Share

Chapter 3 (continuation)

Napangiwi ako bago tignan ulit si Louise sa labas. "No, thank you.", sagot ko kay Alfonso sabay napailing.

Kinuha ko 'yong folder na ibinigay ni Alfonso sa akin last week about that actress, hindi ko tinapos basahin ang nilalaman kasi sumakit ulo ko. Binuksan ko ito at binasa ulit, sumakit na naman ulo kaya 'wag nalang natin pilitin intindihin, okay? Binuklat ko nalang lahat ng pahina nito at nagulat na may nahulog na litrato mula dito.

Lines appeared on my forehead as I look at the picture. It's my twin brother with a woman.

"Forgot to tell you... ", imik ni Alfonso. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"The actress is your twin brother's wife, by the way.", dagdag ni Alfonso.

His wife? Alfonso never mentioned that my twin brother is married.

Ibinalik ko ang tingin sa litrato. My gaze fixed at the woman's face.

His wife...

Charlotte's POV:

"Maraming mixed feedback sa bago mong movie, anong masasabi mo dito?", tanong ng interviewer sa akin.

"Well, I kinda expected it to be that way? Since it's not a genre that everyone could relate to. I take things positively, so negative feedbacks doesn't really affects me. I take notes of it, rather, to see and know where I should improve.", sagot ko sa interviewer. She took a note of my answer on her laptop habang tumatango.

"What are your plans now? May bago ka bang movie or any series na gaganapan?", tingin nito sa akin ng saglit bago ibalik ang tingin sa laptop niya.

It's a one-on-one interview na ilalabas sa mga tabloids or in media online. Supposed to be live in a show, but I had to cancel it kasi masama pakiramdam ko.

"I received some offers, and I'm reviewing them positively. But, as of now, I'm currently focusing on releasing something. I'll be back with a good news soon.", sagot ko. She took note of my answer again. A minute after ay sinara na niya ang kanyang laptop.

"Alright! Salamat Miss Devin sa pagpapaunlak ng interview ko. It is such an honor.", tayo nito and offered a handshake, inabot ko 'to.

"Walang problema. Please write a good one for me.", ngiti kong sabi.

"Oo naman, basta ikaw. Salamat ulit.", tapik nito sa balikat ko.

Lumapit si Val sa amin at kinausap 'yong interviewer saka ito sinamahan palabas. Inantay ko lang mawala ang dalawa sa paningin ko bago ako mapabuntong hininga.

Wala na akong natitirang schedule ngayong araw. Dapat uuwi na ako since tapos na, alam kong hindi pa rin nakakuwi si Zach at this time, he works late every time. Pero... My feet won't just let me go home. Ayokong umuwi, gusto ko mapag-isa.

Tinignan ko ang cellphone ko at binasa ulit ang mensahe ni Zach sa akin kanina na matatagalan siya ng uwi. Palaging napo-postponed 'yong dapat na dinner namin kasi hindi nagma-match ang schedule namin. It wasn't this very hard before.

Hindi rin nagma-match schedule namin ni Zach noon pero nagagawan niya pa rin ng paraan mapuntahan lang ako. No, ni wala siyang kinikilalang schedule just to be with me. It's just so different now...

I texted Val na umalis na ako using my car, hindi ko na inantay na makabalik pa siya after niyang ihatid palabas 'yong interviewer. Gaya ng sabi ko, gusto kong mapag-isa.

Kinuha ko lang mula sa kotse ko ang aking sumbrero upang isuot ito, nagbihis din ako ng normal na damit.

Iniwan ko ang kotse ko sa parking lot at maingat na lumabas mula doon. I want to ride a bus today, and let it take me somewhere far. Hoping that once I go home ay bumalik na sa dati ang lahat.

Medyo malayo sa kinaroroonan ko ang waiting shed ng parahan ng bus, at plano kong lakarin ito. Nakayuko akong naglalakad, nag-iingat na walang makakakilala sa akin. Bawat mabibigat na hakbang ko ay humihigpit ang aking puso. It's suffocating.

This feeling of being lost sa daang tinahak ko, sa daang pinili ko. I have never imagined this kind of future with Zach... Hindi ko alam na ganito...

Ang daang dapat sabay naming tatahakin, ay parang naging daan ko patungo sa kanya kasi nauna siya... Iniwan niya ako. Nakalimutan niyang kasama niya ako. He went alone leaving me behind, as I try my best na habulin siya, ngunit sa sobrang layo niya ay unti-unting naglalaho ang kanyang likuran na minsa'y aking nagin sandalan. Unti-unti siyang nawawala sa aking paningin, na tila ba ay hindi ko na siya maabutan.

