Share

My Maid, My Love (Filipino)
My Maid, My Love (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

SHAINA

Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa kusina para makausap ang aking ina habang siya ay nagluluto ng aming ulam para mamayang hapunan. Napansin niya siguro ang paglapit ko sa kanya kaya mabilis na lumingon siya sa akin. Pilit na ngiti ang pinakawalan niya at ramdam ko pa rin ang bigat nang nararamdaman niya dahil 'yon sa pagpanaw ni papa tatlong linggo na ang nakalilipas. Namatay si papa sa sakit niya sa puso na ilang taon na niyang dinadala-dala.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ni mama sa akin habang ako'y nakanguso.

"Ma, hindi pa naman po," mahinang sagot ko sa kanya. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa akin.

Tumango rin siya.

"Akala ko kasi ay nagugutom ka na pero malapit na rin maluto 'tong adobong manok na niluluto ko na ulam natin mamayang hapunan. Alam ko na paborito mo 'to," sagot ni mama sa akin na nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Opo. Paborito ko po talaga 'yan na niluluto mo na adobong manok," sagot ko sa kanya.

"Kaya nga 'yon ang naisipan ko na iluto ngayon, eh. May kaunting ipon pa naman ako kaya binili ko na para may masarap na ulam tayo mamayang hapunan," sabi sa akin ni mama.

"Hindi na po n'yo dapat na ibinili ang kaunting natitirang ipon mo po para makabili lang ng masarap na ulam namin. Itinabi mo na sana po 'yan," sabi ko.

"Shaina, wala naman na problema 'yon sa akin. Tayo lang naman ang magkikinabang, eh. 'Wag kang mag-alala dahil may kikitain naman ako bukas. Marami-rami ang mga labahan ko bukas doon kina Ma'am Liza. May kita na naman ako n'yan bukas," paliwanag ni mama sa akin. Napanguso tuloy muli ako sa harap niya.

"E, kahit na po. Para naman po sa mga kapatid ko ang ipon n'yo, eh. Para po 'yon sa pag-aaral nila," sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman 'yon, eh. 'Wag ka nang mag-alala dahil minsan lang naman tayo kakain ng adobong manok. Alam ko na nagsasawa na kayo sa gulay kaya naisipan ko na bumili nito," nakangising sabi sa akin ni mama.

"Kumakain naman po kami ng gulay, eh. Hindi naman po kami maarteng mga anak mo po," sabi ko kay mama at napangisi pa siya.

"Gusto ko lang naman kayo pasayahin na mga anak ko. 'Wag ka nang mag-alala," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. May gusto akong itanong kay mama kaya pumunta ako sa kanya dito sa kusina. Huminga muna ako nang napakalalim bago simulan na sabihin 'yon sa kanya.

"Ma, may itatanong po ako sa 'yo..." sabi ko sa kanya.

"Ano 'yon? Ano ang itatanong mo sa akin, huh?" tanong ni mama sa akin.

"Papayagan mo po ba ako na sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila sa susunod na linggo?" tanong ko nga kay mama habang nagpipigil ako ng aking hininga. Namilog ang mga mata ni mama sa naging tanong ko sa kanya.

"Gusto mo na sumama sa Tita Delia mo sa Maynila sa susunod na linggo para magtrabaho, huh? Sigurado ka ba sa sinasabi mo sa akin?" Mabilis naman na tumango ako kay mama bilang patunay na sigurado talaga ako na sumama kay Tita Delia sa Maynila para magtrabaho. Nasa tamang edad naman na ako at puwede na akong magtrabaho kahit katulong sa bahay.

"Opo. Sigurado po ako sa sinasabi ko. Gusto ko po na sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila. Payagan mo po sana ako dahil gusto ko po na magtrabaho doon at para makatulong naman po ako sa 'yo," sabi ko kay mama. Napahilamos ng kanyang mga kamay si mama sa kanyang mukha sa sinabi ko na 'yon sa kanya.

