Share

Chapter 58

Andrea

Kasama ko si Cassandra sa bahay nila. Wala naman daw ang mga magulang niya dito dahil nasa trabaho.

Doktor pareho ang mga magulang niya kaya madalang daw umuwi. Ginawa na daw bahay ang ospital.

"Baliw ka talaga, eh." Sabi ko sa kaniya habang iiling-iling.

Biruin mo kasi, naghiwalay 'yung dalawa dahil sa ginawa niya.

"I don't know that she will take that seriously." Depensa niya.

"Hindi mo naman kasi kilala 'yon. Dapat nung una pa lang hindi mo na ginawa 'yung kalokohan mo na 'yon."

Umirap siya sa 'kin saka kumuha ng juice. Nasa dining area nila kami dahil nagugutom daw siya.

"Okay, I admit that I don't know her very well. But I just want to tease her and see on how is she going to react. She's not like Alexa. Sumasakay sa mga trip ko si Lexa but, that Raia is not."

Baliw talaga 'to, eh. Malamang hindi magkatulad 'yung dalawang 'yun. Isang mataray at softhearted 'yon, eh.

"Pero kailangan mo pa ring mag-ingat  sa mga sinasabi mo sa harap ni Lexa. She's softhearted. Baka nagseselos na siya hindi mo lang alam."

Napabuntong hininga siya.

"I think I should stop teasing them now."

Buti naman at naisipan niya na itigil na ang pang-aasar niya sa mga kaibigan ko.

Hindi ko nga alam kung bakit niya trip asarin ang mga kaibigan ko. Sinumpong na naman siya ng kabaliwan.

"Naisip mong huminto kung kailan may nasaktan ka na." Sabi ko sa kaniya.

"What can I do? I enjoy teasing your friends. Especially that Jake." Sabi niya.

Ngumisi pa siya nung sinabi niya 'yung pangalan ni Jake. May na-aamoy ako sa dalawang 'yon, eh.

Tsk tsk tsk. Mukhang sila ang magkakatuluyan. Kapag sinipag akong pag-tripan sila, yari sila sa 'kin.

"But don't worry, dear. I'll make sure that Raia and Blake will be together again." Aniya ng nakangiti.

"Siguraduhin mo lang." Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa akin.

Matapos naming mag-usap ni Cassandra ay dumeretso ako sa amin para magpalit ng damit. May date daw kami ni hagdan.

Ang dami ko na daw utang sa kaniya kaya hindi ako pwedeng tumanggi na makipag-date sa kaniya. Wala naman akong nagawa kung 'di um-oo nalang dahil mauuwi na naman kami sa away.

Kapag nag-away naman kami ay siya madalas ang nanunuyo, kaso ayoko pa rin na nag-aaway kami. Mas maganda kung pagbigyan ko nalang siya.

Dinala ako ni Hagdan sa isang park. Ngayon lang ako nakapunta sa park na 'to, pero ang ganda niya.

Mas madaming bata ang naglalaro dito at mas maganda ang view kesa sa park malapit sa amin.

"Bakit dito mo 'ko dinala?" Tanong ko sa kaniya.

Ang akala ko ay sa kung saang mamahalin na naman niya ako dadalin. Lagi naman siyang ganun, eh. Ngayon lang naiba. Himala.

Pero nagpapasalamat ako na hindi na niya ako dinala sa mga mamahalin na lugar. Ayoko sa mga ganun.

Ang dami pang mga tao na kung maka-asta ay akala mo kung sino. Mga tao lang din naman sila na namamatay gaya ko.

Ang dami nilang arte, tss.

"Because I know that you like places like this." Sagot niya habang nakatingin sa magandang view ng park. "Andrei said that when you're not in the mood, you're always at the park and once you come back. You're in the mood, that's why I decided to bring you here."

Nakatingin ako sa kaniya habang sinasabi niya 'yon. Nakita ko kung gaano katamis ang mga ngiti sa labi niya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

Sa unang pagkakataon ay hindi nagyabang si Hagdan ngayon.

Naupo kaming dalawa sa isang bench sa park kung saan kitang kita ang mga batang naglalaro. Ang saya nilang pagmasdan habang sila ay tumatawa na naglalaro.

Ang iba ay nagbabalik-balik sa slide at 'yung iba naman ay nasa swing. Ang iba ay naglalaro ng habulan.

Kitang kita ang saya sa mga mukha nila habang naglalaro sila. Lakas makagaan ng loob.

Hindi ko namalayan na ang lawak na pala ng ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ko ang mga bata.

