Share

Kabanata 63

Sandaling sulyap sa isa't-isa ang ginawa namin ni Gwin saka dahan-dahan kaming humarap kay Mommy.

Nakahalukipkip si Mommy habang seryosong nakatitig sa amin. Talagang walang ka ngiti-ngiti. Tingin ko nga gusto niya pa kaming pagkukurutin sa singit.

"Mga hitsura ninyong dalawa! Para kayong mga bata." Nilingon niya pa ang bakas ng mga paa namin sa sahig. "Tingnan n'yo 'yang ginawa ninyo sa sahig. Ang dudumi ng mga paa n'yo, hindi man lang muna kayo naglinis ng mga paa bago pumasok. Ano ba ang pumasok sa mga utak ninyo?" Simula ng mahaba niyang talak.

"Mommy—"

"Tumahimik ka!" Duro niya ako.

Napakibot na lamang ako ng bibig.

"Pinakaba n'yo na nga kami sa kahahanap sa inyo kanina. Nagbabad lang pala kayo sa pool, hindi man lang kayo sumagot. Ngayon, binigyan n'yo pa ng trabaho ang mga kasambahay ng dis oras ng gabi."

Nakamot ko ang tainga ko. Alam ko kasi na simula pa 'to sa mahabang sermon ni Mommy.

"Kaya nga po, Mommy. Gabi na po, kaya awat na po sa sermon at talak, please."

"Awat sa s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Update ako later
goodnovel comment avatar
Irish
next plsssss ......
goodnovel comment avatar
Nan
Nakakaloka tong 2 at Wala na yatang makakaabala sa kanila , tuwang2 Ako nang nahuli Sila at napahiya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status