Share

Kabanata 2

Aubrey's p.o.v.

Sabi nila past is past so make it leave behind pero iba rin pala talaga kapag niloko ka ng taong mahal mo kasi you can't move on hangga't hindi mo hinaharap ang tunay na sakit nito kahit pa sabihin na ginawa mo ng lahat para kalimutan siya at kahit sa tingin mo ay nakalimutan mo na siya but still there's a part of yours na hinahanap at may mararamdaman ka pa rin kapag bumalik siya, but's not my intention kung bakit ako bumabalik ngayon.

Suot ang salamin sa mata habang hawak sa aking mga kamay ang isang maleta na kulay pula ay kasabay nito ang paglalakadad ko palabas ng Airport. Ang taray ko kung pagtinginan ng mga tao sa paligid ng lugar na ito pero ayos lang. Ganyan talaga siguro kapag single ka then you can do whatever you want to.

Flip ng hair sa kanan then sa kaliwa na parang kulang nalang siguro ay ang kumaway ako sa kanila na parang model ng taon with a mix of angel smile pa ang pasulyap-sulyap kong paglingon sa kanila na may pag-iisip na (mainggit kayo sa ganda ko) hanggang sa bigla akong nakarinig ng paghiyawan nila na sigaw sa akin dahil sa hindi ko inaasahan na mangyayari.

"Ayyyhhhhh!!" Ang biglang sabayan na sigawan ng mga nakapalibot sa akin makita nila ang nakakatawa kong pagbagsak sa sahig dahil sa pagkatapilok sa suot kong high hills shoes with eleven inches of height.

Hindi ko alam ang gagawin sa hiya dahil nakatingin lahat ng mata nila sa akin. Ikaw ba naman yung todo effort na nag-ayos bago lumabas ng sinakyan mong airplane tapos bigla ka nalang matatapilok sa dami ng taong nakapaligid sayo. Tumilapon nalang yung hat ko sa head. Naputol ang takong ng sapatos ko tapos nalaglag pa sa sahig ang salamin ko na suot kasabay ng pagtama ng puwet ko dito sa sahig. Ang sobrang nakakahiya.

"Ang ganda na sana ng execution mo. Psede na pantapat sa lava walk ni Ms. Gray tapos biglang pak ganern. May tapilok portion ka lang na nalalaman. Bagsak ang kagandahan sa lupa." Ang natatawa na tono ng boses na narinig ko kasabay ng paglingon ko sa lalaki na naglalakad papalapit sa akin.

Hindi ko siya kilala pero nakita ko rin siya sa eroplano na sinakyan ko kanina.

Hawak niya sakanyang kamay ang itim na maleta habang papalapit siya sa akin at pinagtitingan ko lang naman ang mala-anghel niya na itsura at parang hindi ko pansin ang mga dumaraan na mga taong malalagkit kong makatingin sa akin.

"Ah mis, ayaw mo pa tumayo? Para kasing kanina ka pa diyan nakaupo. Mahiya ka naman sa mga mata na nakatingin sayo sa paligid. Gusto mo ba sumabay ka na sa akin. Ihatid na kita tutal parang nakikita ko naman na di mo kayang tumayo, so tara?" Ang mayabang na alok ng lalaki sa akin na may halong pang-iinsulto sa tono ng pananalita niya. Hindi ko alam kung gusto ba talaga niya akong tulungan o gustong ipahiya din lang.

"Hoy, sabi ko tara na. Kanina mo pa ako tinitigan. Kung ulam lang siguro ako ay matagal ng napanis kasi hindi mo kinakain. Halika na tulungan na kita." Ang may pagka-gentleman niya na ang pagbanggit ng mga salitang iyon pero may asar part pa din habang iniaalok ang kamay niya sa akin. Hindi nalang ako nagreklamo kasi naman ang tanga ko maglakad. I'm walking like a fashion model sa may gitna ng airport tapos matatapilok lang pala. Ang sakit tuloy ng paa ko.

"Sure, hehe!" Ang sagot ko nalang na may halong kaunting ngiti para di niya mapansin na nasasaktan ako sa sakit nitong paa ko. Kagagaling ko lang sa sakit ng puso tapos ngayon paa naman.

Hinawakan ko na ang kanyang kamay saka tinulungan naman niya akong tumayo. Medyo may pagkamalambot lang naman ang mga kamay niya kasu mas malambot pa rin ang sa mga babae lalo na ang sa akin.

