Share

Chapter 4

Chapter 4:

Charlotte's POV:

"Zach!", takbo ko papalapit sa kanya nang makita siyang basang-basa sa ulan. It has been raining a lot lately, may lagnat nga ako kasi if you remember last time nagpaulan ako doon sa harap ng waiting shed. Because of my fever postponed muna ang mga schedules upang makapagpahinga ako.

"Teka.", I excused myself as I run somewhere here in the house to look for a towel. "Babe, don't run! Baka madulas ka, may lagnat ka pa 'di ba?", rinig kong sigaw ni Zach.

Nang makahanap ako ng towel ay agad ko siyang binalikan. Pinunasan ko ang buhok niya at habang ginagawa ko 'yon ay bigla niya itong inagaw sa akin. "Ako na.", he mindlessly said.

Napatitig ako sa aking mga kamay na hawak-hawak pa 'yong towel kanina bago niya pa agawin sa akin. My gaze fixed at my wedding ring.

Ibinaba ko rin kalaunan ang aking mga kamay. Pinanood ko siyang pinupunasan ang kanyang sarili. Sinusundan ko ng tingin ang kaliwang kamay niya... He's not wearing our wedding ring.

I'm trying so hard to forget everything, but it's eating me up. I am fooling myself by acting na wala akong nalaman, na okay lang ang lahat sa aming dalawa.

Sleepless nights, silent cries and deep thoughts; It all concluded to one thing— I don't want to lose him. Kaya kahit isang malaking katang*han ay pinili kong pilitin ang aking sarili na kalimutan iyon, at ipikit ang aking mga mata.

"Bihis lang ako sa taas. I forgot some documents kaya umuwi ako ng maaga, aalis din ako after.", imik niya dahilan upang matauhan ako sa malalim na pag-iisip.

"Sige.", tanging naisagot ko. Iniwan niya ako pagkatapos kong sumagot, upang umakyat sa taas.

Hindi pa ganoon katagal simula no'ng ikasal kami ni Zach, ayokong masira ang pagsasama namin or let someone destroy it.

If I want this marriage to last long, I need to be honest with him. I'll talk to him about this. Because we're not supposed to hide something between us.

Mukhang nagmamadali talaga siya kasi saglit lang siya sa itaas. Ang bilis niyang magbihis, at may hawak-hawak na siyang folder pagkababa niya.

"Here.", abot ko sa kanya ng maligamgam na tubig. I just wanna make sure he doesn't get sick.

Kinuha niya ito at mabilisang inubos.

"Drink plenty of water sa office mo.", paalala ko sa kanya.

Nginitian niya ako, saka ako hinalikan sa pisngi.

"I will, una na ako.", paalam niya.

Baago pa siya makaalis ay hinawakan ko ang braso niya, dahilan upang mapalingon siya sa akin.

"Bakit?", taka niyang tanong na napayuko pa ng tingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya?

I stared at his eyes... bakit ngayon ko lang napansin? I see no sparks in his eyes while looking at me na para bang kasama ng alaala niya ay nawala rin ang pagmamahal niya sa akin.

"I'll be shooting YT content sa studio ko doon sa company namin this Saturday. Can you fetch me so that we can go home and eat together? You can watch me or wait sa dressing room ko, just please come.", I sounded like pleading him to come.

"Sure. I'll be there.", mabilis niyang sagot.

I wasn't expecting that quick response, so that stunned me for a second. Akala ko mag-iisip o pag-iisipan niya pa eh.

Unti-unti kong binitawan ang braso niya na may pigil na ngiti sa mga labi ko.

"Ingat ka sa daan.", ani ko.

Ngumiti siya, "Alright.", sagot niya at umalis na.

Maraming nagbago, pero naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat.

Zach's POV:

Kinakamot ko likuran ko habang binabasa ang iniwang text message sa akin ni Alfonso na umalis muna siya kasi may aasikasuhin. May iniwan daw siyang pagkain sa akin sa fridge, I can reheat it sa oven daw.

The thing is, he already informed my twin brother about us... me? My twin brother turns to be a really busy man, kaya kailangan namin mag schedule ng pagkikita namin. Like how formal is that? Hindi kami sabay lumaki, pero I'm still family. And, he's treating me like a stranger.

Alfonso keeps reminding me to not mess up by remembering all the things he told me na nangyari sa pagkikita namin noon ng kapatid ko dito sa Pilipinas upang hindi ito manghinala na wala akong maalala.

Another one, uunahin sana namin ang pakikipagkita doon sa actress na we're trying to sign in, kaya lang na postponed ang meeting at naiba ang schedule, currently resting because of fever daw. Akalain mo 'yon parehong kaming may lagnat?

Hindi na ako nagtataka ba't ako nilagnat. Nagpaulan ako last time tapos ilang ice pop ba kinain ko no'n?

Humihikab kong binuksan ang refrigerator habang kinakamot ko pa rin ang aking likuran. Napatingin lang ako doon sa iniwang pagkain sa akin ni Alfonso ng saglit, saka sinarhan ang fridge at binuksan naman ang freezer. Napalunok ako nang makita 'yong tira-tirang ice pops na binili ko. Sa dami ng binili ko, hindi naubos lahat. Ba't ba masarap ang bawal?

