Share

Chapter 59

Andrea

"Ano nangyari sa plano mo?" Tanong ko kay Cassandra.

Plano daw niya na pagbalikin na 'yung dalawa. Ewan ko lang kung success o failed.

"Failed." Sabi niya saka isinalpak ang sarili sa kama ko.

Napabuntong hininga naman ako. Pumalpak yata siya ngayon. Lahat ng plano niya ay successful, eh.

Ano kayang nangyari?

Ayaw na ba talaga ni Raia o ano?

"Bakit?" Tanong ko saka ako naupo sa tabi niya.

"Because of that Lucas guy." Iritable niyang sabi.

Inis na inis siya. Puro inis ang makikita sa mukha niya. Ano naman kaya ang ginawa nung Lucas na 'yun at asar na asar 'tong babaeng 'to?

"It looks like he's courting Raia." Sambit niya.

May pagka mind reader talaga ang babaeng 'to. Hindi ko naman tinatanong sa kaniya kung ano ang ginawa nung Lucas na 'yon pero sumagot siya.

"Problema 'yan." Sabi ko.

Malaking problema talaga kung nililigawan nung Lucas na 'yun si Raia. Mukha namang palagay ang loob ni Raia sa Lucas na 'yon kaya hindi malabo na maging sila kung papayag si Raia.

Napakalaking problema nun 'pag nagkataon.

"Bakit ba kasi kailangan pang makisali nung Lucas na 'yun, eh. It would be easy for me to make Raia and Blake together if that Lucas guy is not around." Irita niyang saad.

"Wala ka sanang pag-aayusin kung wala kang ginulo." Saad ko.

Totoo naman. Kung hindi niya ginulo 'yung dalawa, eh 'di sana ay hindi siya namomroblema. Siya din 'tong baliw, eh.

Tumingin siya sa akin ng naiirita. Nagkibit balikat lang ako sa kaniya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi ko.

"Will you just please help me?" Iritang tanong niya.

"Pag-iisipan ko." Sagot ko na lalong nagpa-irita sa kaniya.

Ngayon namomroblema ka. Kung pati sila Lexa nag-break dahil sa ginawa mo, mas lalong malaki problema mo.

"Why do you have to think of it? I'm your bestfreind!"

"Ano naman kung bestfreind kita? Bestfreind ko din 'yung babaeng inasar mo." Sagot ko kaya napa-irap siya sa 'kin. "Alam mo kasi, kung hindi mo inasar nung una pa lang, eh 'di sana wala kang problema ngayon. Ngayon na may problema ka, naiirita ka pa dahil hindi mo agad malutas. Sinong baliw?"

"You know what? Instead of scolding me, help me." Saad niya.

Ngayon nanghihingi siya ng tulong.

"Ano ba kasi ginagawa nung punyetang lalaking 'yun?" Tanong ko.

"Maka punyeta ka. Gwapo 'yun."

Ipinagtanggol pa nga. Kanina naaasar siya, tapos ngayon pinagtatanggol niya. Baliw na talaga 'to, eh.

Hindi ko gusto 'yung lalaking 'yun kaya tinawag ko na punyeta. Hindi dahil sa nagiging hadlang siya kay Blake at Raia para magkabalikan. Kung 'di dahil may hindi maganda akong nararamdaman sa kaniya.

Ewan ko kung ano 'yung nararamdaman ko na 'yon, pero hindi talaga siya maganda.

"Ano nga ginagawa nung lalaki na 'yun?" Tanong ko.

"I plan to make Raia jealous earlier at the mall, but when Raia is almost there, malapit na siyang bumigay, eh. Tapos biglang dumating 'yung Lucas na 'yun."

Magkasama 'yung dalawa sa mall. Hindi malayong date 'yon o gala lang. Ewan ko rin.

"When Raia smiled at him, it's so sweet. The way she smiled at Blake it's also the way she smiled on that Lucas."

Parang ganun naman sa lahat si Raia. Ganun siya ngumiti sa lahat.

"Ano ba kasi ginagawa nila sa mall?" Tanong ko.

"Date." Sagot niya saka nag-iwas ng tingin.

So, date nga ang pinunta nila sa mall. Patay tayo diyan.

"Paano mo naman nalaman na nasa mall si Raia?"

"I asked someone to follow her para alam ko kung saan ko siya pupuntahan kapag pagseselosin ko siya."

Tumango tango ako. Medyo safe naman pala si Raia dahil may nakasunod sa kaniya. Malalaman namin kung nasaan siya kapag may hindi magandang nangyari.

"Bakit hindi nasabi nung stalker ni Raia na may kasama siya?"

