ang gagawin niyang inspirasyon, ipapamukha niya na maling tao ang hinusgahan nila, na malin
“Okay, action!” sigaw na ni Harry. Nagsimula na sila sa acting nila, hindi pa naman pumapasok si Layla sa eksena dahil mamaya pa ang eksena niya. Nagpatuloy ang palitan nila ng mga linya pero natigil na lang sila nang may bumato ng itlog kay Scarlett. Hindi pa natapos ang lahat dun, napadaing na lang si Scarlett nang tamaan siya ng bato sa noo.“Scarlett!” sigaw ng mga kasama niya, mabilis na lumapit si Jared kay Scarlett at niyakap ito para saluhin ang mga ibinabato kay Scarlett.Sinubukan ng mga staff na patigilin ang mga nanunuod pero wala silang magawa lalo na at kakaunti lang naman sila. Hindi nila akalain na magiging ganito kahirap ang taping nila sa Pilipinas. Napapahilot na lang si Harry sa sintido niya dahil paano sila matatapos nito? Sayang na naman ang oras.“Are you okay? Medic please!” sigaw ni Jared nang maiupo niya si Scarlett. Hinawakan ni Scarlett ang noo niya at may dugo na. Tipid siyang ngumiti, titiisin niya ang lahat hanggang sa mapatunayan niyang naset up lang si
Hindi dahil hinahayaan ni Scarlett ang ginagawa ng mga tao sa kaniya ay wala na siyang plano. Hindi siya anghel para maging mabait, naghihintay lang siya ng tamang panahon para gawin ang lahat ng mga plano niya.Hindi niya maiwasan na si Layla ang pagdudahan sa lahat ng mga nangyayari sa kaniya. Panigurado siyang si Layla ang naglabas ng post kung saan sila magte-taping ngayon, sigurado rin siyang si Layla ang naglabas ng video clip nila. Bakit ba ang bilis bilis maniwala ng mga tao sa mga nakikita nila kahit na hindi pa nila napapatunayan kung ano ba talaga ang nangyari.Pinapaniwalaan nila na sinasaktan ni Scarlett si Layla? Are they really dumb? Are they stupid? Masyadong pavictim si Layla at kung talagang kaibigan pa ang turing sa kaniya ng ex-bestfriend niya bakit hindi man lang siya maglabas ng statement na video clip lang yun from their drama? Makapag-ipon lang talaga siya ng mga sapat na ebidensya, isang bagsakan niyang ipapakita yun sa publiko. Gawin nila ang gusto nilang g
Inalala naman ni Drew ang nangyari. Diretso niyang tiningnan sa mga mata si Scarlett hindi niya alintana ang galit na galit na mga mata nito sa kaniya.“Hindi ko rin alam Scarlett, I have a bad feeling that happened that night. Nakikita mo naman diba, hindi pa ako masyadong lasing nun dahil hindi ako umiinom ng marami. Kung naaalala mo pa nung gabing yun, lasing ka na pero ako hindi pa. May pinainom sa akin si Layla, siya ang nagbigay ng alak sa akin bago mangyari ang hindi dapat mangyari. Nahilo ako nun, wala akong ibang makita kundi ikaw, parang nang-iinit yung katawan ko sayo, hindi ko maintindihan pero tandang tanda ko yung pakiramdam ko noong gabing yun. Hindi ko pinagbibintangan si Layla at sa pinainom niyang alak sa akin pero nagsimula ang kakaibang pakiramdam nang mainom ko ang alak na ibinigay niya sa akin. Masyadong mainit sa pakiramdam at dahil ikaw ang katabi ko ikaw ang nakikita ng mga mata ko. Iniisip ko na lang baka dala na lang ng alak. Naalala ko pa na nakatulog ka na
Umuwi si Scarlett nang hindi maganda ang mood niya. Sino bang matutuwa sa mga nalaman niya? Gusto niya nang sabunutan si Layla, maramdaman niya ang lahat ng mga naramdaman ni Scarlett noon pero hindi pa niya magawa dahil kulang pa siya sa mga ebidensya. Naging tahimik naman na ang mga usap-usapan sa social media tungkol kay Scarlett. Wala man siyang maituturing na kakampi niya sa laban na ito, wala siyang aatrasan kahit na sino. Napahilot na lang siya sa sintido niya nang maalala niya na naman ang matandang lalaking nakausap niya sa coffee shop. Hindi niya na alam kung sino ba ang mga kalaban niya rito, gusto niya lang ituon ang buong atensyon niya sa paghahanap ng katotohanan tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon pero bakit may dumadagdag na problema? Nagtungo ng kwarto niya si Scarlett at binuksan niya ang laptop niya. Gusto niyang makompirma kung sino ba talaga ang nakausap niya sa coffee shop. Sinearch niya ang personal information ni Zion, ang family backgr
Nang matapos silang kumain, inililigpit na ni Scarlett ang mga pinggan pero pinigilan siya ni Zion. “Hindi mo na yan trabaho. Hayaan mong gawin ng mga katulong ang trabaho nila.” Hinila na ni Zion si Scarlett at umakyat na silang dalawa sa kwarto.“Maliligo lang muna ako,” saad ni Scarlett at pumasok na siya sa bathroom. Amoy na amoy niya na sarili niya ang mga ulam na iniluto niya at nahihiya siyang dumikit kay Zion na kahit ano yatang gawin nun sa maghapon mabango pa rin. Napangiti na lang si Scarlett habang iniisip niya si Zion. Isang taon na silang magkasama pero parang ngayon niya pa lang ito nakikilala. Nakikilala niya na nga ba talaga? Hindi naman sila masyadong nagkikita at nag-uusap noon dahil busy si Scarlett sa pagpapagaling sa mga natamo niya noong aksidente at sa paghahanda niya para sa paglabas niya sa public. Siguro naman hindi masama kung magiging malapit siya kay Zion. Mukha namang mabait ito pero sa tuwing pumapasok sa isip ni Scarlett ang pagtatraydor sa kani
Napapakunot na rin ng noo si Harry lalo na nang ibaba ng lalaki ang pang-ibaba niyang pants at pumatong na sa ibabaw ni Scarlett. Pinilit namang kumawala ni Scarlett hanggang sa makalabas ang ulo niya sa kabilang pintuan ng kotse. “Please help me!” umiiyak niyang sigaw habang nakatingin sa mga kasama niya. “Damn it! This is not an acting anymore!” galit na saad ni Zion. Napatayo na rin si Jared at nilapitan na nila si Scarlett. Nauunang maglakad si Zion para puntahan si Scarlett. Nawala naman sa pagkakakrus ang mga kamay ni Layla sa dibdib niya nang magulat siya na makita si Zion sa taping nila. “Damn you!” malakas na mura ni Zion nang hilain niya ang lalaki at malakas na sinuntok ito. Gusto pa sana niyang bugbugin ito sa suntok pero naisip niya si Scarlett na nakahiga pa rin sa loob ng kotse. Nagngingitngit din ang mga ngipin ni Jared sa galit sa lalaking extra lang ngayong araw. “What the hell is wrong with you?!” anas ni Jared sa lalaki at sinuntok din ito sa mukha. “Baby