Habang nakatitig ako sa loob ng freezer ay biglaang sumagi sa isipan ko ang imahe no'ng babae last time sa waiting shed. I was already there kahit no'ng hindi pa siya dumating, so I saw it all. Inaantay ko kasi si Alfonso no'n, lumabas ako ng mag-isa nang walang paalam kaya mag-isa ako at that time. Pinaalam ko lang kung nasa'n ako nang matapos ako magliwaliw.

That woman... what broke her to that extent?

I shook my head at kumuha ng isang ice pop. Kumalat ata ang lamig na nanggagaling sa ice pop sa buong sistema ko, tumaas mga balahibo ko. I shrugged it off at nagpunta sa living room upang maghanap ng papanoorin sa n*****x.

Naupo ako sa sofa at komportableng napasandal dito. Binuksan ko ang TV at bumungad ang mukha ng isang pamilyar na babae.

"Oh.", I reacted briefly.

It's like a movie trailer na showing na ata. Pinanood ko ang buong trailer, at saka napangisi.

"Well, at least he has a good taste in women. She's pretty.", sambit ko sa sarili.

What was her name again? Charlotte? I guess.

Imbes na ang plano ko ay manood ng kung anong unang lumabas sa n*****x, ay I looked for the movie that was just advertised.

I'll be meeting her soon, so why not try watching her movie, right? In addition, she's my brother's wife, nothing wrong in getting to know her more. Interesting.

Zethus POV:

I'll be meeting Zach again soon, Alfonso already took care of everything so that hindi ipaalam ni Zach na he lost his memories because that would raise suspicions lalo na't he's meeting Charlotte soon as well, kaya I have to do my part.

Him meeting Charlotte wasn't part of the plan. Me and Alfonso was taken aback hearing about it. But it was something that we can't stop, the project is big and expectations were big within 9Yards Media. We can't proceed with the movie kung hindi si Charlotte ang gaganap, it's the book's author sole request. People in 9Yards Media want it so bad, na if we make Zach to not proceed with the movie and choose a different one ay magtataka sila agad when it will benefit the whole corporation as a whole.

Kaya nag-isip kami agad ni Alfonso ng gagawin.

Literally everyone around me knows that 'I lost my memories', at 'pag nalaman iyon ni Zach sigurado akong magtataka siya.

"How are you?", agad na tanong sa akin ni Zane nang makapasok ito sa opisina niya.

Isa pa 'tong half brother ni Zach, kailangan ko rin mag-ingat sa kanya.

"I'm fine.", maikli kong sagot.

Naupo ito sa kaharap kong sofa.

"What brings you here? It's the first time.", may munting ngiti sa labi nitong sabi sa akin.

I'm in his office right now, and yes, it's the first time being here. Umiiwas nga ako 'di ba? As much as possible.

"I found it weird at first, akala ko pinagloloko lang ako, pero may kakambal ba ako?", kunwaring inosente at wala kong alam na deretsang tanong sa kanya dahilan nang paglaho ng ngiti niya.

"Did he reach out to you?", nakakunot noo niyang tanong.

Kunwaring napakunot din ako ng noo.

"Reach out to me? So, I do have a twin brother?"

Alam kong alam ni Zane at ng asawa niya na may kakambal si Zach, and no one else. Pero nang magising ako hindi nila pinaalam sa akin.

"He wanted to talk to me.", dagdag ko.

"It'll be hard to explain everything to you, lalo na't wala ang mga alala mo. But, yes, you have a twin brother.", may pagdadalawang isip niyang sagot.

I acted na nagulat ako, unti-unti akong napasandal sa inuupuan ko.

Nakita kong napaisip siya ng malalim, pinag-aralan ko ng mabuti ang ekspresyon ng mukha niya.

"He was refusing to meet or talk to our side after your accident, why does he want to meet you now?", mahinang tanong nito sa sarili habang nakatitig sa sahig.

"Are you saying na I know about him even before my accident? We met before my accident?", marami kong tanong, acting ignorant and all.

Napaangat siya ng tingin sa akin, "Yeah, dapat ay sasama ka sa kanya sa US but you changed your mind so umalis siya without you. You were on your way back nang maaksidente ka.", eksplenasyon nito sa akin.

"What do I do now? He wants to meet me and talk. I'm actually confused, and don't know what to do, as I remember nothing.", nababahala kong banggit.

He sighed, as he stared on the floor once again na para bang nag-iisip na naman. I definitely know what idea he'll come up with, me and Alfonso has calculated this far.

It was quiet for a moment bago siya mapatingin ulit sa akin, "For now, other than our family and people close to us, no one else knows about your memory loss. I'll be informing everyone to keep it low or keep it a secret for now. You do the same to your employees, tell Charlotte about it as well because she knows nothing about it. Don't let your twin brother know about you losing your memories.", Zane advised. Napapatango ako habang nakikinig sa kanya.