Kung pinasundan nga niya si Raia dapat ay alam nung mga sumusonod dito na may kasama ang sinusundan nila.

"They say that they forgot to tell me." Sagot niya.

Nakalimutan o hindi talaga sinabi? Hindi maganda kutob ko, ah.

"Patigilin mo ang sumusunod kay Raia. Sabihin mo na 'wag na nilang sundan ang kaibigan ko." Utos ko na ikinagulat niya.

"What? Why?!"

"Hindi maganda kutob ko. Gawin mo nalang ang sinabi ko."

Umirap muna siya bago niya nilabas ang phone niya at nag-dial ng numero. Kina-usap niya 'yon at saglit lang ay binabaan na rin niya ito.

"I already told them to stop. How can I make Raia jealous now, if I don't know where to find her?"

"Nasaan daw ba si Raia?"

"In their house."

"Ako ng bahala."

Nilabas ko ang telepono ko at tinawagan ang number ni Chano. Siya lang ang pwede kong pagkatiwalaan ngayon.

Nang sagutin niya ang telepono ay sinabi ko na agad kung ano ang pakay ko.

Sinabi ko sa kaniya na pabantayan niya kay James at Xander si Raia. Agad naman niya 'yong sinunod ng walang reklamo.

Narinig ko pa na iniutos niya 'yon sa mga bata niya. Narinig ko rin na nagreklamo si James dahil may trabaho daw siya, pero nung ako na ang naka-usap niya ay pumayag siya.

Ako na ang bahala sa trabaho ni James. Ako ang papasok sa shift niya. Sisiguraduhin ko rin na makakatanggap siya ng sweldo na kailangan niya.

Si Xander ay mayaman 'yun kaya hindi nagtatrabaho. Doon din siya sa eskwelahan namin nag-aaral kaya walang problema.

"Ayus na, may nagbabantay na sa kaniya." saad ko.

"Para hindi na mahirapan ang mga magbabantay kay Raia. Despatchahin ko nalang kaya si Lucas?"

Hinampas ko siya sa balikat niya dahil sa sinabi niya. Baliw na nga yata talaga 'to, eh. Pati ba naman 'yon ay sumagi pa sa isip niya?

"Ouch! Ano ba?!" Reklamo niya.

"Mag-tigil tigil ka lang. Siguraduhin mo nalang na magkaka-ayus 'yung dalawa kung hindi ay ikaw ang dedespachahin ko."

"What did you say?!" Asik niya.

"Biro lang."

"Not a good one." Aniya saka tumalikod.

Niyakap ko lang siya mula sa likod para naman hindi niya masyadong dibdibin ang biro ko.

Kaunting lambing lang naman ang kailangan nito, eh. Parang si Hagdan lang.

"So here you are." Medyo nagutla ako sa biglang nagsalita sa likod ko.

Si Hagdan lang pala. Tinignan ko siya at pinatahimik dahil ayokong makita ako ng sinusundan ko.

Break time ngayon at nasa cafeteria kami. T'wing break time ay sinusundan ko si Raia kung saan man siya magpunta.

Wala kasi talaga akong tiwala sa Lucas na 'to. "What are you doing here?" Pabulong niyang tanong sa 'kin.

"Nandito ako para kay Raia." Sagot ko.

Nakita ko sa 'di kalayuan sa pwesto nila Raia si Xander at James. Kumakain sila at palingon-lingon sa pwesto ni Raia.

Si James ay nakaharap sa pwesto nila Raia habang si Xander ay nasa harap niya.

Buti naman at ginagawa nila ang iniutos sa kanila.

Kung nagtataka kayo kung paanong nakakapag-aral si James sa eskwelahan na 'to kahit na wala naman siyang pera, isa lang ang sagot diyan.

Scholar siya ng Dean kaya nakakapag-aral siya. Scholar siya nung ate ni Blake.

"You're here for Raia? Why?"

"Wala akong tiwala sa mokong na 'yon."

"So you're stalking her?"

"Minsan."

"Every break."

"Kaya nga minsan."

Every break ko lang naman talaga sinusundan sila Raia. Ang mga lugar lang naman na pinupuntahan nila ay sa library, soccer field, cafeteria, at minsan ay lumalabas sila.

Ngayon lang lumalabas ng school si Raia kapag break. Mula lang nung nakasama niya 'yung mokong na 'yon.

Minsan nga nale-late si Raia kasi nga galing sila sa labas.

"Lagi ba silang sweet?" Tanong ni Hagdan.

Gaya ko ay pinagmamasdan din niya ang dalawa.

"Oo, lagi silang ganiyan." Sagot ko.