"Shaina, hindi mo naman kailangan na magtrabaho para makatulong sa amin ng mga kapatid mo ngayon. Sapat na sa akin na binabantayan mo ang tatlo mong mga kapatid at tinuturuan sila sa eskuwela, eh. Kaya ko naman kayo na buhayin kahit sa paglalabandera ko, eh," sagot ni mama sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"E, kahit na po. Gusto ko po talaga na makatulong sa inyo kaya magtatrabaho na po ako sa Maynila. Gusto ko po na sumama kay Tita Delia at sana po ay payagan mo na po ako. Nasa tamang edad na po ako para magtrabaho, eh. Kahit hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral sa high school ay makakapaghanap naman po ako ng trabaho doon sa Maynila, eh," pakiusap ko kay mama.

"Alam mo ba ang trabaho ng 'yong Tita Delia sa Maynila, huh? Alam mo ba na isa siyang katulong doon?" sagot sa akin ni mama. Tumango naman ako sa kanya.

"Opo. Alam ko naman na po, eh. Sinabi niya po sa akin. Gusto ko po na magtrabaho doon sa Maynila. Payagan mo na po ako mama. Gusto ko po talaga na makatulong sa inyo. Gusto ko po na makaahon tayo sa kahirapan ng ating buhay. Uuwi naman po ako palagi dito sa probinsiya kapag pasko po. Hindi ko naman po kayo kakalimutan, eh. Palagi po akong magpapadala sa inyo ng pera kapag suweldo ko na po. Please. Payagan mo na po ako mama," pakiusap ko muli kay mama.

"Kung papayagan kita na sumama sa Tita Delia mo para magtrabaho sa Maynila, kaya mo ba magtrabaho bilang isang katulong, huh? Hindi madali ang magtrabaho bilang isang katulong. Naging katulong rin ako noon na dalaga pa ako bago ako maasawa ng papa mo kaya alam ko ang hirap na dinaranas ng isang katulong araw-araw. Sinasabi ko 'to sa 'yo para hindi ka magsisi sa bandang huli o kaya ay hindi ka na sumama sa Tita Delia mo. Sinasabi ko 'to sa 'yo para malaman mo dahil kung hindi mo kayang panindigan ang papasukin mo na trabaho ay huwag mo na ituloy. Puwede ka naman na magtrabaho dito sa atin sa probinsiya, eh," sabi sa akin ni mama pero hindi ko pinakinggan 'yon.

"Kaya ko naman po na maging isang katulong. Kaya ko po na magtrabaho sa loob ng bahay araw-araw na tanging ang magiging amo ko lang po ang pagsisilbihan ko at wala na ngang iba pa. Hindi ko po pagsisihan ang gagawin ko po na magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong dahil gagawin ko po 'yon para makatulong at maiahon sa hirap ang pamilya natin," sagot ko sa mama ko na determinado na gawin ang gusto ko na magtrabaho sa Maynila bilang katulong kasama ang Tita Delia ko. Hindi muna siya sumagot sa sinabi ko sa kanya.

Makaraan ang ilang segundo ay nagsalita siya.

"Hindi ako papayag na sumama ka sa Tita Delia mo para doon ka magtrabaho kahit gustong-gusto mo pa na gawin 'yon para sa amin na pamilya mo. Kaya ko pa naman kayong buhayin kaya hindi mo kailangan na magtrabaho para tumulong sa amin," sagot ni mama sa akin.

Matapos niyang sabihin 'yon ay nanuyo ang lalamunan ko. May tumulong mga luha mula sa mga mata ko sa sinabi niya na hindi niya ako papayagan na sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila. Kaagad naman na tumalikod siya sa akin na nakanguso at pinagpatuloy ang pagluluto niya. Hindi na siya nagsalita pa. Alam ko sa sarili ko na nasasaktan siya sa sinabi ko sa kanya at lalo na ang nais ko na mangyari na sumama kay Tita Delia sa Maynila para doon magtrabaho para na rin makatulong sa pamilya namin.

