Share

Kabanata 88

Yumakap na rin ako ng mahigpit sa kaibigan ko. Si Beth, ang tumawag at yumakap sa akin. Lumakas pa lalo ang paghikbi ko. Pakiramdam ko, nakatagpo ako ng kakampi sa lungkot na nararamdaman ko.

"Tahan na Gwin." Tapik niya ang likod ko. Pero sumabay naman ang paghikbi niya sa paghikbi ko.

"Beth, sabi ni Nana Puring nandito silang lahat. Bakit sila nandito? Sino ba ang naka-confine?" Pinahid ko na ang mga luha ko. Bumitiw na rin si Beth sa pagyakap sa akin.

Pero ang mga tanong ko, parang lumusot lang sa kabilang tainga niya. Hindi niya ako sinagot tumitig lang siya sa mga mata ko. Nakagat pa ang pang-ibabang labi niya.

"Gwin, puntahan na lang natin sila." Bumaling ang tingin ko sa lalaki na biglang sumabat—Si Brent.

Hindi ko siya napansin kanina dahil sa biglang pagyakap sa akin ni Beth.

"Pati ikaw, nandito rin?" Napahawak ako sa noo ko. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw n'yong sabihin sa akin?" Medyo tumaas ang boses ko.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw pa nilang sabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merlita Quidaben
tanx s update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status