My Bicolana Girl

My Bicolana Girl

By:  genoandres24  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
15Chapters
746views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang magtitimbang kung sino ang mas higit na mahalaga, ang kaibigan ba o ang kasintahan? Ang sakit kaya na nagmula sa nakaraan ay matatanggal ng kasalukuyan?

View More
My Bicolana Girl Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
15 Chapters
Prologo
*** 2 years ago ***Makikita sa aking mukha ang bakas ng saya habang nalilito sa pagpili ng damit na isusuot ko. Ngayon kasi ang araw ng 5th best friend aniversary namin ng matalik kong kaibigan kasabay ng 3rd years aniversary naman namin ng boyfriend ko. Sinadya ko talaga na sagutin ang boyfriend ko sa panliligaw niya mismo sa araw ng friendship aniversary namin ng girl best friend ko para isahan ang celebration and multiple happiness na rin, oh di ba!"Ito nalang ang susuotin ko." Ang nakangiti kong sabi sa sarili ko habang hawak ko ang kulay yellow na dress sa harapan ng salamin dito sa kwarto ko. Hinabad ko na ang tuwalya sa katawan ko na nakapulipot saka ko isinuot ang napili kong yellow dress.Umikot-ikot pa ako na tinitingnan ang sarili sa harapan ng salamin. Mas naging maputi pa ang kulay ng balat ko sa napili kong isuot na damit. Natigilan ako ng narinig kong nag-vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa may higaan kong kama, lumapit ako doon at kinuha ang cellphone ko.Nakita
Read more
Kabanata 1
*** Present Day ***Jorge's p.o.v.Ilang taon na rin ang nakaraan simula ng umalis ang babaeng mahal na mahal ko. Sobrang nasaktan ko siya at aminado naman ako dun pero nagawa ko lang din naman ang bagay na yun para sa aming dalawa lalo na sakanya pero di man lang niya ako pinakinggan. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sakanya."Love, tulala ka na naman. Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo sa harapan oh ang dami kayang nagugutom sa kalsada tapos ikaw sinasayang mo lang." Ang pukaw saakin ng girlfriend ko na dating kaibigan ng babaeng mahal ko noon hanggang ngayon kahit pa iniwan niya na ako."Ha? Wala lang akong gana. Kumain na kasi ako bago umalis sa bahay kanina." Ang medyo nauutal kong sagot sakanya. Hindi ko naman gusto ang babaeng kaharap ko ngayon. Napilitan lang ako na makipag relasiyon sakanya kasi kapag di ako pumayag ay ipapakulong ako ng parents niya.Ayaw ba naman kasi maniwala ng parents niya na walang nangyari saamin. It's just a little bit of kiss lan
Read more
Kabanata 2
Aubrey's p.o.v.Sabi nila past is past so make it leave behind pero iba rin pala talaga kapag niloko ka ng taong mahal mo kasi you can't move on hangga't hindi mo hinaharap ang tunay na sakit nito kahit pa sabihin na ginawa mo ng lahat para kalimutan siya at kahit sa tingin mo ay nakalimutan mo na siya but still there's a part of yours na hinahanap at may mararamdaman ka pa rin kapag bumalik siya, but's not my intention kung bakit ako bumabalik ngayon.Suot ang salamin sa mata habang hawak sa aking mga kamay ang isang maleta na kulay pula ay kasabay nito ang paglalakadad ko palabas ng Airport. Ang taray ko kung pagtinginan ng mga tao sa paligid ng lugar na ito pero ayos lang. Ganyan talaga siguro kapag single ka then you can do whatever you want to.Flip ng hair sa kanan then sa kaliwa na parang kulang nalang siguro ay ang kumaway ako sa kanila na parang model ng taon with a mix of angel smile pa ang pasulyap-sulyap kong paglingon sa kanila na may pag-iisip na (mainggit kayo sa ganda
Read more
Kabanata 3
