10th BIRTHDAY CELEBRATION JOSHUA AND LINDSAY Naging abala na kami sa paghahanda para sa 10th birthday Celebration nila Lindsay at Joshua. Madami akong pasabog na gagawin ngayong araw na dapat ay nung 7th birthday celebration pa ng kambal ko ginawa. Dahil sa dami ng mga taong nilagay ko sa aking listahan at nais kong bahagian ng blessings na natanggap ko ay natagalan bago natapos ang pagpapatayo ng lahat ng mga bahay na nais kong ipamahagi para sa mga tapat kong tauhan. Katuwang ko sa pag-aasikasao sila Penelope at Aurora, maasahan na din ang dalawang ito pagdating sa mga importanteng mga bagay. Nasanay na din sila sa buhay dito sa Pilipinas at nakakatuwa na may interes din sila sa linya na ginagalawan ko. Nagtungo na kami sa meeting namin sa aming event coordinator at videographer para sa handaan ng kambal. Kahit gaano ako ka busy ay ginagawan ko talaga ng paraan para maging maayos ang handaan ng aking mga anak. Bukod dito ay pinaliwanag ko sa mga event coordinator ang plano
PAGTATAGPO NG PAMILYA NI SEBASTIAN AT NG KAMBAL Tila lumambot naman ang puso ng pamilya ni Sebastian ng makita nila ng harapan ang kambal . Noong una ay hindi pa nila alam kung paanong approach ang kanilang gagawin, ramdam ang pagka-ilang sa mga ito marahil ay nahihiya sila sa lahat ng nangyari noon sa pagitan namin. Nagulat pa sila kung bakit kilala sila nila Joshua at Lindsay . Pinaliwanag naman ni Sebastian sa kanyang pamilya ang naging set-up namin dati sa US kaya kilala na sila ng mga ito noon pa man, hindi man sa personal pero sa picture at video ay nakikita na sila ng dalawa. Napatingin si Mommy Amanda at Daddy Stephen sa akin at napaluha ang matatanda ng isa isahin silang batiin ng kambal at magmano “Natalie salamat at hindi mo pinagdamot na makilala kami ng kambal” sabi ni Daddy Stephen. Nakatingin at maamong nagsalita naman si Mommy Amanda “Mapatawad mo sana ako Natalie sa lahat ng kasalanan ko sayo. Alam kong hindi ganoon kadali para sayo ang makalimot sa mga nagawa n
Tumayo na ako at nagtungo sa entablado kasama ko si Sebastian na umakyat sa stage bago ako nagsimulang mag salita. "Hi everyone! Una sa lahat ay nagpapasalamat kaming mag-asawa sa pagdalo ninyo sa ika 10 kaarawan nila Lindsay and Joshua (tinawag ko din ang kambal sa stage) come here Lindsay, Joshua . (umakyat na nga din ang kambal sa stage) Gusto ko lang pong kuhain ang oportunidad na ito para magpasalamat sa lahat ng taong tumulong at naglaan ng kanilang panahon para tulungan ako ng mga panahong na down ako (napapaluha na ako sa puntong ito, gumagaralgal na ang aking boses sa pagsasalita) Hindi niyo po alam na kayo ang naging lakas ko, sa mga kaibigan ko Colton, Nicholai (bumaling ako ng tingin sa kinauupuan nilang dalawa). Salamat sa pagsakripisyo pati na ng propesyon niyo para lang mabantayan kami sa America, kay Yaya Editha (turo ko naman sa pwesto ni Yaya Editha) na halos limang taong nagtiiis na hindi umuwi ng Pilipinas para mabantayan kaming mag iina at siguraduhing maayos a
