Rhian's Point of View"B-Blake, n-nakaalis ka na ba?" Humihikbing bungad ko kay Blake nang sagutin nito ang aking tawag. "Rhian? Bakit ka umiiyak, may masama bang nangyari sa'yo at sa baby mo?" Nag-aalalang tanong naman ni Blake sa kabilang linya. Umiling-iling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "S-sasama na ako sa'yo." Natigilan naman si Blake sa kabilang linya, hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng dalaga. Hindi agad siya nakapagsalita. "B-Blake, nandiyan ka pa ba?" Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ng lalaki. Wala na akong ibang malalapitan kung hindi siya."Five hours pa bago ang flight, hihintayin kita." Ani Blake. Hindi niya alam kung ano ang nagpabago sa isip ng babae pero sisiguraduhin niyang hindi na ito muling iiyak pa. "Ayusin mo na ang mga gamit mo.""Salamat." Pagkasabi ko nito ay pinatay ko na ang phone ko. Buo na ang desisyon ko. Sasama na ako kay Blake pabalik ng Spain. Hindi ko alam kung kaya ko bang palakihin ang bata na ako lang mag-isa nguni
Rhian's Point of ViewFive Years Later.."Tito Blake!" Malakas na sigaw ni Zane nang makita niyang dumating si Blake. Tumakbo ito upang salubungin ang lalaki. Masaya naman binuhat ni Blake ang aking anak nang makalapit ito sa kanya. "I miss you, my little boy." Nakangiting saad ni Blake. "I miss you too, tito Blake. Bakit ngayon lang po kayo napadalaw?" Natawa naman ako sa naging reaksyon ng aking anak dahil nakasimangot iyon sa kanyang tito Blake. Pinagmasdan ko ang aking anak habang buhat-buhat ito ni Blake. Ang dalawang pares na kulay asul na mga mata nito ay hinding hindi ko makakalimutan. Maging ang pares ng kilay na laging nakataas. Ang labi at hugis ng mukha ng aking anak at ng kanyang ama ay tila pinagbiyak na bunga. Hindi makakailang isang montereal ang aking anak.Napangiti ako nang mapait ng maalala ang lalaki.Nakasimangot pa rin ang aking anak kahit pilit na pinapatawa siya ni Blake. Alam kong natatampo ito sa kanyang tito Blake dahil ilang linggo na itong hindi bum
Rhian's Point of View"Good morning, Liam." Nakangiting bati ko sa aking talent manager. "Say hi to Liam, anak""Hi! Uncle Liam." Masayang bati naman ng aking anak.Nakasanayan ko nang isama si Zane kapag may photoshoot ako. Wala kasing magbabantay sa kanya. Mabuti na lamang at pumayag si Liam na isama ko ang aking anak. Wala naman problema dito dahil tahimik lang na nanunuod sa akin si Zane.Masayang lumapit sa amin si Liam. "Hello, little boy." Saka ginulo-gulo nito ang buhok ng aking anak.Si Liam ay isang Pilipino at talent manager sa pinakasikat na modeling agency dito sa Spain. Magaganda at professional ang kanilang mga modelo.Katulad din si Liam ni Mikaela na lalaki kong tingnan ngunit babae naman kung kumilos. Nakilala niya ako noong ipinagbubuntis ko pa lamang si Zane. Nakita niya ako sa mall kung saan namimili ako ng mga gamit para sa panganganak ko.Kahit malaki na ang aking tiyan noon ay kinuha pa rin niya akong modelo. Naging successfull iyon, kaya naman nagsunod-sunod
Rhian's Point of View"Thank you nga pala sa pagsama dito sa aking anak sa mall, pasensya na din kung nagpasaway siya sa'yo." Nahihiya kong saad kay Liam."Naku! Ako nga dapat humingi ng pasensya sa'yo. Kung alam mo lang ang takot na naramdaman ko nang makita kong wala siya sa pwesto na pinag-iwanan ko."Malungkot akong napalingon sa aking anak. Walang imik nitong nilalaro ang kanyang laruan. Ngayon lamang ito sumuway sa utos ng kanyang uncle Liam. Si Logan kaya talaga ang nakita niya? Pero imposible, ano naman ang gagawin niya dito sa Spain."Kakausapin ko na lamang siya mamaya. Hindi naman sigurado kung ang daddy ba niya ang nakita niya." Seryoso naman akong tiningnan ni Liam bago nilingon ang aking anak."Hmm kung ako sayo, ipagtapat ko na sa bata ang tungkol sa daddy niya. Matalino ang anak mo kaya maiintindihan niya ang sitwasyon ninyo." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi pa ako handang sabihin sa aking anak ang lahat, ngunit maaring tama siya. Matalino ang aking anak, alam n
