Share

Kabanata Tatlo

Mataas na ang araw nang magising ang dalaga kinabukasan. Inut-inot na bumangon si Anya at sumandal sa headboard ng kama. Nakaramdam siya ng konting pagbigat ng ulo maging ng munting pagkahilo. Naisapo niya ang isang kamay sa noo. Nagulat pa siya nang malaglag sa baywang ang puting kumot at tumambad ang hubad niyang katawan. Nanlalaki ang mga matang nilinga niya ang buong paligid. Saka lamang niya nahinuha na wala siya sa sariling silid. Nag-iisa na lamang siya sa kuwarto at magulo ang ayos ng kama. Napaungol siya nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi, dahil doon ay muling uminit ang kanyang pakiramdam. Mabilis na ibinalot niya sa katawan ang puting sapin.

Nais niyang tumayo upang hanapin si Clark. Nakakahiyang tinanghali siya ng gising sa higaan nito. Ang akmang pagtayo ay naudlot nang makaramdam siya ng konting pagkahilo. Naalala niyang naparami pala sya ng tequila sa event ng kaibigan tapos nadagdagan pa ng ininom nila ni Clark kagabi. Naghalu-halo na tuloy ang alak sa kanyang katawan. Sumandal siyang muli at bahagyang hinilot ang sintido. Nang umigi ang pakiramdam ay marahang tumayo. Hindi sinasadyang napahawak siya sa lamesitang katabi ng kama. Nakapa niya ang isang nakatuping papel roon. May pagkunot ng noo na kinuha niya iyon nang makita na nakasulat ang kanyang pangalan. Agad niyang napansin na sa ilalim niyon ay isang tseke na naglalaman ng hindi birong halaga.

“Last night was amazing. Till next time.” Ayon sa mensaheng nakasulat sa papel.

Sa nabasa ay nanlata si Anya. Nanghihinang muling napaupo sa kama. Diyata’t iyon pala ang tingin sa kanya ng lalaki - isang bayaran. Nakaramdam siya nang pagkirot ng dibdib. Tinamaan ang kanyang ego. Wala naman siyang dapat sisihin kundi ang sarili sa pagiging mahina pagdating kay Clark. Mula noon hanggang ngayon ay para pa rin siyang teenager sa tuwing napapalapit sa lalaki. Agad na humihina at lumalambot ang depensa niya rito. Saglit niyang kinalma ang sarili maya-maya ay tumayo at hinagilap ang suot kagabi. Mabilis siyang nagbihis at inayos ang sarili sa banyo. Pagkatapos ay dinampot ang clutch at nilisan na ang silid.

Sa lobby ay may mangilan -ngilang guest na napapatingin sa kanya. Kakikitaan ang mga ito ng paghanga. Magiliw siyang binati ng babaing nasa front desk. Nasa mukha ang rekognisyon maaaring naalala nitong siya ang kasama ni Clark nang nagdaang gabi. Tinanguan niya ito at pilit na nagbigay ngiti, bigla siyang nakaramdam ng pagkailang kaya lihim siyang napabuntong hininga. Ano na lamang ang iisipin ng mga empleyadong ito. Na sya ay isang kaladkaring babae? A high-profile escort? Jeez!

"Ma'am correct me if I'm wrong, but you're One of the angel's top models right? anang receptionist.

Maluwang na napangiti si Anya kaya pala ganoon na lamang ang pagkakatitig sa kanya ng babae ay dahil nakilala sya nito bilang si Anya Collins at hindi bilang escort na nakaray lamang ni Clark kagabi.

"Yes."

Agad na namilog ang mga mata ng receptionist. "OMg! sabi ko na na hindi ako maaring magkamali. Oh my, I'm a big fan Miss Anya." tuwang wika ng babae. Ipinangalandakan pa nito sa mga kasama ang presensya niya. Tuloy ay nauwi sila sa picture taking na maluwat naman niyang pinaunlakan.

Pagkatapos ay mabilis na siyang naglakad palabas ng wala nang lingo-lingon. Hustong nasa bungad na sya ng exit door nang may tumawag muli sa kanyang pangalan.

“Miss Collins?”

Nilingon niya ang may-ari ng boses. Isang nakangiting lalaki ang ngayo’y palapit. Nagpakilala ito sa pangalang Marco. Pagkatapos makipagkamay sa kanya ay sinabayan na siya ng lalaki palabas at iginiya sa isang nakaparadang sasakyan. Salubong ang mga kilay na sinuyod niya ng tingin ang lalaki. Naroon ang pagtataka sa kanyang mukha.

“I never ask one to pick me up," she said confusedly.

“Kabilin bilinan ni Doctor Zantillan na ikuha kayo ng masasakyan na maghahatid sa inyo sa hotela,” agaw-banggit ni Marco. Naroon ang ngiti sa mga labi nito.

