Share

Chapter 57

Raia

Days have passed since Blake and I broke up. We're still seeing each other of course. We're classmate, eh.

We're also seatmate in our class. Nakakailang but, it's okay.

The scar that he made will heal soon, I know. I can make it. I'll be fine not now but soon.

Hindi na rin muna ako sumasabay sa kanila every break. I don't want to hurt myself.

Seeing him happy because of someone else, it hurts. I know that it's because of me. I let him go.

I'm stupid to feel hurt kahit na ako naman ang may gusto nito. Ako ang may kasalanan.

Every break ay nasa library ako. I find it as my comfort zone since the day we broke up.

Ang tahimik dito at walang gumugulo sa akin. I now know why Andrea like this place. It's relaxing here.

Naglabas nalang ako ng libro. W*****d book ang nilabas ko. You know, I'm a w*****d reader.

I like reading w*****d books, 'yung hindi romance. I don't hate romance genre but I just don't like reading something like that.

I like action and sci-fi genre. So ang babasahin ko ay Tantei High by Purpleyhan. I love this story kasi kakaiba siya.

'Yung sixth sense. Ngayon lang ako nakabasa ng ganito at enjoy na enjoy ako kasi ang ganda.

May secret din dito na hindi ko pa nalalaman kung ano. 'Yung secret ng name na Akemi. Kung sino ang last na may-ari nun and kung ano ang mangyayari kay Akemi kasi ginamit niya 'yung cursed name na 'yun. I'm also curious kung saan niya dati narinig 'yun.

Ang tagal naman kasi ng update ni Mr. AkosiIbarra at Ms. Yanalovesyouu  kaya nabitin ako sa story nila. 'Yung Project Loki and My Husband is a Mafia Boss.

'Yung Mafia Boss alam ko na may Romance 'yun pero gusto ko siya kasi may action. I love Ezekiel Roswell. Pero mas love ko si Loki. Lois Kingsley Mendez and Raia Zarmonte Mendez.

Aba pwede! HAHAHA para na akong baliw dito.

Natigil ako sa pagbabasa ng may maupo na harap ko. Tinignan ko siya at parang wala naman siyang pake sa 'kin.

Wow ah! Nahiya naman ako sa taong nasa harap ko. Bigla biglang nauupo sa harap ko tapos parang wala siyang kasama.

Tuloy tuloy lang siyang nagbabasa ng librong hawak niya.

"Excuse me?" Inagaw ko ang atensyon niya pero hindi niya ako pinansin.

Aba loko din 'to, ah. How dare he ignore me?

"Hey, mister." This time napatingin na siya sa akin dahil inagaw ko ang librong binabasa niya.

"Give it back." He said coldly.

"I'll give it back once you leave that seat." I said.

Ayoko ng may kasama. I told you guys that I'm selfish.

"Is this yours?" He asked coldly.

Natural na ba sa kaniya ang pagiging cold?

"No."

"Hindi naman pala, eh. Wala kang karapatan na paalisin ako dito. Give it back."

Binalak niya na kunin sa akin 'yung libro niya kaya inilayo ko sa kaniya.

"Ayokong may kasama kaya pwede ba? Leave me alone. Marami pang seat doon, oh." Tinuro ko 'yung mga vacant seat na nasa harap at gilid namin.

Ang daming vacant seat pero dito pa talaga sa harap ko naupo.

"I like it here, so if you don't want a company, you're the one who should leave and not me."

Aba'y matinde! Nauna ako dito tapos paalisin niya ako. Wow ah, nahiya ako sa kaniya. Ang kapal ng mukha nito.

"Excuse me, nauna ako sa 'yo dito."

"So?"

"Umalis ka at iwan mo ako."

Umiiling siya saka akma na namang kukunin ang libro niya kaya inilayo ko ulit. Ang tigas ng bungo nito. Nakakainis!

"Will you please give it back to me?"

"No!" Napasigaw ako kaya nagalit 'yung librarian at pinaalis ako.

Damn that guy! I hate him.

Ako nauna dun tapos pinaalis niya ako? Kapal niya. Sarap niyang sabunutan.

Gwapo pa naman siya, sayang. Type ko sana siya kaso naiinis ako sa kaniya.

Dahil sa inis ko sa lalaking 'yon ay hindi ko napansin na dinala pala ako ng mga paa ko sa rooftop. Naabutan ko sila na nagtatawanan doon at napatigil sila ng makita ako.

"Raia? Come here." Aya sa akin ni Lexa.

Aalis na sana ako kaso hinila ako ni Jake papunta sa pwesto nila. Ano ba naman 'yan?

"Sasabay ka na ba ulit sa 'min?" Tanong ni Tristan.

"No." Tipid kong sagot.

"Why?" Malungkot na tanong ni Lexa.

Bakit ba kasi ako dito dinala ng mga paa ko? Nang-aasar ka bang paa ka?

"I just... I just find some place comfortable so I decided to go to that place every break." Dahilan ko.

"Bakit ka nagpunta dito?" Tanong ni Andrea.

"May bwisit kasing lalaki na nanggulo sa 'kin kaya umalis nalang ako."

And speaking of the devil. Nakita ko siya na pumasok dito sa rooftop at papalapit sa amin.

Tumayo agad ako para harapin siya.

"What are doing here?!" Singhal na tanong ko sa kaniya. "Are you stalking me?"

Wala namang reaksyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"You forgot your book." He said then he handed me my book.

Oh crap! I forgot to get it earlier. Pahiya ako dun.

"I'm also here to say sorry." Nabigla ako sa sinabi niya. Sorry? Alam niya pala 'yun? "And I'm asking your permission if I can seat beside you there if you don't mind."

