SHAINAIlang araw na akong nakauwi dito sa probinsiya namin ngunit nasasaktan pa rin ako sa ginawang pag-iwan ko sa lalaking minamahal ko na si Jacob. Ginawa ko lang naman 'yon para sa kanya. Ayaw ko na mawala ang lahat ng mayroon siya dahil lang sa akin. Kung sa akin ay walang mawawala pero sa kanya ay marami. Ayaw kong mangyari 'yon sa totoo lang.Mahal ko siya kaya ko ginawa 'yon na iwan siya kahit masakit na masakit sa damdamin ko at labag sa kakooban ko. Binigyan ako ni Ma'am Camille ng pera sa halagang fifty thousand pesos para umalis na ako. Tinanggap ko naman 'yon dahil kailangan ko. Umalis na nga ako sa trabaho ko, wala na akong trabaho kaya kinuha ko na lang 'yon. Malungkot pa rin ako ngayon. Walang ibang laman ang isipan ko kundi siya lamang. Gustong-gusto ko siyang makita ngunit hindi na puwede, eh. Nami-miss ko siya nang sobra sa totoo lang. Naluluha ako sa gabi bago ako matulog dahil sa pagka-miss ko sa kanya. Ang sakit-sakit pala mawalay ka sa taong pinakamamahal mo. G
JACOB Hindi ko pa rin silang dalawa pinapansin pagkarating ko sa bahay lalo na ang pinsan ko na si Camille. Hindi pa rin ako natulog doon sa kuwarto ko kung saan natutulog si Isabel. Magpakaligaya lang siya habang nandito pa siya sa pamamahay ko dahil kapag wala na si Mr. Chavez ay palalayasin ko na siya.Sa kuwarto na tinutulugan ni Shaina ako natulog. Mas gusto ko na doon matulog kaysa sa kuwarto ko kung saan nandoon si Isabel. Ayaw ko siyang makita sa totoo lang. Dahil wala na kaming kasambahay ay kanya-kanya na kami sa gawaing bahay. Bahala silang dalawa.Pinuntahan ko si Aling Delia kung saan siya nagtatrabaho bilang kasambahay kagaya ni Shaina na pamangkin niya. Bago ko siya kausapin ay nagpaalam na muna ako sa mga amo niya. Pinayagan naman nga ako nila na kausapin siya. Medyo nagtataka si Aling Delia nang magkaharap kaming dalawa sa may sala. Dahil ako ang may gusto na makausap si Aling Delia ay pinayagan kami na mag-usap sa may sala.Mababait naman ang mga amo niya.''Bakit mo
SHAINA Sumunod na araw ay biglang tumunog ang cell phone ni mama habang nagluluto kaming dalawa ng tanghalian namin. Kami lang dalawa ang nasa bahay. Wala ang mga kapatid ko dahil may klase sila. "May tumatawag po sa 'yo, Ma. Hindi mo po ba sasagutin ang tumatawag sa 'yo?" tanong ko kay mama. "Wait lang anak, sasagutin ko naman, eh," sagot niya sa akin. Hinugasan muna niya ang kanyang kamay at pinunasan bago sinagot ang tawag. "Tumatawag muli ang Tita Delia mo sa akin," nakaawang ang mga labi na sabi niya sa akin pagkakita niya sa screen ng cell phone niya."Talaga po ba, Ma?" tanong ko pa sa kanya.Tumango kaagad siya at nagsalita, "Oo. Tumatawag muli ang Tita Delia mo. Kakatawag pa lang nito noong isang araw sa atin, 'di ba? Tumatawag muli ngayon."Napabuntong-hininga ako."Sagutin mo na lang po, Ma. Baka may importanteng sasabihin si Tita Delia. Sagutin mo na po ang tawag niya," sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya sa akin.Sinagot na nga niya ang tawag ni Tita Delia. Inilay
SHAINA"O, sige. Hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan ka man ngayon, Shaina. 'Wag kang mag-alala dahil kahit pilitin niya ako ay hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan ka man nga ngayon," sabi ni Tita Delia sa akin. "Ako na na ang bahala dito sa Maynila. Mag-iingat na lang kayo d'yan ng mama mo.""Opo, Tita Delia. Maraming salamat po! Mag-iingat ka rin po d'yan sa Maynila," sabi ko kay Tita Delia. "Maraming salamat po talaga sa pang-iintindi sa akin. Maraming salamat dahil hindi mo po ako hinusgahan sa nangyaring 'yon sa akin."She gasped and said, "Hindi naman kita puwedeng husgahan dahil lang doon, eh. Naiintindihan naman kita sa mga sinabi mo sa akin. Wala ka namang masamang intensiyon, eh.''Kahit papaano ay napangiti ako sa sinabing 'yon ni Tita Delia sa akin. Nakakatuwa lang na isipin na hindi naman niya ako hinusgahan. Imbis na husgahan niya ako ay intindi niya ako. Wala naman sa vocabulary niya ang manghusga sa totoo lang. Hindi naman siya mapanghusga na tao. Hindi siya ka