Nakaramdam siya nang ngitngit. What a nobleman huh! Sa loob-loob niya. Gayunpaman ay hindi siya nagreklamo. Walang dahilan para tumanggi pa. Isa pa ang tanging gusto niya ay ang makalayo agad sa lugar. Tahimik siyang lumulan sa kotse at nagpasalamat sa lalaki. Pag-usad ng sasakyan ay marahas siyang napabuga sa hangin. Pagkatapos sabihin sa driver kung saan sya naka check-in na hotel ay Isinandal niya ang ulo sa sandalan at mariing pumikit.

Agad na nanariwa sa kanyang balintataw ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Clark. Mabilis na uminit ang pakiramdam niya sa pagkaka-alala sa nagdaang gabi. Jeez! Para syang nalango sa alak sa tamis at kaligayahang idinulot ng dating nobyo. Subalit tila hangin na naparam ang nakaliliyong pakiramdam nang bumalik sa isip ang tseke na iniwan ng lalaki. Gusto niyang manliit while disappointment flows in her veins. Huminga sya nang malalim at dinala ang tingin sa labas. Bigla ay nakaramdam sya ng ibayong kahungkagan.?

Emptiness flows through her veins.

*****

Sa tulong ng mag-asawang Eunice at Vince ay nakahanap agad si Anya ng bahay na maaaring tirhan sa loob ng isang buwang pamamalagi sa bansa. Tinanggihan niya ang unang alok na condo ng mag-asawa. Preferred niya ang simple lang kaya nga apartment lang sana ang hinahanap niya. Pero malayo roon ang inirekomenda ng dalawa, isa iyong single detached house na akmang-akma panlasa niya at ang lokasyon ay sa isang kilala at pribadong subdivision sa Quezon City. Nagustuhan niya agad ang lugar dahil less ang polusyon.

Medyo may kalakihan ang bahay na napipinturahan ng puti, napakalinis tignan at mukhang bagong renovate. Simple at maganda ang disenyo, pulido ang pagkakagawa at mamahalin ang mga ginamit na materyales. May isang palapag at dalawang kuwarto sa itaas. May bakuran at sariling garahe. Nabistahan na rin niya ang buong bahay kaya nakita niyang kumpleto na rin ito sa mga kasangkapan magmula sa kusina, hapag kainan, sala at silid. Hindi biro ang mga iyon at talagang mamahalin. Mukhang wala na siyang bibilhin pa tila hinanda para sa kung sinumang titira.

Ayon sa kaibigan, pinasadya raw talaga iyon ng may-ari para hindi na kaabalahan sa uupa ang kagamitan.

Kasama raw iyon sa prebehiliyo ng isang nagnanais ng isang simpleng bakasyon. Simple? She doubts it. This place makes her feel comfortable. Isang kaluwagam iyon sa parte niya. Naisip niyang napaka- generous naman ng may-ari dahil napaka-kunbinyente nito para sa kanya.

Pinili niyang maging kuwarto ang katapat ng hardin. Mayroon iyong balkonahe kung saan ay buo mong mapagmamasdan ang pagsikat at paglubog ng araw. At mula rin roon ay mamamalas ang kagandahan ng munting hardin sa ibaba. Labis ang naging kagalakan niya nang makita ang isang pamilyar na halamang namumulaklak. Ang gumamela. Sagana sa pulang bulaklak ang mayabong na puno ng gumamela sa hardin. May mga iba’t ibang rosas din na nakatanim na sa paso. Lihim siyang napangiti, tingin niya ay magiging punong abala siya sa mga susunod na araw. Matagal na panahon na rin mula nang huli siyang mag-gardening.

Bumalik si Anya sa silid. Sinimulan niyang isalansan ang mga damit sa nag-iisang built-in cabinet na naroon. Ganoon din ang mga personal na gamit sa tokador. Hindi sinasadyang napasulyap sya sa king size na kama.

The bed is covered by white sheets, so refreshing and very clean.

Naalala tuloy niya ang kuwarto ni Clark na purong puti rin. Naipilig niya ang ulo. Ba't ba ang daming bagay na nakakapagpa-alala sa kanya sa lalaki. Nagmumukha tuloy syang tanga na natutulala habang nakangiti sa kawalan. Agad niyang pinalis ang isip mula sa binata pagkatapos ay tinungo ang kanugnog na banyo upang isalansan naman roon ang mga personal belongings niya. Natuwa sya nang makitang may pa bathtub. Pero napataas ang kilay niya, diyata't maging sa banyo ay may mga nakahanda na ring toiletries. Hindi lang iyon mga mamahalin rin at karamihan ay pasok sa panlasa niya. Hindi na siya magtataka kung maging ang two-door na refrigerator sa kusina ay may laman na ring mga pagkaing iluluto. Mabilis siyang bumaba para tingnan ang laman ng ref at hindi nga siya nagkamali dahil punong-puno iyon ng mga frozen goods at iba pang makakain. Maging ang cupboards ay puno na rin ng mga groceries. Nagkagatla tuloy sya sa noo. Pero mabilis niya ring pinalis ang pagtataka at kibit-balikat na bumalik na lamang sa kuwarto.

