Share

Kabanata 4

Keith's p.o.v.

Maaga akong nagising para mamili ng grocery sa condominium unit na tinitirahan ko. Nasa isang grocery store na rin ako dito sa loob ng pamilyar na SM sa lugar namin para bumili ng mga kailangan sa aming bahay. Hawak ko na sa aking kamay ang isang cart na may dalawang basket dahil medyo marami rin kasi ang bibilhin ko.

Una ko na pinuntahan ang mga nasa can goods.

"Alin kaya dito? Ah ito nalang kasi medyo mura ng kaunti ang price na nakalagay sa tag." Ang pagpipili ko sa mga de-lata na medyo kaunti lang din naman ang agwat ng mga presyo. Kumuha ako ng sampung piraso ng sardinas na Family Sardines ang brand name saka inilagay iyon sa cart na hawak ko at saka sunod ko naman pinuntahan ang mga noodles.

"Alin ba ang mas masarap saka mas madali na ihanda? Siguro ito na lang. Bahala na nga tutal ako lang din naman ang kakain nito." Ang sambit ko saka kumuha na lang ako ng sampung piraso din ng Homi Beef flavor at sampung piraso din ng pancit canton na chilimansi ang flavor at nilagay na iyon sa cart ko.

"Saan naman kaya ako muna sunod na pupunta?" Ang tanong ko sa sarili ko na napapaisip pa.

"Ah alam ko na! Sa mga gamit naman para sa mga panlalaki. At medyo kailangan ko na rin pala ng bagong magagamit na underwear. May pagkamaluwag na rin sa akin kahit papano itong mga brief at boxer ko." Ang banggit ko sa sarili ko na napatingin pa talaga ako sa aking parteng ibaba bago ako nagsimula na lumakad para tahakin ang mens area dito sa loob ng mall dala ang cart na hawak sa aking kamay.

Agad akong pumili ng mga brief na kasya sa akin at syempre dahil nagtitipid ako kaya naman murahin lang ang pinili ko. Yung tipo ba na limang piraso pero nasa one hundred ninety nine lang ang presyo, di ba sulit.

Inilagay ko na iyon sa lalagyan nadala ko saka kumuha naman ako ng isang pares ng boxer. Nakatipid na naman ako kasi two in one ang kinuha ko. Sa madaling salita ay buy one take one na halaga na eksaktong dalawang daan ang napili ko.

"Sapat na ito. Doon na ako sa may mga powdered coffee na tinitimpla naman." Ang sambit ko sa aking utak saka tinungo ko na ang mga lalagyan ng kape, gatas, at juice. Kumuha na rin ako ng dalawang 25g na ganules coffee saka one dozen of nestea lemon, then isang kilo ng bear brand para naman tipid na. Hindi na ako bumili ng asukal kasi meron pa naman ako n'on sa tinutuluyan ko na apartment.

Tinahak ko na ang counter saka ako tumayo sa may likuran ng isang babae na nasa pila.

"Anong oras ba ako nito makakauwi? Ang haba naman ng pila." Ang reklamo ko sa aking isipan habang nakatayo ako sa likuran nitong isang babae na nakatalikod sa akin. Medyo mahaba din naman ang pila. At nakuha ko pa na ibilang ang lahat ng mga nasa pila at ayon nga dahil nasa ika-pito ako sa mga ito.

"Shit, may nakalimutan ako na bilhin." Ang biglang napakamot sa ulo ng babae sa harapan ko na nakatayo saka humarap siya sa akin. She looks familiar.

"Ahm, kuya can you please pakibantay naman nitong mga pinamili ko? May nakalimutan kasi akong isang napakahalaga sa katawan ko, please?" Ang pakiusap niya sa akin na may nalalaman pa talaga na parang paawa effect na itsura.

"Wait, you look familiar? Aubrey, ikaw ba yan?" Ang tanong ko sakanya saka napakunot noo bigla siya at umayos ng pagkakatayo.

"You know my name?" Ang nagtataka na tanong niya sa akin saka pinagtitinginan niya ako ng mabuti sa aking mukha.

"Yes, ako ito si Keith. Si Keith Tuana ang bestfriend ni Jorge. Do you remember?" Ang pagpakilala ko sakanya saka napatango-tango naman siya. Hindi makapaniwala ang reaksiyon niya at kahit maging ako sa pagkikita namin kasi ang alam ko ay nasa ibang bansa siya sa kuya niya na nasa Switzerland.

"Ah, yeah natatandaan na kita. Kumusta na?" Ang naging tanong niya at balik sa normal na ang itsura ng mukha niya.

"Anong kumusta ka diyan, ikaw ang kumusta na? Long time no see ah. Matagal ka rin na nawala. It's been two years na rin ang nakakalipas." Ang aagot ko sakanya. Napangiti naman siya sa akin.

Her smile makes my world's get shine like as a crystal. Baka nga kung hindi lang naging girl friend ito ng kaibigan ko ay sakaling niligawan ko na kasu naunahan ako ng kaibigan ko. Palibhasa ang torpe ko kasi pagdating sa mga babae.