Hindi ako sumabay na kumain ng hapunan sa kanila. Pakiramdam ko pa ay nawalan na ako nang gana na kumain dahil sa sinabi niya na hindi siya pumapayag na sumama ako sa Tita Delia ko papunta sa Maynila para doon magtrabaho. Malapit na silang matulog nang magpasya akong kumain ng hapunan. Ang inaasahan ko sana na masayang hapunan namin ay hindi nangyari kaya habang sinusubo ko ang kinakain ko ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa aking mga mata na hindi tumulo. Naalala ko rin tuloy si papa.

Hindi ako tumigil kahit alam ko na hindi pumapayag si mama na hindi ako sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila. Araw-araw ko siya na kinukulit hanggang sa pumayag na nga siya. Napakasaya ko nang pumayag na siya sa akin ngunit may halong lungkot 'yon dahil iiwan ko na sila muna dito sa probinsya para magtrabaho doon sa Maynila.

Matapos akong payagan ni mama na sumama kay Tita Delia sa Maynila para magtrabaho ay kinausap niya kaagad ito. Ibinilin ni mama kay Tita Delia na huwag na huwag akong pababayaan doon sa Maynila habang nagtatrabaho ako. Nangako naman si Tita Delia na hindi niya ako pababayaan doon. Natuwa naman ako sa ginawa niyang 'yon.

Nag-impake kaagad ako ng mga damit ko na dadalhin sa pagpunta ko sa Maynila kasama ni Tita Delia. Biglang dumating si mama habang nag-iimpake ako ng mga damit ko.

"'Wag mong pababayaan ang sarili mo doon," mahinang sabi sa akin ni mama. Tumigil muna ako sa pag-iimpake at humarap sa kanya para sumagot.

"Opo. Hindi ko naman po pababayaan ang sarili ko doon, eh. Palagi po kayong mag-iingat dito sa probinsya. 'Wag po kayong mag-alala dahil palagi po akong tatawag sa inyo. Pinapangako ko po 'yan," naluluhang sabi ko kay mama.

"Mag-iingat ka rin doon. Iba ang buhay sa Maynila kaysa sa buhay natin dito sa probinsiya," sabi niya sa akin.

"Alam ko naman po 'yon. Pero salamat po talaga sa pagpayag na sumama ako kay Tita Delia para magtrabaho doon sa Maynila," pasalamat ko kay mama sa pagpayag niya na sumama ako kay Tita Delia para magtrabaho. Ngumiti naman siya sa akin bago sumagot.

"Pumayag ako dahil sa gusto mo talaga na gawin 'yon pero kung hindi ko iniisip ang kagustuhan mo na sumama sa Tita Delia mo para magtrabaho sa Maynila ay hindi talaga kita papayagan na kahit kailan pa 'yan. Ayaw ko naman na sumama ang loob mo nang tuluyan sa akin dahil sa hindi ko pagpayag sa 'yo. At dahil mahal kita ay ginawa ko 'yon kahit masakit isipin na mawawalay ka sa amin ng mga kapatid mo," naluluha na sagot ni mama.

"Ma, salamat po talaga sa pagpayag mo sa akin. Salamat po. Hindi naman po ako tuluyan na mawawalay sa inyo. Tatawag po ako sa inyo palagi. Alam ko po nalulungkot kayo na aalis ako pero gagawin ko naman po 'to para sa pamilya natin, eh. Sigurado po ako na palagi po akong gagabayan at babantayan ni papa kaya wala ka po na dapat ipag-alala sa akin. At maging kayo rin po ay palaging ginagabayan at binabantayan ni papa," sabi ko kay mama. Tumulo na nga nang tuluyan ang aking mga luha. Mabilis naman na niyakap ko nang mahigpit ang aking mahal na ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status