Share

Chapter 6

JACOB

I thought Manong Caloy was knocking on my door, but he wasn't that person I saw. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng aking kuwarto ay si Shaina na kaagad ang bumugad sa akin. I was surprised to see her. Umagang-umaga ay siya ang nakikita ko. Shaina is a pretty woman. She's simple too and I think she's different to those women I had before. Pagkakita ko pa lang kahapon sa kanya ay nakaramdam ako ng kakaiba. Kahapon pa lang ay hindi ko na nga mapigilan ang sarili ko. Ngayon na nakita ko na naman siya ay muli ko naman nararamdaman ang pagkabuhay ng aking pagkalalaki. Ano'ng ibig sabihin nitong nararamdaman ko sa kanya?

Nakita ko kanina siya na nakatingin sa katawan ko. Natulala siya habang nagkatingin sa aking malaking katawan. Hindi nga siya makapagsalita kaagad. Nauutal pa nga siya, eh. There's something with her. Sa mga titig pa lang niya kanina sa akin ay para bang may ibang kahulugan 'yon. Hindi kaya gusto niya ako? Well, 'yan ang hindi ko alam. But I'll know that soon. Hindi ako papayag na hindi ko siya makuha. Ang sexy nga niya sa suot niyang uniporme. Bagay na bagay sa kanya 'yon.

Sinara ko na pinto ng aking kuwarto pagkaalis nga niya. Bago ako bumaba para kumain ng breakfast ay kailangan na nakaligo na ako. Kailangan na mabango na ako. Pumasok kaagad ako sa shower room para magshower doon. Hindi naman ako nagtagal doon sa loob. Nagshower lang ako at nagpawala ng init sa aking katawan dahil kay Shaina. She makes my body heat and my cock throbs. Makukuha ko rin talaga siya. Hindi 'yon imposible lalo na nandito siya sa pamamahay ko.

Nang makapagbihis na nga ako ay kaagad naman na akong bumaba. Nandoon nga silang dalawa ni Manong Caloy sa dining room. Hinihintay nila akong dalawa na bumaba.

Tahimik lang si Shaina habang pinagsisilbihan ako. Iniwan kaming dalawa doon ni Manong Caloy sa dining room kaya kaming dalawa lang ang naiwan doon.

"Kumain ka na ba, Shaina?" tanong ko sa kanya.

Mabilis naman siyang tumango sa akin at nagsalita, "Opo, Sir Jacob. Kumain na po ako."

"Ganoon ba?"

"Opo."

Tumango-tango ako pagkasagot niya sa akin. "E, ano'ng kinain mo kanina?" tanong ko pa nga sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita sa akin.

"Tinapay po ang kinain ko kanina na may kasamang mainit na kape po, Sir Jacob," malumanay na sagot niya sa akin. Tumango naman ako pagkasabi niya.

"Nabusog ka naman ba ng kinain mo, huh?" tanong ko pa sa kanya. Tinatanong ko siya kung nabusog siya sa kinain niya.

Tumango naman siya muli sa akin.

"Opo, Sir Jacob. Nabusog naman po ako sa kinain ko na 'yon kanina. Hindi naman po isang tinapay lang ang kinain ko kanina, eh. Nabusog naman po ako," sagot niya sa akin na nakatitig sa aking mga mata. Tinititigan ko rin siya sa kanyang mga mata at nagkatitigan nga kaming dalawa ngunit umiwas siya ng tingin sa akin pagkatapos. Siguro nakaramdam siya ng hiya. Bakit naman siya mahihiya sa akin, 'di ba? Ano ba'ng rason para mahiya siya sa akin?

I sighed deeply and shook my head after that. "Okay. Thanks for answering my question, Shaina. Kung nagugutom ka, kumain ka, okay? Maraming pagkain dito sa bahay. 'Wag kang mahiyang kumain ng pagkain na gusto mo. Magsabi ka lang kay Manong Caloy," sabi ko sa kanya na huwag mahiya. Kung gusto niya na kumain ay kumain siya ng gusto niya. Ganoon naman ang ginagawa ni Manong Caloy dito sa pamamahay ko. Kung ano'ng gusto niyang kainin ay malaya siyang kainin 'yon. Hindi ko naman siya pinagbabawalan sa gusto nilang kainin. Hindi naman ako madamot sa pagkain.

"Nakakahiya naman po, Sir Jacob," sagot nga niya sa akin na nakangiwi. Napatawa ako sa kanya.

