CHAPTER 38Pagdating sa probinsya ay dumeretso na kaagad si Bella sa ospital kung saan naka admit ang kanyang nanay Brenda. Agad naman syang sinalubong ni Aling Linda ng makita sya sa hallway ng ospital."Aling Linda nasan po si nanay?" Sabi agad ni Bella ng salubungin na sya ni Aling Linda."Dito hija," sabi ni aling Linda at dinala na slnya si Bella sa isang kwarto kung nasaan ang ina neto.Pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang natutulog niyang ina. Nanlumo siya sa nakikita nyang kalagayan ng kanyang ina ngayon.Pansin nya na medyo tumabingi ang mukha ng kanyang ina. May mga naka kabit sa katawan neto at napapaligiran eto ng mga aparato na nag iindika ng heart beat ng pasyente. May nakalagay din ditong oxygen habang mahimbing na natutulog. Nag unahan naman sa pagpatak ang luha ni Bella. Parang hindi nya kayang makita sa ganong kalagayan ang kanyang ina."Ku - kumusta po si Nanay?" Tanong ni Bella kay aling Linda."Ang sabi nga ng doktor hija ay nastroke nga ang iyong ina n
CHAPTER 39"Dok... Dok... Si nanay po...," Umiiyak na sigaw ni Bella sa may pinto ng kwarto ng kanyang ina.Agad naman syang napansin ng mga nurse na nandoon kaya agad tinawag ang doktor ng kanyang ina.Nagmamadali namang pumasok sa kwarto ng kanyang ina ang mga doktor at nurse para tingnan eto.Nasa isang gilid lang naman si Bella na walang tigil sa pag iyak. Pinapanood nya kung anong nangyayare sa kanyang ina. Nanginginig ang katawan nya sa takot na baka kung anong mangyare sa kanyang nanay Brenda. "Nay please lumaban ka po. Dyos ko haplusin nyo po sana ang nanay ko maging ayos na po sana sya.. Parang awa nyo na po. Hindi ko po kaya," nausal ni Bella habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.Napansin naman ni Bella na parang dadalhin ang kanyang ina. "Saan nyo po dadalhin ang nanay ko?" Tanong na ni Bella."Miss kailangan na po namin ilipat ang pasyente sa ICU," agad na sagot ng nurse kay Bella.Wala naman ng nagawa pa si Bella ng dinala na ang kanyang ina. Sumunod na l
CHAPTER 40Lumipas pa ang ilang araw at nanatili pa rin si Brenda sa ICU. Hindi pa din eto nagkakamalay. Labis labis na ang pag aalala ni Bella sa kanyang ina dahil hindi pa din eto nagigising. Pinapalitan naman ni aling Linda si Bella sa pagbabantay sa kay Brenda upang makapag pahinga naman si Bella. Minsan ay umaayaw si Bella dahil ayaw nyang iwanan ang kanyang ina ngunit pinipilit sya ni aling Linda dahil baka sya naman daw ang magkasakit kaya wala na syang magawa kundi sumunod na lamang.Kababalik lang ni Bella sa ospital. Galing sya sa kanilang bahay ngayon dahil pina uwi muna sya kanina ni Aling Linda para makapag pahinga naman daw sya. Saglit lang din sya natulog at bumalik na din kaagad sa ospital.Pagkadating nya sa ospital ay umalis na din si aling Linda dahil may pupuntahan daw eto kaya dumiretso na kaagad si Bella sa ICU para tingnan ang kanyang ina. Pinapasok naman sya kaagad ng nurse na nka duty."Kumusta po si nanay?" tanong ni Bella sa nurse habang siya ay nagbibihis
CHAPTER 41Ilang araw din ibuburol si Brenda sa kanilang bahay. Hindi naman naka punta ang mga kaibigan ni Bella na nasa Manila dahil may mga trabaho ang mga eto. Si Vin naman ay nakapunta ng huling araw na ng burol ng ina ni Bella dahil sa ang dami nyang ginagawa sa Manila."Bella are you okay?" tanong ni Vin kay Bella ng tumabi sya dito sa inuupuan neto. Nakatulala lang kasi si Bella sa kabaong ng kanyang ina.Bumuntong hininga naman muna si Bella bago nagsalita. "Pinipilit kong maging ayos Vin pero ang hirap eh. Amg hirap hirap. Parang gusto ko nalang sumunod kila nanay. Hindi ko na kaya Vin. Sobrang sakit," umiiyak na sagot ni Bella."Bella naman.. wag ka ngang magsalita ng ganyan. Marami kaming nagmamahal sayo. Alam mo kung naririnig ka ni nanay Brenda magagalit yun sayo. Wag kang panghinaan ng loob. Nandito lang kami kung kailangan mo ng karamay," pag aalo ni Vin kay Bella."Ang hirap hirap kasing tanggapin Vin. Una si tatay nasa trabaho lang sya tapos biglang naaksidente na iki
