"Magkano na po lahat ang balanse namin, pati po sana yung dito sa cemetery. lahat ng cost babayaran ko na po." sabi ko sa incharge ng funeral service. "naku sir fully paid na po kayo pati po ang museum na paglalagyan para kay Mam ok na po." sabi nito sakin. laking gulat ko sa kanyang sinabi. "pano mangyayari yun ee hindi pa nga ako nagbabayad?" sabi ko sa kanya "hindi ko lang po alam sir basta ito lang po ang resibo na binigay sakin ng boss ko , ito daw pao iabot ko sa inyo. Pano po sir mauna na kami. Salamat po." sagot nito sakin Lawyer ako alam ko ang mga nangyayari walang sitwasyon na makakalampas sa akin. Napangiti na lang ako sa aking naiisip. Bago ako tuluyang pumasok para asikasuhin ang mga bisita ay luminga muna ako sa paligid ng Chapel. Nang wala naman akong napansin na kahina-hinalang sasakyan ay pumasok na ako sa loob. DETECTIVE BENSON POV Nakita na naming pumasok ng loob ng building si Andrew may kasama itong ilang tauhan niya, Nag radyo naman na samin ang aming inf
Nakatalikod na sa akin si Andrew ng makita ko ito, nakaposas ang kanyang dalawang kamay at kapit na sya ng mga Pulis, napapaluha naman ako ng makita kong sinasakay na siya sa mobile ng mga ito. Hindi ko alintana ang dami ng tao sa aking paligid at nawaglit na din sa aking isipan ang sinabi ng aking sekretarya na marami ng press sa ibaba, nagising na lang ako sa reyalidad ng mag-flash na ang mga camera at makita kong nakatutok na sa akin ang mga camera. May ilang press na din na nagtatanong sa akin. Dire-diretso ang mga ito sa pagsasalita. "Ms. Kim, totoo ba na ikaw ang bagong girlfriend ni Andrew?!" sabi ng press 1 Nakatutok naman na sa mukha ko ang isa pang camera. "anong kinalaman ng Sta. Barbara kung bakit binibisita kayo ni Mr. Andrew Alcantara" tanong ng press 2 "May kinalaman ba kayo tungkol sa mga ilegal na aktibidad nitong si Mr Andrew? Alam niyo namang pinaghahanap siya ng mga alagad sa batas bakit hindi niyo nirereport kung palagi naman siyang pumupunta dito sa Sta. Barb
MARIA POV"Hello Natalie! please paki open ang TV mo, nasa balita na ngayon ang pagkakahuli kay Andrew, tignan mo din si Kim, Nababaliw na ata. " sabi ko kay Natalie Agad naman binuksan ni Natalie ang kanyang TV at nanuod ng balita sa flash break. "MY GOSH anong nangyari kay Kim, parang nababaliw na yata yan."sabi ko naman sa kanya "Naku Natalie pano nag welga ang mga tauhan niya, lumabas din ang totoo na siya ang babae ni Andrew, nag histerikal siya ng malamang hinuli ng mga pulis si Andrew, ito ang good news. Isasara na daw niya ang Sta.Barbara nag declare na siya ngayon. Dahil hindi na daw nito kayang magpasahod at lahat ng kanyang share holders ay nag-pull-outan na dahil sa iskandalong ito" sabi ko sa kanya. Natawa naman si Natlaie " Maria, tawagan mo ang sekretarya niya. Offeran mong bilhin natin ang Sta. Barbara, kasama ang mga tauhan niya sa ating bibilhin upang walang mawalan ng trabaho. Naghihiganti ako sa mga taong nagkasala sakin, at walang kasalanan ang kanyang mga t
NATALIE POV Nang makatulog na ang kambal ay nag-set naman ng kaunting maiinom namin si Colton, pinapunta ko din si Maria para makisalo samin, may mga bagay din kaming dapat pag-usapan tungkol sa mga ibibilin ko sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa aking negosyo sa pagbalik nila ng Amerika. May mga email din kasi akong natanggap mula kay Charles na may mga clients kaming gustong mag-dagdag ng kanilang mga ipapagawa sa ilalim ng The Ligthen-Er Corporation. Nagkaniya-kaniya na kami ng upo s bar counter sa bahay. Bago namin simulan ang tungkol sa negosyo ay nagkwentuhan na muna kami ng mga kaganapan sa burol ni mommy, seryoso akong nakikinig sa mga kinukwento nila tungkol sa mga sinasabi ni Daddy at nila Manang Luming tungkol sa akin. Aniya nila bago daw pumanaw ang mommy ay wala itong bukang bibig kundi ang pagnanais nitong makita ako. “Alam mo Natalie ang sabi pa ni tito sabi daw ni tita, proud na proud sila sa lahat ng naging achievements mo sa buhay. “Sabi ni Colton sakin
