Share

Kabanata 85

"Gwin, tara na sa bahay. Kanina ka pa rito. Malamig na ang hangin."

Tipid na ngiti lang ang tugon ko kay Aling Taning, saka binalik ko kaagad ang tingin sa malawak na dagat.

"Gwin, hanggang kailan ka ba magmumokmok ng ganyan? Alam mo, hindi maaayos ang problema kung wala kang gagawin. Kung puro tingin lang sa dagat ang gagawin ko."

Imbes na sumagot. Bumuntong-hininga ako.

"Dinala ko kayo rito, para makapag-isip ka ng maayos. Makapagplano kung ano ba dapat ang gawin mo. Hindi para magtago ka hanggang sa gusto mo."

Umupo na rin siya sa buhangin, katabi ko. Bahagya niya pa akong siniko pagkatapos.

"Isang buwan na tayo rito, Gwin—"

"Oo nga po, isang buwan na tayo rito pero ang sakit pa rin." Buntong-hininga na naman ang tumapos sa salita ko.

Isang buwan na nga kami rito sa La Union. Isang buwan nang hindi namin kasama si Fred. Isang buwan na pinipilit kong hindi siya ma miss. Isang buwan na rin na hindi nawala si Aling Taning sa tabi namin.

"Asa ka pang mawala kaagad ang sakit, e umalis
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nan
Sino nanaman Ang bisita ni Aling Taning? Ano kaya Ang mangyayari sa ruwing makabalik si Gwin na Hindi Kasama Ang anak nya ?
goodnovel comment avatar
verona delrosario
thx sa update nxt chap maman
goodnovel comment avatar
Merlita Quidaben
tanx Po s update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status