CHAPTER 29Magkakasama ngayon sila Myca, Colleen, Kate , Ian at Mark sa bahay na inuupahan nila Myca. Pagkadating kasi nila galing trabaho ay biglang dumating sila Ian at Mark. Wala pa si Bella dahil nag over time daw eto sa trabaho."Guys invitation nyo nga pala. Yan din dahilan kaya napa punta kami dito." sabi agad ni Mark."Invitation para saan yan Mark?" tanong ni Myca"Welcome party daw ni Vin" sagot ni Mark. At isa isa na nyang ibinigay sa mga eto ang invitation.Agad naman nila iyon binuksan."Wow. Talagang naka balik na nga si Vin." sabat ni Colleen."Tiyak matutuwa neto si Bella. Teka lang nasan ang invitation na para kay Bella" sabi ni Myca.Napatingin naman sila kay Mark dahil wala ngang invitation para kay Bella. May mga pangalan kasi ang bawat invitation."Hindi ko alam. Inabot lang kasi yan sa akin ni ate kanina eh. Hindi ko naman na tiningnan kaagad. Teka tatawagan ko si ate baka naiwan sa kanya." Sagot ni Mark at lumabas muna bago tawagan ang ate nya."Wala daw naiwan
CHAPTER 30"Namiss din kita Vin" sagot ni Bella. Akmang lalapit na sana si Vin kay Bella para yakapin eto ng biglang tawagin si Vin ng kanyang ama kaya napalingon sya dito."Vin anak halika muna dito" tawag sa kanya ng kanyang ama.Humarap naman na sya ulet kay Bella "Dadalaw ako sa bahay nyo kapag hindi na ako busy ha. Namiss kita Bella. Namiss ko ang best friend ko" nakangiting sabi ni Vin at hinaplos pa nya ang pisngi ni Bella bago tumalikod.Hindi naman na naka imik pa si Bella at tinanaw nya na lang ang papalayo na si Vin. Bumalik na din naman sya sa kanilang upuan.Natapos na din ang party at hindi na din nakabalik sa kanila si Vin dahil busy eto sa mga kausap nya. Malamang mga kasosyo nila eto sa negosyo at mukhang mga seryoso sa kanilang mga pinag uusapan.Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy na din si Vin dahil pinag aaralan nyang mabuti ang kompanya na kanyang hahawakan. Sa sobrang busy nya ay hindi na nya naalala ang mga kaibigan nya na inaaya sya na pumunta sa kan
CHAPTER 31 Isang buwan pa ang lumipas bago pinahawakan kay Vin ng kanyang ama ang kanilang kumpanyana 4V EMPIRE. Sa mga nakalipas na mga araw ay pinag aaralan nya pang mabuti ang pagpapatakbo dito. Inaalalayan naman sya ng kanyang kuya Vince kapag wala ang kanilang ama."Good luck Vin" sabi ni Vince sa kanyang kapatid na si Vince."Thank you kuya" sagot ni Vin."Wag kang mag alala kung may mga kailangan ka o mga tanong ka pa ay tawagan mo lang ako para matulungan kita. Kayang kaya mo yan Vin" sabi ni Vince kay Vin sabay tapik sa balikat neto.Ngayong araw kasi ipapakilala na si Vin sa kanilang kumpanya bilang bagong CEO ng 4V EMPIRE. Kaya kasama nya ngayon ang kanyang kuya dahil sabay na silang pupunta doon sa kumpanya. Nauna naman na doon sa kanilang kumpanya ang kanilang ama.Samantala nagsisimula naman ng magtrabho si Bella sa araw na eto. Naghahatid na sya ng mga na xerox na nya ng marinig nyang nag uusap ang ibang mga empleyado."Jean nabalitaan mo na ba? Ngayong araw daw ipapak
CHAPTER 32"V - Vin?" Utal na sabi ni Bella ng mapatingin sya kay Vin. Agad naman siyang siniko ng katabi nya at pinandilatan pa sya ng mata at binulungan pa sya. "Boss natin yan dito. Yan ang bagong CEO".Para naman biglang natauhan si Bella at muling tiningnan si Vin na seryosong nakatingin sa kanya "G - good m - morning po sir V -Vin" bati na lang nya kay Vin na pautal pa.Tinanguan lang naman sya ni Vin at dumeretso pa ng lakad. Sinundan na lang ng tingin ni Bella si Vin na papalayo na sa kanya. At ng hindi na nya makita si Vin ay biglang lumapit sa kanya ang kasamahan nya sa trabaho."Uy Bella. Anong nangyari sayo kanina. Bat nautal ka na lang dyan. Ang gwapo ni sir Vin noh" sabi ni Dana sa kanya."Ha? Ah e nagulat lang ako kanina." Sagot ni Bella."Next time Bella mag sir ka pa din sa kanya boss natin yun noh ka ba." Sagot pa nito."Pasensya na." Sagot na lang ni Bella.Bumalik naman na sila sa kani kanilang mga trabaho. Napapa isip naman si Bella ni hindi man lang nya nalaman
