Share

Chapter 1 (continuation)

Alfonso dialed a number on his phone. Itinapat niya ito sa tainga at inantay itong mag-ring.

It took 2 rings bago may sumagot.

[Hmm?], agad na bungad na tanong ng numerong tinawagan ng ginoo.

"Everything is under control. He's rushing to meet you. He doesn't seem to notice anything at all.", pagbibigay impormasyon ni Alfonso sa kausap.

[Don't let your guard down. He might seem to be just playful, and carefree after the accident but that guy is smart. He catches onto things quickly, so don't even leave a single clue that might trigger his curiosity that will ruin our plans.], the guy on the other line reminded Alfonso in a low tone of voice, almost whispering.

"I understand, I'll take care of that. It already took us a year to get our hands on what we want, we can't delay it any longer.", paalala nito sa kausap.

[We're almost there. Hang on.]

Biglang may sumagi sa utak ni Alfonso, matagal na niya itong gustong itanong sa kausap ngunit hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon.

"Anyway, about that lady... Wh- hello?", hindi natuloy nito ang tanong nang marinig ang biglang pagbaba ng kausap niya ng tawag.

Napatingin si Alfonso sa screen ng cellphone niya. The call ended.

Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa, dumako ang tingin nito ulit sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag bago maisipan ng ginoo ang umalis.

Charlotte's POV:

"Here.", Zach handed me a glass of wine.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba ako agad, and he did prepare the wine that I gave him earlier.

Inabot ko 'yong baso ng wine at naupo sa pinakadulo na parte ng mahaba naming sofa dito sa sala, habang nasa kabilang dako siya. We don't even act like married couple, it's more like we're still at the getting to know each other stage.

Napatingin ako sa screen ng TV, hindi ko alam pinapanood niya sa N*****x, ayoko na ring alamin, mukha bang nasa mood ako na alamin? Makikinood nalang rin ako ng tahimik.

"How's work? Are you getting along well with your employees?", imik ko na hindi inaalis ang tingin sa TV, kunware may naiintindihan ako sa pinapanood ko.

"I'm coping well.", maiksi at simple niyang sagot.

Lumipat ako ng tingin sa mukha niya, he looks so invested with what he's watching right now. Mas may interes pa siya sa pinapanood namin kaysa sa akin.

I sucked some air just to breathe it out. I drank the wine in one shot at saka napahawi sa buhok ko.

"It's not that I'm being impatient or something... But I... I just want to be honest with you, I feel so lonely, Zach.", hapit ko nang bote ng wine upang lagyan ang walang laman kong baso.

Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin.

"I'm sorry for making you feel that way, I am just thinking about you. I told you this many times, you're at your peak. I'd like you to enjoy it to the fullest... And I'm just not ready.", sagot niya.

Ininom ko ulit in one shot ang kalalagay ko lang na wine sa aking baso saka siya tinignan.

"Hindi ka ba sigurado sa akin? I think you're just giving me excuses to avoid me. I mean, bakit pa tayo nagpakasal kung magiging ganito tayo?", nasabi ko because of so much frustration. It might be too much for him, I know very well na sinasanay niya pa sarili niya sa maraming bagay, but I can't just help getting upset.

Ibinaba niya ang hawak-hawak na baso ng wine at umusog ng upo palapit sa akin, he took the glass of wine from my hand at itinabi iyon sa ibinaba niyang baso. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Maaaring hindi ka maalala ng utak ko, but my heart does. It beats for you, Charlotte. I married you beacause I was afraid na iwan mo ako sa oras na mapagod ka na alagaan at intindihin ako."

He raised my right hand and emplaced it on his left chest for me to feel his heartbeat... But, I felt none. It beats for me? But I can feel nothing, na para bang it's not even there.

Inagaw ko ang mga kamay ko mula sa kanya, saka ko ibinaling ang tingin ko sa harap ng TV.

It was a short silence.

"Napapagod ka na ba sa akin?", basag niya sa katahimikan.

Agad akong napatingin sa kanya. Sa totoo lang hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya ngunit sa mismong oras na 'to ay ang lungkot ng kanyang mga mata.

Napayuko siya.

