Share

Chapter 56

Andrea

Nasa library ako ngayon dahil may research kami na kailangang gawin. Ang tagal na rin nang huli akong nakapunta dito.

Nakakamiss din pala ang tahimik na lugar na ito. Kumuha ako ng libro na kailangan ko para sa research ko.

Habang kumukuha ako ay may napansin akong isang lalaki na nakatingin sa akin. Nang mapansin niya na nakatingin din ako sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

Problema nun?

Bumalik nalang ako sa table ko at ginawa kung ano ang dapat kong gawin.

Habang gumagawa ako ay may nararamdaman akong nakamasid sa akin. Alam kong hindi si Cassandra 'yon dahil iba ang nararamdaman ko ngayon.

Nung si Cassandra ang nagmamasid sa akin ay hindi sumagi sa isip ko na nasa panganib ako o may balak gawing masama sa akin ang taong 'yon.

Pero ngayon ay iba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may balak na gawin ang kung sinumang taong nakamasid sa akin.

'Wag naman sana silang gumawa ng kalokohan ngayon dahil kailangan ko munang tapusin 'yung research ko.

'Pag talaga ako ay hindi nakapagpasa ng research ko dahil sa kanila ay malilintikan sila sa 'kin.

Sa susunod tayo magtutuos kapag wala ng abala. Gagawin ko 'yung plano ko para mahuli kayo.

Maghintay lang kayo at 'wag kayong excited. May araw at oras din para diyan.

Mabuti nalang at wala silang ginawa sa akin. Nakatapos at nakapagpasa ako mg research ko ng walang nangyayari sa akin.

"Natapos mo ba 'yung research?" Tanong sa akin ni Al.

"Oo." Sagot ko.

Ako lang ang gumawa ng research dahil nga sa ang dami kong absent dahil nasa ospital ako.

Si hagdan daw ay gumagawa ng mga gawin namin sa school kahit nasa ospital siya kaya hindi na niya kailangang gumawa pa ng research.

"We have a date later. Make sure to free your time." Aniya.

Oo nga pala. Nyemas nakalimutan ko. Buti at pinaalala niya kung 'di ay away na naman kami mamaya neto.

"Sige." Sagot ko. "Nga pala, 'yung ex fling mo naghahamon ng showdown. Stella daw pangalan niya. Kausapin mo 'yun kung ayaw mong pagbuhulin ko kayo."

Bwisit 'yung punyetang babaeng 'yon. Hamunin ba naman ako ng showdown sa dance floor daw. Aba, pake ko sa kaniya?

Noong nakaraan pa niya ako inaya nung nakalabas kami ng ospital ni hagdan. Siya 'yung sumalubong sa akin dito sa eskwelahan.

"Who?"

Binatukan ko nga siya dahil sa sagot niya. "Why did you hit me?!" Inis na tanong niya.

"Sa dami mong ex hindi mo kilala kung sino 'yon." Inis ko ring sabi sa kaniya.

Ang dami kasing pinaglaruan kaya ayan, hindi kilala kung sino 'yung Stella na 'yon.

"What can I do if I'm handsome?" Tanong niya.

Ang yabang din ng isang 'to, eh. Sumunod siya sa kayabangan ni Jake at Tristan na laging nagpapagwapuhan.

"Gwapo ka? Sa'ng banda?" Pang-aasar na tanong ko.

"Sa mukha at ang buong katawan ko ay gwapo!" Singhal niyang sagot.

"'Yang mukhang 'yan, gwapo? Talaga lang ah?"

Hindi na maipinta ang mukha niya sa sinabi ko. Pikon ang isang 'to.

"Oo, at magpasalamat ka dahil ikaw ang mahal nang gwapong lalaking nasa harap mo!" Saad niya.

"Thank you." Sabi ko.

Magpasalamat daw, eh. Edi thank you. Inirapan naman niya ako. Baklang pikon 'to.

Natawa ako sa ginawa niya. Natatawa ako sa kaniya pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka bigla siyang magalit at hindi ako pansinin.

Wala ako sa mood manuyo ngayon.

"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" Tanong ni Jake sa amin pagdating nila sa rooftop.

Sa wakas ay dumating na rin sila dito. Kanina pa ako nagugutom dahil wala akong kinain kanina at dumeretso agad ako dito.

