Share

Kabanata 5

Jorge's p.o.v.

Dahan-dahan ko na iminulat ang aking mga mata kasabay ng aking mga pag-unat nitong kamay ko. Umupo ako ng maayos saka tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan.

"Thank you lord for this another day of blessing na natanggap ko." Ang pasasalamat ko na banggit sa hangin kasabay ng pagbuka ng bibig ko.

"Inaantok pa ako. Buwesit naman kasi na student life na ito. Bakit pa kailangan pumasok sa paaralan? Hindi nalang magdiretso sa paghahanap ng trabaho." Ang reklamo ko sa aking sarili saka tumayo na ako mula sa aking higaan. Inayos ko na muna ang aking hinigaan saka ko na kinuha ang tuwalya sa gilid nitong kwarto ko.

Pumunta ako sa loob ng maliit na comfort room dito saka ako naghilamos then pinunas ng tuwalya ang aking mukha.

"Another day na ang bwesit na babae na naman na iyon ang makakasama ko. Sana naman umuwi na ang Aubrey ko. I am badly missing her." Ang kausap ko sa aking sarili habang nakatingin lang ako sa salamin sa loob nitong cr ng kwarto ko.

Ilang minuto na nakatingga ang aking paningin dito hanggang sa maisip ko na may pasok pa pala ako sa paaralan kaya naman nagmamadali na ako na lumabas at bumaba sa may kusina.

"Oh anak, gising ka na pala?" Ang salubong sa akin ni mom na mag-isa lang na kumakain sa may mesa ng almusal. Napatingin ako sa pagkain na nakahanda.

"Sino ang nagluto at bakit parang iba yata ang nakalapag na almusal natin?" Ang nagtataka na tanong ko sakanya habang umupo naman ako sa isang upuan sa may tabi niya. Ngumiti siya sa akin bago sumagot.

"Sino pa ba ay di ako." Ang masiglang sagot niya sa akin. Ako naman ito na hi di makapaniwala sa narinig ko mula sakanya. Hindi naman siya nagluluto sa pagkakaalam ko at kung sakali man na magluto siya then may special celebration yun para makapagyabang siya sa mga business partner niya kung gaano siya kasarap maghanda ng pagkain.

"Weh, bakit ano po ba ang meron?" Ang intersado ko na tanong sakanya kasi alam ko at nararamdaman ko na may good news na naman siya na sasabihin sakanya.

Hindi agad siya sumagot habang ako naman itong patuloy na naghihintay sa sasabihin niya. She drink first the coffee infront of her habang ako naman ito na nakatingin sakanya ng seryoso.

"Bakit ka naman ganyan makapagtingin sa akin. Daig mo pa ang kakainin ako?" Ang parang natatawa niya na sibat sa akin saka napakamot na lamang ako sa aking ulo.

"Kasi naman ang tagal niyo sabihin sa akin." Ang naiinis ko na sagot sakanya. Napabuntong hininga muna siya saka na nagsalita.

"I am happy na mas dumami pa ang investors sa ating kumpanya at kahit mga customer din natin ay dumadagdag and so mas kumikita ito." Ang masiglang sagot ni mama. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Mabuti naman po kung ganoon." Ang sagot ko saka na ako sumandok ng pagkain sa aking plato na nasa harapan. Kumuha na rin ako ng fried egg and hotdog saka fried chicken then fried rice na lahat ay hinanda lang naman ni mom for that matters about our business company.

"Nope. Hindi lang 'yan kasi mayroon pa akong gusto na sabihin sayo at alam ko na magiging masaya ka sa malalaman mo." Ang may saya sa tono ng pananalita niya kaya ako na naman itong napahinto sa pagsubo ng pagkain at naghihintay sa kanyang sasabihin habang hawak ko lang ang kutsara at tinidor sa aking mga kamay.

"Ano yun ma? At baka naman tungkol na naman doon sa babaeng iyon ay huwag na kung kay Cecelia na naman." Inunahan ko na siya sa sasabihin niya kasi alam ko na dun na naman ang usapan namin mapupunta pero nagkamali ako ng sumagot siya.

"It's not about Cecilia." Ang putol na sagot niya kaya napatingin ako sakanya ng diritso habang may tanong sa mga mata ko na kung sino ang tinutukoy niya sa akin.

"It's about the girl you love since two years ago. Nandito na siya at balita ko papasok na daw ulit siya sa school na pinapasukan ninyo." Ang dagdag pa niya na nagpabilis bigla sa tibok ng dibdib ko dahil sa narinig ko na kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa mga salita na nagmula sakanya.

"Are you sure? Kanino niyo naman iyan nalaman?" Ang tanong ko sakanya na kunwari ay hindi ako masaya sa tono ng pananalita ko but deep inside in my heart and mind ay nagsisimula na sa pag-celebrate sa tuwa.

"Oh bakit hindi ka na naman masaya diyan? Hindi ba ito ang hinihintay mo na araw, ang magkita ulit kayong dalawa at magkausap para makapagpaliwag ka sakanya? Huwag mo na sayangin ang pagkakataon na ito para makapaghingi ng sorry sa nagawa mo na pananakit sakanya anak ah." Ang payo ni mudra saka siya sumubo ng pagkain. Napaisip tuloy ako if she's still love me after I broke her heart.

"Paalala lang anak, may Cecelia ka na kaya 'wag mo na lamang din ipilit kapag alam mo na di na pwede." Ang dagdag na sabi pa niya na nagpagulo sa isipan ko. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi makasagot sakanya.

"Oh, natulala ka na diyan. Kumain ka na at ng makapasok ka na sa paaralan mo. Mauna na ako at baka mahuli pa ako sa meeting ko sa new client. Sige na anak alis na ako. I love you." Ang paalam ni mom na tumayo na saka nagsimulang humakbang palabas ng bahay habang ako pa rin ito na naiwang mag-isa na iniisip ang sinabi niya.

"Ito na nga ang hinihintay ko na panahon para magkausap kaming dalawa pero hindi ko naman alam kung paano?Argh! Ang hirap." Ang pagkausap ko sa sarili habang tinutusok ang hotdog na nasa aking plato gamit ang kutsara at tinidor.

Hindi ko alam kung dapat ba na ayusin ko pa ang dating mayroon kami ni Aubrey na nilalaman ng puso ko o hayaan ko na lamang ang sarili ko sa piling ni Cecelia? Mahirap magpili sa dalawa kung alin ang susundin ko. Ang isip o puso ko ba?

"Ikaw kasi Jorge. Ang tanga mong lalaki ka!" Ang pagsisisi ko sa aking sarili saka nagpatuloy na ako sa pagsusubo ng pagkain.

Ngayon alam ko na. Ang hirap pala kapag nagsimula ka na makaramdam ng pagmamahal sa puso mo kasi darating sa punto na maguguluhan ka sa mga desisyon na gagawin mo sa buhay katulad na lamang ng nangyayari sa akin ngayon.

Masyado ko na iniisip ang bagay na maaring mangyari kahit wala pa ako sa sitwasiyon. Ang tanga ko lang di ba?

Tinapos ko na lang ang pagkakain ko saka na ako tumayo at inihanda ang aking sarili para pumasok sa paaralan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status