Share

Chapter 33

"Get up lazy bones! Let’s go out!” Masayang sabi ni Niko at umupo siya sa kinahihigaan ko at hinaplos ako sa pisngi.

Alam kong nag-aalala siya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil lagi akong walang energy at nakakatulog ako agad pagka-uwi galing trabaho. Night shift na kasi ako kaya malamang ay dahil ‘to sa puyat at mababa din ang blood pressure ko. Idagdag pa ang alalahanin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa  nababanggit kay Niko ang tungkol sa sinabi ng mommy niya. Natatakot kasi akong malaman..na baka totoo nga. Natatakot akong malaman na aalis nga siya lalo pa at kasama si Gab.

Hindi na din maipagkakaila ang ilap at lungkot sa mga mata niya at may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig lang sa akin na tila mini-memorya niya ang bawat hugis sa mukha ko. Kaya lalo lang akong naduwag na itanong sa kanya ang bagay na ‘yon. Pero alam kong hindi ko na dapat ito patagalin pa dahil lalo lang bumibigat ang dibdib ko.

“Come on, baby.” Malambing nitong sabi sa akin habang nilalaro ang buhok ko.

“Sing for me first.” Lambing ko din sa kanya.

Tinatamad na naman akong bumangon dahil napakabigat ng katawan ko. Ilang gabi kasi akong nakaduty dahil  nag emergency leave ang isa sa mga reliever namin kaya wala akong choice kung hindi saluhin ‘yon. Okay na din ‘yon para medyo mahaba din ang off ko.

Agad naman siyang tumalima at tumayo para kunin ang gitara niya at muling umupo sa gilid ng kama. Napangiti ako nang magsimula siyang mag strum at paborito ko pa ang tinugtog niya.

Kamukha mo si Paraluman

Nung tayo ay bata pa

At ang galing galing mong sumayaw

Mapa boogie man o cha-cha

Wala na, natunaw na naman ang puso ko! Bumangon na ako at yumakap sa likuran niya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya habang ninanamnam ko ang pagtugtog at pag kanta niya. Napaka lamig talaga ng boses niya at napakasarap pakinggan.

“Mas maginaw ngayon kahit summer na?” Sabi ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa Session Road. Naka sundress ako na above the knee at denim jacket pero giniginaw pa din ako.

Bumitaw naman siya sa akin at akmang tatanggalin niya ang black trucker jacket niya nang pigilan ko siya. Napakunot noo naman ito nang tawanan ko siya.

“I’m okay. Cute mo!” Nginitian ko siya nang matamis dahil napakagaling  niyang magpakilig.

“I though you’re cold?” Tanong niya.

“Yeah but I’m fine. Mawawala din ‘to kasi maglalakad lakad pa tayo oh.” Sabi ko sa kanya at pinisil ko ang pisngi niya. Napailing na lang ito at napangisi at nabigla ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang.

“Niko! Pinagtitinginan tayo. Grabe ka naman kasing makahapit sa bewang ko!” Tudyo ko sa kanya.

“Gwapo kasi ng asawa mo.” Nakangising bulong niya sa akin kaya kinurot ko siya ng marahan sa bewang niya.

“Eh di ikaw na ang gwapo!” Tumatawa kong sagot sa kanya at yumakap na din ako sa bewang niya habang naglalakad kami.

Nag crave kami pareho sa pizza kaya sa yellow cab na lang kami kumain. Nagpahinga lang kami  ng kaunti pagkatapos naming kumain saka na kami ulit naglakad lakad.

“Baby, samahan mo nga ulit akong mag-ukay.” Kunwaring lambing ko sa kanya pero sa totoo lang ay sinusubukan ko lang siya.

"Baby?” Gulat nitong tanong at napatigil pa siya sa paglalakad kaya hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa! “You might be a photographer again so please." Nakangisi nitong pakiusap sa akin.

“Yabang!” Pairap kong sabi sa kanya at siya naman ang natawa.

“Let’s just sleep, baby. Corny niyang pinapanood mo.” Sabi niya sa akin dahil nanood pa kami ng tv pagkauwi namin at nagpapaantok lang. Hindi naman ako mahilig manood pero basta feel ko lang manood ngayon.

“Patapusin lang natin.” Lambing ko sa kanya at sumandig ako sa dibdib niya habang nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko.

'Walang hiya kang babae ka! Layuan mo ang anak ko! Magkano ba kailangan mo?!'

Natigilan ako sa linyahan ng matandang babae na maraming kolorete sa katawan sa tv. Biglang namawis ang mga kamay ko. Napansin ni Niko ang biglang pagka tense ko dahil agad niyang pinatay ang TV!

"You okay baby? Let’s sleep?" Nakatingin siya sa mukha ko na tila nanantiya. Nag-uunahan na din ang tibok ng puso ko. Siguro panahon na din para harapin ko ang katotohanan?

“Baby?” Nag-aalala nitong tanong nang hindi pa din ako kumikilos. Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakasandig ko sa kanya at humugot ako ng malalim na paghinga.

“N-niko..” Huminga ulit ako ng malalim kaya napakunot noo  na ito habang hinihintay ang sasabihin ko.

"Your mom went here pala.." Alumpihit kong sabi sa kanya at halata ang pagkagulat niya. Naging mailap din ang mga mata niya kaya parang nakumpirma ko na ngang totoo kahit hindi ko pa man din naitatanong! Lalo pang kumabog ang puso ko sa kaba.