CHAPTER 33Nang mahimasmasan si Vin ay binitawan na nya si Bella. Hindi naman sya makatingin sa mga mata ni Bella. Bigla kasi syang nahiya sa ginawa nya."Vin may problema ba? Napapansin ko kasi na lagi mo na lang akong iniiwasan." Lakas loob ng sabi ni Bella. Hindi na nya natiis na ganon ang trato sa kanya ni Vin. Nasanay kasi sya na palagi sya netong kakulitan noon.Hindi naman maka imik kaagad si Vin. Hindi nya alam kung paano o ano ba ang sasabihin nya kay Bella. "W - Wala naman" yun na lang ang tanging nasambit nya."Kung wala naman pala eh. Bakit lagi kang umiiwas sa akin. Vin miss ko na ang best friend ko yung dating ikaw. Hindi ako sanay na ganyan ka sa akin. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa iyo kung bakit ka nagkakaganyan." Naluluhang sabi ni Bella kay Vin.Nag angat naman ng tingin si Vin at nakita nya na pumapatak na ang luha ni Bella. Lumunok muna sya ng ilang ulit bago sya nagsalita. " B - Bella. S - sorry kung iniiwasan kita. Hindinko din kasi mainitindihan ang sa
CHAPTER 34Tunitigan muna ni Vin si Bella sa mga mata neto bago nagsalita. "Seryoso ako Bella. Mahal kita" Hindi naman na naka imik pa si Bella sa kanyang narinig. Hindi nya alam kung anong sasabihin nya kay Vin. Pero sa narinig nya na sinabi ni Vin sa kanya ay sobrang saya ng puso nya.Lumapit naman na si Vin kay Bella at hinawakan nya ang dalawang kamay ni Bella."V - Vin...." Hindi na naituloy pa ni Bella ang sasabihin nya ng magsalita ulet si Vin."Sorry kung nasungitan kita netong mga nakaraang mga araw ang totoo nyan ay nagseselos kasi ako kay Bernard. Akala ko kasi wala na akong pag asa pa sayo dahil akala ko talaga ay boyfriend mo si Bernard. Pero seryoso ako Mahal na mahal kita Bella." Madamdaming wika ni Vin kay Bella habang nakatitig pa din sa mga mata ni Bella.Titig na titig din naman si Bella kay Vin. Hindi pa din sya makapaniwala sa narinig nyang pag amin sa kanya ni Vin.At ng hindi na makasagot pa si Bella ay nagsalita na lang ulet si Vin. " Handa akong maghintay Bel
CHAPTER 35Lumipas pa ang mga araw at buwan at naging maayos naman na sila Bella at Vin. Kahit na umamin na sila sa nararamdaman nila sa isat isa ay liniligawan pa din ni Vin si Bella. Gusto kasi ni Vin na ligawan na muna nya si Bella at ganon din naman si Bella ayaw nila pareho na minamadali ang lahat."So kumusta naman kayo ni Vin?" Wika ni Myca kay Bella.Liningon naman ni Bella si Myca "Ayos naman kami ni Vin. Bakit?""Sus..hahaha i mean ano ng status nyo?" Tatawa tawang sagot ni Myca."Hahaha. Tsismosa ka talaga" sagot ni Bella."Hmpft. Damot naman neto. Ayaw man lang mag share" iirap irap na sagot ni Myca."Hahaha.. oo na.. hindi pa kami ni Vin. Okay... hindi naman kami nagmamadali. Liniligawan pa din naman nya ako" sagot ni Bella."Ha? Eh bakit? Jusko pinapatagal nyo pa eh. Mahal nyo naman ang isat isa" sagot ni Myca."Hahaha. Oo nga mahal namin ang isat isa pero hindi naman kailangan na kami kaagad noh" sagot ni Bella."Hmm. Ganon" nakanguso pang sagot ni Myca. " Pero alam mo
CHAPTER 36Nagpalipat lipat naman ng tingin si Brenda kila Bella at Vin bago nagsalita. "Ehem.. may dapat ba akong malaman?" Tumingin muna si Bella kay Vin bago nagsalita. "Ah na - nanay ano po kasi..." hindi maituloy tuloy ni Bella ang sasabihin nya kaya sumabat na si Vin."Nay Brenda mahal ko po ang anak nyo at nagkakamabutihan na po kami ni Bella" diretsahang sabi ni Vin."N - nay mahal ko din po si Vin" pag amin na din ni Bella.Natigilan naman si Brenda dahil sa pagkagulat sa pag amin ng dalawa sa kanya ngayon. Pero di kalaunan ay napangiti na din. "Ganon ba. Wag kayong mag alala Masaya ako para sa inyo mga anak. MapaPanatag ang loob ko na kilala ko ang taong mahal ng aking nag iisang anak." sagot ni Brenda.Napangiti naman sila Bella at Vin sa sinabi ni Brenda."Salamat po nay. Pasensya na po kayo at ngayon ko lang eto nasabi sa inyo." sagot ni Bella.Nginitian naman siya ni Brenda "kung anong makakapag pasaya sayo anak. Susuportahan kita. Siguro tama lang na ang sarili mo nam