"Tara na." Ang anyaya niya ulit saka ko naman hinawakan ang aking maleta. Hindi ako sure kung tama ba na sumama ako sa lalaking ito kahit di ko pa siya kilalang masyado pero bahala na lang nga. Wala naman siguro siyang gagawin na masama sa akin. Sa gwapo ba naman ng pagmumukha niya na parang daig niya pa yata si James Reid kahit simple lang ang porma niya kaya sigurado akong hindi siya masamang tao.

Magkasabay kaming dalawa na naglakad hanggang sa may parking area ng airport habang tahimik lang kami parehas sa bawat isa. Ano nga ba naman ang pag-uusapan namin. Wala naman kaming kuneksiyon sa bawat isa saka gusto lang naman niya na tulungan ako kaya sige lang pero parang may gumugulo sa isipan ko.

"Silent is dangerous- hala!" Ang pananakot ko sa sarili kong isipan tapos napahinto bigla ako sa paglalakad kaya tumigil din siya.

"O, bakit ka huminto? Is there something wrong?" Ang nagtatakang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung papaano sakanya sasabihin ang nasa isipan ko na kinakabahan ako sa pagiging tahimik niya.

"A-ano kasi-sa- sa taxi yeah sa taxi nalang ako sasakay." Ang palusot ko sakanya para di niya mahalata ang kaba sa loob ko. Ewan ko nga lang kung hindi niya talaga nahahalata kasi naman medyo nauutal ako sa pagbigkas ng mga salita na yun.

"Sigurado ka? Okey ikaw ang bahala" Ang sagot niya sa akin saka ako ngumiti sakanya then nginitian niya naman ako na mas nagpa-cute sakanya na tingnan.

"Ah- ano - ah- sige doon na lang ako ah." Ang paalam ko sakanya at sakto na sanang hahakbang ako paalis pero napatigil ako kasi may tinanong siya sa akin.

"Ano pala pangalan mo?" Ang parang interesado na tono sa boses ng pananalita niya. Hindi ako sure kong ibibigay ko ang full name ko kasi medyo nakakahiya talaga.

"ayos lang kung ayaw mo" dagdag niya na sabi ng di pa rin ako sumasagot sa tanong niya even there's a minute of pass after he asked that question with me.

"Aubrey Pacandong." Ang biglang sagot ko sakanya, then ayon ngumisi siya ng kaunti at mabilis lang naman saka nagpatuloy na akong humakbang palayo sakanya para maghanap ng taxi na masasakyan ko.

Nakaalayo na ako sakanya ng mapansin kong parang unfair naman yata na sinabi ko ang pangalan ko sakanya pero hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Ang sayang lang kasi dahil cute talaga siya tapos parang maginoo naman kahit sabi nga nila na karamihan daw na gwapo sa mundo ay malilibog, kahit hindi ako sure diyan pero sabi lang naman nila.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad kasabay ng pagpara ng taxi dito sa labas ng airport. Wala naman kasing susundo sa akin dahil wala din naman may alam sa pagbabalik ko na ito.

Mabuti na nga lang din at may sasakyan agad na huminto sa harapan ko kaya mabilis akong nakakuha ng masasakyan papunta sa bahay. Agad na pumasok ako dito at umalis na para tungohin ang aming bahay dito sa Pilipinas.

Kinuha ko mo na ang cellphone ko saka nagmessage sa messenger kay kuya para naman di siya mag-alala at ipaalam na rin sakanya na ligtas akong nakabalik dito sa Pilipinas. Pagkatapos ay napatingin nalang din ako sa labas ng pintuan nitong taxi sa salamin habang sinasabi ang mga salita na gumugulo sa aking isipan.

"What if hindi ako umalis? What if walang nangyari? What if nakinig ako sa ipapaliwanag niya sa akin? What if kung hindi ako bumitaw? What if kung hindi ko siya sinukuan? What if kung patuloy na minahal ko lang sana siya? What if kung pinatawad ko sila? What if kung kami pa rin sana? What if kung hindi nangyari ang mga nangyari? Ano na kaya kami ngayon?" Ang naguguluhan kong mga katanungan sa aking isipan habang nakatingin lang ako sa labas nitong pintuan na pinagmamasdan ang mga building na aming nadaraanan.

