Alexes POV
"Tok! Tok! Tok!" Katok sa pinto.
"Senyorita, bumaba na raw po kayo nakahanda na po ang hapunan," sabi nang na sa likod ng pinto.
Tumayo ako upang buksan ang pintuan.
"Magandang gabi! Senyorita, kakain na po kayo pinasasabi ni, Senyorito Kenny," sabi nito.
"Sige po Aling..." pag-aalinlangan kong sabi dahil nakalimutan ko ang pangalan nito.
"Nana Loling ho, Senyorita. Ako ang mayordoma sa mansion na ito," pagpakilala nito sa akin.
"Alexes po," pagpapakilala ko naman sa kan'ya.
"Ikinagagalak ko na sa wakas nakilala kita nang personal," masayang sabi nito.
"Sige ho Senyorita, magpapaalam na po ako," sabi nito na papaalis na.
"Sandali, lang ho Nana Loling. Gusto ko po sana magpalit ng suot kong ito. Nangangawit na kasi ang mga paa ko sa high hills," sabi ko.
"Ay oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin na pinasasabi po ni Senyorito, na magpalit ka nang damit. Nasa closet na po ang lahat
hello po every one, I just wanna thank you to all who read this story of mine. Maraming salamat sa lahat na sumusuporta at bumabasa ng story ko. Ako po ay nagagalak sa tuwing nakikita ko na may nagcocomment sa story ko. Love you all my mamalab, papalab, atelab, kuyalad, tita at titolab, most especially to all my bebelab😊. Thank you so much. Enjoy reading.
Kenny POV It is 5 o'clock in the morning, pero hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil mga ilang beses akong pabalik-balik sa silid ni Alexes. Gusto ko siyang makasama sa pagtulog ngunit iniisip ko na baka magalit siya sa akin kapag ginawa ko iyon. May mga pagkakataon pa na tatabi na sana ako sa kan'ya pero hindi ko itinutuloy dahil nag-aalinlangan ako na baka magising siya. Ang sarap-sarap pa naman nang tulog nito na mababanaag ang saya sa kan'yang mukha. Para kasing nakangiti ito habang natutulog. "Sana ako ang iniisip mo, Honey," sambit ko habang tinititigan ang napakaamo at napakagandang mukha nito. Napapangiti ako habang iniisip ang kagagawan ko kagabi. Hindi ko kasi mawari sa sarili kung ano talaga ang gusto ko. Hindi ako mapakali kapag hindi ko nakikita si Alexes. Pero kapag nand'yan na siya sa aking harapan ay wala naman akong maisipang gawin. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at naiiling na napapangiti. Ini
Alexes POV Araw-araw ako na naging masaya kasama si Kenny sa islang 'to. Lumilipas ang mga araw na pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao sa lugar na ito. Isang araw habang kami ay na sa dalampasigan. "Amm... Kenny, pwede ba magtanong," sabi ko habang ako ay nakaupo sa buhanginan na nasa dalampasigan ng dagat at s'ya naman ay nakahiga at nakaunan sa mga hita ko. "Hmm! Ano 'yon, Honey?" tanong nito habang nakapikit ang mga mata. "Hanggang kailan mo ba balak na hindi ako iuwi sa amin? Kasi nag-aalala na ako kina mommy, at daddy. Gano'n din sa mga trabahong naiwan ko sa opisina. At saka iyong mga projects ko, sino ang gagawa nang mga 'yon?" tanong ko. "Anong uuwi, Honey? Hindi na kita iuuwi sa inyo dahil nandito ka na sa tahanan mo, sa tahanan natin," sabi nito. "Tahanan ko, natin?" sabi ko na nagtatanong. "Yes! Honey, gusto ko kapag ikinasal na tayo at magkakaanak, dito natin sila palalakihin. Dito tayo mamum
Kenny POV "Toot! Toot! Toot! someone people outside, someone people outside," tunog mula sa remote control na na sa ibabaw ng maliit na mesa rito sa silid ko. Wala naman akong inaasahang bisita na darating. Bumangon ako sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. "Ahh! Mag-aalas singko na pala nang umaga," sambit ko. Pumunta ako sa screen monitor ng CCTV upang tingnan kung sino ang na sa main gate. Nang tingnan ko ito ay may nakita akong isang babaing na sa labas at pinupokpok nito ng bato ang main gate. Nagtataka ako dahil may doorbell naman bakit kailangan pa nito gumamit ng bato. "Teka lang parang kilala ko ang babaing 'yan ah! Si Trixie," nasambit ko sa pangalan nito. "Bakit nandito siya sa ganitong oras at papaano siya nakarating dito. Bakit niya nalaman ang lugar na ito," taka kong tanong sa sarili. Kinuha ko ang remote control at binuksan 'yong main gate. Bumaba ak
Kenny POV "Deritso na kita sa hospital," sabi ko kay Trixie, habang nagmamaneho ng kotse. "Ah! Babe! huwag na, nawala na 'yong sakit ng t'yan ko. Baka nalamigan lang ako!" pigil sabi nito sa akin. "Are you sure Trixie, baka kasi anong mangyari sa'yo at sa baby mo kapag hindi ka pumunta ng hospital. Kahit magpacheck-up ka na lang," nag-aalala ko pa ring sabi. "Okay na ako babe, kabag lang 'yon siguro," sabi nito. Medyo nakampanti ako sa sinabi nito. Nakakahinga na ako nang maluwag dahil kanina alalang-alala ako sa kalagayan nito. "Mabuti naman kung gano'n at hindi na sumasakit ang t'yan mo. Nag-alala talaga ako sa'yo kanina. Pero mas mabuti na magpatingin ka pa rin sa doctor," pamimilit ko pa rin sa kan'ya. "Sinabi ko nang hindi na nga sumasakit ang t'yan ko eh. Nawala na ang sakit. Wala na akong nararamdaman pa. Huwag ka na ngang makulit d'yan. Sa condo ko na lang tayo dederitso," sabi nito habang nakanguso ang mga bibig.