"Grabi ka naman. Ayos lang ako saka kahapon lang naman din ako dumating. Ikaw anong balita sayo? Ang rinig ko umalis ka daw sa bahay niyo? Anyare bakit mo pinili na maging independent at nakuha mo pa talaga mag-upa ng condominium unit?" Ang balik tanong niya sa akin. I saw a glance with her face like it makes my day complete.

"Ah oo. Wala lang kasi naisip ko lang naman na hindi na ako bumabata kaya kailangan ko na rin matuto na mag-isa. I'm trying to be independent tutal naman ay college na ako kaya kailangan ko na rin tumayo sa pansarili ko na mga paa." Ang paliwanag ko sakanya saka binigyan ko siya ng napakatamis kong mga ngiti.

"Ikaw bahala. Sabagay pero naisip ko lang na hindi ba mahirap sayo ang ginawa mo? Saan ka kumukuha ng daily needs mo? Sa kagaya ng pang-tuition sa school saka allowance mo na rin sa pagpapasok sa university?" Ang concern niya na tanong saakin. Napahinga muna ako ng malalim bago ako sumagot sakanya. Sobra naman kasing direct to the point ang mga katanungan niya na wala man lang pakunswelo sa sasabihin niya.

"May scholarship naman ako sa school as one of the basketball player kaya di na masyadong mahirap sa gastusin. About naman sa allowance ko ay may part time job naman akong pinapasukan sa isang kainan malapit sa school saka may kaunti na rakit rakit din ako na pinapasukan na kahit ano basta kaya ko, ayon." Ang pagkwento na sagot ko sakanya na napailing naman siya sa akin. Napakagat labi na lang din ako sakanya.

"Hindi mo naman kasi yan kailangan gawin sa ngayon di ba? May pera kayo saka mayaman naman pero bakit gusto mo na piliin ang maghirap sa paghahanap ng panggastos mo sa sarili mo na gayong nag-aaral ka pa naman saka pwede mo naman gawin na buhayin ang sarili mo kapag naka-graduate ka na at may trabaho ka na, oh di ba?" Ang paliwanag niya sa akin na may pakindat pa ng kilay niya. I feels like something about her. She look so weird.

"Hay naku! Hayaan mo na lang at kaya ko naman saka kapag hindi ko na kinaya ay saka na lang din ako hihingi ng tulong sa parents ko. Ang mahalaga kasi ngayon ay maging handa na ako sa future, mga ganoon ba na bagay." Ang sagot ko sakanya. Umabante naman siya kasi siya na ang magbabayad ng mga pinamili niya.

"Wala na akong magagawa kung yan ang desisyon mo basta nandito lang ako. I can be your friends and you can with me too kapag kailangan mo ako, anytime." Ang sambit niya na pukos sa paglalatag ng mga ipinamili niya sa may counter.

"Sabi mo yan ah. Hindi ko yan kakalimutan." Ang sagot ko na normal lang ang tono sa aking boses pero sa loob ko ay sobrang saya na para bang gusto ko ng tumalon at sumigaw sa tuwa. Iniisip ko tuloy na baka kahit hindi man naging kaming dalawa noon atleast baka ngayon na bumalik na siya ay ito na ang tamang panahon para sa aming dalawa na at para maging kami na talaga.

I am hoping na this time ay mapupunta na ngayon siya saakin at kapag nangyari iyon ay gagawin ko ang lahat para sakanya and I will do all of my best effort para hindi na mawala pa siya sa tabi ko.

"Oo naman. Oh, siya mauna na ako sayo. Magkita na lang tayo sa school bukas." Ang paalam niya sa akin habang binabayaran ang bills ng kanyang mga pinamili.

"School? What do you mean na papasok ka na ulit?" Ang curious ko na tanong sakanya. Humarap siya sa akin saka ngumiti bago sumagot.

"Yup. And in-enroll na ako ni yaya kanina so that's why bukas papasok na ako. Sige na mauna na ako sayo. I need to prepare my things para bukas. See you na lang tommorow." Ang paalam niya ulit saka ngumiti na lang din ako sakanya. Tumalikod na siya sa akin kasabay ng mga hakbang ng paglakad niya papalayo sa aking kinatatayuan habang nakatingin lang ako sa direksiyon niya palabas.

"Sir, pakilagay na po ng mga groceries niyo at arami pa po ang mga nakapila ang susunod sainyo." Ang pukaw sa akin ng babae sa counter.

"Ha? Ah oo sige." Ang medyo natataranta ko bigla na sagot habang sinimulan ko na ilagay ang mga pinamili ko sa counter table.

Hindi ko napansin na natulala pala ako kanina habang nakamasid lang kay Aubrey na naglalakad palabas ng mall. Hindi ko tuloy napansin na ako na pala ang magbabayad. Nakakahiya tuloy. Ang dami pa naman na mga susunod na nakapila sa may likuran ko.

"Heto po ang bayad." Ang sabi ko sa babae saka kinuha ko na ang tatlong daan sa wallet ko na nasa kamay at ibinigay ko na ang bayad ko sakanya, sakto naman kasi na tatlong daan ang bills ko.

Dinampot ko na ang mga grocery ko matapos ilagay ng babae sa paper bag ang mga ito saka nagsimula na rin akong maglakad palabas ng mall papunta sa aking sasakyan sa may parking lot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status