Naglakad sila papunta sa gawi namin at inilapag 'yung mga pagkain na binili nila.

"Hi, dear!" Bati sa akin ni Cassandra.

Dito din siya nag-aaral kaya nga nababantayan niya ako. Kung saan ako nag-aaral ay nandoon din siya.

Buti nga ay pinayagan siya nila tita na pumunta dito kahit bata pa siya. Grade 4 ako nung lumipat kami dito sa Manila.

Lumipat din pala sila no'n dito dahil sa pamimilit niya. Only child siya at spoiled kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.

"'Yung isang ex kasi ni hagdan naghahamon ng showdown daw sa dance floor. Sinabi ko sa kaniya na kausapin niya tapos hindi naman niya matandaan kung sino 'yun." Sabi ko.

Lahat naman sila ay nakangiwing umiling. "'Yan ang hirap sa madaming ex, eh. Buti nalang ako gwapo lang at walang pinoproblemang babae." Mayabang sa sabi ni Jake.

Likas na sa kaniya ang pagiging mayabang. "Really, huh? At where part of your body you're handsome?" Mataray na tanong ni Cassandra.

"Sa buong parte ng katawan ko." Sagot ni Jake.

"If that's the definition of handsome, I guess that ugly is the new definition of beautiful creature in this world."

Biglang sumama ang mukha ni Jake dahil sa sinabi ni Cassandra. Mukhang magiging magandang couple ang dalawang 'to.

Ngayon lang naging ganiyan ang mukha ni Jake. Nung ako ang nagsasabi ng mga ganiyan ay laging nang-aasar siya pabalik at nakangisi siya.

Ngayon ay ang sama ng mukha niya. Nakakatawa 'yung itsura niya.

"Tama ka diyan, Cassandra. Dahil ako talaga ang gwapo dito." singit ni Tristan kaya sinamaan siya ng tingin ni Jake.

Tinignan naman siya ni Cassandra ng may nangungusisang tingin. Naniningkit pa ang mga mata niya. "Sa tingin ko ay kailangan mo ng magpatingin ng mata. Go to EO at ipa check mo 'yung eyes mo." Bruha talaga si Cassandra.

Nagtawanan lang ang mga kasama namin. Si Tristan naman ay bumusangot. Ng tignan ko naman si Lexa para alamin kung na offense siya ay hindi naman. Nakikitawa din siya.

Tumingin si Cassandra kay Blake at ngumisi ng nakakaloko dito. Mukhang may balak 'to, ah.

"If we're talking about handsomeness, this guy is the definition of that." Aniya saka itinuro si Blake.

Nang tignan ko si Raia ay hindi naman maipinta ang mukha niya. Mataray sa mataray. Ano kaya ang mangyayari?

"Excuse me, Miss. I know that my boyfriend is handsome but, can you please take your eyes off him?" Mataray na tanong ni Raia.

Tinawanan lang siya ni Cassandra pero hindi niya inalis ang tingin niya kay Blake.

"You're just his girlfriend but he's not yours fully. He still have his right to look at someone else and someone else have the right to look at him."

Konti nalang ay mag-uusok na sa galit ang ilong ni Raia. Baka mamaya ay sumabog na siya.

"You're right. But, if I tell you to take your eyes off him, take it off. You won't like to see me mad." Nagbabanta ang boses ni Raia.

Ang sama na rin ng tingin niya kay Cassandra habang si Cassandra naman ay nakangiti lang ng nakakaloko at walang pake sa banta ng kaharap niya.

"Oh, I'm scared. But I want to see you mad." Umakto pa siya na para bang natatakot siya nung sinabi niyang 'I'm sacred'.

Pumikit si Raia saka bumuntong hininga. Pagkadilat niya ay sobrang talim na ng tingin niya kay Cassandra.

Si Blake naman ay ayun at walang ginagawa. Mukhang enjoy pa siya sa nakikita niya. Loko rin 'to, eh.

"Do you really wanna see me mad?" Tanong ni Raia habang masamang masama ang tingin kay Cassandra.

"Okay! Guys STOP!" Pumagitna si Lexa sa kanila para awatin na sila.

"We're friends here, okay? Hindi niyo kailangang mag-away." Ani Lexa.

