CHAPTER 34Tunitigan muna ni Vin si Bella sa mga mata neto bago nagsalita. "Seryoso ako Bella. Mahal kita" Hindi naman na naka imik pa si Bella sa kanyang narinig. Hindi nya alam kung anong sasabihin nya kay Vin. Pero sa narinig nya na sinabi ni Vin sa kanya ay sobrang saya ng puso nya.Lumapit naman na si Vin kay Bella at hinawakan nya ang dalawang kamay ni Bella."V - Vin...." Hindi na naituloy pa ni Bella ang sasabihin nya ng magsalita ulet si Vin."Sorry kung nasungitan kita netong mga nakaraang mga araw ang totoo nyan ay nagseselos kasi ako kay Bernard. Akala ko kasi wala na akong pag asa pa sayo dahil akala ko talaga ay boyfriend mo si Bernard. Pero seryoso ako Mahal na mahal kita Bella." Madamdaming wika ni Vin kay Bella habang nakatitig pa din sa mga mata ni Bella.Titig na titig din naman si Bella kay Vin. Hindi pa din sya makapaniwala sa narinig nyang pag amin sa kanya ni Vin.At ng hindi na makasagot pa si Bella ay nagsalita na lang ulet si Vin. " Handa akong maghintay Bel
CHAPTER 35Lumipas pa ang mga araw at buwan at naging maayos naman na sila Bella at Vin. Kahit na umamin na sila sa nararamdaman nila sa isat isa ay liniligawan pa din ni Vin si Bella. Gusto kasi ni Vin na ligawan na muna nya si Bella at ganon din naman si Bella ayaw nila pareho na minamadali ang lahat."So kumusta naman kayo ni Vin?" Wika ni Myca kay Bella.Liningon naman ni Bella si Myca "Ayos naman kami ni Vin. Bakit?""Sus..hahaha i mean ano ng status nyo?" Tatawa tawang sagot ni Myca."Hahaha. Tsismosa ka talaga" sagot ni Bella."Hmpft. Damot naman neto. Ayaw man lang mag share" iirap irap na sagot ni Myca."Hahaha.. oo na.. hindi pa kami ni Vin. Okay... hindi naman kami nagmamadali. Liniligawan pa din naman nya ako" sagot ni Bella."Ha? Eh bakit? Jusko pinapatagal nyo pa eh. Mahal nyo naman ang isat isa" sagot ni Myca."Hahaha. Oo nga mahal namin ang isat isa pero hindi naman kailangan na kami kaagad noh" sagot ni Bella."Hmm. Ganon" nakanguso pang sagot ni Myca. " Pero alam mo
CHAPTER 36Nagpalipat lipat naman ng tingin si Brenda kila Bella at Vin bago nagsalita. "Ehem.. may dapat ba akong malaman?" Tumingin muna si Bella kay Vin bago nagsalita. "Ah na - nanay ano po kasi..." hindi maituloy tuloy ni Bella ang sasabihin nya kaya sumabat na si Vin."Nay Brenda mahal ko po ang anak nyo at nagkakamabutihan na po kami ni Bella" diretsahang sabi ni Vin."N - nay mahal ko din po si Vin" pag amin na din ni Bella.Natigilan naman si Brenda dahil sa pagkagulat sa pag amin ng dalawa sa kanya ngayon. Pero di kalaunan ay napangiti na din. "Ganon ba. Wag kayong mag alala Masaya ako para sa inyo mga anak. MapaPanatag ang loob ko na kilala ko ang taong mahal ng aking nag iisang anak." sagot ni Brenda.Napangiti naman sila Bella at Vin sa sinabi ni Brenda."Salamat po nay. Pasensya na po kayo at ngayon ko lang eto nasabi sa inyo." sagot ni Bella.Nginitian naman siya ni Brenda "kung anong makakapag pasaya sayo anak. Susuportahan kita. Siguro tama lang na ang sarili mo nam
CHAPTER 37"Mahal kita Kate" sambit ni Mark ng bitiwan nya ang labi ni Kate.Natigilan naman si Kate sa pagkabigla. Hindi nya akalain na may nararamdaman pala sa kanya si Mark."Pinagtitripan mo ba ako? Tigil tigilan mo ako Mark," Pakasabi nya non ay itinulak pa nya si Mark."Mukha ba akong nagbibiro Kate. Tingin mo hahalikan ko ang kaibigan ko ng basta basta na lang dahil trip ko lang? Yun ba ang tingin mo sa akin?" sagot ni Mark."Tsk. Pare pareho lang kayong mga lalake mga manloloko," pagkasabi ni Kate non ay tinalikran na nya si Mark at lumabas na ng cottage sa likod muna sya ng cottage dumeretso at doon na umiyak.Lingid kasi sa kaalaman ng mga kaibigan ni Kate ay nagkaroon siya ng boyfriend kaso nahuli nya eto na may kasamang ibang babae yun pala ay may asawa na kaya simula noon ang tingin nya sa mga lalake ay mga manloloko.Sinundan naman sya ni Bella sa likod ng cottage. "Okay ka lang ba Kate?" tanong ni Bella.Napalingon naman si Kate kay Bella. "Iwan mo muna ako Bella," Sago