CHAPTER 42"Hijo kausapin ko muna si Bella saglit ha," sabi ni aling Linda kay Vin.Tumango tango naman si Vin kay aling Linda saka sya lumabas na muna ng bahay ni Bella.Nang makalabas na si Vin ay hinarap na ni aling Linda si Bella at hinawakan nya eto sa kamay."Bella makinig ka naman sana sa amin hija. Gusto ka lang naman namin tulungan. Hindi naman pupwede na ganyan ka na lang. Tingnan mo ang sarili mo pinapabayaan mo na ang sarili mo. Tingin mo ba matutuwa ang iyong ina sa ginagawa mo ngayon sa sarili mo. Wag kang magmukmok na lang dito. Maraming nagmamahal sayo Bella kaya mahalin at alagaan mo din ang sarili mo," mahabang sabi ni aling Linda kay Bella."Pero kasi po aling Linda gusto ko po sana na mapag isa muna. Miss na miss ko na po kasi sila nanay. Ang hirap po kasing tanggapin na wala na si nanay," umiiyak ng sagot ni Bella."Naiintindihan ka naman namin Bella. Alam namin na masakit para sayo na mawalan ng mahal sa buhay pero hindi ibig sabihin na dahil nalulungkot ka ay pa
CHAPTER 43 Nakarating naman ng payapa sila Vin at Bella sa Manila. Pagkadating nila doon ay agad na sinalubong ng mga kaibigan nya si Bella."BELLA!!!" sigaw ni Myca ng makita nya si Bella na bagong dating lamang. Agad etong tumakbo kay Bella at yinakap eto.Nagsilapit na din naman sila Colleen at Kate kay Bella."Kumusta ka na Bella? Pasensya ka na ha kung hindi man lang kami nakapunta sa probinsya," sabi ni Myca kay Bella ng kumalas eto sa pagkakayakap dito.Ngumiti naman na muna si Bella sa mga kaibigan nya bago sumagot. "Ayos lang naiintindihan ko naman kayo.""Bella anong nangyare sayo bakit nangayayat ka ata?" Sabat naman ni Colleen.Agad naman na siniko ni Kate si Colleen. Dahil pansin naman talaga ang biglang pagbagsak ng katawan ni Bella ngayon marahil ay dahil eto sa pagkawala ng ina neto. Siguro ay labis labis ang lungkot neto kaya napabayaan na ang sarili."Oo nga eh. Masyado ko kasing dinamdam ng pagkawala ni nanay," malungkot na sagot ni Bella."Pasensya na Bella. Pero
CHAPTER 44"Let's go Bella," pag aaya na ni Vin kay Bella. Araw na ngayon ng Linggo at isasama ni Vin si Bella sa kanilang bahay dahil inaya din eto ng kanyang ina."Oo Vin. Saglit na lang eto," sagot naman ni Bella. Natagalan na kasi si Bella sa pagpili ng damit na susuotin nya sa pagpunta kila Vin. Nahihiya kasi talaga syang sumama dito pero mas nakakahiya naman kung tatanggihan nya ang paanyaya ng ina ni Vin.Naghintay na lamang si Vin sa labas ng bahay nila Bella. Sa Kate lang ang kasama ngayon ni Bella doon dahil may mga lakad sila Colleen at Myca."Kate dito na muna ako ha. Bye," pagpapa alam ni Bella kay Kate bago sya lumabas."Sige ingat kayo," nakangiti namang sagot ni Kate kay Bella.Umalis naman na sila Bella at Vin. At ng nasa tapat na sila ng bahay nila Vin ay napatingala na lamang si Bella sa sobrang laki ng bahay nila Vin."Halika na. Pasok na tayo sa loob," saad ni Vin matapos netong buksan ang pinto sa side ni Bella at inilahad pa nya ang kanyang kamay dito.Napatiti
CHAPTER 45"Ate Bella namiss ka namin," sabi ni Vanessa kay Bella habang nasa may pool area sila naka upo."Oo nga ate Bella. Antagal na din natin hindi nagkita no?" Sabat din ni Viela."Oo nga e. Matagal tagal na din ang huli tayong nagkita. Dati mga bata pa kayo ngayon tingnan nyo oh ang gagandang dalaga nyo na," nakangiting sagot ni Bella sa dalawa. "Ikaw din naman ate Bella ang ganda ganda mo na lalo ngayon. Bagay na bagay na lalo kayo ni kuya Vin," kinikilig na sagot naman ni Viela."Ate Bella boyfriend mo na ba si kuya Vin?" Nakangising tanong ni Vanessa kay Bella."Hahaha. Ikaw talaga Vanessa. Bakit mo naman natanong yan?" Tatawa tawang sagot ni Bella."E kasi ate bagay naman talaga kayo ni kuya Vin eh. Dati pa naman botong boto na kami sayo para kay kuya," kinikilig din na sagot ni Vanessa."Oo nga ate. Bagay na bagay kayo ni kuya Vin. Hindi mo pa din ba boyfriend si kuya?" sabat naman ni Viela."Hahaha. Kayo talaga. Hindi ko pa boyfriend si Vin. Ganito naman na kami dati pa