"Friends? I don't treat her as one." Mataray na sabi ni Raia.

"Oh...sorry Raia, I'm just teasing you." Sabi ni Cassandra na nag bow pa.

"Whatever." Sabi ni Raia saka umirap.

Baliw naman kasi si Cassandra, eh. Ayan tuloy nagalit si Raia.

Raia

I hate that girl! Kung hindi lang siya kaibigan ni Andrea ay hindi ko siya hahayaan na sumabay sa amin.

Naiinis ako sa kaniya! Nakakainis siya!

"Hey, babe." Blake called me but I didn't look at him.

Isa pa siya. I'm also mad at him. I hate them both!

"I'm sorry." He said with a sincere tone.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Naiinis ako sa kaniya, eh. Hindi ko siya papansinin. Bahala siya.

"Hey." Malambing niyang tawag sa ako niyakap mula sa likod.

Umalis ako sa yakap niya at naglakad palayo.

Nakakainis siya kasi wala man lang siyang ginawa kanina. Mukhang tuwang tuwa pa siya kasi gusto siya nung Cassandra na 'yun.

Oo, aaminin ko na nagselos ako kanina. Syempre, mahal ko 'yun, eh. Gusto ko akin lang siya. Selfish na kung selfish pero 'yun ang gusto ko.

Ang akin ay akin lang.

"Babe naman."

Sinundan niya pala ako hindi ko alam.

Pumunta siya sa harap ko at humarang sa dinadaanan ko kaya wala akong nagawa kung 'di ang huminto. Pero hindi pa rin ako tumingin sa kaniya.

"Babe." Malambing niyang tawag saka inangat 'yung tingin ko sa kaniya kaya nagtama ang mata naming dalawa. "I'm sorry."

Nag-iwas ako ng tingin. Sorry sorry ka ngayon, psh.

"Hey. Sorry na. Bakit ka ba nagkakaganiyan?" Tanong niya.

So, he's saying sorry at hindi niya alam kung bakit siya nagso-sorry? Uminit na naman ang ulo ko.

Baliw ba siya?

"You didn't say anything earlier, and now you're asking me why I'm acting like this?" Mataray kong tanong sa kaniya.

"I didn't say anything earlier because I know that Cass is just teasing you." He said.

Cass? So they are close? Psh.

"Kahit na, you should have say something. Nakikita mo naman na naasar ako, eh."

"I didn't see it, sorry."

Hindi niya nakita? Nabigla ako sa sinabi niya at the same time nasaktan. It only means one thing.

"You didn't see because you're looking at her not me." I said.

I'm stopping my tears from falling.

"No-—"

I stopped him halfway.

"No? Yes. You're enjoying the view in front of you because it's her. I saw how you smile at her, you never smile that way to me." I said and then I look at him in the eyes.

Hindi ko na napigilan 'yung mga luha ko na tumulo mula sa mga mata ko. It hurts. Your boyfriend is looking at someone else and he's so happy.

"That's not true." He said.

Yayakapin niya sana ako pero lumayo ako. "That's true. I saw it with my own eyes. Nang dumating siya at nakakasama natin siya, you're always looking at her while smiling. 'Yung mga ngiti mo na 'yon, hindi ko 'yon nakita nung ako 'yung kasama mo." I said in the middle of my sobs.

"Raia..."

"Sa t'wing makikita kita na ganun kasaya habang nakatingin sa kaniya, naiisip ko na makipaghiwalay sa 'yo kahit na masasaktan lang ako. For your happiness, it's fine for me kahit na masaktan ako."

"Raia please..."

"I guess I should do it now."

"No. Please don't."

"Let's end this relationship."

Finally I say it. I've been thinking about it lately. After seeing him like that. I thought that I should let him go and be happy.

"No."

"We're over." I said then I leave.

I don't want to see him like that. Alam ko naman na ayaw niya lang makipag break sa akin kasi ayaw niya akong masaktan.

I know him very well, kaya para hindi na siya mahirapan at mapilitan at masabi na niya 'yung nararamdaman niya kay Cassandra ay ako na ang nakipaghiwalay.

It's for the both of us. Para wala ng masaktan sa aming dalawa.

Goodbye Blake. I love you always and forever.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status