"Please Natalie pakiusap ko sayo, wag ka munang gumawa ng eksena dito, kung haharap ka man sa pamilya mo hindi yung ganitong nakainom ka, alam kong maayos na ang lahat at pwede ka ng magpakita pero wag ngayong araw na ganito ang kondisyon mo " sabi ni Maria sa akin. "Huhuhu! bakit ba kasi ngayon ito nangyari kay mommy! hindi man lang ako nahintay ng ilang araw na lang, (napapahampas ako sa inis sa aking manibela) pwede na akong magpakita sa kanilang lahat ngayon! huhuhu" pagsusumamo ko kay Maria. Napatingin ako sa kanya. Gustuhin ko mang magpakita pero tama si Maria, sa tagal kong nawala sa buhay ng aking pamilya hindi naman ako maaring magpakita sa kanila ng ganito ang aking itsura. Lalo na para maka-agaw ng atensyon sa burol ng aking ina. Nirerespeto ko ang aking mommy, kaya naman napapasandal ako sa aking upuan at napapabuntong hininga ng malalim, tumingala ako para pigilan ko ang aking mga luha pero kahit anong gawin ko ay tuloy ang pag-agas nito sa aking mga mata."naiintindihan
Niyaya na ako ni Sebastian sumakay sa kanyang sasakyan. Sumama naman ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan dahil asawa ko naman ito at malaki ang pagkakasala ko sa kanya. Nang kami ay makasampa na sa kanyang Lexus Car ay hindi kami kaagad umalis. Ilang minuto muna kaming nagtitigan at nagkamustahan. Puno ng kaligayahan ang aming mga mata. Kapit din ni Sebastian ang aking kamay. Nakaharap kaming nakaupo sa isa’t isa. “Natalie, Hon hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na nandito ka na sa aking harapan, di ko inaasahan na dito pa tayo magkikita sa ganitong pagkakataon , pasensya na Hon, nalulungkot lang talaga ako kaya ako nandito ngayon. Simula ng nawala ka parang nawalan na din ng saysay ang buhay ko pero pangako hinding hindi ako tumingin sa iba kahit na wala ka sa aking tabi. Kung san san kita hinanap, madami ding tao ang aking binayaran para lang magkaroon ng lead sa kinaroroonan mo, kahit pa sa media ay humingi na din ako ng tulong, ultimo mga kaibigan ko ay kumilos din
"Kasi Hon, natakot pa akong iharap sayo ang kambal. Simula ng maliit pa sila ay kilala ka na nila pati na sila Kuya. Hindi lang kami nagpapakita sa inyo pero may detective akong binayaran para sundan kayo. Lagi siyang nag-se-send ng update sa akin ng mga ngyayari at mga larawan niyo. Lagi kong sinasabi sa kambal na ikaw ang ama nila, katunayan sa silid nila ay may larawan mo na nakalagay , galit lang ako Sebastian pero hindi ko tatanggalan ng karapatan ang kambal na malaman nila ang totoo sa kanilang pagkatao." sagot ko naman sa kanya. Napaluha naman si Sebastian sa aking sinabi. " Hon salamat, dahil sa kabila ng galit mo sa akin ay nagawa mo pa rin akong ipakita sa mga anak natin." sabi niya sa akin. "mabuti pa siguro magpunta na muna tayo sa silid natin. Para makaligo ka at ng mapuntahan na natin ang kambal." dugtong pa niya. Sumama naman ako sa kanya at maghawak ang aming kamay ng kami ay magtungo sa aming kwarto. Sumusunod lang ako sa kanya kahit saan niya ako dalhin dahil hindi
Nahiga na kami sa kama at nagkuwentuhan, hindi kami parehas makatulog kaagad dahil sa pagkamiss namin sa isa't-isa. Nakasandal kami ni Sebastian parahas sa headboard ng aming kama ng kuhain niya ang aking katawan at isandal ito sa kanyang dibdib. Madami kaming bagay na dapat pag-usapan ni Sebastian at marami rin akong gustong sabihin sa kanya . Kung ang dating Natalie ang bangka sa aming relasyon ngayon ay nag-iba na ang sitwasyon. Tila umurong ang aking dila dahil sa mga nangyari o dahil sa involve ang pamilya niya kung bakit kami ngkagulo-gulo. Nirerespeto ko din ang mararamdaman ng aking asawa kaya ayokong magsabi ng mga salitang makakasakit sa kanya. Nang mapansin iyon ni Sebastian ay siya na mismo ang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Habang hinihimas niya ang aking braso ay biglang nagtanong si Sebastian sa akin "Hon gusto ko lang sanang malaman kung bakit ka nagtago sa akin? Ilang beses akong tumatawag sayo noon pero hindi mo ako sinasagot pati mga messages k