Napansin ko nalang nung pumitik sa harap ko si Hagdan at ng tignan ko siya ay ang lawak din ng ngiti niya.

"You look so happy." Sambit niya habang nakangiti.

Suminghap muna ako ng hangin saka tumingin sa kaniya habang nakangiti pa rin.

"Oo, ang saya ko." Sabi ko sa kaniya.

"Why? Anong meron sa lugar na ito at lagi nitong napapagaan ang loob mo?" Tanong niya.

"Maraming bata dito sa lugar na 'to na nakakapag-pagaan ng loob ko. Nakakalinghap din ako ng sariwang hangin na kinakailangan ko kapag bad mood ako. At syempre, kaya ako masaya ngayon...ay kasama kita dito habang pinagmamasdan ang mga masasayang batang naglalaro."

Mas lalong sumaya at gumaan ang pakiramdam ko dahil kasama ko siya dito.

"Magkwento ka nga about sa childhood memories mo." Sabi niya.

"Kailangan pa ba 'yun?" Tanong ko.

"Of course. Para mas makilala pa kita."

"Kilala mo naman ako, ah?"

"No, I don't know you yet."

"Kilala mo na ako."

"No."

"Hindi ko pa ba ako kilala? Eh, paano mo 'ko naging girlfriend kung ganun?"

"I want to know you more. Please tell me about yourself more."

"Kilala mo na ako."

"No.

"Okay, magpapakilala ako kung hindi mo pa ako kilala. Ako si Andrea Smith. Okay na?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi daw niya ako kilala, eh girlfriend niya ako. May sapak yata talaga sa ulo ang taong 'to, eh.

Paano niya ako magiging girlfriend kung hindi niya ako kilala? Dapat ko na yata talaga siyang dalin sa mental.

"Andrea, I'm serious." Seryoso niyang sabi.

Wala naman na akong magagawa. Seryoso na siya, eh. Baka biglang magalit 'to at biglang maging dragon.

Nag kwento ako ng mga nangyari sa akin nung bata ako. Wala namang espesyal doon dahil wala naman ako masyadong ginagawa dahil, wala lang, trip ko lang.

Kailangan ba laging may ginagawa? Mapapagod ka lang kapag ganun.

Ikinuwento ko rin sa kaniya 'yung nangyari nung elem. ako.

Nung may isang siraulong lalaki na lumapit sa akin tapos kinuha 'yung kamay ko. Balak ba namang idikit sa ari niya, kaya ayun sinipa ko nga ang ari niya. Iyak siya.

"HAHAHA. He deserve that. You should also punch him in the face. HAHAHA." Hindi matigil si Hagdan sa pagtawa niya.

"Umiyak na nga, eh. Tapos sasapakin ko pa?"

"What did he do?" Tanong niya.

"Sinumbong ako sa Dean ng school kaya pinatawag ako. Kinausap ako tapos sinabi sa 'kin na tawagin ko daw guardian ko. Tinamad akong tawagin sila mama kaya hindi ko ginawa."

"You're really crazy. What did you say to the Dean in your school?"

"Tinatamad akong tawagin ang guardian ko."

"What did the Dean say, then?"

"Syempre nagalit siya. Nung nagalit siya, sinagot ko ulit siya. Sabi ko na kung gusto niyang papuntahin ang guardian ko sa school at kausapin siya, siya ang tumawag."

Sinabi ko talaga 'yon. Siya ang may kailangan sa guardian ko tapos ako ang uutusan niya para tawagin at papuntahin doon? Pahihirapan niya pa akong maglakad. Edi bahala siya.

Wala na namang tigil sa pagtawa si Hagdan. Kanina pa 'yan. Sa tuwing magkukwento ako ay tawa siya ng tawa.

Nagkwento pa ako sa kaniya ng iba pang nangyari sa akin nung elem. ako.

'Yung mga naalala ko lang ang sinasabi ko. Marami rami din naman 'yon kaya inabot kami ng gabi bago namin napagpasiyahan na umuwi na.

Raia

Kasama ko na naman si Lucas. Siya ang lagi kong kasama ngayon kahit wala kami sa school. Magaan naman ang loob ko sa kaniya kaya sumasama ako.

He's kind and funny sometimes. Ang akala ko ay cold siya pero ang totoo ay hindi pala. Ganun lang daw siya sa hindi naman niya kilala.

"Do you want an ice cream?" Tanong niya sa 'kin.

