Share

Chapter 41

Andrea

Sinundo ako ni Alistair sa bahay namin kanina kaya sabay kaming pumasok ngayon sa school. Alam na rin nila mama na kami na.

Sila Lexa nalang ang hindi nakakaalam. Hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ni Al habang nasa byahe kami. Problema nito?

"Baka mapunit 'yang labi mo?"

Tinignan niya ako saglit saka ibinalik ulit ang tingin sa daan. "I'm just happy." Aniya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Because you're mine now." Nakangiting sagot niya saka ako tinignan muli.

"Tss." Nginitian ko rin siya.

Ang saya niya masyado, hanggang umabot sa punto na hindi na mawala ang mga ngiti sa labi niya. Kanina pa 'yan mula nung sinundo niya ako sa bahay namin.

Pagdating namin sa school ay pinarada niya ang sasakyan niya sa parking lot. Lalabas na sana ako nung pigilan niya ako.

"Wait. Stay still." Aniya saka lumabas ng kotse.

Pinagbuksan niya ako at inalalayang makalabas. Napaka gentleman niya ngayon.

Habang naglalakad kami papasok sa campus ay hinawakan niya ang kamay ko. Saglit akong natigilan sa ginawa niya kaya huminto ako sa paglalakad.

"Bitawan mo kamay ko." Utos ko sa kaniya.

Umiling siya saka niya lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Napabuntong hininga nalang ako. 'Tong lalaking 'to, lahat ng gusto eh, gustong nakukuha. Pasalamat siya at mahal ko siya. Kung 'di ay kanina ko pa siya nasapok.

Naglakad kami habang magkahawak ang mga kamay namin. Ang nga nadadaanan namin ay napapatingin sa amin at sa mga kamay naming magkahawak.

May mga babae din na masama ang tingin sa akin at ang iba ay nagbubulungan.

"Ang sama ng tingin sa 'kin ng mga babae mo." Bulong ko sa kaniya.

Huminto siya sa paglalakad na ipinagtaka ko. Pagkasabi ko kasi nun ay bigla siyang huminto.

"All of you, come here." Utos niya sa mga estudyante na naroon na sinunod naman nila agad.

"Babe, who is she?" Tanong nung isang babae.

Nagpapacute pa ang punyeta.

"Oo nga. Sino siya?" Tanong ng isa pa.

"Listen carefully, She's my girlfriend. So don't you dare glare at her. I'll kick you out if you that. You'll never see me again." Aniya saka ako hinila paalis doon.

Isa pa 'to eh, punyeta din.

"Bakit kailangan mo pang sabihin sa kanila 'yun?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa room.

"For them to know that you're mine." Sagot niya.

Pwede naman na hindi na niya sabihin 'yun. Wala naman akong pake sa mga masasamang tingin nila sa 'kin. Hanggang doon lang naman kasi ang magagawa nung nga 'yun.

Hindi nila ako kaya. Hindi man nila alam kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin ay hindi nila ako kaya.

Hindi naman siguro sila maglakakas loob na kalabanin ako. Sementeryo ang bagsak nila kapag sinubukan nila.

Naabutan namin sila Lexa na nagku-kwentuhan doon sa loob ng room. Sila palang ang nandoon at wala pa ang iba.

"Ohhhh~ what's with you two?" Nakangiting tanong ni Raia.

"'Yun oh." Ani naman ni Tris.

"Congrats, bro." Ani Blake.

Si Jake ay nakangiti lang sa amin maging si Ash. Napansin ko na parang mapait ang ngiti na ipinakita ni Jake sa amin.

"Congrats." Aniya saka lumabas.

Anong problema nun? Bakit biglang lumabas?

"Bitawan mo na 'yung kamay ko. Nasa room na tayo." Sabi ko sa kaniya na hindi niya pinansin.

Inuubos niya ang pasensya ko. "Hagdan." Tawag ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako saka ngumiti ng napakatamis na ngiti. Nang uuto pa ang loko.

"Bitawan mo kamay ko kung ayaw mong baliin ko 'yang braso mo." Banta ko sa kaniya.

