CHAPTER 41Ilang araw din ibuburol si Brenda sa kanilang bahay. Hindi naman naka punta ang mga kaibigan ni Bella na nasa Manila dahil may mga trabaho ang mga eto. Si Vin naman ay nakapunta ng huling araw na ng burol ng ina ni Bella dahil sa ang dami nyang ginagawa sa Manila."Bella are you okay?" tanong ni Vin kay Bella ng tumabi sya dito sa inuupuan neto. Nakatulala lang kasi si Bella sa kabaong ng kanyang ina.Bumuntong hininga naman muna si Bella bago nagsalita. "Pinipilit kong maging ayos Vin pero ang hirap eh. Amg hirap hirap. Parang gusto ko nalang sumunod kila nanay. Hindi ko na kaya Vin. Sobrang sakit," umiiyak na sagot ni Bella."Bella naman.. wag ka ngang magsalita ng ganyan. Marami kaming nagmamahal sayo. Alam mo kung naririnig ka ni nanay Brenda magagalit yun sayo. Wag kang panghinaan ng loob. Nandito lang kami kung kailangan mo ng karamay," pag aalo ni Vin kay Bella."Ang hirap hirap kasing tanggapin Vin. Una si tatay nasa trabaho lang sya tapos biglang naaksidente na iki
CHAPTER 42"Hijo kausapin ko muna si Bella saglit ha," sabi ni aling Linda kay Vin.Tumango tango naman si Vin kay aling Linda saka sya lumabas na muna ng bahay ni Bella.Nang makalabas na si Vin ay hinarap na ni aling Linda si Bella at hinawakan nya eto sa kamay."Bella makinig ka naman sana sa amin hija. Gusto ka lang naman namin tulungan. Hindi naman pupwede na ganyan ka na lang. Tingnan mo ang sarili mo pinapabayaan mo na ang sarili mo. Tingin mo ba matutuwa ang iyong ina sa ginagawa mo ngayon sa sarili mo. Wag kang magmukmok na lang dito. Maraming nagmamahal sayo Bella kaya mahalin at alagaan mo din ang sarili mo," mahabang sabi ni aling Linda kay Bella."Pero kasi po aling Linda gusto ko po sana na mapag isa muna. Miss na miss ko na po kasi sila nanay. Ang hirap po kasing tanggapin na wala na si nanay," umiiyak ng sagot ni Bella."Naiintindihan ka naman namin Bella. Alam namin na masakit para sayo na mawalan ng mahal sa buhay pero hindi ibig sabihin na dahil nalulungkot ka ay pa
CHAPTER 43 Nakarating naman ng payapa sila Vin at Bella sa Manila. Pagkadating nila doon ay agad na sinalubong ng mga kaibigan nya si Bella."BELLA!!!" sigaw ni Myca ng makita nya si Bella na bagong dating lamang. Agad etong tumakbo kay Bella at yinakap eto.Nagsilapit na din naman sila Colleen at Kate kay Bella."Kumusta ka na Bella? Pasensya ka na ha kung hindi man lang kami nakapunta sa probinsya," sabi ni Myca kay Bella ng kumalas eto sa pagkakayakap dito.Ngumiti naman na muna si Bella sa mga kaibigan nya bago sumagot. "Ayos lang naiintindihan ko naman kayo.""Bella anong nangyare sayo bakit nangayayat ka ata?" Sabat naman ni Colleen.Agad naman na siniko ni Kate si Colleen. Dahil pansin naman talaga ang biglang pagbagsak ng katawan ni Bella ngayon marahil ay dahil eto sa pagkawala ng ina neto. Siguro ay labis labis ang lungkot neto kaya napabayaan na ang sarili."Oo nga eh. Masyado ko kasing dinamdam ng pagkawala ni nanay," malungkot na sagot ni Bella."Pasensya na Bella. Pero
CHAPTER 44"Let's go Bella," pag aaya na ni Vin kay Bella. Araw na ngayon ng Linggo at isasama ni Vin si Bella sa kanilang bahay dahil inaya din eto ng kanyang ina."Oo Vin. Saglit na lang eto," sagot naman ni Bella. Natagalan na kasi si Bella sa pagpili ng damit na susuotin nya sa pagpunta kila Vin. Nahihiya kasi talaga syang sumama dito pero mas nakakahiya naman kung tatanggihan nya ang paanyaya ng ina ni Vin.Naghintay na lamang si Vin sa labas ng bahay nila Bella. Sa Kate lang ang kasama ngayon ni Bella doon dahil may mga lakad sila Colleen at Myca."Kate dito na muna ako ha. Bye," pagpapa alam ni Bella kay Kate bago sya lumabas."Sige ingat kayo," nakangiti namang sagot ni Kate kay Bella.Umalis naman na sila Bella at Vin. At ng nasa tapat na sila ng bahay nila Vin ay napatingala na lamang si Bella sa sobrang laki ng bahay nila Vin."Halika na. Pasok na tayo sa loob," saad ni Vin matapos netong buksan ang pinto sa side ni Bella at inilahad pa nya ang kanyang kamay dito.Napatiti
