Share

Chapter 33

Andrea

"Turuan mo 'ko ng martial arts ate, para maipagtanggol ko sarili ko." Sabi ni Andrei.

Kaming dalawa lang ang nandito sa hospital room niya dahil pinauwi ko muna sila mama para makapagpahinga ng ayus.

"Sige, 'pag galing ka na."

'Yun din naman ang balak ko. Malaki na rin naman siya at hindi na siya bata. Dapat na niyang protektahan ang sarili niya.

"Nakilala mo ba kung sino ang bumugbog sa 'kin?" Tanong niya.

Umupo ako sa tabi niya sa kama pagkatapos ko siyang ipagbalat ng pongkan.

"Oo." Maikli kong tugon.

"Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung sino 'yun pagkatapos mo akong turuan? Para makaganti man lang ako."

"Alam mo namang masama ang gumanti, hindi ba? 'Yun ang turo sa atin nila mama."

"Pero ikaw gumaganti ka." Nakanguso nitong sabi.

"Hindi pagganti ang ginawa ko sa kanila."

"Ano lang? Revenge?" Sarkastikong sabi niya kaya natawa ako ng bahagya.

"Ibinalik ko lang ang ginawa nila sa 'yo."

"Ganun din 'yun."

"Magkaiba 'yun."

"Edi, ganun nalang din gagawin ko."

"Sige na nga." Pagsuko ko.

Hindi naman kasi susuko 'to eh. Parehas sila ni mama.

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung makalabas ng ospital si Andrei.

Pinagpahinga ko muna siya ng ulang araw bago ko siya turuan ng martial arts. Gaya ko ay hindi rin siya mahirap turuan.

Mabilis siyang maka pick-up ng mga moves. Lagi nga lang masakit ang katawan niya dahil hindi pa niya ako masabayan.

Pero kahit na ganun ay hindi siya sumuko. Wala siyang pake kahit na masakit na ang katawan niya. Iniinda man niya 'yon ngunit hindi niya 'yon hinahayaan na makasagabal sa ensayo namin.

Hangang hanga ako sa determinasyon niyang matuto. Napahanga niya ako ng sobra.

Pagkarating ko sa classroom ay naupo agad ako sa tabi ni Asher. Hindi niya ako tinignan. Nag iwas lang siya ng tingin sa 'kin.

Nagsimula ang klase namin at salamat nalang sa notes ni animal at nakakasabay ako. Sa Thursday at Friday na daw ang exam namin. Tapos na daw sa itinuturo niya si Mr. Vasco at naguubos nalang kami ng oras ngayon.

Nakakainis nga lang dahil 45 minutes pa bago matapos ang klase niya. Ayaw naman niya kaming palabasin dahil hindi pa daw break.

"Bored na ba kayo?" Tanong niya sa 'min.

"Opo, sir."

"Okay, pangtanggal boredom. Mag recite nalang kayo. Uhmm, para maikli ay... roses are red poems nalang ang irecite niyo. Gumawa kayo ng sarili niyong version. All of you, no exception."

Pinag-isip pa kami tss. Nagsimula ng mag-recite isa isa ang mga kaklase ko.

"Roses are red, violets are blue, I thought I was ugly 'till I saw you." Ani Jake.

Si Tristan ang sunod dahil ito ang sana gilid niya. "Roses are red, violets are blue, out of a million people I choose you." Tumingin pa siya kay Lexa kaya kinilig ito.

"Roses are red, violets are blue. God made me pretty what happened to you?" ~ Lexa

"Roses are red, the sky is blue. I mind my own business why don't you?" ~ Raia.

"Roses are red violets are blue. You made the world better by just being you." ~ Blake.

"Roses are red, violets are blue. A face like yours belong in a zoo." ~Alistair

Nagpatuloy pa ang pag recite ng poems hanggang sa makarating ito sa 'kin. "Roses are dead love is fake. Wedding are basically funerals with cake." Wika ko.

Nginisian ako ng guro namin kaya nginisian ko rin siya. Ang dami niyang alam. May pa roses are red roses are red pa siya. Saka kailan la naging violet ang blue?

"Roses are red, violets are blue. I'm sorry if I didn't tell you what I knew." ~ Asher.

Naramdaman ko na tumingin siya sa 'kin pagkasabi niya nun. Nagtinginan din sa akin ang mga kaklase namin kaya tumingin nalang ako sa bintana.

Sa pamamagitan ng roses are red poems siya humingi ng sorry. Kinuha niya ang pagkakataon na 'to para humingi ng tawad dahil hindi niya kaya na lapitan ako.

Break time na sa wakas. Sa soccer field kami dumeretso lahat. Ang mga lalaki ay pumunta muna sa cafeteria para bumili ng makakain namin.

Tinatamad kasi akong magpunta sa cafeteria dahil maraming tao kaya dito muna kami. Naiirita ako sa ingay. Para silang mga bubuyog kapag nagku-kwentuhan.

"Kami pa talaga ang mag-aadjust para sa 'yo 'no?" Sarkastikong sabi ni Alistair.

"Hindi ko sinabi sa inyo na sumama kayo sa 'kin. Kung ayaw niyo ay pwede kayong umalis at pumunta ng cafeteria."

"Oo nga naman bro, hindi niya sinabi na sumama tayo. Kung ayaw mo pwede ka sa cafeteria." Sang ayon ni Tristan.

"Mas maganda pa nga dito eh. Peaceful and quiet. Nakakalanghap din tayo ng fresh air." Ani Raia.

Wala ng nagawa si hagdan. Ang dami pa kasing reklamo.

Nagku-kwentuhan lang kami habang kumakain. Hindi rin nawala ang tawanan dahil kasama namin sina Jake at Tristan. Ang saya nilang kasama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status