Mula sa pagkakatayo sa may bar counter ay napapitlag si Alessandra nang biglang maramdaman ang brasong pumulupot sa kanyang bewang at may tumabi sa kanyang lalaki na hindi pa man niya nakikita ay nahuhulaan na niya kung sino iyon.
Binaklas niya ang braso nito at umusog palayo. Pagtaas niya ng mga mata ay agad na bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Lawrence. Isa itong parokyano sa bar na iyon na nakilala niya dalawang araw mula nang mag-umpisa siyang magtrabaho roon.
Walang pakundangan nitong sinabi sa kanya nang gabing una silang magkita na gusto siya nito. Halos gabi-gabi itong naroon na siyang palagi niyang pinagtiya-tiyagaan bukod pa sa mga tingin ng mga kalalakihan na nakasunod sa kanya.
Pabirong sinabi ni Sancho noon sa kanya na sinusuyo siya ni Lawrence. He never failed to give her flowers every day since the very first time they've met, which she accepted out of politeness.
Lalo pang tumindi ang mga ginagawa nito sa kanya, nito lang nakaraang linggo ay palagi siyang nakatatanggap ng kung anu-ano mula rito, sa pagkakataong iyon ay ipinapa-deliver sa kanyang tinitirhan. Kagaya na lamang ng mga mamahaling bag, sapatos, bulaklak, alahas at mga damit na palagi niyang pinababalik sa delivery man.
Kinompronta na niya ang lalaki nang nagdaang gabi upang klarohin kung ano ang intensiyon nito sa kanya at doon tumibay ang loob niya na iwasan ito. Lawrence was arrogant and he was a narcissist, she had all the reasons to distance herself from him. Though handsome and rich, she doesn't like his attitude. She just simply doesn't have an interest in him.
The man blatantly told her that he wanted her, he was proud and she hated his smug face. Right then and there, she candidly turned him down.
Nakita niya si Lawrence na tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng restroom. Sinundan niya ito, balak niya itong komprontahin sa ikalawang pagkakataon.
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya pagkalabas nito mula sa banyo, tumango si Lawrence bilang tugon. Lumakad siya patungo sa backdoor ng bar at lumabas, nararamdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, ha? Hindi ko kailangan ang mga binibigay mo, kaya please lang, tumigil kana!" kanyang sita sa lalaki, nakalarawan ang pagka-inis sa kanyang mukha.
"Kulang pa ba?"
Napakunot ang noo ni Alessandra sa itinanong nito. "Ano?"
"Kulang pa ba ang binibigay ko? I can give you more, Sandra. Puwede kang lumipat sa disente at malaking tirahan. I can finance you, be my lover, warm my bed when I needed you," nakangisi nitong pahayag.
Ngali-ngaling suntukin ni Alessandra ang nakangising mukha ng lalaking kaharap dahil sa inis. Subalit pinigilan niya ang sarili.
"Baliw ka ba? Anong akala mo sa akin, bayaran? I may be working in a bar but my job is decent, I don't do the dirty work! Kaya kung buhayin ang sarili ko at hindi kita kailangan!"
Nawala ang pagkakangisi nito sa sinabi niya at tumigas ang anyo. "Hindi ako nanunuyo ng babae, hindi ko sila binibigyan ng bulaklak dahil sila mismo ang lumalapit sa akin! But I can do those things for you. I really like you and I want you. Be my woman, Sandra, and I will give you everything you need."
"Alin ba sa hindi kita gusto ang hindi mo naiintindihan?! Tigilan mo na ako!" Aalis na sana siya ng pigilan siya nito sa braso. "Ano ba! Bitiwan mo 'ko!"
"I always get what I want, Sandra. 'Wag kang pakipot, 'wag kang magmalinis, don't act like a virgin, baka nga kung sinu-sino ng lalaki ang nakakuha sa 'yo! But I don't mind, why, you're gorgeous and you have a nice body." Malisyosong pinasadahan ni Lawrence ng tingin ang dalaga. Gustong manginig ni Alessandra sa galit dahil sa kabastusan ng lalaki, nangangati ang mga kamay niyang kalmutin ito sa mukha. "Just be obedient and I'll give you what you need."