Nasa mall kami ngayon at ililibre niya daw ako ng kahit anong gusto ko. Ang sabi ko nga sa kaniya ay buong mall ang gusto ko, ang loko naman ay sabi na bibilin daw niya 'yon.

Ang yabang niya.

Tumango ako sa kaniya.

"Okay, I'll buy you one. Just wait here." He said then he left.

Wala naman akong makitang pwedeng bilin dito sa mall, eh. Tinatamad akong bumili ng mga clothes kasi madami na rin ako.

At saka kapag clothes ang bibilin ay gusto kong kasama si Lexa or Blake. Wait, bakit si Blake? We're already over.

Oh, come on, Raia. You have to move on. Don't think about him. You have to forget him. Okay?

Napabuntong hininga nalang ako sa sarili ko. You're crazy, Raia.

"What are we doing here?" I heard a familiar voice.

Do I miss him so much? I can hear even his voice now. What the hell?

"We're on a date. What else?" Said by the girl.

Okay, I'm not crazy. It's not an hallucination. He's really here with Cassandra.

"Date? What the hell are you saying?" He asked.

"Oh, come on, babe. You said that you want to date me. So I granted it."

Babe? They use our endearment? The hell?

I just looked away because I don't wanna see them. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon kapag nakikita ko sila.

"Raia?" He called my name.

Nakita pa niya ako? Akala ko kay Cassandra na siya lagi nakatingin, eh.

Tumingin ako sa kanilang dalawa saka ngumiti. Baka kasi isipin nila na ayaw ko silang makita kahit na totoo naman 'yon. Nakakapit pa 'yung kamay nung si Cassandra kay Blake.

Si Blake naman parang gustong gusto pa. Ano naman sa 'kin? Ano ba Raia? Umayos ka nga!

Don't be jealous. He's not yours anymore. You don't have the right. Lumugar ka. You should know your place Raia.

"Hi." I said awkwardly.

Ano ba naman 'yan?! Raia naman, please. Hey, Raia's body. Umayos ka. Bakit ba affected ka pa rin sa kaniya? Move on na.

"Are you alone? You can join us if you want." Cassandra said smiling.

Wow ah. Inaya pa ako. Ano magiging role ko sa kanilang dalawa? Third wheel ganun? Tss. Thanks, but no thanks.

"Ahh, no, it's okay. You may leave now if you want." I said.

Hindi naman sa gusto ko na silang umalis ah, pero 'yun talaga ang gusto ko. I want them to leave me alone and don't bother me.

"Don't you want to join us?" Cassandra asked.

Ano ba naman 'tong babaeng 'to? Gusto lang yata niya akong magselos, eh. Panalo na nga siya ano pa bang gusto niya?

Pina-ubaya ko na nga si Blake sa kaniya, eh. Kapag ako nabwisit ng babaeng 'to kakalabanin ko siya.

"No, I'm okay." I said.

Sakto naman na dumating si Lucas. Oh, good timing ka Lucas. You saved me. Thank you!

"Hey, Raia. Sorry if I've made wait. There's a lot of customers there so I have to wait." He said while walking towards me while holding an ice cream

Hindi niya napansin sila Blake sa harap ko.

"It's okay." I said then I took the ice cream that he's giving me.

"Hindi ka ba nangawit? Sorry, ah." He said.

I smiled at him. "It's okay, ano ka ba. Nilibre mo nga ako, eh." I said.

He smiled back at me. Gwapo niya kapag nakangiti. Hayy, ba't ba napapaligiran ako ng mga gwapo?

Napatingin siya sa harap namin at parang nagulat pa siya ng makita ang tao sa harap namin.

"May kausap ka pala, sorry hindi ko napansin." Sabi niya.

Umiling ako sa kaniya. "Aalis na din naman sila." I said.

Sana naman ay hindi slow ang mga 'to.

"Oh...so the two of you are on a date?" Cassandra asked.

Palagi siya ang nagsasalita. Si Blake ayun, nakatingin lang sa akin ng walang emosyon ang mukha. He's expressionless.

"Yeah." Tipid na sagot ni Lucas.

Nagulat ako din, ah. Date? Hindi ba pwedeng gala lang? Maka date naman 'to.

"Okay, we'll go ahead, then. Enjoy your date." Nakangiting sabi ni Cassandra saka sila naglakad paalis.

Hayy, buti naman at umalis na sila. Akala ko ay balak pa nilang mag-double date kami, eh.

Aba, baka mamatay ako sa selos.

"Thank you." Sabi ko kay Lucas.

Ngumiti lang siya sa 'kin saka niya ako inaya na maglibot na ulit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status