Noong nakaraan nga ay sinubuan pa ni Lucas si Raia. Nakita ko kung paanong kinilig si Raia sa ginawang 'yon ni Lucas.

Sinubuan na naman ni Lucas ngayon si Raia at nakita ko kung paanong sinadya nung mokong na dumihan ang gilid ng labi ni Raia para lang mapunasan niya 'yon.

"That bastard!" Asik ni Hagdan.

Tatayo na sana siya kaya pinigilan ko. Ayoko na mahuli niya kami.

Si Raia naman ay namula dahil sa ginawa ni Lucas. Kinilig pa siya dahil lang sa simpleng kalokohan ng mokong na 'yon.

"Kumalma ka nga!" Saway ko kay Hagdan.

"How can I? Nangcha-chansing lang 'yung lalaki na 'yon, eh."

Hinawakan ko ang kamay niya para kahit papaano ay kumalma siya. Hindi nga ako nabigo dahil kumalma siya ng bahagya.

"Sa susunod na may gawin siya na kalokohan, ako na sasapak diyan. Kaya kumalma ka, okay?"

Tumango siya sa 'kin saka ibinalik ang tingin sa dalawa.

'Wag mo lang talagang babastusin si Raia, masasapak talaga kita.

"Babe, my mom is looking for you yesterday. Oh, let me rephrase it. OUR mom." Nagulat ako ng biglang sumulpot sila Cassandra at Blake malapit sa pwesto nila Raia.

Narinig ko ang sinabi niya dahil malapit ako sa pwesto nila Raia. Ang luka, ginagawa na naman ang plano niya.

Nakapulupot pa sa braso ni Blake ang kamay niya. Kung si Blaine Cuevas siguro ang tao na pinagseselos niya ay nasampal na siya.

Nang tignan ko si Raia ay naging uneasy na siya. Para siyang nagseselos na ewan.

"Really? I'll meet her later." Sagot naman ni Blake.

Aba, nakikisakay siya. Kinausap na kaya siya ni Cassandra o ginagawa niya 'to dahil nagseselos siya kay Raia at Lucas.

"Isa pa 'tong dalawang'to, eh. You know what? Your childhood bestfreind is crazy." Inis na sabi ni Hagdan.

Natawa naman ako sa kaniya kasi hindi na naman maipinta ang mukha niya.

"Matagal ng baliw 'yan kaya wala ka ng magagawa." Sabi ko.

Kung ako nga ay walang magawa sa kabaliwan niyan, eh. Siya pa kaya?

"She's the reason why Raia and Blake broke up."

"Kaya nga gumagawa siya ng paraan para magkabalikan ang dalawa."

"And what way is that?" Tanong niya saka humarap sa akin.

"That way." Sagot ko sabay turo sa ginagawa nung dalawa.

Mukhang na gets naman ni Hagdan ang gusto kong sabihin kaya nanahimik na ulit siya at pinanuod ang dalawa.

Naupo sila Cassandra sa isang table kaharap nung kela Raia. Nakaharap si Blake kay Raia habang magkatalikudan naman si Lucas at Cassandra.

"Try this, babe. It's delicious." Saad ni Cassandra saka sinubuan si Blake ng spaghetti.

Sinubo naman 'yon ni Blake at napatango tango nang malasahan 'yon.

"You're right it's delicious." Sabi niya. "Can you give me some?"

Magkaiba sila ng pagkain ni Cassandra. Kay Cass ay spaghetti, ang kaniya naman ay palabok.

"Sure!" Sagot ni Cassandra.

Lalagyan na sana niya ang plato ni Blake ng spaghetti pero pinigilan siya nito. Nagtatakang tumingin si Cassandra sa kaniya.

"Subuan mo 'ko. Ayokong mahaluan ng spaghetti ang kinakain. Papangit ang lasa."

Napangisi si Cassandra sa sinabi ni Blake. Mukhang nakikisakay nga siya sa plano ng baliw kong kaibigan.

Sinubuan ni Cassandra si Blake at hinayaan itong nguyain ang pagkain na nasa bibig nito. Sinubuan niya ulit pagkatapos nguyain ni Blake 'yung una niyang sinubo.

Nakangiti pa ang dalawa sa isa't isa. Si Raia naman ay biglang tumayo at naglakad paalis.

Sinundan siya agad nila Xander at James.

Nakita ko na tumingin muna si Lucas sa likod niya ng pasimple sama sumunod kay Raia.

Success si Cassandra sa plano niya ngayon. Nagselos nga si Raia. Ang tanong ay kung kapag nagselos ba si Raia ay babalikan na niya si Blake.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status