Hinapit siya nito at akmang hahalikan nang marahas niya itong tinulak paalis sa kanyang katawan. "Wala kang karapatang insultohin ang pagkababae ko dahil nagtatrabaho ako ng disente! At wala kang pakialam kung sino man ang pagbibigyan ko ng sarili ko! You can have all those women but you can never have me!" Alessandra shouted in anger. Tumalikod na siya at nagmamadaling pumasok sa loob.
Hindi niya nakita ang pagtatagis ng bagang ng lalaki dahil sa rejection na natanggap.
Napabuntung-hininga si Alessandra sa pagka-alala sa nangyaring komprontasyon kagabi. How can she deal with him at this very moment?
"GOOD evening, Sandra," he said and a grin was plastered on his lips. He then perused her and hunger was written in his eyes.
Hindi niya gusto ang tinging ibinibigay nito sa kanya. Gusto niya itong singhalan nang tumagal ang tingin nito sa bahagi ng kanyang dibdib. Kahit pa nga ba iyon din ang ginagawa ng ibang mga lalaki sa loob ng bar tuwing tinitingnan siya ay hindi siya komportable roon. Hindi kailanman. Sino ba ang may gustong titigan ng kung sinuman na puno ng malisya ang mga mata? Hindi siya!
"Ito na, babe."
Inikotan niya ng mga mata si Lawrence bago binalingan si Sancho na natapos na sa ginagawa nito. Nginitian niya ito at nagpasalamat bago kinuha ang mga alak. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag nang malayo kay Lawrence. Dinala niya ang mga inumin sa lamesa ng mga magbabarkadang umiinom doon.
May naramdaman siyang mga daliring lumapat sa kanyang hita habang inilalapag ang dala ngunit hindi niya iyon pinansin. May mga customer talagang bastos, lalo na kapag nakainom. Noong una niya iyong naranasan ay umiyak siya ng umiyak pagkauwi ng bahay at naratnang natutulog na ang mga kapatid. Hindi niya masasabi kung nasanay na ba siya sa mga advances ng ibang mga customer dahil hindi na lang niya pinapansin ang mga iyon.
Some even invited her to go out with them but she refused all of them. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng paglabas kasama ang mga ito. Hahantong sila sa kama at hindi niya masisikmura ang ganoon.
Hindi man mabuti ang tingin sa kanya ng ibang tao ay alam niya sa sarili niyang malinis ang kanyang pagkatao.
Nang mapatingin sa gitna ng make-shift stage ng bar ay sandaling natutok doon ang kanyang mga mata. Si Rose—ang kapitbahay niyang nag-alok sa kanya na magtrabaho sa bar ay nagsasayaw sa gitna niyon. May pole rin doon na ginagamit nito. Mahusay itong sumayaw at mang-akit kaya marahil nakatutok dito ang mga mata ng mga kalalakihan.
She had told a lot of times to try dancing but she doesn't have the guts to do that. Hindi siya handang sumayaw sa gitna na halos wala nang suot na damit at maging sentro ng mga mata ng mga lalaki. Kahit papaano ay nakakaya pa niyang magpakita sa iba na maliit na palda at hakab na damit ang suot. Ibang usapan na kung magpa-panty lang siya at magba-bra.
Wala siyang ikinakahiya sa katawan subalit hindi siya komportableng ipakita iyon sa ibang tao.
Inalis niya ang mga mata sa stage nang mapukaw sa palakpakan ng mga nanonood at lumakad patungo sa banyo nang makaramdam ng pagbigat ng kanyang pantog.
Pagkatapos umihi ay tinitigan niya muna ang sarili sa salamin at bumuntung-hininga. Kapagkuwan ay naghugas siya ng kamay at lumabas.
Nagulat siya nang pagkalabas na pagkalabas sa banyo ng mga babae ay may humigit sa kanyang braso at isinandal siya sa pader. "Bitiwan mo ako, Lawrence!" aniya sa galit na tinig nang makilala kung sino ang mapangahas na iyon.
She was pinned on the wall and his body was pressed on her. She can feel that throbbing part of his body on her belly. Nalalanghap din niya ang amoy ng alak sa hininga nito ngunit hindi niya masabi kung lasing na ba ito.
"Sandra, binabaliw mo ako sa pag-iisip."
"Pakawalan mo ako, ngayon na!"
"Have you think of my offer, hmm?"