Trixie POV"Argh! Bweset ka talaga Alexes, sa buhay namin ni Kenny! Kahit kailan ikaw ang hadlang sa aming dalawa. Hindi ako makakapayag na matuloy ang kasal ninyong dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya ka kay Kenny, habang ako ay mag-iisang palakihin ang batang ito na hindi ko alam kung sino ang ama!" Galit na galit kong sabi habang kinakausap ang sarili ko sa salamin.Nandito ako ngayon sa loob ng aking silid sa condo unit ko at nag-iisip kung ano ang maaari kong gawin para mapaghiwalay ko sina Kenny at Alexes. Gagawa at hahanap ako nang paraan para hindi matuloy ang kanilang kasl.Hindi ako papayag na mapunta si Kenny kay Alexes dahil takot akong maiwan na mag-isa at walang kasamang magpapalaki sa batang ito na nasa sinapupunan ko na walang kikilaning ama.At nanumbalik sa aking isipan ang malagim na nangyari sa akin noon, mga halos mag-8 months na ang nakalipas.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~FLASHBACKTrixie POV(Warning SPG c
Alexes POV Nagising ako na masama ang pakiramdam. Alas-9 na pala nang umaga. "Senyorita Alexes, gising na po kayo," tawag ni Nana Loling, sa labas ng silid ko. "Opo! Nana Loling, pasok po kayo," sabi ko na hindi pa rin bumabangon sa higaan. Bumukas ang pinto at pumasok si Nana Loling na may dala-dalang pagkain na nasa food tray. "Senyorita, dinalhan ko po kayo ng gatas at sandwiches. Hindi pa kasi kayo nag-aalmusal. Baka kako may sakit ka kasi mataas na ang araw hindi ka pa rin bumababa. Bilin kasi ni Senyorito Kenny, na alagaan ka," sabi nito. "Salamat po Nana Loling, pakilapag na lang po sa mesa mamaya ko na lang kakainin 'yan, hindi pa kasi ako nagugutom. Parang wala akong ganang kumain. Saka tama po kayo masama nga po pakiramdam ko. Pero okay lang po ako, parang inaantok pa po ako eh," sabi ko. "Ahh! Sige po Senyorita, pahinga na lang po muna kayo. Bababa na po ako," paalam nito at lumabas na ng silid ko
Alexes POV "Hindi totoo 'yan! Hindi totoo ang mga dokumentong ito! Mahal na mahal ako ni Kenny, at ako ang pakakasalan niya. Hindi n'ya ito magagawa sa akin. Nangako s'ya sa akin na hinding-hindi na n'ya ako sasaktang muli!" sabi ko habang umaagos ang mga luha ko. "Pak!" Nagulat ako nang sinampal ako ni, Trixie. "Huwag ka ngang tanga, Alexes! Kung talagang ikaw ang mahal ni, Kenny, bakit hindi mo alam kung na saan siya ngayon. Bakit siya sumama kaagad-agad sa akin na hindi manlang nagpapaalam sa'yo? At saka one more thing! magkakaroon na kami ng anak ni, Kenny. Isang buwan na lang lalabas na ang anak namin. Pagkatapos no'n ay magpapakasal na kami. Magkakaroon kami nang isang masayang pamilya. Saka makakaya mo ba na agawan ng karapatang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya ang isang batang inosente dahil lang d'yan sa kalandian mo! At papayag ka ba na tawaging isang kabet. Kung sabagay totoo ngang kabet ka lang, Alexes. Ginamit ka lang ni Kenny, para mak
Kenny POVHindi ako mapakali at kanina pa ako pabalik-balik sa labas ng kwarto na pinagdalhan kay, Tito Albert dito sa hospital. Hindi ako mapalagay dahil gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan nito sa loob. Maya't-maya ay sumisilip ako sa bintana, ngunit wala akong makita kundi ang mga doktor at nurse na abala sa pag-asikaso kay Tito Albert.Kanina ko pa tinawagan si Tita Ellen at parating na raw ito.Maya-maya pa ay humahangos na dumating si Tita Ellen."Kenny, anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito."Kumusta na si Albert? Na saan na siya," umiiyak na sabi nito."Tita Ellen, kalma lang po. Relax lang po kayo baka mapaano rin kayo. Magiging okay din si Tito Albert," sabi ko."Bakit siya narito sa hospital, ano ba ang nangyari?" tanong nito."Nagkaroon nang heart attack si Tito Albert, habang kami ay nag-uusap kanina sa opisina niya. Na sa loob na siya ng I.C.U at inaasikaso na ng mga doktor at nurses," paliwanag