Andrea
Kaarawan ni Madam Arcardia ngayong araw at imbitado ako sa selebrasyong magaganap mamaya.
Kailangan daw ay pormal ang suotin naming damit at hindi ko alam kung ano ang isusuot ko.
Sasamahan daw ako nila Raia at Lexa na humanap ng damit na susuotin ko mamaya. Paniguradong sila na naman ang pipili ng damit.
"Oyy, pikon." Tawag sa akin ni Jake.
Nasa garden kami ng eskwelahan namin at nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga halaman sa paligid.
Siya ang kasama ko ngayon dahil may inaasikaso si Al na project nila. Hindi kasi sila gumawa sa bahay kaya sa library sila gumagawa ngayon.
Hindi pa nila tinapos sa bahay, mga tamad kasi kaya ngayon ay nagmamadali silang tapusin ang ginagawa nila.
"Bakit?" Tanong ko.
"Sa tingin mo, matatapos nila 'yun ngayon?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang ginagawang project nila Hagdan.
Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung matatapos ba nila 'yun ngayon. Ang dami pa naman nung gagawin nila dahil sa lahat ng subject namin ay ngayon ang pasahan ng project.
Sa lahat din ng subject ay wala pa silang nagagawa kahit isa. Wala pa silang nasisimulan kahit isa. Mga pasaway.
Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Malay." Maikli kong tugon.
"Buti nalang kami nakagawa." Aniya.
"Mga tamad naman kasi ang magkakaibigan na 'yon, eh." Saad ko.
Natawa naman ng bahagya si Jake. "Bakit kasi hindi nalang kayong dalawa ni Crimson ang magka-grupo?" Natatawa niyang tanong.
"Ayaw kasi nila, Lexa. Ayaw nilang pumayag na mahiwalay ako sa grupo nila."
"Ayaw ba nilang kagrupo ang mga syota nila?"
"Aba'y, malay ko sa mga iyon. Alam mo namang mga luka 'yon." Sabi ko saka kami sabay na natawa.
Mga luka naman talaga kasi ang mga 'yon. Sino ba namang ayaw maging kagrupo ang mga syota nila?
Matapos ang klase ay dumeretso ako sa bahay namin para makapagpalit ng damit. Pumunta agad ako sa mall pagkapalit ko.
Sabi kasi nila Lexa ay kailangan na maaga kami sa venue para mabati namin agad ang Madam ng mga Arcardia.
Gusto daw kasi ng Madam na ang pamilya niya ang unang bumabati sa kaniya. Ayaw niya na ang guest o ang kung sino man na hindi niya pamilya ang unang bumabati sa kaniya.
Gusto niya na nabati na siya ng lahat ng miyembro ng pamilya niya bago siya batiin ng kaniyang mga kaibigan at kasama sa business world.
"You should wear this." Ani Lexa na inabot sa akin ang isang pink dress.
Pa off-shoulder style siya pero may sumusuporta sa kaniya sa balikat para hindi masyadong expose ang balikat.
Pwede na rin.
Kinuha ko ang damit saka ako nagpunta sa fitting room. Hindi naman mahirap isuot iyon kaya saglit lang ay lumabas na rin ako.
"It suits you well." Nakangiting sabi ni Raia.
"Mas lalong maiinlove si Al sa 'yo." Wika ni Lexa.
Mga nambola pa ang mga ito. Wala naman akong pake kung maganda ba o hindi ang suot ko. Ang mahalaga ay may damit.
Bumalik na ako sa bahay namin pagkabili ko ng damit na susuotin ko. Hindi pala ako ang bumili, si hagdan. Nagbigay pala siya ng pera kay Lexa para iyon ang ipangbayad sa damit na bibilin ko.
Pagbalik ko sa bahay namin ay naligo agad ako at nag-ayus. Anong oras na din kasi no'ng maka-uwi ako dahil bago kami pumunta sa mall ay pumunta muna kami sa café na lagi naming pinupuntahan para kumain.