May kasamang pag aalinlangan kong hinawakan ang magkabilaang pisngi niya, napaangat ng tingin sa akin ang nakayuko niyang mukha.

I slowly reached for his lips, it was about an inch left for our lips to meet, when he suddenly moved his face away.

My eyes blinked for I don't know how many times as liquid formed inside. Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko.

My eyes blinked for I don't know how many times as liquid formed inside. Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko.

"Charlottte... ", mahinang tawag niya sa pangalan ko.

Kinuha ko 'yong baso niya ng wine na may kaunting laman upang ubusin ito. Ibinaba ko ito pagkatapos, saka napatayo.

"I'm not a good drinker, you see. My head hurts, so I think it's best for me to rest. I'll sleep first, goodnight.", paalam ko sa kanya.

Binigyan ko lang siya ng saglit na ngiti bago ko siya talikuran upang umakyat muli patungo sa malamig naming higaan.

Hindi man lang ako pinigilan. You're so ruthless, Zach. Ang mga matang noo'y minsan pinapaiyak mo lamang gawa ng kaligayahan, ngayon ay napalitan ng mga luhang naglalaman ng aking kalungkutan at pananabik.

Third Person's POV:

Tinatanaw ni Zane sa 'di kalayuan ang mga anak na si Tobi at Laine. Si Tobi na nakikipaglaro kay Zach sa isang sulok, habang si Laine ay kausap si Charlotte sa isang tabi. Naging magkasundo sina Laine at Charlotte nang maipakilala ang mga bata sa binibini. Turns out Laine has this slight interest with Charlotte's job, that made them really close with each other.

"Kanina pa sila hindi nagpapansinan, nag-away ba silang dalawa?", biglang sulpot ni Bleu sa tabi ng asawa habang buhat-buhat sa bisig ang natutulog na pangatlong anak, si Callie.

"Let me take Callie to her cradle so that you can rest.", Zane, who shifted his attention to his child and wife.

"Nah, I'll take her. Do something about those two instead.", tinuro ng nguso ni Bleu si Charlotte at Zach.

"You sure?", paninigurado ni Zane, at tinanguan lamang siya ng asawa bago ito umalis.

Sinundan nito ng tingin ang mag-ina bago ilipat ang gawi pabalik kay Zach at Charlotte.

Palipat-lipat nitong tinignan ang dalawa. Idinikit ni Zane ang tingin sa kapatid na masayang nakikipaglaro kay Tobi.

Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na trouser. Binasa nito muli ang mensaheng natanggap niya kaninang umaga.

"We can't get hold of Zach's twin brother. The security is tight and the mansion where he lives is heavily guarded. We're currently trying to schedule a meeting, our previous attempts of approach were refused. I'll contact you once we get a hold of him." , tahimik na basa nito sa mensahe.

After what happened to Zach, Zane never once stopped looking for the root of the incident, even though it was already reported to be a pure accident. The law enforcement officers might have looked at it that way, for there was nothing suspicious about the accident, Zane— as a brother thought the other way around. He feels that there's something wrong about it, that there was a foul play behind the incident.

Zach was supposed to meet his twin brother before the accident happened, there are a lot of questions that he needs answer for, at ang makakasagot lang no'n ay ang kakambal ni Zach na hanggang ngayon ay hindi nila makausap o makaharap.

Napaangat ng tingin si Zane mula sa screen ng kanyang cellphone at doon nagtama ang kanyang mga mata sa mga mata ni Zach.

'There is something wrong about this whole situation, if only I can just get one answer out of all the thousand questions there is... I think other answers will follow, I can get a glimpse of what's really happening.', laman ng utak ni Zane habang nakatingin sa kapatid nito.

Napalipat ng tingin si Zane kay Charlotte at nakita nitong nakatingin ang binibini kay Zach. Siya at si Bleu lang ang nakakaalam na may kakambal si Zach, He wanted to tell Charlotte about it, but he thought, it's a personal matter between Zach and Charlotte. Gusto niya maibalik ang alaala ng kapatid agad upang ito mismo ang magsabi sa binibini.

Nagulat si Zane nang ilipat ni Charlotte ang tingin nito sa kanya, tinignan siya ng binibini na may pagtataka kung ba't ito nakatingin sa kanya.