Cecilia's p.o.v.People define that the family is the highest institution in every community in worldwide, and they said that family are always there for you whatever it happens but still they care about your good even in sadness or in pain.Paglingon-lingon lang ako sa mga kasama ko dito sa kusina ng aming bahay habang hawak ko sa aking kamay ang kutsara at tinidor, kumakain kasi kami nina mom at dad habang nasa gilid lang ang mga katulong na nakatayo para pagsilbihan kami."Ah, anak bakit nga pala di nakapunta ang boyfriend mo ngayon sa dinner natin. Hindi ba sabi ko naman sayo na anyayahan mo siya na salohan tayo ngayon." Ang biglang basag ni mom sa katahikan ng aming salo-salo sa hapunan. Mapahinto naman ako sa pagsubo ng pagkain na nasa kutsara ko at tumingin ako sa kanila."Kasi po ano, baka may importante daw siya na gagawin, yun po ganun." Ang palusot ko nalang sabay nagsmile ako sa kanila. Napatingin naman sila sa akin ng masama."Hija, sabihin mo nga, hanggang ngayon ba ay d
Read more
Kabanata 4
Keith's p.o.v.Maaga akong nagising para mamili ng grocery sa condominium unit na tinitirahan ko. Nasa isang grocery store na rin ako dito sa loob ng pamilyar na SM sa lugar namin para bumili ng mga kailangan sa aming bahay. Hawak ko na sa aking kamay ang isang cart na may dalawang basket dahil medyo marami rin kasi ang bibilhin ko.Una ko na pinuntahan ang mga nasa can goods."Alin kaya dito? Ah ito nalang kasi medyo mura ng kaunti ang price na nakalagay sa tag." Ang pagpipili ko sa mga de-lata na medyo kaunti lang din naman ang agwat ng mga presyo. Kumuha ako ng sampung piraso ng sardinas na Family Sardines ang brand name saka inilagay iyon sa cart na hawak ko at saka sunod ko naman pinuntahan ang mga noodles."Alin ba ang mas masarap saka mas madali na ihanda? Siguro ito na lang. Bahala na nga tutal ako lang din naman ang kakain nito." Ang sambit ko saka kumuha na lang ako ng sampung piraso din ng Homi Beef flavor at sampung piraso din ng pancit canton na chilimansi ang flavor at n
Read more
Kabanata 5
Jorge's p.o.v.Dahan-dahan ko na iminulat ang aking mga mata kasabay ng aking mga pag-unat nitong kamay ko. Umupo ako ng maayos saka tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan."Thank you lord for this another day of blessing na natanggap ko." Ang pasasalamat ko na banggit sa hangin kasabay ng pagbuka ng bibig ko."Inaantok pa ako. Buwesit naman kasi na student life na ito. Bakit pa kailangan pumasok sa paaralan? Hindi nalang magdiretso sa paghahanap ng trabaho." Ang reklamo ko sa aking sarili saka tumayo na ako mula sa aking higaan. Inayos ko na muna ang aking hinigaan saka ko na kinuha ang tuwalya sa gilid nitong kwarto ko.Pumunta ako sa loob ng maliit na comfort room dito saka ako naghilamos then pinunas ng tuwalya ang aking mukha."Another day na ang bwesit na babae na naman na iyon ang makakasama ko. Sana naman umuwi na ang Aubrey ko. I am badly missing her." Ang kausap ko sa aking sarili habang nakatingin lang ako sa salamin sa loob nitong cr ng kwarto ko.Ilang minuto n
Read more
Kabanata 6
Aubrey's p.o.vIsang bagong umaga na naman at ito ang unang araw ko na papasok sa kolehiyo dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung makakaya ko pa kaya na harapin ang dati ko na kaibigan at ang dati kong kasintahan after of what they did with me, niloko nila ako."Hija, Aubrey hindi mo pa ginalaw ang pagkain sa harapan mo. Hindi mo ba nagustuhan ang inihanda namin saiyo ng yaya clara mo? Sabihin mo lang at papalitan namin iyan ng iba." Ang pukaw ni Yaya Anita habang seryoso sila na nakatitig sa akin na ako naman itong nasa malalim ang pag-iisip.Nakatayo lang sila habang pinaglilingkuran ako na kumain."Hindi naman po sa ganoon. May iniisip lang po ako." Ang sagot ko na napakagat pa ako ng aking labi. Magkasama na humakbang ng lakad ang dalawa na katulong ng aming bahay na lumapit sa akin saka tumayo sila sa magkabila ko na gilid."Hija, para ka na namin anak kaya kung ano man ang gumugulo diyan sa isipan mo ay huwag ka ng magdalawang isip na sabihin iyon sa amin. Alam naman na namin na
