Share

Chapter 32

Kahit nilalamon na ako ng anxiety sa pinagsasabi ng mommy ni Niko ay ayaw ko munang basta-basta na lang maniwala. Kailangan muna naming pag-usapan ‘to. Bakit hindi? Mag-asawa na kami! Yan ang gusto kong isigaw sa pagmumukha ng mommy niya kanina.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa ito pwedeng sabihin kay Niko ang tungkol dito dahil meron pa siyang exam bukas kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay hindi ako nagpahalata.

"Hi! How's my baby? I missed you!" Sinalubong ko siya kaagad ng yakap pagkapasok pa lang niya ng pintuan. Gumanti naman siya agad ng yakap at kinintalan ako  ng halik sa labi.

 No. Hindi ko kayang mawalay sa asawa ko.

"Na miss? Agad-agad?" Biro ko sa kanya pero sa totoo lang mas na miss ko siya at parang ang tagal naming di nagkita. Ni hindi ko nga magawang bumitaw sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako sa kanya ay bigla na lang siyang mawawala. Ayaw ko man ay hindi ko mapigilang matakot sa mga sinabi ng mommy niya.

"Why? Don’t you miss me? Hindi halata ah!" Tumatawa niyang sabi dahil hindi ko talaga magawang bumitaw sa kanya kaya habang humahakbang siya papunta sa sofa ay nakayakap ako sa leeg niya at umapak sa mga paa niya.  Nagpatihulog siya sa sofa kaya napakandong ako sa kanya.

"Hmm my baby’s extra sweet today huh?" Tumatawa pa ding niyang sabi habang nakayakap siya sa bewang ko at hinahalikan ako sa leeg ko.

"Bakit? Ayaw mo ba? ‘Di wag!" Kunwaring naghihinampo kong sabi sa kanya at tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at akmang aalis na sa kandungan niya.

"Hey! Ang bilis naman magtampo ng baby ko! Syempre gusto ko. Gustong gusto ko.." Tumatawa pa din niyang sabi pero humina ito sa mga huling katagang sinabi niya at nakatingin na siya sa aking mga labi! Hindi ko din napigilan ang sarili kong tumingin sa mapupula niyang mga labi at hindi ko namamalayan na napakagat na pala ako sa aking mga labi.

“I love you..” Mahina niyang sabi sa akin at mabilis na tinawid ang distansya namin at hinalikan ako sa aking mga labi.

Yumakap akong muli sa kanyang leeg at lalo pang lumalim ang paghahalikan namin. Naramdaman ko na lang na binuhat na niya ako at dinala sa kwarto at dahan-dahang inihiga sa aming kama. Itinukod niyang ang kanyang mga braso sa magkabilang tagiliran ko at tumitig sa akin sa namumungay niyang mga mata. Awtomatikong umangat ang mga kamay ko at hinaplos siya sa kanyang pisngi. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin na malayo sa kanya. Natatakot ako.

“I love you, Niko.” Mahina kong usal at hindi ko din magawang bawiin ang paningin ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti at hinawi ng marahan ang mga buhok kong nakatabing sa aking mukha.

“I love you more. You are my life, Jaz.” Sabi niya bago niya ako muling siniil ng halik. Sinuklian ko ng parehong intensidad ang maiinit niyang mga halik. Nagsimulang maging mapaghanap ang mga halik niya at unti-unting bumaba ito sa aking leeg at dako paroon.

Napasabunot ako sa buhok niya at napaungol nang muling mapag-isa ang aming mga katawan. Naging mabilis ang kanyang paggalaw at halos kapusin kami ng hininga nang muli naming marating ang rurok ng kaligayahan.

Pinaunan niya ako sa kanyang braso at iniyakap niya ang isa niyang braso sa aking bewang. Napangiti ako nang paulit-ulit niyang inuusal ang pagmamahal niya sa akin.

Lalo kitang minamahal sa bawat araw na dumadaan, Niko. Mahal na mahal kita.

May duty ako kinabukasan ng maaga kaya maaga din akong gumising para makapagluto pa ng breakfast namin ni Niko. Huling araw na din ng exam niya ngayon.

"Good morning, wife! Hmmm bango ng luto mo ah. Adobong manok for breakfast?" Nagtataka niyang tanong dahil puro prito ang usual breakfast namin lalo na kapag ako ang nagluluto.

Hindi ko nga din alam basta parang natatakam lang ako sa adobong manok ngayong umaga kaya ako nagluto. Magbabaon na din ako para hindi ko na kailangang bumili ng pagkain sa labas mamayang lunch.

"You need heavy breakfast para makapag-isip ka maige mamaya sa exam mo. Galingan mo ha?" Sabi ko na lang sa kanya at nginitian siya ng matamis.

Pagkatapos naming kumain at mag-ayos ay hinatid na muna niya ako sa ospital saka na siya dumiretso sa school kung saan siya mag-i-exam.

"Oh Jazmin, bakit parang ang tamlay mo ngayon? Okay ka lang?" Nag-aalalang sita sa akin ng senior staff namin.

"Okay lang po ako ma’am.” Ngumiti ako sa kanya at pilit na pinasigla ang itsura ko. Hindi dapat dinadala sa trabaho ang personal na problema, paalala ko sa sarili ko.