"Sinabi ko na sa 'yo ang sagot ko. Hindi ako kailanman papatol sa 'yo kaya puwede ba!" Naiwas niya ang mukha nang lalo itong lumapit sa kanya at akma siyang hahalikan kaya tumama ang mga labi nito sa kanyang pisngi. "Ano ba!"
Sinubukan niyang bawiin ang kamay sa pagkakahawak nito ngunit malakas ito. Ang mga labi ay nagsisimulang gumapang sa kanyang leeg.
"May problema ba rito?"
Sabay silang napatingin ni Lawrence sa nagsalitang iyon. Ang may-ari ng boses ay isang matangkad na lalaki na mukhang pamilyar sa kanya, kalalabas lang nito banyo ng mga lalaki na katapat ng sa mga babae.
Sinamantala niya ang pagkawala ng atensiyon ni Lawrence sa kanya at mapuwersang binawi ang mga kamay mula rito. Kapagkuwan ay isang mabilis na sulyap ang ginawa sa lalaking nagligtas sa kanya at tumalikod para bumalik sa pagtatrabaho.
Pinahiran niya ang kanyang pisngi at marahas na bumuntung-hininga pagkatapos.
What a bad day!
IT was almost three o'clock in the morning and she was still waiting for a jeepney to take her home. Basang-basa na siya dahil kanina pa bumubuhos ang malakas na ulan. Wala nang mga sasakyang dumadaan sa lugar dahil sa malakas na ulan at dahil sa madaling-araw na, ngunit nagbabakasakali pa rin siyang may dumaan. Dalawa lang silang naroroon sa waiting shed, isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa trienta ang edad. Napansin niyang pasulyap-sulyap sa kanyang direksiyon ang lalaki kaya nakaramdam siya nang kaba.Hindi siya agad nakasakay pagkatapos ng trabaho niya sa bar kanina. Malakas ang ulan dahil marahil sa bagyong papasok sa bansa, nakauwi na ang mga kasamahan niya ngunit naroon pa rin siya. Si Sancho kanina ay niyaya siyang ihatid kasama ang boyfriend nito na sumundo rito sakay ng isang motor. She refused the invitation. Ayaw niyang makaabala sa dalawa.
NAKAHINGA lang siya ng maluwag nang mawala sa kanyang paningin ang lalaki. Binalingan niya ang driver ng taxi at sinabi rito kung saan siya ihahatid. Tanging tango ang isinagot nito at bahagyang hininaan ang aircon dahil marahil ay nakita siya nitong nanginginig sa lamig.Isinandal niya ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pamimintig ng kanyang ulo. She felt like she will pass out at any moment because of fatigue.Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pakikipag-usap ng driver sa kung sino man ang nasa kabilang linya.Tumingin siya sa labas ng sasakyan ngunit wala siyang makita dahil sa malakas na ulan. Pinunasan niya ang salaming bintana gamit ang kanyang kamay upang mas luminaw ang tanawin sa labas.
DINALA niya ang hawak na bote ng beer sa bibig at sunod-sunod na tungga ang ginawa. Hindi sapat ang ininom niya kanina sa loob ng bar na pinanggalingan at kailangan pa niya ng alcohol sa katawan.He felt the alcohol filling her stomach but he felt hollow inside his chest.Nang wala maubos ang laman ng hawak ay marahas niya iyong itinapon sa ibaba. Doon sa rumaragasang ilog na hindi niya makita mula sa kadiliman at sa malalakas na buhos ng ulan.Kapagkuwan ay ipinatong niya maging ang mga paa sa hood ng sasakyan na kanyang tinutungtungan at sinapo ang ulo. Nalunod ang kanyang iyak sa tunog ng mga kulog at sa malalakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng pagbuhos ng hinagpis mula sa kanyang mga mata."Bakit!" sigaw niya sa gitna ng kadiliman. Ikinuyom niya ang kamao at marahas na sinuntok ang hood ng sasakyan niyang kanyang tinutungtungan.Hindi niya inaasahan noon na makakaramdam siya ng gan
DINAMPOT din niya ang isang maliit na flashlight bago lumabas ng sasakyan at tinalunton ang sa tingin niya'y direksiyon ng mga bultong nakita niya kanina mula sa itaas ng tulay. Ilang segundo lang siyang naglakad nang muling tumama ang kidlat sa kalupaan at ilang metro ang layo sa kanya ay nakita niya ang isang babae na nakalugmok sa madumi at basang lupa habang hawak ng dalawang lalaki.Mabilis niyang ikinasa ang hawak na baril nang agad na matukoy kung ano ang ginagawa ng mga ito. Itinutok niya iyon sa itaas at pinaputok. Kapagkuwan ay binuksan ang hawak na flashlight at itinutok sa tatlong naroon.Naalisan na ng damit ang babaeng sa tingin niya'y nawalan ng malay ngunit may suot pa rin ang dalawa at hindi pa nabubuksan ang mga pantalon kaya sigurado siyang naantala ang binabalak ng mga ito.Wala siyang balak na mangialam at masangkot sa ganoong krimen, but he cannot ignore what he saw and witnessed. A woman was about to