CHAPTER 38Pagdating sa probinsya ay dumeretso na kaagad si Bella sa ospital kung saan naka admit ang kanyang nanay Brenda. Agad naman syang sinalubong ni Aling Linda ng makita sya sa hallway ng ospital."Aling Linda nasan po si nanay?" Sabi agad ni Bella ng salubungin na sya ni Aling Linda."Dito hija," sabi ni aling Linda at dinala na slnya si Bella sa isang kwarto kung nasaan ang ina neto.Pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang natutulog niyang ina. Nanlumo siya sa nakikita nyang kalagayan ng kanyang ina ngayon.Pansin nya na medyo tumabingi ang mukha ng kanyang ina. May mga naka kabit sa katawan neto at napapaligiran eto ng mga aparato na nag iindika ng heart beat ng pasyente. May nakalagay din ditong oxygen habang mahimbing na natutulog. Nag unahan naman sa pagpatak ang luha ni Bella. Parang hindi nya kayang makita sa ganong kalagayan ang kanyang ina."Ku - kumusta po si Nanay?" Tanong ni Bella kay aling Linda."Ang sabi nga ng doktor hija ay nastroke nga ang iyong ina n
CHAPTER 39"Dok... Dok... Si nanay po...," Umiiyak na sigaw ni Bella sa may pinto ng kwarto ng kanyang ina.Agad naman syang napansin ng mga nurse na nandoon kaya agad tinawag ang doktor ng kanyang ina.Nagmamadali namang pumasok sa kwarto ng kanyang ina ang mga doktor at nurse para tingnan eto.Nasa isang gilid lang naman si Bella na walang tigil sa pag iyak. Pinapanood nya kung anong nangyayare sa kanyang ina. Nanginginig ang katawan nya sa takot na baka kung anong mangyare sa kanyang nanay Brenda. "Nay please lumaban ka po. Dyos ko haplusin nyo po sana ang nanay ko maging ayos na po sana sya.. Parang awa nyo na po. Hindi ko po kaya," nausal ni Bella habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.Napansin naman ni Bella na parang dadalhin ang kanyang ina. "Saan nyo po dadalhin ang nanay ko?" Tanong na ni Bella."Miss kailangan na po namin ilipat ang pasyente sa ICU," agad na sagot ng nurse kay Bella.Wala naman ng nagawa pa si Bella ng dinala na ang kanyang ina. Sumunod na l
CHAPTER 40Lumipas pa ang ilang araw at nanatili pa rin si Brenda sa ICU. Hindi pa din eto nagkakamalay. Labis labis na ang pag aalala ni Bella sa kanyang ina dahil hindi pa din eto nagigising. Pinapalitan naman ni aling Linda si Bella sa pagbabantay sa kay Brenda upang makapag pahinga naman si Bella. Minsan ay umaayaw si Bella dahil ayaw nyang iwanan ang kanyang ina ngunit pinipilit sya ni aling Linda dahil baka sya naman daw ang magkasakit kaya wala na syang magawa kundi sumunod na lamang.Kababalik lang ni Bella sa ospital. Galing sya sa kanilang bahay ngayon dahil pina uwi muna sya kanina ni Aling Linda para makapag pahinga naman daw sya. Saglit lang din sya natulog at bumalik na din kaagad sa ospital.Pagkadating nya sa ospital ay umalis na din si aling Linda dahil may pupuntahan daw eto kaya dumiretso na kaagad si Bella sa ICU para tingnan ang kanyang ina. Pinapasok naman sya kaagad ng nurse na nka duty."Kumusta po si nanay?" tanong ni Bella sa nurse habang siya ay nagbibihis
CHAPTER 41Ilang araw din ibuburol si Brenda sa kanilang bahay. Hindi naman naka punta ang mga kaibigan ni Bella na nasa Manila dahil may mga trabaho ang mga eto. Si Vin naman ay nakapunta ng huling araw na ng burol ng ina ni Bella dahil sa ang dami nyang ginagawa sa Manila."Bella are you okay?" tanong ni Vin kay Bella ng tumabi sya dito sa inuupuan neto. Nakatulala lang kasi si Bella sa kabaong ng kanyang ina.Bumuntong hininga naman muna si Bella bago nagsalita. "Pinipilit kong maging ayos Vin pero ang hirap eh. Amg hirap hirap. Parang gusto ko nalang sumunod kila nanay. Hindi ko na kaya Vin. Sobrang sakit," umiiyak na sagot ni Bella."Bella naman.. wag ka ngang magsalita ng ganyan. Marami kaming nagmamahal sayo. Alam mo kung naririnig ka ni nanay Brenda magagalit yun sayo. Wag kang panghinaan ng loob. Nandito lang kami kung kailangan mo ng karamay," pag aalo ni Vin kay Bella."Ang hirap hirap kasing tanggapin Vin. Una si tatay nasa trabaho lang sya tapos biglang naaksidente na iki