Bakit ba kasi kailangan pang maaga? Nagagahol tuloy ako ngayon sa pag-aayus.
Sinundo ako ni hagdan sa bahay namin. Kotse ang dala niya noong sunduin niya ako. Bagong kotse.
Hindi ko alam kung kailan niya ito binili pero natitiyak ko na bago ito dahil sa kintab ng sasakyan at ngayon ko lang ito nakita.
May kotse pa naman siyang ginagamit, tatlo pa nga, eh tapos bumili pa siya ng isa pang kotse. Aksayado siya masyado sa pera.
Inalalayan niya ako pasakay ng kotse niya. Pinagbuksan ako saka inalalayan ang ulo ko para hindi ako mauntog. Akala naman niyang mauuntog ako.
Hindi pa rin ako sanay sa pagiging gentleman ni hagdan. Gentleman naman talaga siya kahit nung hindi pa kami, pero hindi pa rin ako sanay.
Kay Jake sanay ako pero sa kaniya hindi.
"You look gorgeous tonight." Nakangiting aniya habang nakatingin ng deretso sa daan.
"Salamat." Sambit ko.
Gorgeous gorgeous pa ang sinasabi niya, eh naiilang nga ako sa suot ko. Ang akala ko ay ayus ito kapag nasuot ko, hindi naman pala. Medyo expose pa din ang balikat ko.
Nakakainis! Punyeta.
Tahimik kami sa byahe ni Al hanggang sa dumating kami sa venue ng party. Madami na din ang mga bisitang tao dito meron ding bisitang hayop.
Bakit hayop? Kung makangiti kasi ay ngiting aso kaya hayop. Nakakasuya silang tignan. Halatang ayaw nila sa kausap nila pero kinakausap pa rin nila.
Ang iba ay makikita mong tunay ang ngiti kaya tao ang tawag ko sa kanila. Ang iba naman ay ngiting aso at kaplastikan ang ngiti na ipinakikita kaya hayop ang tawag ko sa kanila.
Lumapit kami sa mga magulang ni hagdan na nakikipag usap sa isang mag-asawang sigurado akong taga business world.
"Thank you, Mr. Lim." Nakangiting sabi ni Mr. Crimson.
"It's our pleasure." Nakangiting tugon ng lalaking nasa harap nila saka nagpaalam.
"Hey, mom." Tawag ni Al sa kaniyang ina.
Humarap ito sa amin na nakangiti pa rin. "Oh, son. You're here." Nakangiting ani ni Mrs. Crimson saka hinalikan sa pisngi ang kaniyang anak.
Kompleto pala ang pamilya Crimson dito. Nandito pati sila Mir at ate Sandra.
Yumuko ako ng bahagya kay ate Sandra. 'Yun ang aking pagbati sa kaniya.
Nag-usap sina hagdan at ang magulang niya. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako nakikinig.
Wala akong pake sa pinag-uusapan ng iba basta hindi ito tungkol sa akin.
"By the way, mom. My girlfriend." Pagpapakilala ni Al sa akin sa kaniyang ina.
Yumuko ako ng bahagya kay Mr. and Mrs. Crimson upang magbigay galang. "Magandang gabi ho." Saad ko.
"Good evening too." Sambit ni Mr. Crimson.
"Is she really your girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Crimson na tinugunan ng tango ni hagdan.
"Yieee, welcome to our family." Animong kinikilig na sambit ni Mrs. Crimson saka ako niyakap.
"I'm so happy, tonight. Parang ako ang may birthday ngayon. Nakatanggap ako ng isang napakagandang regalo." Wika ni Mrs. Crimson pagkakalas niya sa pagkakayakap niya sa akin.
