Share

Chapter 2

SHAINA

"Sa iisang bahay po ba tayong dalawa magtatrabaho, Tita Delia?" tanong ko kay Tita Delia habang nasa biyahe na kami patungong Maynila. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot sa akin.

"Paumahin na hindi ko kaagad nilinaw sa 'yo na hindi tayo magtatrabaho sa iisang bahay. Paumahin talaga dahil hindi ko nilinaw 'yon. Ang pagkakaalam ng 'yong ina ay magkasama tayo sa iisang bahay ngunit hindi ganoon ang mangyayari," nakangiwing sagot ni Tita Delia sa akin na hindi maintindihan. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano'ng ibig mo pong sabihin, Tita Delia? Magkahiwalay po ba tayo na magtatrabaho sa Maynila? Ganoon po ba 'yon?" nakangusong sagot ko kay Tita Delia na mabilis naman na tumango sa akin.

"Oo. Ganoon nga 'yon. Hindi tayo sa iisang bahay magtatrabaho. Paumahin kung hindi ko kaagad 'yon nalinaw sa 'yo lalo na sa 'yong mahal na ina. Paumanhin talaga, Shaina," sabi niya sa akin na may kasamang paumahin. Ngayon ay unti-unti ko nang naiintindihan ang ibig niyang sabihin sa akin. Nalungkot tuloy ako sa sinabi niya na 'yon.

"Kung hindi po tayo sa iisang bahay magtatrabaho, saan po ba ako magtatrabaho bilang isang katulong?" tanong ko kay Tita Delia na nakanguso. Muli siyang bumuntong-hininga bago sumagot sa akin.

"Doon ka magtatrabaho sa kalapit na bahay dahil mas kailangan ng bagong katulong doon, eh. 'Wag kang mag-alala dahil magkalapit lang naman ang mga bahay na pagtatrabauhan natin, eh. Nasa isang ekslusibong subdivision lang naman. 'Pag may oras tayong dalawa ay puwede tayo na magkita. Okay lang ba 'yon sa 'yo, Shaina?" paliwanag sa akin ni Tita Delia.

Hindi ko pa rin maiwasan na hindi magtampo sa kanya dahil sa inaakala ko na sa iisang bahay kami magtatrabaho ngunit hindi naman pala. Magkahiwalay pala kami. Kinakabahan ako sa mangyayari sa akin. Wala rin naman akong magagawa pa kundi ang tumango sa sinabi niya. Kung hindi man kami magkakasama sa iisang bahay na pagtatrabauhan ay kailangan ko na tanggapin 'yon kahit ayaw ko na maghiwalay kay Tita Delia. Wala akong ibang pagipilian, eh.

Bago ako sumagot sa tanong na 'yon ni Tita Delia kung okay lang ba 'yon sa akin na magkahiwalay kami ng bahay na pagtatrabauhan ay bumuntong-hininga muna ako.

"Wala namang problema 'yon sa akin, Tita Delia. Wala rin naman po akong choice kundi ang magtrabaho na hindi po tayo magkasama sa iisang bahay na pagtatrabauhan. Ang totoo po n'yan ay kinakabahan ako," sabi ko sa kanya. Hindi ko na sinabi sa kanya na nagtatampo ako sa kanya dahil sa hindi kaagad niya nilinaw na hindi naman pala kami magkasamang magtatrabaho sa isang bahay.

Bumuntong-hininga rin si Tita Delia bago muling magsalita sa akin.

"Paumahin talaga ha, kung hindi ko kaagad 'yon nalinaw sa 'yo. Wala rin naman tayong magagawa, eh. Kahit gusto ko man na magkasama tayo ay wala naman akong magagawa. Gusto lang talaga kitang tulungan na magkaroon ka ng trabaho para makatulong ka sa mama mo at mga kapatid mo, eh. Gusto mo rin naman na tulungan sila, 'di ba? Uulitin ko ha, magkalapit lang naman ang bahay na pagtatrabauhan mo sa bahay kung saan ako nagtatrabaho. Kung may kailangan ka ay puwede mo akong puntahan. Paumahin talaga, Shaina," paumahin muling sagot ni Tita Delia sa akin.

"Naiintindihan ko naman po kayo, Tita Delia. 'Wag mo na pong sabihin 'yan. Naiintindihan ko naman po, eh. Okay lang po sa akin. Kaya ko naman po siguro, eh. Para sa pamilya ko ang gagawin ko na 'to kaya nagdesisyon po ako na sumama sa 'yo, eh. Nasasanay rin po ako n'yan. Malinaw na po sa akin ang lahat, Tita Delia," sagot ko sa kanya. Nginitian ko na rin siya. Natatanggap ko naman na kahit papaano ang lahat ng mga nalalaman ko. Ganoon naman talaga ang buhay kahit ayaw ko sa una ay kailangan mo na gawin. Wala naman akong pagipilian pa. Kaya ako nagdesisyon na sumama kay Tita Delia para magtrabaho hindi para magreklamo o ano pa.

