Share

Chapter 31 Betrayed

Alexes POV

Nagising ako na masama ang pakiramdam. 

Alas-9 na pala nang umaga.

"Senyorita Alexes, gising na po kayo," tawag ni Nana Loling, sa labas ng silid ko. 

"Opo! Nana Loling, pasok po kayo," sabi ko na hindi pa rin bumabangon sa higaan.

Bumukas ang pinto at pumasok si Nana Loling na may dala-dalang pagkain na nasa food tray.

"Senyorita, dinalhan ko po kayo ng gatas at sandwiches. Hindi pa kasi kayo nag-aalmusal. Baka kako may sakit ka kasi mataas na ang araw hindi ka pa rin bumababa. Bilin kasi ni Senyorito Kenny, na alagaan ka," sabi nito.

"Salamat po Nana Loling, pakilapag na lang po sa mesa mamaya ko na lang kakainin 'yan, hindi pa kasi ako nagugutom. Parang wala akong ganang kumain. Saka tama po kayo masama nga po pakiramdam ko. Pero okay lang po ako, parang inaantok pa po ako eh," sabi ko.

"Ahh! Sige po Senyorita, pahinga na lang po muna kayo. Bababa na po ako," paalam nito at lumabas na ng silid ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status