CHAPTER 45"Ate Bella namiss ka namin," sabi ni Vanessa kay Bella habang nasa may pool area sila naka upo."Oo nga ate Bella. Antagal na din natin hindi nagkita no?" Sabat din ni Viela."Oo nga e. Matagal tagal na din ang huli tayong nagkita. Dati mga bata pa kayo ngayon tingnan nyo oh ang gagandang dalaga nyo na," nakangiting sagot ni Bella sa dalawa. "Ikaw din naman ate Bella ang ganda ganda mo na lalo ngayon. Bagay na bagay na lalo kayo ni kuya Vin," kinikilig na sagot naman ni Viela."Ate Bella boyfriend mo na ba si kuya Vin?" Nakangising tanong ni Vanessa kay Bella."Hahaha. Ikaw talaga Vanessa. Bakit mo naman natanong yan?" Tatawa tawang sagot ni Bella."E kasi ate bagay naman talaga kayo ni kuya Vin eh. Dati pa naman botong boto na kami sayo para kay kuya," kinikilig din na sagot ni Vanessa."Oo nga ate. Bagay na bagay kayo ni kuya Vin. Hindi mo pa din ba boyfriend si kuya?" sabat naman ni Viela."Hahaha. Kayo talaga. Hindi ko pa boyfriend si Vin. Ganito naman na kami dati pa
CHAPTER 46Matapos ihatid ni Vin si Bella ay umuwi na din kaagad sya. Papasok na sana si Vin sa kanyang kwarto ng lumabas ang kanyang ama mula sa kwarto nila."O Vin kauuwi mo lang ba?" tanong ni Leonard kay Vin."Opo Pa. Hinatid ko lang po si Bella," sagot naman ni Vin."Vin may mga gagawin ka pa ba? Pwede ba kitang makausap saglit?" sabi ni Leonard."Sure Pa," sagot ni Vin.At pumasok naman na muna sila Leonard at Vin sa library nila sa kanilang bahay."Ano pong pag uusapan natin Pa?" Sabi ni Vin ng maka upo na silang mag ama."Ahm. Vin matanong ko lang. May relasyon na ba kayo ni Bella?" Tanong ni Leonard kay Vin."Wala po kaming relasyon ni Bella Pa. Pero liniligawan ko po sya ngayon," pag amin ni Vin."Ah ganon ba," tipid na sagot ni Leonard.Nag iisip naman si Leonard kung paano nya ba sasabihin kay Vin ang mga kailangan nyang ipagawa dito."Bakit nyo po natanong Pa?" Tanong naman ni Vin."Ah. Wala naman. Natanong ko lang. Sya nga pala Vin bago ko makalimutan bukas ay maaari ka
CHAPTER 47"Okay ka lang ba Vin?" tanong ni Bella kay Vin ng makarating na sila sa bahay nila Bella. Kanina pa kasi tahimik si Vin sa buong byahe nila ni Bella. Hindi sanay si Bella na ganon si Vin dahil madalas ay nagkukwento eto habang sila ay nasa byahe."Ha? Okay lang naman ako Bella. Bakit?" Sagot ni Vin."Wala naman. Nakakapanibago kasi kanina ka pa tahimik. Baka kasi may problema ka eh. O baka naman marami ka pang trabaho dapat hindi mo na muna ako hinatid kaya ko naman umuwi mag isa. Naiintindihan naman kita," sabi ni Bella.Hindi naman kaagad makasagot si Vin dahil hindi nya alam kung paano nya ba eto sasabihin kay Bella. Parang hindi nya kasi kaya na malayo na naman dito. Naglakad na muna sila papasok ng bahay na inuupahan nila Bella. Wala pa ang mga kasama ni Bella sa bahay dahil mga nasa trabaho pa ang mga eto. Tinitingnan naman ni Bella si Vin dahil parang may kakaiba dito. Hinihintay nya na magsalita eto."Pwede mong ikwento sa akin kung may problema ka Vin. Baka matul
CHAPTER 48Habang nag uusap ang mag ama na Leonard at Vin ay tahimik naman na nakikinig si Valerie sa mga eto. Naiwan kasi ni Vin na naka awang ang pintuan ng library. Kaya naririnig ni Valerie ang pag uusap ng mag ama.At nang matapos mag usap ang mag ama at lumabas si Leonard ay inilingan nya eto ngunit dumiretso lang sa kanilang kwarto si Leonard.Hinintay naman nya na lumabas si Vin para kausapin dahil naaawa sya para kay Vin."Vin anak," sabi Valerie kay Vin."Ma I want to rest now," sagot ni Vin kay Valerie at umalis na din patungo sa kanyang kwarto.Tinanaw na lang ni Valerie ang papalayo na si Vin. Awang awa sya kay Vin dahil alam naman nya na ayaw na sana netong umalis ng bansa.Nang makapasok na si Vin sa kwarto neto ay pumunta naman na si Valerie sa kwarto nila ng kanyang asawa.Nadatnan naman nya na kalalabas lang ng CR ng kanyang asawa."Leo baka naman pwede pa natin magawan ng paraan eto," sabi ni Valerie sa kanyang asawa."Valerie ginagawan ko naman na ng paraan ang hi