NAPASINGHAP si Alessandra nang sumigid ang lamig sa kanyang katawan dahil sa juice na itinapon sa kanya ng babaeng kaharap. Nagtaas siya ng mukha rito nang hindi pa rin humuhupa ang pagkagulat.
"Are you stupid? I told you no ice in my juice! You get out of my sight you stupid lowlife," sigaw nito sa kanyang mukha sabay duro sa kanyang ulo. Mahahalata ang galit sa mukha habang nakatingin sa kanya. "Ano, tutunganga ka na lang ba riyan? Hindi ka ba nakaka-intende ng english, ha? Umalis ko sa harapan ko, bobo!"
Naikuyom niya ang kamao dahil sa pang-iinsulto nito. Ipinalibot niya ang mga mata sa loob ng restaurant at napansing nakatingin na sa kanila ang mga nasa loob. She was torn between running away because of embarrassment or slapped the woman in front of her. She had no right to say and do those things to her.
Alam niyang waitress lang siya ng five-star restaurant na iyon. Ngunit ginagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho at hindi siya nagpapabaya. Malinaw niyang narinig ang mga sinabi nito kanina habang nag-o-order at sinabi nitong malamig na juice ang gusto nito. Kahit pa siguro nagkamali siya ay wala pa rin itong karapatan na gawin iyon sa kanya. The woman was acting on impulse and she noticed earlier that she had a heated conversation with the man sitting across her. Pakiramdam niya'y sa kanya nabuhos ang galit nito.
Tumayo ang kasama nitong lalaki kaya bahagya niya iyong sinulyapan at nagsalubong ang kanilang mga mata. Nakikita niya ang galit sa mukha nito kaya bahagya siyang napaatras. He was tall and intimidating.
"Don't make a scene, Stef!" mahina ngunit mariin nitong sabi sa babaeng nagtapon sa kanya ng juice. Kapagkuwan ay hinawakan nito ang braso ng babae at hinila palabas ng restaurant.
Mabilis din niyang inihakbang ang mga paa at tinalunton ang kinaroroonan ng locker room. Hindi niya pinansin ang mga kasamahan na nagtanong kung okay lang ba siya. Of course, she wasn't!
Ini-lock niya ang pinto pagkapasok at umupo sa sahig pasandig doon. Naikuyom niyang muli nang mariin ang kamao dahil sa nangyari kanina, ni hindi man lang niya nagawang ipagtanggol ang sarili.
Isang nahahapong buntung-hininga ang kumawala sa kanyang mga labi pagkatapos ay tumitig sa kawalan. She was tired, so tired with her life that she wanted to give up now, but she knew she couldn't. Her mind and body were exhausted, the only thing that kept her from moving forward was her siblings.
She's a student, she had two jobs, a mother and a sister to her siblings and she was the only one who provides for their family.
Sumama sa pagod niya ang lungkot at sakit dahil sa pagkawala ng kanyang ina mahigit tatlong buwan na ang nakakalipas. She still couldn't move on. Hindi siya naging handa sa ganoong pangyayari kaya ngayon ay iniinda pa rin niya ang pagkawala ng kanyang inang si Amanda.
After everything that happened to her and her family, the insults she received earlier were beyond the pale. She deserved to be respected, at least.
Isa muling pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago tumayo at nagbihis. She had her priorities, it's not the time to sulk and be miserable.
THE erratic neon lights inside the bar were like the lights of the North. The sight of the dance floor brought a frisson of joy and heat. The crowds were hyped up, feet are moving with the crazy beat as if they belonged to the music.
Smokes and cigarettes and drunk men surround the place. It was filled with laughs, talks, and sounds from the speaker.
It was only nine-thirty in the evening but the bar was filled with party-goers. Almost all of the customers are men, some are drinking alone and some are with their friends and acquaintances.
Wasted was a famous bar in the area. Malinis at disente ang lugar, maayos rin ang reputasyon ng bar dahil sa pamamalakad ng may-ari niyon. Araw iyon ng Biyernes, kaya maaga pa lang ay marami ng tao.
Doon ang ikalawang trabaho ni Alessandra pagkatapos niya sa restaurant. She was also working at that bar as a waitress every Monday to Friday. At nine in the evening to two in the morning. Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang trabaho sa restaurant ay didiretso siya roon. Kakainin ang nakabaon niyang pagkain na mula sa mga tira sa restaurant at pagkatapos ay magbibihis ng uniporme nila at magtatrabaho sa maingay at mausok na lugar na iyon.
Noong mamatay ang kanyang ina ay kailangan na kailangan ng pera kaya pinaunlakan niya ang trabahong sinabi sa kanya ng kapitbahay. Isa itong dancer doon at sinabihan siyang mag-waitress sa lugar na iyon dahil bukod sa malaki ang suweldo ay malaki magbigay ng tip ang mga customer basta ba makisama lang siya ng mabuti.