"Ganoon ba? Gusto mo bang mauna nang kumain tutal malapit na din namang mag lunch?" Nag-aalala pa din niyang sabi. Ganoon ba talaga ako ka obvious? Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mommy ni Niko.

"Naku hindi na po ma'am. Hindi pa naman po ako gutom." Tumingin ako sa kanya sandali at ipinagpatuloy ang pag pi-prepare ng mga IV meds ng mga pasyente.

"Ikaw bahala. Basta sabihan mo lang ako ha?"

"Opo, salamat po ma'am." Napangiti ako dahil likas na maalalahanin ang senior staff namin.

Parang napakabagal ng oras ngayon! Napabuntong hininga ako  nang sa wakas ay natapos ang duty ko. Kanina pa kasi ako uwing uwi na. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at parang gusto ko na lang matulog dahil nakakapagod mag-isip. Pagod  na pagod din ako dahil sa dami ng mga pasyenteng na admit sa buong shift namin.

Tapos na kayang mag exam si Niko? Tinigil ko muna ang pag-aayos ng mga gamit ko sa locker at sandaling tinignan kung may text na ba siya pero pagkatingin ko ay wala pa. Baka hindi pa siya tapos. Tinext ko na lang siya na mauuna na akong umuwi. Pero naghintay muna ako sandali ng reply niya baka sakaling tapos na din siya pero nang wala pa ding reply ay nauna na nga akong umuwi.

Naligo ako agad nang makapagpahinga ng kunti. Pagktapos ay nag tingin ng pwedeng mailuluto para sa dinner namin. Nang mailabas ko ang mga sangkap ay humiga na muna ako dahil napakabigat talaga ng katawan ko. Hindi ko namalayang tuluyan na nga akong nakatulog.

Nakakakiliting halik sa tenga ang nagpagising sa akin.

"Wake up, sleepyhead! My poor baby. Eat first, alright?” Sabi nito sa akin habang hinahawi ang magulo kong buhok na nakatabing sa aking mukha.

"Kanina ka pa ba? Sorry, hindi ako nakapagluto. What time is it na ba?" Patamad kong tanong sa kanya. Inaantok pa din ako.

"It’s already eight. Let’s eat first." Dahan-dahan niya akong binangon. Nagpatianod na lang ako sa kanya kahit inaantok pa ako.

"Hmm sarap sarap talaga magluto ng asawa ko!" Ngayon ko lang naramdaman ang gutom nang matikman ko ang niluto niyang tinola.

Nakangiti lang siyang nakatitig sa akin.

"Bakit? Kain ka na din." Nakakunot noo kong sita sa kanya.

"I love watching you eat." Nakangiti pa din nitong sabi at marahan akong pinisil sa pisngi.

"Aray naman!" Pabebe kong sabi sa kanya kahit hindi naman masakit. "Open your mouth, baby boy. Say ah!" Biro ko sa kanya habang inilalapit ang kutsara sa bibig niya dahil pinapanood niya lang akong kumain!

Tumatawa naman siya pero sinubo pa din niya ang inuumang kong pagkain sa kanya. Natuwa naman ako kaya inulit kong muli pero umiling na siya at para pang masasamid.

"Baby, stop it! Kakain na po ako." Aniya dahil hindi ko talaga siya titigilan. Natawa na lang kaming pareho at nagpatuloy sa maganang pag kain. Masaya kaming nag kumustahan habang kumakain kami kaya pansamantala kong nakaligtaan ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

Hinatid ako muli ni Niko sa ospital kinabukasan dahil may duty ako.

"Baby, we're here." Tumatawa niyang sabi pagkarating namin ng ospital dahil hindi ko magawang bumitaw sa kanya. Para akong koala na nakakapit sa braso niya at nakasandig sa balikat niya.

"I don't feel like going to work today." Malungkot kong sabi sa kanya pero napabuntong hininga na lang ako dahil kahit ayaw ko ay kailangan kong pumasok.

"Why? Are you not feeling well? You should've told me. You can file for a leave, right?" Nag-aalala naman niyang tanong sa akin.

"No, I’m okay. Mami-miss kasi kita eh." Sabi ko  naman sa kanya at lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Clingy baby bear! ‘Gonna miss you, too!" Natawa na lang kaming pareho sa kadramahan ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil kailangan ko na talagang pumasok.

Sana hindi totoo Niko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung iiwan mo ako. Ilang oras pa nga lang na di tayo magkasama na mi-miss na kita. How much more ang mga buwan? O taon? Naiiyak ako!

"What was that for?" Tanong niya.

"Ang alin?"

"The heavy sigh?"

"Nothing. Ma mi-miss nga kita! Sige na baby at ma li late na din ako. Bye! I love you!" Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at agad na din akong bumaba sa sasakyan niya bago pa  magbago ang isip ko at hindi na nga ako makakapasok pa nang tuluyan!

Hindi ko pa din magawang sabihin sa kanya. Natatakot kasi ako na baka nga totoo. Ayoko. Hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang ay parang gusto ko nang bumunghalit ng iyak! 

Thank you for voting! ❤️🙏

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status