CHAPTER 45"Ate Bella namiss ka namin," sabi ni Vanessa kay Bella habang nasa may pool area sila naka upo."Oo nga ate Bella. Antagal na din natin hindi nagkita no?" Sabat din ni Viela."Oo nga e. Matagal tagal na din ang huli tayong nagkita. Dati mga bata pa kayo ngayon tingnan nyo oh ang gagandang dalaga nyo na," nakangiting sagot ni Bella sa dalawa. "Ikaw din naman ate Bella ang ganda ganda mo na lalo ngayon. Bagay na bagay na lalo kayo ni kuya Vin," kinikilig na sagot naman ni Viela."Ate Bella boyfriend mo na ba si kuya Vin?" Nakangising tanong ni Vanessa kay Bella."Hahaha. Ikaw talaga Vanessa. Bakit mo naman natanong yan?" Tatawa tawang sagot ni Bella."E kasi ate bagay naman talaga kayo ni kuya Vin eh. Dati pa naman botong boto na kami sayo para kay kuya," kinikilig din na sagot ni Vanessa."Oo nga ate. Bagay na bagay kayo ni kuya Vin. Hindi mo pa din ba boyfriend si kuya?" sabat naman ni Viela."Hahaha. Kayo talaga. Hindi ko pa boyfriend si Vin. Ganito naman na kami dati pa
CHAPTER 46Matapos ihatid ni Vin si Bella ay umuwi na din kaagad sya. Papasok na sana si Vin sa kanyang kwarto ng lumabas ang kanyang ama mula sa kwarto nila."O Vin kauuwi mo lang ba?" tanong ni Leonard kay Vin."Opo Pa. Hinatid ko lang po si Bella," sagot naman ni Vin."Vin may mga gagawin ka pa ba? Pwede ba kitang makausap saglit?" sabi ni Leonard."Sure Pa," sagot ni Vin.At pumasok naman na muna sila Leonard at Vin sa library nila sa kanilang bahay."Ano pong pag uusapan natin Pa?" Sabi ni Vin ng maka upo na silang mag ama."Ahm. Vin matanong ko lang. May relasyon na ba kayo ni Bella?" Tanong ni Leonard kay Vin."Wala po kaming relasyon ni Bella Pa. Pero liniligawan ko po sya ngayon," pag amin ni Vin."Ah ganon ba," tipid na sagot ni Leonard.Nag iisip naman si Leonard kung paano nya ba sasabihin kay Vin ang mga kailangan nyang ipagawa dito."Bakit nyo po natanong Pa?" Tanong naman ni Vin."Ah. Wala naman. Natanong ko lang. Sya nga pala Vin bago ko makalimutan bukas ay maaari ka
CHAPTER 47"Okay ka lang ba Vin?" tanong ni Bella kay Vin ng makarating na sila sa bahay nila Bella. Kanina pa kasi tahimik si Vin sa buong byahe nila ni Bella. Hindi sanay si Bella na ganon si Vin dahil madalas ay nagkukwento eto habang sila ay nasa byahe."Ha? Okay lang naman ako Bella. Bakit?" Sagot ni Vin."Wala naman. Nakakapanibago kasi kanina ka pa tahimik. Baka kasi may problema ka eh. O baka naman marami ka pang trabaho dapat hindi mo na muna ako hinatid kaya ko naman umuwi mag isa. Naiintindihan naman kita," sabi ni Bella.Hindi naman kaagad makasagot si Vin dahil hindi nya alam kung paano nya ba eto sasabihin kay Bella. Parang hindi nya kasi kaya na malayo na naman dito. Naglakad na muna sila papasok ng bahay na inuupahan nila Bella. Wala pa ang mga kasama ni Bella sa bahay dahil mga nasa trabaho pa ang mga eto. Tinitingnan naman ni Bella si Vin dahil parang may kakaiba dito. Hinihintay nya na magsalita eto."Pwede mong ikwento sa akin kung may problema ka Vin. Baka matul
CHAPTER 48Habang nag uusap ang mag ama na Leonard at Vin ay tahimik naman na nakikinig si Valerie sa mga eto. Naiwan kasi ni Vin na naka awang ang pintuan ng library. Kaya naririnig ni Valerie ang pag uusap ng mag ama.At nang matapos mag usap ang mag ama at lumabas si Leonard ay inilingan nya eto ngunit dumiretso lang sa kanilang kwarto si Leonard.Hinintay naman nya na lumabas si Vin para kausapin dahil naaawa sya para kay Vin."Vin anak," sabi Valerie kay Vin."Ma I want to rest now," sagot ni Vin kay Valerie at umalis na din patungo sa kanyang kwarto.Tinanaw na lang ni Valerie ang papalayo na si Vin. Awang awa sya kay Vin dahil alam naman nya na ayaw na sana netong umalis ng bansa.Nang makapasok na si Vin sa kwarto neto ay pumunta naman na si Valerie sa kwarto nila ng kanyang asawa.Nadatnan naman nya na kalalabas lang ng CR ng kanyang asawa."Leo baka naman pwede pa natin magawan ng paraan eto," sabi ni Valerie sa kanyang asawa."Valerie ginagawan ko naman na ng paraan ang hi