Andrea "Saan tayo pupunta?" Tanong ko kela Lexa dahil sila ang sumalubong sa akin kanina pagkagising ko. Sabado ngayon at wala kaming pasok, wala din kaming napag-usapan na lakad ngayon kaya ang akala ko ay tahimik ang araw ko. Nagkamali ako sa akala ko dahil nandito sila at sinusundo ako dahil may pupuntahan daw kami. Hindi ko nga lang alam kung saan. "Malalaman mo rin, don't be impatient and wait until we reached our destination." Sagot niya. Binigyan ko siya ng nanunuyang tingin bago sumakay sa kotse na dala nila. May dala pa talaga silang kotse at si Raia daw ang magda-drive. 'Wag lang sana kaming bumangga o mabangga habang siya ang nagmamaneho. Hindi ko pa siya nakakasama sa sasakyan na siya ang driver kaya wala akong tiwala sa kaniya. Ayon din sa kanila ay ito ang unang pagkakataon na magmamaneho si Raia kaya wala pa akong tiw
Nagtungo siya sa rooftop at doon niya inilabas ang sniper na dala niya. 'Yun pala ang laman nang bitbit-bitbit niya. Ang tanong ngayon ay kung sino siya. Malalaman ko rin 'yan. Umalis na ako doon nang makahingi ako nang kopya nang mga footages. Pag-aaralan ko itong muli pag-uwi ko sa bahay. Sa ngayon ay si hagdan muna ang aasikasuhin ko. Sa susunod na kami magtutuos nang kung sinumang taong nasa likod nito. Bumalik ako sa ospital at dumeretso ako sa kwarto ni hagdan. Ang sabi daw nang doktor ay kailangan pa daw nang mahabang pahinga ni hagdan. Marami rin daw ang nawalang dugo dito kaya mas lalo niyang kailangan nang pahinga. Stable naman na daw ang kondisyon niya, ang kailangan nalang ay pahinga at i-monitor ang lagay niya. "Nalaman mo ba kung sino ang culprit?" Tanong ni Alexa sa akin. Umiling ako. "Hindi pa, sa susunod ko pa pag-aaralan ang mga fo
Nagpasalamat muna ang mga pamilya ko bago umalis ang doktor. "Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni papa. Ano nga ba ang nangyari? Inalala ko ang mga nangyari kanina bago ako magising. Pero nawala ako sa konsentrasyon nang makaramdam ako nang gutom. Bakit dito sa ospital ay nagugutom ako? Ang sabi nila ay kahit hindi na daw kumain basta naka dextrous ka. Sinungaling ba sila? "Pwede bang mamaya ko na alalahanin ang nangyari? Nagugutom na ako. Gusto ko nang makakain." Sabi ko. Dali dali namang lumapit si mama sa isang table at kumuha nang pagkain mula sa container na nandoon. "Gutom na gutom ka 'no? Ang haba naman kasi nang tulog mo. Ano kayang napanaginipan mo at nahimbing ka." Saad ni Andrei. "Anong oras na ba?" Tanong ko. Anong oras na ba? Madaling araw na ba? Lumapit sa akin si mama
Andrea Mga sigawan nang tao ang narinig namin mula sa labas nang kwarto. Lahat kami sa loob ay yumuko at nagtago sa lugar kung saan kami maaring magtago. Inalalayan nila ako dahil nga naka dextrous pa ako at kagigising ko lang. Napaka gandang bungad nito sa akin ngayon. Nang matigil ang pagbabaril nang kung sino man sa labas ay dagling tumakbo sila kuya palabas at iniwan kaming dalawa ni Andrei. Hindi maaari na tumunganga ako dito. Tinanggal ko ang dextrous na nakakabit sa aking kamay saka tumakbo palabas. Ang sakit din pala nun. Akala ko ay hindi dahil sa mga pinapanuod ko ay hindi sila nasasaktan. Mga peke talaga at wala man lang kahit kaunting katotohanan ang pinapalabas nila. "Ate!" Tawag sa akin ni Andrei na sumunod din sa paglabas. Tumakbo kami sa hagdanan at doon dumaan dahil kung sa elevator kami sasakay ay kailangan pa nami