Aminado ako sa sarili ko na kahit ano pa ang gawin ko ay di na maibabalik pa ang dati sa amin at tanggap ko na naman iyon. Ang gumugulo lang sa isipan ko ay sa kung papaano ko sila ngayon haharapin lalo pa at nalaman ko na tuluyan ng naging magkasintahan ang bestfriend kong si Cecelia at ang ex-boyfriend ko na si Jorge.

Hindi ko alam sa sarili ko kung handa na ba talaga ako sa pagbabalik kong ito. Hindi ko alam kung tama ba na bumalik pa ako, na baka magulo ko lang sila kahit iba naman talaga ang intensiyon ko sa pag-uwi ko. Paano nga ba?

"Ma'am, nandito na po tayo sa lugar na sabi niyo." Ang biglang sabi ng taxi driver kasabay ng paghinto niya nitong taxi.

"Magkano po kuya?" Ang magalang kong tanong sa driver habang napatingin pa ako sa meters nitong sasakyan niya.

"358 lang po." Ang sagot naman niya. Dinukot ko na ang aking wallet sa bulsa saka kinuha ang papel na perang limang daan at ibinayad iyon sakanya.

"Heto na po ang bayad. Huwag niyo na lang po suklian. Dagdag tulong ko nalang po para sa pamilya niyo at lalo na po sa anak ninyo." Ang sabi ko pa sakanya saka ngumiti naman siya sa akin. Lumabas na rin ako mula sa sasakyan niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagdoorbell. Nakakailang subok din ako na patunugin ito bago lumabas ang house guard namin.

"Oh ma'am! Umuwi na po agad kayo. Hindi man lang kayo nagsabi eh sana nakapaghanda kami ng kahit kaunti man lang sa pagdating niyo. Welcome home po!" Ang masigla pero gulat na salubong sa akin nitong guard house namin ng makita niya ako na nakatayo ng buksan niya ang pintuan.

"No need naman na po but thank you na rin. Sige pasok na ako sa loob. I'm tired." Ang sagot ko sabay smile sakanya. Nagpatuloy na lang sa aking paglalakad papasok dala ang isang maleta na hila ko sa aking mga kamay.

Pagkapasok ko palang sumalubong agad sa akin ang mga pagmumukha nitong mga katulong sa bahay. Halata ang gulat nila sa biglaan kong pag-uwi. As what I expected naman.

"Buhay pa ako. I'm not a ghost kaya please lang stop staring me like that." Ang salubong na mga kilay ko na banggit iyon sa kanila kasi parang sobra naman yata ang reaksiyon nila na nagawa pa talaga na matulala sa akin ng pagkakita nila.

"Ha! Ano, gumanda po kasi kayo lalo, sobra po." Ang sabi ng isang katulong namin na medyo may katandaan na, si yaya Clara ang tinutukoy ko.

"Si yaya talaga nangbola pa, di naman." Ang sagot ko na kunyari di ako tinatablahan ng sinabi niya but deep inside ay kinikiliti ako sa pagbibiro niya na iyon. She always had a good complimentary for me kahit naman hindi pa ako umaalis dati pa.

"Naniniwala ka naman sakanya. Akin na nga iyang mga dala mo na gamit." Ang sagot naman ni yaya Anita na ang hilig talaga akong sungitan pero close kami niyan kahit dati pa noong hindi pa ako umaalis. Talagang hindi lang sila magkasundong dalawa kaya kung anong sasabihin ng isa ay kinukontra naman ng isa sa kanila. Kahit naman ganun sila but still sa work nagkakasundo sila sa kung ano ang gagawin nila specially kapag kailangan ko sila. They both there for me in every time that I need them. That's why I treat them like my real aunt.

"'Yan na naman kayong dalawa. Kauuwi ko pa nga lang tapos sungitan niyo na naman agad ang sumalubong sa akin." Ang pang-aawat ko sa kanila. Lumapit naman sa akin si yaya Clara kasabay ng pagyakap niya sa akin.

"Namis lang kasi namin ikaw. Bakit ka ba naman kasi umalis? Alam mo naman na nandito lang kaming dalawa ni yaya Anita mo para gabayan ka at tulungan ka sa lahat ng oras na kailangan mo kami. Alam mo rin na para ka na rin tunay naanak namin." Ang sabi pa ni yaya Clara na nagsisimula na naman magdrama habang nakayakap sa akin ang mga kamay niya na nakapulipot pa sa katawan ko.