"I wanna hold your hand. Can't I do that?"

"Kanina mo pa hawak ang kamay ko, hagdan. Bitawan mo na ngayon."

"Don't you like it when we're holding each other's hands?"

Punyeta naman. Kaya ayokong mag boyfriend eh. Ang daming arte. Binigyan ko siya ng naiiritang tingin.

"Kalma lang kayo. Mukhang mag-aaway na kayo sa unang araw niyo." Ani Tristan.

"Bitaw na, Al." Sambit ko saka pilit na kinuha ang kamay ko mula sa kaniya.

Ngumuso siya saka naupo sa upuan niya. Iniwas niya ang tingin niya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha niya ngayon.

"'Wag mong sabihing nagtatampo ka." Tanong ko sa kaniya.

"Eh, bakit kasi ayaw mo na hawakan ko ang kamay mo?"

"Hindi sa ayaw ko--"

"Sa iba mo siguro gustong ipahawak 'yan, 'no?"

Punyeta 'to. Kung ano ano ang pumapasok sa utak eh. Wala namang kwenta.

Tristan

Nagbalik na sa dati si Al. Salamat kay Andrea. Lagi siyang nakanguso ngayon na madalas niyang gawin noon.

Nakakatuwa silang pagmasdan. Mukhang iritang irita na si Andrea pero nagtitimpi siya kay Al dahil boyfriend na niya ngayon 'yun. Pfft.

"Hindi sa ayaw ko, hagdan."

"Ayaw mo talaga na magkahawak ang kamay natin. Kanina nga pilit mong tinatanggal, eh." Reklamo ni Al na hanggang ngayon ay nakanguso pa rin.

"Mukhang away ang unang araw nila." Bulong sa akin ni Blake.

"Mukha nga. Kawawang Andrea." Bulong ko din sa kaniya.

Todo pagpipigil ang ginagawa ni Andrea. Wala siyang magagawa dahil ganiyan talaga si Al, eh. Kapag sa taong mahal niya siya nakikipag-usap ay nagiging ganiyan siya.

Nagiging makulit na ewan.

"Pakinggan mo muna kasi ako, punyeta!" Sigaw ni Andrea.

Nagalit na. Hindi na siya nakapagpigil kay Al.

"Hindi naman natin kailangan na ipinakita pa sa iba na tayo, 'di ba? Basta masaya tayo, hindi na natin kailangan na ipakita 'yon sa publiko." Saad ni Andrea na nauubusan na talaga ng pasensya.

"Ganiyan ka mag-isip, ako hindi. I want the whole world to know that you're mine." Nakangusong sabi ni Al.

Napabuntong hininga si Andrea saka tinignan ng mata sa mata ang boyfriend niya.

"Gusto mong malaman ng buong mundo?" Tanong niya dito.

"Oo." Sagot ni Al habang tumatango pa.

"Edi, ipabalita mo sa TV at siguraduhin mo na lahat ng bansa ay makakanood." inis na sabi ni Andrea saka naupo sa tabi ni Ash.

Napikon na ng tuluyan si Andrea dahil kay Al.

"Lagot ka, Al." Pang-aasar ko sa kaniya.

Wala namang naging epekto 'yun sa kaniya. Tinignan niya si Andrea na nasa bintana ang paningin at hindi maipinta ang mukha.

Andrea

Sabado na at napagpasiyahan noong maarteng hagdan na iyon na mag-date daw kami. Wala naman akong nagawa kung 'di ang pumayag nalang.

"Dito mo talaga gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa isang lugar na puro street foods ang tinda. Alam kong ayaw niya ng street foods kaya dito ko siya dinala.

Para patas kami, dahil lagi niya akong inaasar araw-araw mula nung naging kami. Ngayon ako naman.

"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ko sa kaniya.

"No." Sabi niya.

Ngumiti ako sa kaniya na ginantihan din niya ng ngiti.

Lumapit ako sa isang nagtitinda ng fish ball. "Dalawang bente pesos ng fish ball at kikiam." Sabi ko sa tindera.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status