Magtatatlong buwan na siya sa Wasted ngunit hindi niya makuhang umalis. Maganda naman magpasuweldo ang kanilang boss at hindi naman sila pinipilit na ibenta ang kanilang mga sarili. They were free to do what they wanted. Basta ba hindi makakaapekto sa trabaho na pinasok nila. In her case, she was just a waitress, nothing more, nothing less. She doesn't prostituted herself kahit na marami ang nagsasabi sa kanya na mga kasamahan na malaki ang makukuha niyang pera kung gagamitin niya ang kanyang mukha't katawan. She was aware that almost all her co-workers were going out with the men who wanted them for the night. It doesn't matter if they're young or old, what matters the most was their money.
Hindi naman niya hinuhusguhan ang mga ito. It was their life, they can do what they wanted to do. At wala ring makakapagdikta sa kanya kung ano ang gagawin niya sa buhay niya, sa kanyang katawan. She chose to keep her most precious possession at least, and that was her dignity. Hindi rin niya kayang pakainin ang mga kapatid sa perang galing sa pagbebenta niya ng sarili kung saka-sakali man.
Napangiti si Alessandra nang kindatan siya ng bartender na naghahalo ng inumin. Hinihintay niyang matapos ito upang maisilbi na niya ang mga alak sa customers na pinagsisilbihan niya. The bartender was handsome and tall and most of the girls in the bar gawk at him. Hindi alam ng mga ito na bakla si Sancho at may karelasyon na lalaki.
Minsang nagtapon siya ng b****a sa likuran ng bar ay nahuli niya itong may kahalikan. Hindi naman siya nang-usisa dahil isang buwan pa lang silang magkatrabaho noon at hindi naman sila masyadong malapit sa isa't isa. Ngunit ito mismo ang nagsabi sa kanya na boyfriend nito ang kahalikang lalaki. Simula noon ay mas naging madalas ang pagkakausap at pagbati nila sa isa't isa ni Sancho. Hindi man niya sabihin ay itinuturing na niya itong kaibigan.
Mula sa pagkakatayo sa may bar counter ay napapitlag si Alessandra nang biglang maramdaman ang brasong pumulupot sa kanyang bewang at may tumabi sa kanyang lalaki na hindi pa man niya nakikita ay nahuhulaan na niya kung sino iyon.Binaklas niya ang braso nito at umusog palayo. Pagtaas niya ng mga mata ay agad na bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Lawrence. Isa itong parokyano sa bar na iyon na nakilala niya dalawang araw mula nang mag-umpisa siyang magtrabaho roon.Walang pakundangan nitong sinabi sa kanya nang gabing una silang magkita na gusto siya nito. Halos gabi-gabi itong naroon na siyang palagi niyang pinagtiya-tiyagaan bukod pa sa mga tingin ng mga kalalakihan na nakasunod sa kanya.Pabirong sinabi ni Sancho noon sa kanya nasinusuyosiya ni Lawrence.
IT was almost three o'clock in the morning and she was still waiting for a jeepney to take her home. Basang-basa na siya dahil kanina pa bumubuhos ang malakas na ulan. Wala nang mga sasakyang dumadaan sa lugar dahil sa malakas na ulan at dahil sa madaling-araw na, ngunit nagbabakasakali pa rin siyang may dumaan. Dalawa lang silang naroroon sa waiting shed, isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa trienta ang edad. Napansin niyang pasulyap-sulyap sa kanyang direksiyon ang lalaki kaya nakaramdam siya nang kaba.Hindi siya agad nakasakay pagkatapos ng trabaho niya sa bar kanina. Malakas ang ulan dahil marahil sa bagyong papasok sa bansa, nakauwi na ang mga kasamahan niya ngunit naroon pa rin siya. Si Sancho kanina ay niyaya siyang ihatid kasama ang boyfriend nito na sumundo rito sakay ng isang motor. She refused the invitation. Ayaw niyang makaabala sa dalawa.
NAKAHINGA lang siya ng maluwag nang mawala sa kanyang paningin ang lalaki. Binalingan niya ang driver ng taxi at sinabi rito kung saan siya ihahatid. Tanging tango ang isinagot nito at bahagyang hininaan ang aircon dahil marahil ay nakita siya nitong nanginginig sa lamig.Isinandal niya ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pamimintig ng kanyang ulo. She felt like she will pass out at any moment because of fatigue.Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pakikipag-usap ng driver sa kung sino man ang nasa kabilang linya.Tumingin siya sa labas ng sasakyan ngunit wala siyang makita dahil sa malakas na ulan. Pinunasan niya ang salaming bintana gamit ang kanyang kamay upang mas luminaw ang tanawin sa labas.
