Share

Chapter 47

Andrea

Nang magising ako ay nakita ko sila mama at papa na nakaupo sa sofa at natutulog.

Bakit hindi sila umuwi para matulog? Hindi maganda ang posisyon nila para sa pagtulog. Dapat ay humiga sila.

Anong oras na ba?

Tinignan ko ang oras na telepono ko at 4 am na pala. Umaga na nang magising ako mula sa pagtulog.

May nakita akong message mula sa mga kaibigan ko, isang message na nakapagpagaan sa loob ko ang sinend nila sa akin.

Halos lahat sila ay iisa lang ang message na gustong sabihin sa akin. Gusto nilang pagaanin ang loob ko at magsabi ako nang problema sa kanila.

Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Jake na nagtatampo daw siya. Loko loko talaga. Pasensya na kayo sa mga pangalan nila sa contacts ko. Natripan ko lang 'yan nung mga araw na wala akong magawa.

Si Alexa si Ms. Softhearted, si Raia si Sungit. Si Tristan si Green Apple kasi mahilig siya dun kaya 'yon ang naisipan kong nickname niya. Si Blake naman si Mr. Serious, si Jake si Animal at si Alistair si Hagdan. Alam niyo naman na siguro 'yung si hagdan at animal.

Malaking tulong ito sa akin ngayon. Walang ibang nakakakilala kay Cassandra nilang kaibigan ko maliban sa pamilya ko.

Hindi ko na siya naiku-kwento sa iba dahil ayoko nang ungkatin pa ang nakaraan dahil sobrang sakit.

Sobrang sakit na hindi ko man lang naipagtanggol ang kaisa-isang tao na nakipaglaro sa akin noon. Ang kaisa-isang tao na nagtiwala sa akin at nagturo kung paano makihalubilo sa iba.

Isa rin iyan sa dahilan kung bakit ako nag-aral nang martial arts, para sa susunod kung magkakaroon man ako nang kaibigan sa hinaharap ay maipagtanggol ko na siya kung sakali mang manganib ang buhay namin.

Pero ipinangangako ko kay Cassandra na pagbabayarin ko ang mga hayop na gumawa nun sa kaniya. Hindi sa batas ngunit sa mga kamay ko mismo.

Mamamatay silang lahat sa mga kamay ko. Paulit ulit ko silang papatayin sa mga kamay ko.

"Gising ka na pala, anak." Nahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni mama.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang likod ko. "'Ma, kailan kaya magkakaroon nang hustisya ang pagkawala ni Cassandra?" Tanong ko.

11 years ago na ang nakalilipas ay hindi pa rin nabibigyan nang hustisya ang pagkawala niya. Isa ito sa dahilan kung bakit wala akong tiwala sa mga pulis.

"Makukuha din natin ang hustisya sa pagkawala niya. Gumagawa na nang paraan ang papa mo para mahuli ang mga taong may sala." Sabi ni mama.

"Si Papa?" Tanong ko.

"Oo. Last year pa niya iniimbistigahan ang nangyari sa inyo. Gusto niyang mahuli ang mga tao na nagtangka sa iyo at ang mga taong naging dahilan upang mawala sa atin si Cassandra." Sagot ni mama. "Wala daw kasing progress ang mga pulis sa pagbibigay nang hustisya kaya siya na mismo ang kumilos."

Mga wala talagang kwenta ang mga pulis. Matapos ang labing isang taon ay wala pa rin silang progress?

Ano bang ginagawa nila? Murder ang nangyari at isang bata ang namatay pero hindi nila ginagawa ang lahat para mahuli ang may sala.

Dumaan ang ilan pang mga araw hanggang sa makalabas na ako nang ospital. Makakapasok na rin ako sa school ngayon.

"Pikon, kamusta?" Si Jake ang unang bumati sa akin pagpasok ko sa room namin.

"Ayus." Sagot ko saka naupo sa upuan ko. "Pumunta ka daw mamaya sa bahay."

"Okay!" Aniya.

Wala akong naintindihan sa mga diniscuss kanina. Ang saklap lang dahil hindi ako nakakasunod dahil matagal din akong hindi nakapasok.

Dahil masipag mag take down notes si Hagdan ay wala siyang naging tulong sa akin. Kahit na isa ay wala siyang naisulat.

"Napaka sipag mo hagdan." Sabi ko habang kumakain kami sa rooftop.

"Sorry, I don't really like to take down notes. I can remember that all." Aniya.

Yabang niya. Akala naman niya na lahat ay kaya niyang matandaan.

"I have my notes, Andrea. Do you want to borrow it?" Tanong ni Raia.

Buti pa ito at may maipapahiram sa akin.

"Andrea, if you don't mind. Can you tell us about the girl named Cassandra?" Tanong ni Blake.

Cassandra.

"A friend of mine." Sagot ko.

"Akala ko ba wala kang kaibigan?" Tanong ni Tristan.

"Siya lang ang kaisa-isang kaibigan ko noon, nawala pa."

"Care to share what happened?" Tanong ni Alexa.

Inilahad ko sa kanila ang nangyari noon, napatakip nang bibig si Alexa at Raia samantalang ang mga lalaki ay nagulat at nagalit.

"How can they do that to a 5-year-old girl?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alexa.

Mga walang puso ang nga adik na iyon. 'Wag lang silang pahuhuli sa akin. Ipanalangin nila na si papa ang makahuli sa kanila.

"They are not human, they are monster devils." Sambit ni Raia.

They are Satan's child. I'll make them meet their father soon. Just wait.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status