Andrea Nang magising ako ay nakita ko sila mama at papa na nakaupo sa sofa at natutulog. Bakit hindi sila umuwi para matulog? Hindi maganda ang posisyon nila para sa pagtulog. Dapat ay humiga sila. Anong oras na ba? Tinignan ko ang oras na telepono ko at 4 am na pala. Umaga na nang magising ako mula sa pagtulog. May nakita akong message mula sa mga kaibigan ko, isang message na nakapagpagaan sa loob ko ang sinend nila sa akin. Halos lahat sila ay iisa lang ang message na gustong sabihin sa akin. Gusto nilang pagaanin ang loob ko at magsabi ako nang problema sa kanila. Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Jake na nagtatampo daw siya. Loko loko talaga. Pasensya na kayo sa mga pangalan nila sa contacts ko. Natripan ko lang 'yan nung mga araw na wala akong magawa. Si Alexa si Ms. Softhearted, si Raia si Sungit. Si Tris
Andrea What a great morning. Hindi ako nakatulog nang ayus dahil sa mga pesteng hayop na may sala sa mga nangyari. Tinatamad akong pumasok ngayon kaya hindi muna ako papasok sa school. First time kong tamarin na pumasok. Ngayon lang ako tinamad sa tanang buhay ko. Lumabas ako nang kwarto ko nang hindi nagpapalit nang damit. Naka panjama at oversized shirt lang ako. Tinatamad din akong magpalit nang damit kaya hindi na ako nagpalit. Wala na akong taong nakita sa loob nang bahay dahil anong oras na din. Malamang ay nasa eskwelahan na sina kuya at nasa restaurant naman sila mama. Kumuha lang ako nang cereals sa ref at gatas. Hindi ko talaga trip ang mga gatas pero wala akong choice dahil wala namang pagkain dito na nakahain. Matapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko at inilock ang pinto nito. Ayokong maistorbo habang nagtatrabaho.
Andrea Naglakbay na naman ang utak ko kung saan saan. Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi nang texter. Alam din niya ang pangalan ko. Nabasa ko ang Andrea doon sa text niya. Sino ka ba? "Hey." Tawag ni Alistair sa akin na pumitik pa sa harap ko. Bumalik naman ako sa huwisyo at napatingin sa kanila nang nagtatanong. Nasa rooftop na pala kami. Hindi ko napansin na nakaakyat na kami dito. "Ayus ka lang ba, pikon?" Tanong ni Jake. "She's not, it's obvious." Wika ni Blake. "Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Lexa habang paupo kami. Napabuntong hininga ako saka umiling. Ayokong bigyan sila nang problema. Ayus na, na ako nalang. Paniguradong matatakot sila kapag nalaman nila ang laman nang text message na natanggap ko. "Iniisip ko lang kung sino ang nasa likod nang pagbaril kay hagdan.
Andrea "Ang tapang mo, Andrea na hamunin ang taong nasa likod nito." Wika ni Alexa. Hindi ako magpapakaduwag dahil lang sa isang taong hindi ko naman kilala. "Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Tristan. "Wala sa bokabularyo niya ang salitang 'yan, kaya 'wag niyo nang asahan na masisindak siya sa mga pinaggagagawa nang taong nasa likod nito." Si Jake ang sumagot. Natatakot din naman ako minsan, pero mula nung nasanay ako nang martial arts, nawala na nga ang salitang 'yon sa bokabularyo ko. Bakit ako matatakot kung kaya ko namang lumaban? Bakit ako matatakot kung nalabanan ko na noon si kamatayan? Sila ang dapat na matakot sa akin. Isa akong anghel na kayang maging demonyo basta sinaktan ang kung sinumang malapit sa akin lalong lalo na ang pamilya ko. Makakaharap nila ako pero hindi ko sila hahayaan na makalapit pa sa