"I still have your previous phone, you can read the chats between you and your twin brother at that time to at least know him better before you'll meet him. I'll send it to your home later on.", dagdag pa nito.

"All right. This is really making me confused and all, but let's do that.", ani ko.

Napatango ito. "Let me make a call to my wife real quick.", sabay tayo nitong sabi sabay kuha nang cellphone niya sa bulsa.

"Okay.", sagot ko.

Tinalikuran niya ako while dialing a number. Sinundan ko siya ng tingin, habang nakatingin ako sa kanyang likuran ay unti-unti akong napangisi.

Going well than expected.

Charlotte's POV:

Umuwi ako sa bahay namin ngayon, and when I say bahay namin ay hindi 'yong bahay namin ni Zach. Kundi bahay namin ni mama.

I was planning to visit her one of these days, pero ngayon ko na ginawa. Nag-resign daw 'yong kasama niyang nagbabantay sa Flower Shower. Hindi man lang daw nagpaalam ng maayos at nag-iwan lang ng resignation letter.

Huminto sa pagtratrabaho si Mama, kaya siya pumalit sa pagbabantay ng Flower Shower with someone helping her na Valerie hired. Nag-aalala talaga ako kay Mama kasi mag-isa lang siya nakatira sa bahay namin kasi ayaw niya sumamang tumira sa bahay namin ni Zach, kaya pinipilit ko siyang e-try mag-asawa ulit hahahah.

Hindi ko sinasabi kay Mama ang mga nangyayari sa bahay o nangyayari sa amin ni Zach ngayon. Pinapakita ko sa kanya na okay lang kami ni Zach at walang problema, kasi ayokong mag-alala siya.

"I'll ask Val to hire a new one, okay? Why don't you close the shop until then? Stay with me and Zach for the meantime.", pilit ko ulit sa kanya.

"Ayoko nga, mas gusto ko dito sa atin.", naghihiwa ng isdang lulutuin niya mamaya na sagot.

Napahilot ako ng sentido, ang tigas rin nito ni Mama eh. Nag-aalala talaga ako ng sobra.

Bigla siyang humarap sa akin at tinutok 'yong kutsilyong hawak niya dahilan upang mapaatras ako.

"Ma naman!", reaksyon ko.

"Palagi mo naman akong binibisita, nagsasawa na nga ako sa mukha mo.", turo niya sa mukha ko gamit 'yong dulo ng kutsilyo.

Ang galing naman talaga ng Ina ko, tinututukan na nga ako ng kutsilyo, sinabihan pa akong nagsasawa na raw sa mukha ko.

"Isa pa, kaya gusto ko mapag-isa kayong dalawa lang ni Zach para mabigyan niyo na ako ng apo. Ano na ba? Kailangan pa ba pumuti lahat ng buhok ko para mangyari 'yon? Ba't ang tagal?", duro sa akin nito.

Kung makaduro parang walang hawak na patalim ah?

"Ma, ma, ma! Ano ba!", hawak ko sa braso niya para ibaba niya 'yong kutsilyo.

"Kasi naman ano bang plano niyong dalawa? Huh? Gumawa ka ng paraan, hindi ka bumabata anak, tumatanda ka! Baka mahirapan ka ng manganak niyan, sige ka! Sino ba sa inyong dalawa ang mahiyain ha? Galaw-galaw nak! 'Yong mga kaklase mo noon isang dosena na ang mga anak, ikaw ZERO. Ano na?", litanya nito.

Ang daldal talaga ni Mama, kung anu-ano ang pinagsasabi at saan-saan na napupunta.

"Alam ko, Ma! Patuloy mo na nga ginagawa mo.", turo ko doon sa hinihiwa niyang isda kanina.

"Siguruin mo.", diin nitong banta.

Nanay ko ba 'to o killer? May plano pa atang gawin ako sinabawang isda 'pag hindi ako nakinig.

Iniwan ko na muna si Mama sa kusina, baka ano na naman maisip at itutuk na naman sa akin ang kutsilyo, hahaba ang usapan, tapos makakalimutan niyang magluluto siya.

It slipped out my mind, all this time sinusubukan ko naman, pero dahil sa mga pangyayari lately nakalimutan ko ang dapat pagtuonan ng pansin. All I want is to build a family that I've been dreaming of. Hindi ako pwede panghinaan ng loob ngayon kasi abot kamay ko na ang pangarap na 'yon, ang kulang nalang ay makipag-cooperate sa akin ang matigas ko na asawa na 'yon.

I recovered from my fever after some few days, kaya balik trabaho na ako. I was going to continue with my schedule kahit na hindi pa ako okay, masyadong ng nade-delay dahil sa lagnat ko ang mga dapat kong trabahuin, pwede ko naman tiisin, si Val lang talaga ang ayaw.

Nakaupo ako sa isang high chair habang inaayusan ako ng make up artist ko. Today is friday, ngayon ang araw na hiniling ko kay Zach na sunduin ako upang sabay kaming umuwi at mag-dinner.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status