Ngumiti rin si Tita Delia sa akin bago siya nagsalita. "Maraming salamat sa pag-iintindi mo sa akin, Shaina. Nandito lang naman ako para sa 'yo. Kahit hindi tayo palaging magkikita ay hindi naman kita pababayaan. Nangako ako sa mama mo na hindi kita pababayaan, okay?" Tumango na lang ako kay Tita Delia. Niyakap niya ako nang napakahigpit na yakap pagkatapos.

Makalipas ang sampung oras ay nasa Maynila na nga kaming dalawa ni Tita Delia. First time ko na makarating sa Maynila kaya namamangha ako sa mga nakikita kong nagtataasan na mga gusali at mga sasakyan na napakarami sa daan. May nakikita naman ako sa probinsiya na mga sasakyan na ganito ngunit hindi kagaya dito sa Maynila na napakarami. Ang haba-haba ng traffic sa daan. May mga taong naglalakad papasok sa trabaho nila. May mga naghihintay ng masasakyan. Marami akong nakikitang mga hindi ko pa nakikita sa probinsiya namin na dito ko lang nakita sa Maynila.

Sumakay kami ng taxi patungo sa exclusive na subdivision na puro mga mayayaman ang nakatira. Kitang-kita ko ang mga nagagandahan na mga bahay. Pagandahan pala sila ng bahay dito.

Nang makababa na kami sa taxi ni Tita Delia ay itinuro niya sa tapat ang napakalaking bahay na pinagtatrabauhan niya. Doon siya nagtatrabo bilang isang katulong. Matapos 'yon ay naglakad kami ng ilang hakbang at huminto sa isang malaking bahay na mas maganda doon sa bahay na pinagtatrabauhan niya. Napakatahimik sa bahay na 'yon.

"Dito ka magtatrabaho sa bahay na 'to, Shaina," sabi ni Tita Delia sa akin habang turo-turo ang bahay na 'yon. Tumango lang ako.

Wala pa ngang dalawang minuto ay bumukas ang malaking gate at lumabas ang isang lalaki na may edad na. Kulay brown na t-shirt at maong na short ang suot nito. Ngumiti ito pagkakita kay Tita Delia habang tahimik lang ako sa tabi niya.

"O, Delia, dumating ka na pala," wika nito sa kanya. "Akala ko ay nasa probinsiya ka pa n'yo ngayon."

Ngumiti naman si Tita Delia sa kanya bago nagsalita sa may edad ng lalaking 'yon. "Kararating lang namin ngayon nitong pamangkin ko, eh. Nand'yan ba ang boss mo?"

Tumango kaagad ang may edad na lalaki.

"Opo. Nasa loob po si sir ngayon," sabi nito sa kanya. Tinapunan niya ako ng tingin at nagsalita, "Ito ba ang ipapasok mo na katulong dito sa bahay ni sir?"

Mabilis na tumango si Tita Delia sa kanya.

"Oo. Siya ang ipapasok ko na katulong. Pamangkin ko siya. Ang pangalan niya ay Shaina," sagot ni Tita Delia sa kanya.

Ngumiti ito sa akin at nagsalita, "Magandang araw sa 'yo, Shaina! Masaya akong makilala ka. Ako nga pala si Caloy. Ako ay isang ang hardinero. Ngayon na walang ibang katulong si sir ay ako ang gumagawa ng lahat ng mga gawain sa loob ng bahay niya pero ngayon na nandito ka na ay mababawas-bawasan na ang gagawin ko." Nakipagkamayan ito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Oh, my goodness! Sa bahay na 'to pala ako magtatrabaho bilang isang katulong. Ibig sabihin ay walang ibang katulong sa bahay na 'to kundi siya lang. Tumango-tango ako sa kanya.

"Wala po bang ibang katulong o kasambahay dito ngayon maliban po sa 'yo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Umasim ang mukha niya.

"Wala, eh. Umalis na sila kaya wala nang natira pa. Kaya naghahanap ang boss ko ng bago," sagot niya sa akin. Tumango-tango muli ako sa kanya.

"Mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob. Nakakahiya naman na dito tayo sa labas nag-uusap," sabi ni Mang Caloy sa amin ni Tita Delia.