DINALA niya ang hawak na bote ng beer sa bibig at sunod-sunod na tungga ang ginawa. Hindi sapat ang ininom niya kanina sa loob ng bar na pinanggalingan at kailangan pa niya ng alcohol sa katawan.He felt the alcohol filling her stomach but he felt hollow inside his chest.Nang wala maubos ang laman ng hawak ay marahas niya iyong itinapon sa ibaba. Doon sa rumaragasang ilog na hindi niya makita mula sa kadiliman at sa malalakas na buhos ng ulan.Kapagkuwan ay ipinatong niya maging ang mga paa sa hood ng sasakyan na kanyang tinutungtungan at sinapo ang ulo. Nalunod ang kanyang iyak sa tunog ng mga kulog at sa malalakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng pagbuhos ng hinagpis mula sa kanyang mga mata."Bakit!" sigaw niya sa gitna ng kadiliman. Ikinuyom niya ang kamao at marahas na sinuntok ang hood ng sasakyan niyang kanyang tinutungtungan.Hindi niya inaasahan noon na makakaramdam siya ng gan
DINAMPOT din niya ang isang maliit na flashlight bago lumabas ng sasakyan at tinalunton ang sa tingin niya'y direksiyon ng mga bultong nakita niya kanina mula sa itaas ng tulay. Ilang segundo lang siyang naglakad nang muling tumama ang kidlat sa kalupaan at ilang metro ang layo sa kanya ay nakita niya ang isang babae na nakalugmok sa madumi at basang lupa habang hawak ng dalawang lalaki.Mabilis niyang ikinasa ang hawak na baril nang agad na matukoy kung ano ang ginagawa ng mga ito. Itinutok niya iyon sa itaas at pinaputok. Kapagkuwan ay binuksan ang hawak na flashlight at itinutok sa tatlong naroon.Naalisan na ng damit ang babaeng sa tingin niya'y nawalan ng malay ngunit may suot pa rin ang dalawa at hindi pa nabubuksan ang mga pantalon kaya sigurado siyang naantala ang binabalak ng mga ito.Wala siyang balak na mangialam at masangkot sa ganoong krimen, but he cannot ignore what he saw and witnessed. A woman was about to
SHE DISORIENTEDLY opened her eyes and scrutinized every corner of the room. When she realized that she was in a strange place, her grip on the duvet tightened. With trembling limbs, she removed the duvet from her body and got off of the bed. Her backside was aching and aside from that, the other parts of her body were okay. She can clearly remember what happened to her before she lost consciousness. The last thing she heard was the gunshot and perhaps that was the reason why she was still alive and safe. But she can't be so sure, that person might be an accomplice or he might be keeping her captive inside that expensive room. Hinawakan niya ang malaking damit na suot na umabot sa gitna ng kanyang hita at sinipat. Kaninong damit iyon? Aside from that shirt, she had nothing underneath. Does that person who brought her to that place take advantage of her? Kung may ginawa man ito ay hindi niya malalaman dahil wala siyang ka
"Anong pangalan mo?" habol niyang tanong bago pa ito makalabas. Muli itong lumingon sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Marahil ay dahil sa mga mata nitong matitiim kung tumitig at pakiramdam niyang tagos hanggang sa kanyang kaluluwa. "Nick. Nicholas Villarama," he said before closing the door. ATUBILING lumabas si Alessandra sa loob ng silid. Nakapaligo na siya at nakapagpalit na rin ng mga bagong damit. Kaninang paglabas niya ng banyo ay may paperbag na nakapatong sa ibabaw ng kama at nakapaloob nga roon ang mga damit na may tag price pa. Inilinga niya ang mga mata sa kaliwa at kanang pasilyo ngunit wala siyang ibang taong nakikita roon. Ang naroon lang ay mga nakasiradong pinto ng mga silid. Lumakad siya patungo sa grand staircase na paikot ang pagkakagawa at humawak sa balustre habang pababa. Haban
Inihatid siya ni Nick sa apartment na tinitirhan nilang magkakapatid pagkatapos nilang manggaling sa police station. Natukoy ng mga pulis ang mga suspek nang makompirma niya mula sa ibinigay na mga mugshots ng mga taong nasa watch list ng pulisya. Ang kambal na Cris at Carlo Rodriguez. Dati na ring nademanda ang dalawa dahil sa kasong rape. Subalit nakalaya ang dalawa dahil sa pagpiyansa at inurong ng nagreklamo ang kaso. Ang mga ito rin ang tinitingnang suspek sa dalawang kaso nang rape at pagpatay sa mga babaeng nagtagpuang palutang-lutang sa ilog. She could've been one of them if Nick didn't saw them and saved her. Alessandra felt sorry for Nick when they found out from the police who happened to be a neighbor of the Rodriguez twin that one of them died. At kakasabi lang ni Nick kanina na binaril nito ang isa sa dibdib nang tangkain siyang saksakin. Hindi man niya intensiyon ay napatay niya ang lalaki.