Rhian's Point of View"What are you doing, sweety?" Malambing kong tanong sa aking anak. Napansin kong kanina pa ito hindi lumalabas ng kanyang kwarto kaya naman pinuntahan ko na ito. Abala ito sa kanyang computer. Nang makita niya akong pumasok ay agad nitong pinatay ang kanyang computer. "Uhm.. nothing." Pinagpapawisan na saad ni Zane. Kanina pa siya naghahanap sa internet ng larawan ng taong kamukha niya, ngunit wala siyang makita. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang mommy kung anong pangalan ng kanyang daddy dahil baka magalit ito sa kanya ito. "Why are you here, mommy?Napataas naman ang aking kilay sa tanong na iyon ng aking anak. " Hmm.. bawal na ba si mommy pumasok sa kwarto mo?" Kunwa'y nagtatampong tanong ko dito."No, mommy. Nagulat lang po ako. "Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "May kailangan po ba kayo, mommy?" Huminga muna ako nang malalim. Napag-isipan ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa daddy niya.Tiningnan ko muna ang aking anak na matiyagang naghihi
Rhian's Point of View"Blake, ikaw na muna ang bahala sa anak ko." Nahihiya kong saad sa lalaki.Inihatid ko ang aking anak sa bahay ni Blake. Sa kanya ko muna iniwan si Zane para may kasama ang anak ko.Ngayon gaganapin ang Fashion Night. Wala akong mapag-iiwanan kay Zane kaya nakiusap ako kay Blake na kung pwede doon muna ang aking anak."Huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa anak mo. Basta mag-iingat ka."Nginitian ko naman si Blake bilang pasasalamat. Binalingan ko ang aking anak."Behave ka lang dito ah! 'Wag maging pasaway kay tito Blake." Paalala ko sa aking anak. Mabuti na lamang at sana'y na ito kay Blake. "Yes, mommy. Ingat ka doon, mommy! Huwag kang mag-iinom ng alak!" Parang matanda naman ito kung pagsabihan ako."Opo, boss!" Natatawa kong tugon."Mommy, ayaw ko nang maglinis ng pinagsukahan mo!" Nakanguso saad ni Zane.Nahiya naman ako dahil pinaalala na naman niya noong minsan akong umuwi na lasing galing trabaho. Nagkayayaan ang mga kasama ko na mag bar. Pag-uwi ko ay
Rhian's Point of View"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Vera. Hindi niya akalain na makikita niya ang babae sa ganito kalaking event. "Hindi ka nababagay dito. Kaya kong ako sa'yo, umuwi ka na." Napaismid naman ako sa sinabing iyon ni Vera. Siya lang ba ang may karapatan dumalo? "Ikaw lang ba ang may karapatan, Vera? Bakit, natatakot ka ba dahil naririto ako?""Bakit naman ako matatakot sa iyo? Nagpapatawa ka ba?" Halos ikuyom naman ni Vera ang kanyang kamay. Hindi niya maiwasan makaramdam ng inggit sa babae. Hindi makakailang umangat ang ganda ng babae ngayon gabi. Muntik na niyang hindi ito makilala kanina. "Sabagay, hindi na naman nakapagtataka kong naririto ka, pwede ka naman bumayad para lang makadalo sa ganitong event."Natawa naman ako sa huling sinabi ni Vera. Hindi ko na kailangan pang bumayad para lang makadalo dahil isa ang kumpanya namin sa mga VIP guest ng Fashion Night."Nagkakamali ka yata ng iniisip mo, Vera. Alam mong hindi basta-basta ang makapasok dito l
Rhian's Point of View"Hhmmm.. s-sandali lang Logan." Bahagya ko siyang tinulak. Ibinaba ko ang aking tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sa akin. Gusto ko pa sanang makasama ang lalaki ngunit siguradong hinahanap na ako ni Liam. "P-pasensya na pero kailangan ko nang umalis."Hinintay kong magsalita si Logan ngunit nanatili itong tahimik. Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at muling nagtama ang aming mga mata. Ilang saglit pa ay tumango-tango ito sa akin. Pabagsak itong umupo sa kama. "Okay. Makakaalis ka na!"Bakas sa mukha ni Logan ang pagkadismaya nito. Mariin pa itong pumikit at tila hinihintay na lang ang aking pag-alis.Parang napako naman ang aking mga paa. Ang isang parte ng aking isip ay nagsasabing huwag akong umalis at manatili sa tabi niya ngunit sa isang banda ay kailangan ko nang umalis, hindi dahil sa hahanapin ako ni Liam ngunit para makaiwas sa kanya.Saglit na namayani ang katahimikan. Nagmulat naman ng mga mata ang lalaki nang tumikhi