To what extent... Hanggang kailan ko kakayanin? Kaya ko ba talaga?

The person who used to remind me every single time that I deserve all the good things , makes me question my worth now. Do I deserve this?

Napahinto ako sa paglalakad at napaharap sa kalsada nang makarating ako sa waiting shed. Napaangat ako ng tingin at pinanood ang magagandang ilaw na nanggagaling sa mga dumadaang kotse.

Fully clothed, but I can feel the cold breeze of the wind on every nook and cranny of my existence. No'ng mga nakaraang araw pa sobrang lamig ng hangin, at makulimlim na mga ulap pero hindi bumubuhos ang ulan. Best describes what I'm feeling right now. Nabibigatan na ako, pero ayaw bumuhos ng mga luha ko.

Madaming tao ang nakapaligid sa akin pero pakiramdam ko ay mag-isa ako.

Napagawi ako ng tingin sa bus na paparating. It's the last bus at this hour.

Napatayo ang mga nakaupo sa loob ng waiting shed, nagkumpulan ang iba na para bang sasabak ito sa digmaan habang nakatayo lang ako na inaantay na huminto ang bus sa mismong harap ko.

As the bus gets near, a frail zephyr of wind passed by me, tendrils of my hair dances swiftly with it as it covers my sight. Suddenly, it drizzled. Inilahad ko ang aking mga kamay and felt the tiny drops of the rain on the palm of my hand.

Huminto sa mismong harapan ko ang bus, ibinaba ko ang aking kamay habang nakatitig dito. Nag unahan ang lahat sa pagsakay habang nakatayo lang ako doon, hindi makagalaw. Hindi ko mabilang ilang tao ang bumangga sa akin makapasok lang sa loob ng bus. Dinadaanan ako ng lahat, they're pushing me as if I'm nothing, like I'm transparent.

Tumulo ang mga luhang hindi ko na mapigilan.

-------------------

"Good evening, Miss Devin.", bati nito sa akin. She moved from my way and opened the door entirely, revealing Zach on his table reading a document.

Tinignan ko si Kate mula ulo hanggang paa, "Good evening.", bati ko pabalik at pumasok sa loob. Bago niya isara ng tuluyan ang pintuan ay napahinto ang tingin ko sa palda niyang nakataas at gusot, napansin niya ang pagtingin ko doon kung kaya't mabilis niya itong ibinaba at inayos, saka binigyan ako ng kakaibang ngiti.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Zach nang isara na ni Kate ang pintuan. Napaangat ng tingin sa akin si Zach.

"Why are you here?", napatayo nitong tanong. Tumingin ito sa relo niya.

"D*mn, I'm sorry, hon. Forgot about the time.", ibinaba nito ang binabasa kanina at naglakad patungo sa akin.

"It's fine, nagpunta lang ako dito personally to say if we can cancel our dinner? I have an important schedule to attend to.", ani ko.

Niyakap niya ako ng saglit, sabay halik sa pisngi ko nang makalapit siya sa akin.

Napapikit ako ng saglit sa yakap na iyon. A faint scent of sugary perfume infiltrate my senses. He doesn't smell like Zach at all, he smells like Kate.

"We should've taken lunch together instead... ", he uttered with dismay.

"I'm sorry, I'll make it up to you next time.", ngiti kong sabi.

"Where is this schedule? I'll take you there.", offer niya at akmang aalis, mukhang kukunin niya ata ang jacket niya na nakasabit sa coat rack.

Pinigilan ko siya by holding his right arm, kung kaya't napaharap ulit ito sa akin.

Tinitigan ko siya sa kanyang mukha, hinila ko siya papalapit sa akin at inayos ang kanyang necktie. Napatingin ako ng saglit sa leeg niya.

His necktie is crooked, a seemingly wiped off lipstick stain on his neck.

"Valerie's waiting outside, finish your stuffs, let's just meet at home.", mahina kong sabi habang inaayos ang necktie niya.

"I see.", maikling sagot nito.

"Sige na, mauna na ako.", pamamaalam ko pagkatapos kong ayusin ang necktie niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, and I told him to not see me off kasi ayokong malaman niyang hindi naman talaga nag-aantay si Valerie sa labas. Pinapasok ko lang siya ulit sa opisina niya after niya ako pagbuksan ng pintuan.

Napalingon ako kay Kate nang mapadaan ako sa desk niya, binigyan ako nito ng matamis na ngiti at binati ulit. I gave her a cold look as a response, bago ako umiwas ng tingin at umalis.

You... insolent. How dare you two... how... why?