"Ewan ko sainyong dalawa. Oh siya mauna na ako sa kwarto mo at ng maayos ko na iyon ng makapagpahinga ka na kasi alam namin na napagod ka sa biyahe mo." Ang sagot naman ni yaya Anita saka nauna na siya sa aking kwarto dala ang gamit ko. Bumitaw naman si yaya clara sa pagkakayakap sa akin.

"Selos na naman yun kasi ako ang unang nakayakap sayo at hindi siya." Ang medyo may taray sa boses ni yaya na may pagmamayabang na halo sa tono niya.

As usual naman kasi ay lagi silang nag-aaway pagdating sa akin na daig pa nila ang magulang ko na umasta sa pagpapaunahan sa pag-alaga sa kapakanan ko kaya naman kahit laging busy sina dad at mom sa trabaho nila then I never feel na mag-isa lang ako sa bahay na ito dahil nandiyan naman si kuya guard at ang dalawang yaya nanay ko para mag-alaga sa akin kahit alam ko na mas masarap pa rin kapag tunay na magulang ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal na pinaparamdam nila sa akin.

"Ya, sina mom at dad po pala?" Ang tanong ko kay yaya, then sa kung ano ang dapat na asahan ko na isasagot niya ay iyon na nga talaga ang lumabas sa kanyang bibig.

"Wala pa. Baka mamaya pa sila ng maaga umuwi but don't worry kasi mahal ka nila kaya ang lahat na ginagawa nila na pagpapakahirap at pagpapakapagod ay para din naman sayo 'yon. So tara na doon sa kusina para makakain ka na at ng makapagpahinga ka na rin." Ang sagot ni yaya na may halong positibo at pagpapalakas ng aking loob.

"Sige po tara na." Ang sagot ko nalang saka ako ngumiti sakanya pero hindi ko maitatanggi sa loob ko na nasasaktan ako dahil katulad pa rin ng dati ay laging nasa business pa rin ang atensiyon ng mga magulang ko. Hindi nga nila alam ang nangyari sa akin kung bakit ako umalis. Ang alam lang nila ay gusto kong bisitahin sina kuya at ang fiance nito sa Switzerland kasi hindi ko alam kung papaano sasabihin ang sakit na nararamdaman ko ng mga panahon na iyon. Hindi ko alam kung paano dahil hindi ako sanay na magbukas sa kanila. Siguro most of all their time kasi ay puro sa business nakalaan at never napunta sa akin.

Magkasama na kaming naglakad ni yaya papunta sa kusina. Umupo na ako sa mesa habang pinagmamasdan lang si yaya na inihahanda ang kakainin ko. Inilapag niya na ang baso then plato, saka ang kanin tapos ang ulam naman ay hawak niya sa kanyang kamay.

"Sakto kasi nagluto ako ng paborito mong ulam na kainin, menudo na manok." Ang masaya na sambit ni yaya habang may ngiti sa mga labi niya na ipinatong sa mesa ang ulam na hinanda niya. Umupo naman siya saka ako pinagsandukan ng kanin at ulam sa pinggan.

"Salamat po yaya kasi nandiyan kayo para sa akin na tumatayo bilang mga magulang ko. Alam ko naman na may mga anak kayo na pwede niyo na lambingin pero ito kayo sa tabi ko na tinuturing na anak ninyo." Ang medyo may drama kong tono ng pasasalamat sa mga ginagawa nila sa akin na pag-aaruga na hindi maibigay ng parents ko.

"Ano ka ba ayos lang yan. Napamahal ka na sa amin saka mabait ka naman na bata ka e. Teka nga payakap ulit ako at namis kitang sobra." Ang sagot naman ni yaya saakin saka tumayo siya at pumunta sa kinauupuan ko kasabay ng pagyakap niya sa akin habang nakaupo lang ako.

"Hoy! Anong kadramahan niyo na iyan?" Ang biglang boses ni yaya Anita ang aming narinig kaya napalingon kami sakanya na naglalakad papalapit sa amin.

"Kayo lang ba? Dapat ako din kasama sa group hug niyo na yan." Dagdag pa niya kasabay ng pagmamadali niya na mga hakbang at nakisama na nga sa pagyakap sa akin.

It's feel like a love that has no price value to pay. Yung pakiramdam na may dalawang nanay ka na nagmamahal sayo kahit katulong lang sila sa bahay niyo. Kahit paano natatanggal ang lungkot sa damdamin ko kapag iniisip ko ang magulang ko na sana sila ang yakap ko sa aking mga kamay but not kasi hanggang pangarap nalang siguro yun mangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status