"Shaina, sinabihan na kita na huwag kang mahihiya, okay? Hindi mo kailangan na mahiya na kumain ng pagkain na gusto mong kainin dito sa pamamahay ko. You're free to eat the food you want to eat. Alam 'yon ni Manong Caloy. Ganoon ang ginagawa niya dito sa bahay ko. Kung ano'ng gusto niyang kainin ay kinakain niya. Hindi mo kailangan na matakot o ano pa. Hindi naman ako naghihigpit pagdating sa pagkain. Hangga't may pagkain dito sa pamamahay ko ay walang kailangan na problemahin pa. Mamroblema lang kayo kung wala na ngang pagkain dito sa bahay ko pero hindi naman mangyayari 'yon, eh. Palaging may pagkain dito sa pamamahay ko. Hindi dito nawawalan," paliwanag ko sa kanya. "Kaya wala kang kailangan na ikahiya o ano pa. You can eat the food you want while you're here, okay? Alisin mo na 'yang hiya mo dito sa loob ng pamamahay ko sapagkat hindi ko kailangan 'yon. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa 'yo, Shaina?"

Ilang minuto muna ang lumipas bago siya nagsalita sa harapan ko. Hinayaan ko lang siya na magsalita kung kailan niya gusto na magsalita pagkasabi ko sa kanya.

"Okay po. Hindi na po ako mahihiya. Kakain po ako kung ano po ang gusto ko na kainin na nandito po sa pamamahay mo, Sir Jacob," mahinang sagot niya sa akin. I gave her a quick smile and nodded.

"Very good. Malaya kang kainin mo ang gusto mo na kainin dito sa pamamahay ko. Kung nagugutom ka ay puwede kang kumain pagkaalis ko patungo sa opisina ng kompanya namin," nakangising sabi ko pa sa kanya.

"'Wag na po, Sir Jacob. Busog pa po ako. Mamayang lunch na lang po ako kakain," sagot nga niya sa akin. Tumanggi siya na kumain pagkaalis ko mamaya. "Marami pa po akong kailangan na trabahuhin dito sa loob ng bahay mo po, eh. Hindi naman po ako nandito para kumain lang, nandito po ako para magtrabaho at para kumita ng pera."

I nodded again and said, "Alam ko naman 'yon, Shaina. But you have to eat, okay? You can't do your job properly here in my house if you're not going to eat well. Paano ka n'yan makakapagtrabaho kung nagugutom ka at nanghihina dahil sa kaunti lang ang kinakain mo kaya kailangan talaga na kumain. 'Pag nagugutom ka ay kumain ka, okay? Huwag kang magtiis ng gutom. Baka magkasakit ka pa n'yan. Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko sa 'yo, huh?"

Hindi na nagsalita pa ng kung ano si Shaina sa akin. Tumango na lang siya. Natahimik kami ng ilang minuto pero nagsalita pa rin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin.

"This is your first day to work in my house, right?" sabi ko sa kanya na nakangiti.

"Opo, sir. Ito po ang first day ko na magtatrabaho dito sa bahay mo po. Nagsisimula na rin po ako kanina pa, eh," sagot naman niya sa akin at kaagad ko naman siya na tinanguan.

"You have to do your job properly, Shaina. 'Pag may kailangan ka o hindi mo alam ay magsabi ka lang kay Manong Caloy dahil siya na ang bahala sa 'yo. Marami ka pang hindi alam dito sa pamamahay ko kaya huwag kang mahiya na magsabi sa kanya. He'll guide you, okay?" sabi ko pa sa kanya.

She shook her head and replied, "Opo, Sir Jacob. Magtatanong po ako kay Manong Caloy sa mga hindi ko po alam dito sa loob ng pamamahay mo po. 'Wag ka pong mag-alala dahil gagawin ko po nang maayos ang aking trabaho."

"Okay. That's good to hear that from you, Shaina. I hope everything is clear to you," sagot ko sa kanya.

"Opo, Sir Jacob. Maliwanag na po 'yon sa akin lalo na po ang napag-usapan natin ngayon. Hindi ko po kakalimutan ang mga sinabi mo," sabi pa niya sa akin.

"Dapat lang. Ayaw ko pa naman sa mga nakakalimot lalo na pagdating sa trabaho. I'm strict, Shaina. Gusto ko ginagawa nang maayos ang trabaho," sabi ko pa sa kanya.

Tumango muling siya sa akin at napangiwi. Hindi ko alam kung bakit siya napangiwi sa sinabi ko na 'yon. Baka kinakabahan lang siya o ano pa sa gagawin niyang trabaho dito sa loob ng pamamahay ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status