Ngayon siya nagpaalam kung kailan napalayas ako sa library. Lakas ng topak nito pero I'm happy na nag-sorry siya.

Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko na tataasan ang pride ko. Siya na lumapit sa akin at nag-sorry kaya mag-iinarte pa ba ako?

"Apology accepted but..."

"But?"

"Libre mo ako para bayad ka na talaga. Napalayas ako dahil sa 'yo, baka nakakalimutan mo." Nagugutom na rin ako dahil hindi pa ako kumakain.

Natawa siya sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa dun?

Baliw din ang isang 'to, eh.

"Okay, let's go."

"Wait!" Pigil ko sa kaniya.

Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa rooftop at kasama ko sila Lexa.

Humarap ako sa kanila at ipinakilala ko ang mga kaibigan ko. "They were my friends." I said.

Oh crap! I don't know his name. Ngumiti lang siya sa mga ito saka nagpakilala. "Lucas." He said.

So Lucas pala pangalan niya. Bagay sa kaniya name niya.

Umalis na kami sa rooftop after nun at dumeretso kami sa cafeteria.

Andrea

Nakita ko na nagselos si Blake dahil sa lalaking kasama ni Raia. Hindi ko lang alam kung intensyon ba ni Raia na pagselosin si Blake o nagkataon lang.

Kung intensyon niya 'yon ay nagtagumpay siya. Kung nagkataon lang eh nagselos si Blake.

Baliw naman kasi 'tong si Cassandra. Dahil sa kaniya ay naghiwalay 'yung dalawa. Kalabanin ba naman si Raia.

Kasalanan din naman ni Blake. Nakita ko rin kung paano siya ngumiti kay Cassandra. Iba 'yung ngiti niya kapag nakatingin siya kay Cass.

Ewan ko ba kung may gusto ba siya kay Cass o wala. Bahala siya sa buhay niya. Pasalamat nga siya at hindi ko siya nabugbog at nasapak ko lang siya ng isa dahil sa hiling na din ni Raia na 'wag ko siyang saktan.

Binalaan ko naman na siya na 'wag saktan si Raia, eh. Siraulo siya. Pasalamat siya at kaibigan ko siya.

Nilapitan ko siya ng kaming dalawa nalang ang natira sa rooftop. Sinabihan ko si hagdan na mauna na at susunod nalang ako.

"Ano? Kamusta? Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa kawalan. Parang ang lalim ng iniisip niya na ewan.

"Yes, I'm jealous. But I don't have a right to be jealous. She's not mine anymore." Wika niya.

Bakas sa boses niya ang lungkot habang sinasabi niya 'yon.

"Wala sa karapatan ang pagseselos. Nasa nararamdaman 'yan. Ayus lang naman na magselos ka kung mahal mo pa siya." Saad ko.

Bumuntong hininga siya saka tumingin sa akin. Ngumiti siya pero alam kong pilit lang 'yon. Halata naman.

"Thank you." Sabi niya habang nakangiti.

"Tapatin mo nga ako." Naging seryoso siya. "May gusto ka ba kay Cass?"

Nag-iwas siya ng tingin nang tanungin ko siya. Hindi ko tuloy nabasa ang nasa mukha niya, kung may gusto ba talaga siya o wala.

"Wala." Sagot niya saka muling tumingin sa kawalan kung saan siya nakatingin kanina.

Wala na namang emosyon ang mukha niya.

"I'm just looking at her like that to make Raia jealous. I never saw her jealous so I wanted to see it. I don't know that it will turn things like this."

Unti unting tumulo ang luha sa mga niya. Umiiyak din pala ang isang Ace Blake Rios.

Tahimik siyang humikbi habang nakayuko. Ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman niya.

"Alam mo kasi, hindi por que hindi mo siya nakikita na nagseselos ay hindi na siya nagseselos. Minsan, nagpapanggap lang siya na hindi kahit ang totoo ay nagseselos talaga siya. Tinatago niya 'yung nararamdaman niya dahil ayaw niyang isipin mo na wala siyang tiwala sa 'yo. Mag-isip ka rin kasi bago ka kumilos."

"I'm sorry." Sabi niya habang humihikbi.

Tinapik tapik ko ang balikat niya. Hindi na ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking umiiyak.

Pero ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking umiiyak dahil sa babae. Si Ace Blake Rios lang ang kauna-unahang lalaking nakita kong umiyak.

Ang mga lalaki na umiyak sa akin noon ay ang mga gang mates ko. At dahil naman 'yon sa problema nila sa pamilya nila.

Sila ang iniiyakan ng mga babae at never silang umiyak ng dahil sa babae.

Hindi sa pagmamayabang, pero lahat ng gang mates ko ay gwapo at magaganda. Walang pangit kahit na 'yung mga bagong bata ni Chano ay gwapo.

Tumahan na si Blake at pinunasan na niya ang mga luha niya gamit ang kamay niya. Para siyang bata.

"Pasensya na. Para akong bakla ngayon." Natawa pa siya ng bahagya dahil sa sinabi niya.

"Ang lalaking umiiyak ang tunay na malakas. Ang mga lalaking takot umiyak ay ang mahihina." Saad ko sabay tayo.

"Tara na?" Aya ko sa kaniya.

Tumayo naman na siya at sabay kaming umalis sa rooftop at bumalik sa room namin.

Malapit na rin kasing magsimula ang afternoon class namin at baka ma-late ka kami.

Halata sa mukha at mata ni Blake na umiyak siya. Namumula mula pa ang mata niya.

Kawawang Blake.

Mapalampasan niyo rin ni Raia ang pagsubok na 'to. Ang tagal niyo na ring magkasama at alam kong time and space lang ang kailangan niyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status