Share

Chapter 7

SHAINA

Malinaw na malinaw sa akin ang mga sinabing 'yon ni Sir Jacob. Hindi ko raw kailangan na mahiya dito sa pamamahay niya. Nakakahiya naman kasi, eh, lalo na kung kakain ako ng mga pagkain na pangmayaman kagaya niya. Hindi naman ako aanay sa mga pagkain na 'yon. Sapat na sa akin na kinakain ang tinapay, kape, kanin at ano pa na pagkain na madalas kainin namin na mga mahihirap. Tumango na lang ako sa kanya kanina para wala siyang masabi na kung ano sa akin.

Nang makaalis siya patungo sa opisina ng kompanya niya ay naiwan kami doon ni Manong Caloy. Pinagpatuloy ko na ang pagtatrabaho ko sa loob ng pamamahay ni Sir Jacob. Naghugas ako ng mga pinggan na pinagkainan niya. Matapos 'yon ay nagwalis ako. Pinunasan ko ang mga gamit doon sa baba na may mga alikabok lalo na doon sa may sala dahil 'yon ang sabi ni Manong Caloy sa akin. Siya naman ay abala doon sa garden. Iyon naman talaga ang trabaho niya. Ngayon na may bago na ngang kasambahay at ako 'yon ay balik na siya sa dating trabaho niya. Habang siya ay nasa labas, ako naman ay nandito sa loob ng bahay nagtatrabaho.

May mga lababan doon sa loob ng kuwarto ni Sir Jacob kaya kinuha ko 'yon para labhan lahat. Wala akong itinira sa mga lababan niya kahit 'yung iilang underwear niya ay nilabhan ko na rin. Hindi ako marunong gumamit ng washing machine kaya nagpatulong ako kay Manong Caloy hanggang sa matutunan ko 'yon. Tuwang-tuwa ako nang matutunan ko 'yon.

Nang sumapit ang lunch time ay sabay kaming kumain ni Manong Caloy. Doon kami sa may dirty kitchen kumain. Hindi naman kami bagay na doon talaga sa may dining room kumain. Si Sir Jacob lang ang kumakain doon. Katulong lang naman kami sa pamamahay niya kaya hindi kami dapat umaktong parang kami ang nakatira sa bahay niya.

Marami pa akong ginawa buong maghapon kaya nananakit na ang katawan ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil trabaho ko 'yon. Habang nagtatrabaho ako ay bigla kung naalala si Tita Delia. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Sigurado ako na abala rin siya sa pagtatrabaho doon sa pinagsisilbihan niyang pamilya. Buong pamilya kasi ang nandoon, hindi kagaya dito sa pinagsisilbihan namin na tanging isa lang. Si Sir Jacob lang naman ang pinagsisilbihan namin at wala nang iba pa.

Nagpahinga na muna ako ng ilang minuto at pagkatapos ay muling nagpatuloy sa pagtatrabaho.

"Sino po ang magluluto ng dinner ni Sir Jacob?" tanong ko kay Manong Caloy ng mga pasado alas said na ng gabi.

Huminga muna siya nang malalim at saka nagsalita, "Ako na muna ang magluluto ng dinner ni Sir Jacob. Since bago ka lang dito ay ako na muna. Marami ka pang kailangan na malaman o matutunan lalo na sa pagluluto ng mga paboritong pagkain ni Sir Jacob. 'Wag kang mag-alala dahil ituturo ko naman 'yon sa 'yo, Shaina."

Tumango naman ako pagkasabi ni Manong Caloy.

"Sige po. Turuan mo po ako, Manong Caloy. 'Pag natutunan ko naman na po 'yon sa 'yo ay ako na po ang magluluto. May mga alam naman po akong iluto kaso nga lang ay baka hindi naman magustuhan ni Sir Jacob kaya hindi ko muna iluluto 'yon. 'Yung gusto lang po niya," sagot ko nga kay Manong Caloy na tumango-tango sa akin pagkasabi ko. "Magluluto ka na po ngayon?"

"Oo. Magluluto na ako. Kaunti lang ang iluluto ko dahil baka hindi naman kumain ng dinner dito sa bahay si Sir Jacob. Masasayang lang. Tayong dalawa lang ang kakain ng lulutuin ko," sagot niya sa akin.

