Share

Chapter 98

SHAINA

Ilang araw na akong nakauwi dito sa probinsiya namin ngunit nasasaktan pa rin ako sa ginawang pag-iwan ko sa lalaking minamahal ko na si Jacob. Ginawa ko lang naman 'yon para sa kanya. Ayaw ko na mawala ang lahat ng mayroon siya dahil lang sa akin. Kung sa akin ay walang mawawala pero sa kanya ay marami. Ayaw kong mangyari 'yon sa totoo lang.

Mahal ko siya kaya ko ginawa 'yon na iwan siya kahit masakit na masakit sa damdamin ko at labag sa kakooban ko.

Binigyan ako ni Ma'am Camille ng pera sa halagang fifty thousand pesos para umalis na ako. Tinanggap ko naman 'yon dahil kailangan ko. Umalis na nga ako sa trabaho ko, wala na akong trabaho kaya kinuha ko na lang 'yon. Malungkot pa rin ako ngayon. Walang ibang laman ang isipan ko kundi siya lamang. Gustong-gusto ko siyang makita ngunit hindi na puwede, eh. Nami-miss ko siya nang sobra sa totoo lang. Naluluha ako sa gabi bago ako matulog dahil sa pagka-miss ko sa kanya. Ang sakit-sakit pala mawalay ka sa taong pinakamamahal mo. G
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status