JACOB Wala pa ngang limang araw nang pumunta ako sa bahay ni Ninong Ramon ay may magandang balita na kaming natanggap. Mr. Chavez was arrested last night in his mansion. Wala na talaga siyang kawala pa. Haharapin na niya ang kanyang kaparusahan. Mananagot na siya sa mga maling gawain niya.Natutuwa kaming malaman 'yon ni Ninong Ramon. Tumawag pa nga sa akin ang mga kaibigan ko tungkol doon lalo na si Diego. Sinabihan ko kasi sila tungkol sa akin kaya alam nila. Nakasuporta naman raw sila sa akin kung ano ang gagawin ko. Masaya rin sila na malaman ang tungkol sa pagkaka-aresto ni Mr. Chavez."Mawawalan na si Isabel ng tutulong sa kanya, Ninong Ramon. Mawawalan na siya ng lakas ng loob na takutin pa ako sa mga nais niyang mangyari," natutuwang sabi ko sa kanya. "Totoo nga po talaga ang sinasabi mo sa akin.""You're right, hijo. Hindi ka na niya matatakot pa kahit kailan. Wala na nga ang tutulong sa kanya. God helped us. Hindi naman ako magsasabi kung hindi totoo, eh. Lahat ng sinasabi
JACOB"Sa tingin n'yo ba ay magtatagumpay kayo, huh?" seryosong sabi ko sa pinsan ko na si Camille matapos na sabihan ko si Isabel na umalis na dito sa pamamahay ko. "Hindi kayo magtatagumpay. Sinasabi ko 'yan sa inyo. Camille, you did the worst thing you did in your whole life. Ngayon, hindi na ako natatakot pa sa kung anong pananakot ang gagawin n'yo! Wala na ang tutulong kay Isabel sa hindi magandang plano niya. Ako pa rin ang magtatagumpay sa bandang huli at hindi kayo!"Seryosong tinititigan ako ng aking pinsan na si Camille. Lumunok muna siya nang sunod-sunod bago nagawang magsalita sa akin."It's not a worst thing I did, Jacob. Don't say that please. Ginawa ko lang naman 'yon dahil natatakot ako sa mga sinasabi ni Isabel laban sa 'yo. Kung hindi nga niya magagawa 'yon ngayon ay mabuti dahil hindi niya masisira ang magandang imahe at reputasyon mo sa publiko at hindi mawawala ang lahat ng mayroon ka. Walang masama doon, okay? Ginawa ko lang naman 'yon para protektahan ka at wala
SHAINASinama nga ako ni mama sa birthday party ni Sir Albert na hindi ko naman kilala na inimbitahan siya na pumunta. Sabi kasi niya ay isa si Sir Albert sa mga pinaglalabahan niya tuwing weekend. Mabait naman raw ito. Doon lang naman sa kanila ginaganap ang birthday party nito. Malaki naman ang bahay nila. Marami-rami na rin ang tao sa kanila nang dumating kami ni mama. Bumili naman kami ng regalo para sa kanya. Nakakahiya naman na wala kaming dalang regalo. Kahit hindi mamahalin ay kailangan pa rin namin magbigay ng regalo. Hindi naman siguro kailangan mahal ang halaga ng regalo. Tatlo kaming magkasama na pumunta sa birthday party ni Sir Albert. Kasama namin 'yung kapatid ko na sumunod sa akin.Nilapitan namin si Sir Albert. Kasama niya ang kanyang asawa. Sa pananamit pa lang nila ay kita mo na ang karangyaan nila sa buhay. May kasama silang binati na panay ang tingin sa akin kanina pa nang dumating kami dito sa kanila. Binati muna namin siya ng "Happy birthday" at binigay ang rega
SHAINA "Saan ba dito ang restroom n'yo?" tanong ko kay Sir George mayamaya nang pumunta siya ulit sa mesa namin. Naiihi kasi ako. Ayaw naman akong samahan ni mama dahil may kausap siya sa kabilang mesa. Kilala siguro niya 'yon. Akala ko pa naman ay wala siyang kakilala."Bakit?" tanong niya sa akin. Sinabi ko naman sa kanya kung bakit tinatanong ko siya kung saan ang restroom nila."Puwede mo ba akong samahan, Sir George?" tanong ko pa sa kanya. Mabilis naman siyang tumango at nagsalita, "Sure, Shaina. Puwedeng-puwede. Sasamahan kita, okay?" "Sige po. Maraming salamat..." pasalamat ko sa kanya. Tumayo na nga ako at nagpaalam sa kapatid ko na pupunta muna ako sa restroom. Abala kasi si mama sa pakikipag-usap sa kabilang linya. Hindi naman ako magtatagal. Nauna si Sir George na naglakad patungo sa restroom nila. Nakasunod lang ako sa kanya. Pumasok kami sa loob ng malaking bahay nila. Doon kasi sa garden nila ginawa ang birthday party ng daddy niya. Ang ganda ng bahay nila sa totoo l