Share

Chapter 45

Nagpasalamat muna ang mga pamilya ko bago umalis ang doktor.

"Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni papa.

Ano nga ba ang nangyari? Inalala ko ang mga nangyari kanina bago ako magising.

Pero nawala ako sa konsentrasyon nang makaramdam ako nang gutom. Bakit dito sa ospital ay nagugutom ako? Ang sabi nila ay kahit hindi na daw kumain basta naka dextrous ka. Sinungaling ba sila?

"Pwede bang mamaya ko na alalahanin ang nangyari? Nagugutom na ako. Gusto ko nang makakain." Sabi ko.

Dali dali namang lumapit si mama sa isang table at kumuha nang pagkain mula sa container na nandoon.

"Gutom na gutom ka 'no? Ang haba naman kasi nang tulog mo. Ano kayang napanaginipan mo at nahimbing ka." Saad ni Andrei.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

Anong oras na ba? Madaling araw na ba?

Lumapit sa akin si mama at dahan dahan akong iniupo. Sinubuan niya din ako na para ba akong baby. Ang sabi ko ay kaya kong kumain mag-isa pero ayaw niya akong payagan.

"6:49 am na." Sagot ni kuya Andrew.

Hanggang umaga ay tulog ako?

"Ng BIYERNES." Dagdag ni Andrei sa sinabi ni kuya Andrew na diniinan pa ang salitang BIYERNES.

Teka, ano daw? Ang alam ko ay lunes pa lang. Paanong naging biyernes na? Ganoon talaga kahaba ang naging tulog ko?

"Sigurado ka?" Tanong ko kay Andrei.

"Mukha ba akong nag jo-joke? Biyernes na nga." Masungit na aniya.

"Nakalabas na din kahapon nang ospital si Alistair at sinabi niya na dadalaw daw siya sa 'yo mamaya dito." Ani papa.

Nakalabas na si Al tapos ako naman ang nasa ospital. Hays.

"Nag-alala siya nung nalaman niya ang nangyari sa 'yo. Nung araw nga na maaksidente ka ay gusto na niyang lumabas nang ospital at puntahan ka dito. Kaso hindi siya pinayagan nang doktor niya kaya wala siyang nagawa kung 'di ang maghintay nang araw nang discharge niya." Kwento sa akin ni kuya Andrew.

Buti at hindi siya nagmatigas na umalis nang ospital. Buti nalang din at hindi siya tumakas para lang madalaw ako.

"Teka, magkaiba ba kami nang ospital na kinaroroonan?" Tanong ko.

Tumango sila sa akin.

"Dito kasi ang pinakamalapit na ospital sa school kaya ito ang unang rumesponde nang tumawag nang ambulansya ang guard nang school niyo." Ani kuya Andrello.

Kaya pala. Kung nasa iisang ospital kami ay maaari niya akong dalawin nang naka wheelchair siya o maglakad siya.

"Ngayon, sagutin mo kami. Anong nangyari?" Tanong ni papa sa akin.

Inalala ko kung ano ang nangyari noong lunes. Naglalakad kami at nag-uusap ni Jake non nang may biglang tumama sa ulo ko na matigas na bagay.

Sinabi ko sa kanila kung ano ang naalala ko bago ako mawalan nang malay.

"Siya rin siguro ang nagtangkang bumaril sa 'yo noon." Ani kuya Andrew.

"Ano naman ang motibo niya para patayin ang anak ko?" Tanong ni mama.

"Wala na akong pakielam sa motibo niya, sa susunod na masaktan ang anak ko dahil sa kagagawan niya ay maging ang buong mundo ay hahalughugin ko mahuli lang siya." Galit na sabi ni papa.

"Kumalma ka." Sambit ni mama na nilapitan si papa para pakalmahin.

Ano naman kaya ang motibo nung taong 'yun at desidido siya na patayin ako? Ano bang kasalanan ko sa kaniya at ganoon ang galit niya sa akin?

Punyeta siya, 'wag lang siyang magpapahuli sa akin at malilintikan talaga siya.

Umalis sila mama at papa at iniwan kaming magkakapatid dito sa kwarto. Dumating din si Jake para tumulong sa imbistigasyon.

"Nakita mo ba kung sino ang gumawa nito?" Tanong ni kuya Andrew kay Jake.

"Naka itim siya at balot na balot siya kaya hindi ko siya nakilala. Naka maskara din siyang itim na nakatakip sa buong mukha niya." Sagot ni Jake.

So pareho lang ang salarin. Kung sino ang bumaril kay hagdan at nagtangkang pumatay sa akin ay siyang taong naglaglag nang kung anuman sa ulo ko.

Dinagdagan niya lang ang sala niya sa akin. Punyeta siya.

"Hindi mo talaga nakita ang mukha niya? Kahit ang mata man lang?" Tanong ni Andrei.

Umiling si Jake. "Pero nasisiguro ko na lalaki siya dahil sa tindig niya. Matangkad din siya." Sambit ni Jake.

Maraming matangkad na lalaki pero malaking tulong na din ito para sa imbistigasyon namin.

"Iisa lang kaya sila nung bumaril kay kuya Al?" Tanong ni Andrei.

"Oo." Sagot ko.

Natigil kaming lahat nang paulanan kami nang bala ng baril mula sa labas nang kwarto.

Punyeta!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status