Hula niya ay si Eunice ang may gawa n'yon at ayaw lang sigurong magsabi. O baka naman nais lang syang surpresahin ng kaibigan. Knowing her. Isang ugaling labis niyang ipinagkakapuri niya kay Eunice ay ang pagiging maalalahanin at mapagbigay nito. Naisip niyang tatawagan na lamang niya ang kaibigan mamaya para pasalamatan. Masyado na niya itong naaabala.

Ang mga sumunod na araw ay naging interesante para kay Anya. Punong abala ang dalaga sa pag-aayos ng bakuran. Napuno ng tanim ang paligid dahil nagdagdag pa sya ng iba pang mga halaman sa hardin. Nagsabit rin sya ng orkidyas at bulaklak na petunia sa may balkonahe. Ginawa niya iyong tambayan lalo na sa gabi kapag hindi pa sya inaantok.

Nakausap na niya si Eunice at inamin talaga ng kaibigan na ang may-ari ng bahay ang nasa likod ng lahat ng surpresa. Ganoon raw talaga ang owner na hindi naman mapangalanan ng babae. Bagay na muli ay ipinagkibit-balikat na lamang niya. May isang bagay lang na labis niyang nagustuhan sa kung sino mang landlord. Iyon ay ang pagpayag nito na pakialamanan niya ang hardin nito.

Ngayon ay tanging sandong puti na namantsahan na ng putik at maong shorts na maiksi ang suot niya.

Ipinusod na lang niya nang kung paano ang mahabang buhok. Tagaktak na rin ang pawis niya sa noo at sa buong katawan pero ayaw parin niyang tumigil sa kakakalikot ng halaman at lupa. Hindi rin niya alintana ang mataas na sikat ng araw na malayang humahaplos sa malasutla niyang balat. Dahilan niya ay maaga pa naman, bitamina pa ang dulot niyon sa katawan. Uminom lang sya nang uminom ng maraming tubig para mapawi ang uhaw at mapalitan ang mga nawalang electrolytes sa katawan.

Nang maulanigan ang pagtunog ng kanyang telepono sa malapit na lingkoranan. Gusto sana niya niyang ignorahin ang caller ngunit tila ay ayaw rin nitong paawat kaya't napilitan siyang tanggalin ang suot na guwantes sa mga kamay. Rumihistro sa screen ang pangalan ng kaibigan.

"Aww!' bulalas niya. Excited na sinagot niya si Eunice. Pinaalala ng babae ang munting salo-salo sa darating na sabado sa bahay nito sa Ayala Alabang. Anang kaibigan ay ipapakilala raw sya nito kay Lola Consuelo. At nasasabik na rin daw ang matandang babae na makilala sya. Kaya naman ay inaasahan talaga siya nitong makarating.

She knew the old woman, she adopted Eunice as an orphan.

“Para namang hindi ako sisipot. Hindi pa ba sapat sa'yo na narito lang ako sa Manila?” Natatawang sagot niya sa kausap.

Narinig niya ang malakas na tawa ni Eunice sa kabilang linya. Hindi lang iyon nakikini-kinita rin niyang naiikot nito ang mga eyeballs.

“Oh dear, to make sure na makakarating ka ay pinakiusapan ko si Clark na daanan ka. Tutal ay pareho naman kayong inimbita ni Lola Consuelo." banggit nito.

“W…what?" bulalas ni Anya na nabigla. Lumarawan ang protesta sa mukha niya.

"Eunice, I can manage myself,” kontra niya sa gustong mangyari ng babae.

Ang ideyang magkikita silang muli ng lalaki ay talagang nagpasakit sa ulo niya. Hangga’t maaari sana ay ayaw niya munang makaharap si Clark. She's not yet ready to face him again after having great sex with him. Hindi lang iyon may mga iba pa syang concerns.

“What’s the big deal? Vince's best friend is a good man Anya. He didn’t eat you alive." biro ng kaibigan.

Anya takes a lot of air into the lungs.

"Kung alam mo lang…" Bulong niya sa sarili.

"Clark will pick you up at eight in the morning, so wake up early okay?"

Nais pa sana niyang mangatwiran kay Eunice subalit ay mabilis nang pinutol ng kaibigan ang kabilang linya upang hindi na sya makapag-protesta pa.

Muli ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Anya. Siguro nga’y hindi nila maiiwasang magtagpong muli ni Clark. Isa pa ito na siguro ang tama at magandang pagkakataon para sa pakay niya sa lalaki. Maganda na rin sigurong personal niya itong makausap. Sana nga lang ay hindi pangungutya ang anihin niya sa dating nobyo.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status