CHAPTER 49Malungkot na nagtungo si Valerie sa kanilang garden. Naaawa sya para sa anak nyang si Vin. Gustuhin man nyang manatili ang anak ay wala syang magawa dahil yun na lang ang naisip na paraan ng asawa nya para mailayo muna si Vin sa nais na mangyare ni Mr. Sanchez. Naalala pa nya ang mga pinag usapan nila ng kanyang asawa noon.FLASHBACK"Valerie may relasyon ba sila Vin at Bella?" tanong ni Leonard sa asawa nya."Ang alam ko ay liniligawan pa lang ni Vin si Bella. Bakit mo natanong?" Sagot ni Valerie.Bumuntong hininga muna si Leonard bago sumagot sa asawa "Valerie nagkausap kami ni Mr. Sanchez noong isang linggo at gusto nya sanang ipakipagkasundo ang kanyang anak na si Nicole sa anak natin."Gulat naman na napatingin si Valerie sa kanyang asawa. "What? At bakit naman daw?" "Gusto daw ng anak nya si Vin. Noon pa daw ay may pagtingin na si Nicole kay Vin At ngayon gusto na ng anak nya na mapangasawa ang anak natin," sagot ni Leonard."At ano naman ang sinagot mo? Pumayag ka
CHAPTER 50Pagpasok ni Vin sa kanyang opisina ay nadatnan nya ang tambak na kanyang mga gawain na ilang araw ng nandoon. Hindi nya kasi matapos tapos ang mga eto dahil hindi sya makapag concentrate sa kanyang ginagawa. Kauupo pa lang ni Vin ng may kumatok na sa pintuan ng kanyang opisina."Come in," sabi ni Vin.Bumukas naman ang pinto ng kanyang opisina pero ni hindi man lang tiningnan ni Vin kung sino ang pumasok dahil ang akala nya ay ang sekretarya nya lamang eto."Hey bro. Tambak yata ang gawain mo ah," sabi ni Vince na syang dumating.Napatingin naman si Vin dito. "Kuya ikaw pala. Napadaan ka ata. Kumusta?" Sabi ni Vin"Okay naman ako.... Ikaw hindi na kita kukumustahin dahil sa itsura mo pa lang alam kong hindi ka na okay," sagot ni Vince sa kapatid. At umupo na sya sa may harapan ng table ni Vin.Bumuntong hininga naman na muna si Vin at itinigil muna ang ginagawa bago nagsalita. "Hindi kasi ako makapag concentrate kuya kaya ayan natambak ang mga gawain ko. Ang hirap magtrabah
CHAPTER 51Nang maiwan naman na mag isa si Leonard ay napahawak na lamang sya sa kanyang ulo. Sumasakit na naman eto dahil naalala na naman nya ang tungkol kay Mr. Sanchez at sa anak neto. Inaabala na nga lang nya ang kanyang sarili para kahit papaano ay makalimutan nya eto.Nag iisip pa din sya ng iba pang solusyon para lang hindi matuloy ang nais ni Mr. Sanchez na arrange marriage kila Vin at Nicole.Naaalala pa din nya ang mga napag usapan nila ni Mr. Sanchez noon ng minsan syang ayain neto na mag dinner.FLASHBACK"Good evening Mr. Sanchez. Pasensya na po kung nalate ako ng dating. Naipit po kasi ako sa traffic," sabi ni Leonard kay Mr. Sanchez ng dumating siya sa isang restaurant na sinabi sa kanya ni Mr. Sanchez. Agad naman din syang lumapit dito at nakipag kamay.Si Mr. Lyndon Sanchez ay kilala bilang isa sa pinaka mayaman sa bansa. Isa eto sa investors ng pamilya De Villa at maraming naengganyo na mag invest sa kanila dahil sa mga koneksyon ni Mr. Sanchez.May dalawang anak si
CHAPTER 52Linggo ngayon at inaya ni Vin ang mga kaibigan nya na mag food trip daw sila sa bahay na inuupahan nila Bella."Ang daming pagkain ah. Anong meron?" Sabi ni Myca ng makita neto na madaming pagkain sa kanilang lamesa."Oo nga anong meron. Sinagot mo na ba si Vin Bella at nagcecelebrate na tayo ngayon?" Sabat naman ni Colleen."Hindi ah. Sana nga ganon na lang. Pero hindi eh. Si Vin na lang ang tanungin nyo," malungkot na sagot ni Bella.Nagkatinginan naman sila Myca at Colleen sa sinabi ni Bella. "Eh kung hindi pala. Bakit may pa ganito. Masyado naman atang madami tong pagkain natin. May bisita pa ba kayo na dadating?" Naguguluhan na tanong pa ni Myca.Sakto naman na pumasok si Vin sa loob ng bahay nila Bella at may dala pa etong mga pizza."Hey Vin. Anong meron?" tanong ni Myca kay Vin.Linapag naman na muna ni Vin ang mga dala dala nya bago nagsalita. "Mamaya ko na sasabihin. Mabuti pa kumain na lang muna tayo." Kumain naman na muna silang magkakaibigan. Pansin nila na m