---------------------------------------

"Miss? Hoy, Miss!"

Napaangat ako ng tingin. At masamang nakatingin sa akin ang bus driver.

"Sasakay ka ba o hindi? Aalis na kami.", tanong nito.

Napatingin ako sa paligid at ako nalang pala mag-isa dito sa waiting shed. Sumakay na silang lahat. Napagawi ako ng tingin sa loob ng bus at nakitang nakatingin sa akin ang mga tao sa loob, ibinaba ko ang aking sumbrero at napaatras.

Napailing ang bus driver bago sinara 'yong pintuan ng bus at pinaandar paalis.

Sinundan ko lang ito ng tingin habang unti-unti itong nawawala sa aking paningin.

Lumakas ang buhos ng ulan, ngunit imbes na sumilong ay napatingin ako sa malaking billboard katabi ng isang hotel sa aking tapat. That's me.

Ito ba ang kapalit ng pag abot ko ng aking pangarap?

Napatakip ako ng mukha, muntik pang mahulog ang sumbrero ko. Napahagulhol ako ng iyak.

Napadilat ako ng mga mata nang biglang may humawak ng aking braso, kasabay nang paghila niya sa akin papasok sa waiting shed ay ang pagdaan ng isang kotse malapit sa pwesto ko kanina. Kung hindi pa ako nahila ay baka tuluyan na akong naligo nang maduming tubig galing sa malakas na talsik nito sa kotseng dumaan.

Gulat at namimilog na mga mata akong napalingon sa humila sa akin. It's a guy in a sweatpants, wearing a cap in his gray hoodie habang may kagat-kagat na ice pop sa kanyang bibig. His cap is lowered and so is the hood of his kinda baggy pullover sweatshirt kaya hindi ko makita ang mukha niya maliban sa ice pop na nasa kanyang bibig.

Teka? Ice pop? Sa ganitong kalamig na panahon.

Titig na titig ako sa kanya kasi hindi pa rin ako maka-recover sa gulat dahilan nang kanyang paghila sa akin.

Kinuha niya mula sa kanyang ang bibig ang kagat-kagat na ice pop.

"You must love the rain? Seeing that you're enjoying it.", paos nitong imik.

Ang lamig ng panahon tapos paos pa siya, pero nagawa niya pang mag ice pop?

Natawa siya ng mahina nang marinig ang boses niya.

"Excuse my voice. Pogi ang boses ko normally kagaya ko, kaya lang I'm not in a good condition right now, so please understand.", natatawa niyang sabi.

Welp! Umurong luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan 'yon.

Not in a good condition tapos kumakain ng malamig? Napababa ako ng tingin sa kaliwa niyang kamay na may hawak-hawak na payong at plastic bag na sure akong ibat-ibang flavors ng ice pop na kinakain niya kasi medyo transparent ito.

He smacked his lips at itinaas 'yong plastic bag.

"Ahhh eto? Masarap kasi ang bawal.", ibinaba niya ang plastic bag pagkatapos ipakita sa akin.

"Gusto mo ba?", offer niya.

Kumunot ang aking noo sabay napailing. This guy is so random. Imagine talking to me as if he knows me pagkatapos akong hilahin bigla.

Binalik niya sa kanyang bibig ang nginangatngat na ice pop kanina nang hindi ako sumagot, he shrugged.

Tinalikuran ko siya at napapunas ng mukha at ng aking mga natuyong luha. Inayos ko rin ang sumbrero ko.

Napaharap ako ng tingin nang may itim na kotse ang huminto sa harap ng waiting shed, hindi ko alam brand ng kotse na 'to pero mukha pa lang, alam mong mamahalin.

Sinundan ko ang lalaking 'yon nang lapitan niya ang kotse. Huminto siya sa pintuan ng backseat at nilingon ako. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Hindi na siya kumakain ng ice pop.

Inangat niya ng kaunti ang kanyang tingin, so I saw half of his face.

Teka...

"Here.", abot niya sa akin ng hawak-hawak na payong.

Napatingin lang ako doon kaya inilapit niya sa akin, kinuha ko kasi parang tutusukin ako ng lalaking 'to gamit 'yong dulo ng payong eh.

"S-salamat.", pasalamat ko nalang.

Nakita ko ang pagngiti niya.

That smile... That familiar smile.

Binuksan niya ang pintuan ng backseat, no'ng papasok na siya ay napahinto na naman siya ng saglit at tinignan ako.

"Maliit na bagay.", pahabaol niya at pumasok na ng kotse.

Agad akong napahawak sa aking kaliwang banda na dibdib. Napayuko ako ng tingin dito.

It skipped a beat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status