Read more
Kabanata 7
Aubrey's p.o.v.Nagpatuloy nga na lamang ako sa aking paglalakad papunta sa klasrum ko hanggang sa makarating na ako sa tapat nito. Huminto muna ako sa may pintuan habang kita ko sa aking mga mata ang tahimik na buong klase na meron ito."Excuse me po ma'am." Ang pauna ko na banggit sa guro na noon ay nakaupo lamang sa may upuan sa mesa na nasa unahan. Napatingin naman sa akin ang guro na iyon kasabay ng mga magiging kamag-aral ko na napatingin din sa akin kahit hindi ko naman sila tinatawag."Lahat na pala sa klase na ito ang pangalan ay ma'am." Ang naging laman ng isipan ko habang nakatayo lang ako sa may pintuan na pinagtitinginan nila."Yes hija? Pasok ka." Ang tanong sa akin ng guro saka siya tumayo at ako naman itong naglakad na rin papasok ng klasrum habang nakatitig lang ang mga mata ng buong klase sa akin."Ah ma'am, ako po pala ang transferred student from Switzerland." Ang sabi ko pa sa guro na napatango naman sa akin bilang kanyang sagot.Napunta sa papel na nasa mesa sa m
Read more
Kabanata 8
Keith's p.o.v."Ano ba naman yan mister Tuana, bakit wala ka pa rin nakukuha na representative mo sa cheerleading ng team natin? Ikaw na lang ang wala. Dapat bago matapos ang araw na ito ay may makuha ka na. Sige na guys mag break na muna tayo." Ang bulyaw ni coach Suwail sa akin sa harapan ng buong basketball team namin dito sa loob nitong school gym.Paano ba naman kasi ay ako na lang ang wala pa na nakukuha habang ang mga kasamahan ko sa team namin ay lahat meron na at kasama na nila ito ngayon."Okay lang yan. Makakahanap ka din." Ang sambit ng kaibigan kong si Jorge na hinawakan pa ako sa aking balikat kasama ang girlfriend niya na si Cecília at ang kaibigan nito na si Britney."Kung pwede nga lang sana na si Christina na lang ang kunin mo pero ayaw naman niya kasi pumayag kahit anong pamimilit ang ginagawa namin sakanya ay ayaw talaga niya." Ang dagdag naman ni Cecelia na may kaartehan pa na nalalaman sa tono ng boses niya."no need kasi may nakuha na ako. Sa totoo nga niyan ay
Read more
Kabanata 9
Britney's p.o.vHawak ako ni Cecelia sa braso habang magkasama kaming dalawa na naglalakad palabas ng canteen. Tahimik lang siya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ngayon. Paano na hindi ko iyon mararamdaman na sa higpit ba naman ng pagkakahawak niya sa braso ko na dinaig pa niya ang gusto ng ibaon ang kuko niya sa balat ko. Ang sakit kaya."Teka nga lang muna Cecelia!" Ang bulyaw kong sigaw sakanya saka ako pumiglas sa pagkakahawak niya. Nabitawan naman niya ako kasabay ng paghinto namin sa paglalakad."Ano ba kasi ang problema niyo ng long lost friend mo na iyon at pati ako nadadamay. Ang sakit ng kuko mo na para bang gusto mo na yata ibaon sa beautiful skin ko. Hoy, maawa ka naman ate girl. Ang mahal ng sabon na ginagamit ko para lang maalagaan ang kinis nito." Ang dagdag ko na pagreklamo sakanya na para bang gusto niya akong tawanan sa reaksiyon ng kanyang mukha."Mabuti ka nga kasi sabon lang ang katapat kapag nasira ang balat mo ay sa akin friendship
Read more
DMCA.com Protection Status