Share

Chapter 54

Andrea

Nakabalik na kami sa ospital at ngayon ay nilalagyan na naman nila ako ng dextrous. Sawang sawa na ako sa dextrous.

Sinasabi ko na ayus na ako pero ayaw maniwala nila mama. Kailangan ko pa daw magpahinga. Ang sabi ko ay sa bahay nalang pero ayaw nilang pumayag.

Nakalaban na nga ako kanina, eh. Takte naman 'yan, oh.

"Sabi ko naman kasi sa 'yong babantayan kita, eh. Ang tigas tigas kasi nang ulo mo." Sabi ni mama. Pinagagalitan ako.

"Wala ka rin namang magagawa kung sinamahan mo ako dito, eh. Baka nasaktan ka pa." Sagot ko.

"At least makakahingi ako nang tulong."

"Sa tingin mo ba ay hahayaan ka nilang makahingi nang tulong? Baka saktan ka na nila at ang malala pa ay baka patayin ka." Wika ko na nakapagpatigil sa kaniya.

Hindi ko intensyon na takutin siya pero posible iyon.

"May punto si Andrea." Sabi ni papa.

Wala nang sinabi pa si mama at naupo nalang sa tabi ko.

"Andeng." Tawag sa akin ni kuya Andrew.

Tumingin ako sa kaniya saka ko siya binigyan ng nagtatanong na tingin.

Nakaalis na sila mama at kami nalang magkakapatid ang natitira sa loob ng kwarto ko. Mag-uusap daw kami tungkol sa nangyari.

"Magbakasyon ka muna sa Sagada." Sabi niya.

Nagtaka naman ako. Bakit naman? Hindi pa naman bakasyon at nag-aaral pa ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Para sa kaligtasan mo. Nabasa ko ang mga message ng isang unknown number sa 'yo. Hindi ka daw nila aatakihin kapag nasa teritoryo mo ikaw." Sagot niya.

"Sa Sagada ka muna hangga't hindi pa namin nahuhuli ang nasa likod nito." Wika naman ni Kuya Andrello.

"Once na malaman naman siguro namin kung sino ang may-ari ng unknown number na nagme-message sa 'yo, malalaman na din namin kung sino ang nasa likod nito." Saad ni Andrei.

Tinignan ko silang lahat. "Hindi ako natatakot sa kanila, brothers." Sabi ko.

"Andeng, kung hindi ka natatakot para sa sarili mo, kami ang natatakot para sa 'yo." Bakas ang pag-aalala sa boses ni kuya Andrew.

"Sa tingin niyo ba ay hindi nila ako susundan sa Sagada? Madadamay lang sila lola kapag nagpunta ako doon." Katwiran ko.

Ayoko na pati ang nananahimik na buhay nila lola sa Sagada ay biglang magulo.

"Hindi ka nila masusundan doon kung palihim kang aalis."

"Paano ako palihim na aalis kung lahat ng bawat kilos at galaw ko ay bantay sarado nila? May mata sila sa lugar kung nasaan ako. Ngayon niyo sabihin sa akin, paano ako palihim na aalis?"

Lahat ng ginagawa ko ay alam nila. Sa bawat lugar na pinupuntahan ko ay alam nila at nandoon sila. Paano magiging posible ang gusto nila kung ganun?

Ilang araw na din ang nakalipas matapos kong makalabas sa ospital. Sabay kaming nakalabas ni hagdan sa ospital.

Noong nakalabas ako ay doon lang din siya lumabas kahit na galing na siya. Lagi siyang nasa kwarto ko at siya ang nagbabantay sa akin.

"Na track na ba ni Andrei ang unknown texter mo?" Tanong sa akin ni Jake.

Nasa soccer field kami at nagpapahangin. Wala kasi kaming klase dahil wala na naman ang teacher namin sa math.

"Hindi ko alam, baka hindi pa dahil hindi pa naman niya sinasabi sa akin." Sagot ko.

"Unknown texter?" Tanong ni hagdan.

Tumingin ako sa kaniya. Puro pagtataka ang mababasa mo sa mata niya.

"Hmm." Sagot ko.

"Is it a girl or a boy?" Tanong niya pa.

Sasagot sana ako kaso may sumagot na para sa akin.

"Girl." Sabi nang isang boses galing sa likod ko.

Tinignan ko kung sino ito at nang malaman ko ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Totoo ba 'to?

Nakangiti siya sa akin habang nakatayo na pinagmamasdan ako. Tumayo ako at pumunta sa harap niya.

Totoo ba talaga 'to? Siya talaga 'to?

"C-cassandra?" Nauutal kong tanong.

Nakangiti siyang tumango sa akin. "Yes, dear. It's me." Sabi niya.

Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha sa mata ko. Nagyakap kaming dalawa at doon ako sa balikat niya umiyak.

Hindi ako makapaniwala na buhay siya. Ang buong akala ko ay patay na siya. Anong nangyari?

"Stop crying." Aniya na pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Ang akala ko ay wala ka na." Sabi ko.

"Me? Dead? I won't die just because of a gunshot, dear. And you know, I'm an athlete." Aniya saka ako muling niyakap.

Hinampas ko nga sa likod kaya napadaing siya.

"Ouch, why did slap my back?" Tanong niya.

"Walang magagawa ang pagiging athletic mo kapag bala na nang baril ang kalaban mo." Sabi ko.

"Tss. You're my reason that's why I fight for my life. I don't want to leave you, yet. That's why I ask Satan to bring me back to life."

"Satan? Baliw."

Natawa naman siya.

"I ask God to let me live. I said that I'll be a good daughter of him and my parents. I promise that to him and boom! He let me survive that damn gunshot."

Sabay kaming naupo sa damuhan at tumabi sa mga kaibigan ko. "Hi guys!" Bati niya sa mga ito.

Ngiti lang ang isinukli sa kaniya nang mga ito.

"Siya si Cassandra." Pakilala ko sa kanila.

"You don't have to say your names. I know you, guys." Sambit ni Cassandra.

"Paano mo sila nakilala?" Tanong ko.

"I know every person around you, dear. Even that girl named Blaine Cuevas. She should be thankful that I let you handle her. But if you still do nothing when Andrei was bring into the hospital, I'll make her life a living hell."

"Ganiyan ba ang mabait?"

"Why? How dare she hurt you? No one should hurt my dear. They will taste how bad a butterfly can be."

"Alam mo, tupadin mo 'yung pangako mo. 'Wag kang maldita. It's just a misunderstanding."

"I don't care if it is just a misunderstanding. She even hurt Andrei."

May naalala ako na dapat kong tanungin sa kaniya.

"Cass." Tawag ko sa kaniya.

"Why, dear?"

Napasulyap ako kay hagdan bago ko siya tanungin.

"Bakit ayaw mong mapalapit ako kay Alistair?" Tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya kay Alistair bago ibinalik sa akin ang kaniyang tingin.

"He is the reason why those people are attacking you." Sagot niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status