Nagulat si Zane nang ilipat ni Charlotte ang tingin nito sa kanya, tinignan siya ng binibini na may pagtataka kung ba't ito nakatingin sa kanya.

Naglakad papalapit si Zane patungo sa anak na si Laine na kasama si Charlotte.

"Laine, why don't you take your brother upstairs? It's time for your afternoon nap.", sambit nito nang makalapit.

Napatingin si Laine kay Charlotte, at nginitian naman ito ng dalaga.

"Yes, Dad.", masunurin na pagsunod sa utos ng ama na sagot ni Laine. Nagpaalam muna ito kay Charlotte bago umalis upang puntahan ang nakbabatang kapatid na si Tobi na kasama naman ni Zach.

"Is he giving you a hard time?", tanong agad ni Zane sa kanyang hipag nang makaalis si Laine.

"Nothing big, just a normal quarrel between married couple. You'd understand better, you're married as well.", sagot ni Charlotte, fixing her gaze at her husband who's at the moment walking it's way towards her and Zane.

"Thank you for not losing your patience with my brother, for being by his side all this time. But, if something's bothering you, don't bottle it up inside. You can talk to my wife about it.", pagbibigay payo ni Zane sa hipag.

Hindi katulad noong hindi pa nangyari ang hindi inaasahang aksidente ay madalas na bisitahin ni Zach ang mga pamangkin, but after that accident, Zach rarely visits. Isa o dalawa sa isang buwan, minsan ay wala.

"Anyway, I should've asked you this a long time ago since kayong dalawa ang palaging magkasama, have you noticed something strange about my brother?", tanong ni Zane na dahilan nang paglipat ng tingin ni Charlotte mula sa aswa patungo kay Zane.

"What do you mean?", may halong pagtataka na sagot ni Charlotte sa naging tanong ng kanyang bayaw.

"Nothing.", maikling sagot ni Zane, saka napaharap ng tingin.

"What are you guys talking about?", saktong pagdating ni Zach. May pagdududa itong napatingin sa asawa at kapatid niya.

"Nothing much.", ngiting saglit na sagot ni Zane kay Zach.

Napatitig si Zach kay Charlotte, at napaiwas lamang ng tingin ang asawa.

At the back of Charlotte's mind, she's quite confused why would Zane asked her that question. Naging hobby niya na ata mag-overthink, pati 'yong naging tanong ng bayaw niya napapaisip siya.

"Ano pinag-usapan niyo ng kapatid ko?", nakatingin sa labas habang nagmamaneho ng kotse pauwi na tanong ni Zach sa asawa.

"Kinamusta niya lang tayo.", maikling sagot ni Charlotte na nakatanaw rin sa labas ng kotse. Mapungay ang boses nito, na parang bang napagod ito sa naging ganap ngayong araw.

"Yon lang?", halata na may kasamang paninigurado na tanong ni Zach.

"Like are there any other things na pwede pa naming pag-usapan other than that?", may halong inis na sambit ni Charlotte.

Napailing na lamang si Zach at hindi na muling nagtanong pa. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ng binata na nakalagay sa compartment ng kotse nito, sabay silang napatingin doon ni Charlotte.

Sinundan ng tingin ni Charlotte ang cellphone ni Zach nang kunin ito ng binata upang tignan kung sino ang tumatawag.

"Kate.", basa ni Charlotte ng mahina sa pangalan ng tumatawag na nakalagay sa screen ng cellphone ni Zach.

Pinatay ni Zach ang tawag.

Sekretarya ni Zach si Kate, simula pa man noong hindi pa naaksidente ang binata.

"I'll drop you off at our house. There must be something going on at work kung bakit tumatawag si Kate."

Hindi na sumagot si Charlotte at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana sa passenger's seat, kasabay nito ay ang pagsandal niya ng kanyang ulo doon.

'About work? Then why end the call if you think there's something going on.', hindi mapigilang itanong ni Charlotte sa sarili.

Napahawak si Charlotte sa kumikirot niyang dibdib. She dreamed of a happy marriage, with the man that she loves. But she doesn't feel happy at all.

Rather than calling it marriage, it feels more like being chained, just so that she can't escape.

She's thirsty for his love. A love that she can't even tell to be real, or is still existing.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status