SHE DISORIENTEDLY opened her eyes and scrutinized every corner of the room. When she realized that she was in a strange place, her grip on the duvet tightened. With trembling limbs, she removed the duvet from her body and got off of the bed. Her backside was aching and aside from that, the other parts of her body were okay. She can clearly remember what happened to her before she lost consciousness. The last thing she heard was the gunshot and perhaps that was the reason why she was still alive and safe. But she can't be so sure, that person might be an accomplice or he might be keeping her captive inside that expensive room. Hinawakan niya ang malaking damit na suot na umabot sa gitna ng kanyang hita at sinipat. Kaninong damit iyon? Aside from that shirt, she had nothing underneath. Does that person who brought her to that place take advantage of her? Kung may ginawa man ito ay hindi niya malalaman dahil wala siyang ka
"Anong pangalan mo?" habol niyang tanong bago pa ito makalabas. Muli itong lumingon sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Marahil ay dahil sa mga mata nitong matitiim kung tumitig at pakiramdam niyang tagos hanggang sa kanyang kaluluwa. "Nick. Nicholas Villarama," he said before closing the door. ATUBILING lumabas si Alessandra sa loob ng silid. Nakapaligo na siya at nakapagpalit na rin ng mga bagong damit. Kaninang paglabas niya ng banyo ay may paperbag na nakapatong sa ibabaw ng kama at nakapaloob nga roon ang mga damit na may tag price pa. Inilinga niya ang mga mata sa kaliwa at kanang pasilyo ngunit wala siyang ibang taong nakikita roon. Ang naroon lang ay mga nakasiradong pinto ng mga silid. Lumakad siya patungo sa grand staircase na paikot ang pagkakagawa at humawak sa balustre habang pababa. Haban
Inihatid siya ni Nick sa apartment na tinitirhan nilang magkakapatid pagkatapos nilang manggaling sa police station. Natukoy ng mga pulis ang mga suspek nang makompirma niya mula sa ibinigay na mga mugshots ng mga taong nasa watch list ng pulisya. Ang kambal na Cris at Carlo Rodriguez. Dati na ring nademanda ang dalawa dahil sa kasong rape. Subalit nakalaya ang dalawa dahil sa pagpiyansa at inurong ng nagreklamo ang kaso. Ang mga ito rin ang tinitingnang suspek sa dalawang kaso nang rape at pagpatay sa mga babaeng nagtagpuang palutang-lutang sa ilog. She could've been one of them if Nick didn't saw them and saved her. Alessandra felt sorry for Nick when they found out from the police who happened to be a neighbor of the Rodriguez twin that one of them died. At kakasabi lang ni Nick kanina na binaril nito ang isa sa dibdib nang tangkain siyang saksakin. Hindi man niya intensiyon ay napatay niya ang lalaki.
Villarama? Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang apelyido ng boss nila. Pagpasok niya ay nakompirma niya ang hinala. Si Nick o Nicholas Villarama ang may-ari ng Rigo Cuisine at ang lalaking nagligtas sa kanya ay iisa. He was sitting at his swivel chair as if it was his throne. He was looking at her with those deep eyes, very professional. Gusto niyang tumakbo dahil sa natuklasan. Hindi siya handa sa ganoong tagpo. He had been bugging her mind since yesterday when he dropped her off at her apartment. He had awakened something inside her that she can't put into words. For her, Nick was a mysterious man. He seemed very approachable, then the next he would go cold and distant. A very contradicting attitude and she doesn't know who's the real Nick. "Take a seat, Miss Cruz," untag ni Nick sa natigilang dalaga. Kinalma niya ang sarili at naglakad palapit sa upuang naroon