"Totoo ba? Aalis ka?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

Hindi siya nakasagot at napatingala na lang sa taas na tila ba doon nya mahahanap ang kasagutan sa tanong ko sa kanya. Napasabunot siya sa buhok niya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga! Hindi ko na nga napigilan pa ang sarili ko nang mag unahan nang tumulo ang luhang nagbabadyang bumagsak kanina pa. Hindi ko na din napigilan pa nang mapahikbi na din ako sa sobrang sakit. Napamura siya nang makita niya akong umiiyak at agad niya akong niyakap nang mahigpit.

“I’m..I’m so sorry, baby.” Hirap na hirap nitong sabi sa akin kaya lalo lang akong napaiyak.

"Iiwan  mo talaga ako, ha?” Putol putol kong tanong sa kanya gawa nang paghikbi ko.

"Babalik din ako agad..I promise. Please don’t cry.” Pang-aalo nito sa akin at nararamdaman ko ang pagdampi niya ng mga halik sa ulo ko. Ramdam ko din ang bigat sa dibdib niya pero may magagawa ba kami?

"P-paano tayo?" Humihikbi kong tanong.

"Hindi kita pababayaan. And we have to tell our family about..us. Is it okay with you?”

"Ayaw sa’kin ng mommy mo, Niko." Natatakot ako sa mommy niya. Natatakot akong paghiwalayin niya kami.

"Don’t worry about her. I will take care of that.” Masuyo niyang sabi sa akin.

"Kasama mo daw si Gab."

"Yeah. Same university but that’s all. Malayo ang tirahan niya sa tirahan ko.”

"May gusto sa’yo ‘yon eh." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"You're so cute, baby. Don't worry about that because it’s only you and it will always be just you. I love you so much, you know that.” Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ko. Kakayanin namin ‘to.

Sa isang buwan na pala agad ang alis niya. Gustuhin ko mang magtampo ay hindi ko magawa. Ilang araw na nga lang kaming magkakasama, aawayin ko pa ba. Lumuwas din kami ng Manila two weeks after ng confrontation namin at nang ma approve din ang leave ko. One week lang talaga ang hangganan na pwedeng ibigay sa akin dahil under staffed kami.

Dinala niya ako sa mansiyon nila at ipinakilala niya ako bilang asawa niya. Nabigla silang lahat lalo na ang mommy niya na halos mahimatay sa pagkabigla. Ang lolo niya ay sobrang disappointed dahil nga sa kasunduan nila ng kaibigan niyang lolo ni Gab. Pero kalaunan ay natanggap naman na nila. Wala na daw silang magagawa at kinasal na nga kami. Tinanong pa nila kung buntis daw ba ako at bakit agad daw kaming nagpakasal. Syempre sinabi naming hindi at nagpakasal kami dahil mahal namin ang isa't isa.

Nag punta din kami sa bahay ni tita Jelai. Gulat na gulat si tita pero masaya siya para sa amin. Nasabi na din namin kay mommy a day after naming mag usap ni Niko. Nag video call na lang kami. Alam kong nadisappoint ko si mommy pero di nya ‘yon ipinahalata. Nakapagtapos naman na daw ako at may trabaho na pero sana daw ay ikasal kaming muli kapag umuwi siya kaya masaya naman kaming nangako ni Niko. Magpapakasal kami ulit pagkauwi niya.

Sa mansiyon nila Niko kami nag stay. Mababait naman sila lahat sa akin lalo na ang ate ni Niko pero ang mommy niya ay halos iwasan ako sa buong stay namin doon.

Naging extra sweet pa si Niko sa akin kaya gumaan naman nang tuluyan ang dibdib ko. Nag celebrate din ang family niya dahil pumasa siya ng board at despidida na din. Hinatid niya ako sa Baguio ng ika limang araw na stay namin sa Manila dahil kailangan ko pang magpahinga at sasabak na naman ako sa trabaho. Hindi na siya pumayag na magtrabaho pa ako dito sa Baguio dahil pauwi na din si Jen kaya nagre-resign na din ako at sabay na kami ni Jen uuwi ng Manila.

“Will you be okay?” Nag-aalala at malungkot nitong tanong nang pabalik na siya ng Manila. Hindi ko na din siya maihahatid sa flight niya dahil may trabaho na ako at isa pa, parang hindi ko din kakayanin na makita siyang umalis. Ngayon pa nga lang sobra-sobra na ang pag-iyak ko! Ayoko sanang ipakita sa kanya ang kalungkutan ko para hindi naman ganoon kabigat ang dibdib niyang aalis pero hindi ko mapigilan!

“Yeah, I will be. Don’t worry about me.” Pilit ang ngiti kong sabi sa kanya pero para namang fountain ang mga mata ko at hindi na maawat sa pagluha.

Pigil na pigil din siya at mabibigat ang kanyang paghinga. “I love you so much, baby. Wait for me.” Niyakap niya ako ng mahigpit at siniil ng halik bago tuluyang umalis.

Pagkaalis niya ay hindi ko na talaga naawat pa ang sarili ko sa  pag-iyak. Ilang araw din akong puro iyak kaya labis ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil hindi talaga nila ako iniwan at lagi silang nandiyan kaya kahit papaano ay nakaya ko.

Lalo pa kong nalungkot nang nagpaalam na kami ni Jen kay Max at Jeff dahil uuwi na din kami ng Manila. Kahit ayaw naming magkahiwa-hiwalay, kailangan na naming harapin na hindi na kami bumabata at dapat nang harapin ang reyalidad.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status