"Sige po, Manong Caloy. Mabuti pa po siguro ay ituro mo na sa akin ang iluluto mo na dinner ni Sir Jacob para may alam na rin ako. Iyong iba naman ay sa susunod na pagluluto mo. Hindi mo naman po maituturo 'yan ng sabay-sabay, eh," sagot ko nga sa kanya.

Sumagot naman kaagad siya, "Puwede naman, Shaina. Ituro ko na sa 'yo ngayon ang iba para may alam ka na rin."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Mabuti pa nga po, Manong Caloy..." sabi ko pa sa kanya.

"Wala ka na bang gagawin na iba, huh?" tanong pa niya sa akin kung wala na ba akong gagawin.

"Wala na po, Manong Caloy. Wala na po akong gagawin. Tapos ko na pong gawin kanina pa po," sagot ko sa kanya.

"Okay. Tinatanong lang kita para malaman ko kung Wala ka na bang gagawin. Kung may ibang gagawin ka pa ay 'yon na muna ang unahin. Maraming oras pa naman para ituro ko sa 'yo ang pagluto ng gustong pagkain ni Sir Jacob. Sinabi mo naman na wala na kaya ituturo ko na sa 'yo ngayon ang pagluto ng iba," sagot niya sa akin.

Tumango ako at kaagad na nagsalita, "Sige po, Manong Caloy. Susunod na lang po ako sa 'yo sa kusina para magluto."

Tumango naman siya pagkasabi ko.

Nauna na nga siyang pumunta sa kusina. Pumunta muna ako doon sa taas para buksan ang ibang mga ilaw na hindi pa nabubuksan ni Manong Caloy. Bumaba naman kaagad ako para ituro sa akin ni Manong Caloy ang kailangan ko na matutunan sa pagluluto ng pagkain na gusto ni Sir Jacob para sa susunod ay alam ko na. Alam ko na lutuin ang pagkain na gusto niyang inihahain sa kanya kapag kakain na siya.

Itinuro nga sa akin ni Manong Caloy ang iba na mabilis ko naman na natutunan. Tinutulungan ko na nga siya na magluto, eh. Ginagabayan na lang niya ako kapag may kailangan akong ilagay na ingredients. Masayang-masaya ako nang matapos kami sa paglulutong dalawa. Nagpahinga na muna kami pagkatapos.

"Shaina, kailangan mo munang lumabas..." sabi sa akin ni Manong Caloy nang magkasalubong kami sa may sala. Galing siya sa labas ng bahay. Hinihintay niya ang pagdating ni Sir Jacob ngunit wala pa ito. Hindi pa ito dumarating.

"Bakit po kailangan ko na lumabas, Manong Caloy?" nagtatakang tanong ko sa kanya kung bakit kailangan ko na lumabas. "May ipabilbili po ba kayo sa akin?"

"Wala, Shaina. Wala akong ipabilbili sa 'yo para lumabas ka," mabilis naman na sagot niya sa akin.

"Ganoon po ba? E, kung wala ka naman po pala ipabilbili sa akin sa labas, bakit ko po kailangan na lumabas? Nand'yan na po ba si Sir Jacob? May kailangan po ba tayong bitbitin na dala niya?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Wala pa siya, Shaina. Kaya kailangan mo na lumabas muna dahil nasa labas ang Tita Delia mo. Gusto ka muna niyang makausap kahit maikling minuto lang," sabi niya sa akin.

Natuwa naman nga ako pagkasabi niya na nasa labas ng bahay ang Tita Delia ko at gusto niya akong makausap kahit maikling minuto lang.

"Talaga po? Nasa labas siya ng bahay?" nakangising tanong ko pa kay Manong Caloy.

"Oo. Nasa labas nga siya nitong bahay ni Sir Jacob. Lumabas ka na muna raw para magkausap kayo. Wala pa naman si Sir Jacob kaya walang problema na mag-usap kayong dalawa," sagot nga niya.

Mabilis naman akong tumango at nagsalita, "Sige po, Manong Caloy. Lalabas na muna po ako. Maraming salamat po!"

"Okay. Sige na, lumabas ka na muna habang wala pa si Sir Jacob," sabi pa ni Manong Caloy sa akin.

"Opo. Maraming salamat po ulit," pasalamat ko muli sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status