Sumunod lang kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa loob ng malaking bahay na 'yon. Napakatahimik sa loob pero mamangha ka sa mga makikita mo. Maraming mga nakakamanghang makikita sa loob. First time ko na makakita ng ganitong napakagandang bahay. Mayaman na mayaman talaga ang nakatira. Umupo kami sa malambot na sofa habang tinatawag ni Mang Caloy ang boss niya na ilang minuto lang ay kasama na niyang lumalapit sa amin ni Tita Delia.

Naunang naglalakad ang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay puting long sleeve at itim na pants. Hapit na hapit ang suot nito sa malaking katawan nito. Hindi pa naman siya matanda na inaasahan ko. Mukhang ilang taon lang ang agwat niya sa akin. Dumako ang tingin ko sa guwapong mukha nito. Naramdaman ko na biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nakaramdam tuloy ako ng hiya kaya mabilis na napatungo ako.

Tumayo kami ni Tita Delia at sabay na binati siya ng magandang araw. Nakatayo siya sa harap namin na seryoso ang tingin lalo na sa akin. Nasa tabi niya si Mang Caloy na tahimik lang.

"Siya ba ang sinasabi mo na ipapasok mo na bagong katulong dito sa pamamahay ko, Aling Delia?" tanong niya sa baritonong boses kay Tita Delia. Boses pa lang niya ay para bang may kakaibang kiliti 'yon sa tainga ko.

Mabilis na tinanguan ni Tita Delia ito at saka nagsalita, "Opo, sir. Siya po 'yon na sinasabi ko sa 'yo kahapon. Mabuti po ay sinagot mo ang tawag ko noong isang araw bago kami umalis sa probinsiya namin. Ang pangalan niya po ay Shaina. Pamangkin ko po siya, sir. Mabait po siya."

"Ganoon ba? How old is she?" tanong nito kay Tita Delia. Hindi siya tumitingin sa akin.

"Twenty two years old na po siya, sir. Hindi po siya nakatapos ng pag-aaral sa high school kaya wala po siyang ibang mapasukan na trabaho kaya ito na lang po ang papasukin niya na pagiging katulong o kasambahay," sabi pa ni Tita Delia sa kanya. Tumango siya sa harap namin.

"Wala namang problema 'yon, Aling Delia. Hindi naman kailangan ng educational background ang trabahong papasukan niya, 'di ba? As long as marunong siyang gumawa ng trabahong pambahay at magiging masunurin siya sa lahat ng ipag-uutos ko ay puwede siyang maging katulong ko. Narinig mo ba ang sinabi ko na 'yon sa 'yo, Shaina?" wika niya at napatingin siya sa akin.

Kaagad naman na tumango ako sa kanya kahit kinakabahan ako. "Opo. Narinig ko po 'yon, sir. Marunong naman po akong gumawa ng mga gawain na pambahay. Marunong rin po akong sumunod sa pinag-uutos sa akin. Mapagkakatiwalaan rin po ako sa kahit anong bagay," magalang na sagot ko sa kanya.

"Very good. Simula ngayon ay dito ka na sa pamamahay ko magtatrabaho, okay? Since dinala ka naman na ng Tita Delia mo dito, eh. Si Mang Caloy na ang bahala sa 'yo na ituro ang magiging kuwarto mo at iba pang kailangan mo na malaman sa loob ng pamamahay ko. Hindi na natin kailangan pa na patagalin pa 'to. Puwede ka nang magpaalam sa Tita Delia mo. She needs to go back to her work too. Hindi puwedeng tumagal siya dito sa pamamahay ko. She should leave to work there. By the way, my name is Jacob Lopez. Ulilang lubos na ako," seryosong sagot niya sa akin. Nagpakilala na rin siya ng pangalan niya sa akin.

"Sige po, sir. Maliwanag po sa akin ang lahat ng mga sinabi mo. Masaya po akong makilala ka, sir. Magpapaalam na po ako sa Tita Delia ko," tugon ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.

"Okay. Uulitin ko sa 'yo ha, si Manong Caloy na ang bahala sa 'yo," sabi pa niya sa akin. Kahit nasa harapan pa namin siya ay nagpaalam na ako kay Tita Delia. Kailangan na rin niyang bumalik sa bahay na pinagtatrabauhan rin niya. Hinihintay na sigurado siya ng amo niya doon. Nagyakapan muna kami nang napakahigpit ni Tita Delia bago siya tuluyang lumabas sa malaking bahay na 'yon. Hindi ko na siya hinatid pa dahil baka pagalitan pa ako ng amo ko na mukhang masungit kahit guwapo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status