NATALIE POV Ilang araw ng hindi maayos ang pakiramdam ko. Siguro ay dala ito ng matinding pagod nitong nakaraang araw sa pag-asikaso sa birthday ng kambal. Sabay sabay din kasi ang ginawa kong pag-iintindi dito pati na ang pag-momonitor sa Sta. Barbara at sa The Ligthen-Er. "Hon siguro magpahinga ka na muna, wag ka muna kayang pumasok sa office mo ngayong araw. Baka na o-over fatigue ka na. Mag leave ka na lang muna kahit 3 days pero kung hanggang mamaya hindi pa rin magiging ok ang kondisyon mo ay magpatingin ka na siguro muna sa doctor. Mahirap na baka lumala pa iyan Hon, ilang araw ka na din nilalagnat lagnat” sabi sa akin ni Sebastian. Nakasandal lang ako sa head board ng aming kama, Hinang hina talaga ang buong katawan ko, hindi ko maintindihan kung ano ba ang nararamdaman ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit, umiikot din ang buong paligid ko. Bumabaliktad din ang sikmura ko ngayong umaga. Natatakot akong baka bumalik na naman ang aking sakit kaya ako nagkakaganito. Hin
“Hintayin na lang natin si Sebastian gusto ko din siyang kasama sa pagapaptingin namin sa Doctor” Sagot ko kay Michelle.“Sige may kaibigan akong OB-GYNE na magaling. Recommended talaga itong si Doctor Paulina, ito ang numero niya pero kung gusto mo tatawagan ko na siya para makakuha ka na ng appointment mahirap kasing maka kuha ng slot sa kanya para makapag patingin. Madami kasi siyang kliyente na mga malalaking tao.” Sabi pa sakin ni Michelle“Sige ikaw ng bahala Michelle, kuhaan mo na ako ng appointment para pagdating ni Sebastian ay maakaalis na tayo. Salamat.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Tila biglang nagbago ang mood ko sa aking nalaman. Kung kanina ay nanghihina ako ngayon naman ay tila biglang lakas ng aking pangangatawan. Na excite din ako sa aking nalaman, makalipas ang sampung taon ay masusundan na din ang kambal. “Sige dito na muna ako sa may Sala niyo , mag prepare ka na para pagdating ni Sebastian ay diretso na tayo kay Doctor Paulina. Ako ng bahala sa schedule mo” Sab
Lumalagabog na tugtugin ang sumalubong sa magkakaibigang Natalie, Colton, Nicholai, Bella and Kim. Nagka-ayaan ang mga ito na mag chill out sa isang Disco Bar ng aksidenteng maabutan ni Natalie ang kanyang long time boyfriend na si Greyson na kasamang nag-eenjoy ang kaniyang ex-girlfriend na si Anastacia sa Condo na pag-aari nito. Binili nila ito bilang love nest nila. Kaya laking gulat niya sa nagawa ng kanyang boyfriend. Kulang na lang sa kanila ay kasal para masabing sila ay mag-asawa. Kaya naman may sariling card itong si Natalie sa nasabing condo na anytime ay pede siyang makapasok. Hindi sila nagsasama pa dahil naniniwala sila parehas na magbigay ng personal space sa isa't isa upang ma-enjoy pa nila ang kani-kanilang life as single. "bessy! sinabi ko naman kasi sayo nuon pa iwan mo na yang boyfriend mong yan. Nakita mo na ginawa sayo?!" pagsisimula ni Nicholai, sa tono nito halatang concern siya sa kaibigan at the same time inis na inis ito sa ex boyfriend nitong si Gresyon.
Kinabukasan...Panay-panay ang ring ng cellphone ni Natalie. Ng tignan niya ang kanyang phone ay meron na itong 54 missed calls and 89 messages mula kay Greyson. Hindi naman ito pinansin ng dalaga at mabilis itong nagtungo sa cr. Mabilis siyang naligo at nagbihis dahil malapit na siyang ma late sa kaniyang business meeting. Pagkadating sa kanyang office ay andun na din ang kanyang kaibigan na si Bella naghihintay sa kanya. "sis nagpa-move daw last minute yung client natin! they move it to 1pm" bungad ni Bella sa kanya. "hmmm its ok so lets go first to the coffee shop on the BGC meron pa rin naman tayong oras sakto din masakit pa ulo ko sis. Hang over na din siguro!" pag-aaya nito sa kabigan. Umalis na nga muna ang magkaibigan sa kanilang office. Tutal wala naman silang next meeting. Ito lang ang sinadya nila ng araw na iyon dahil special ang client na ito para sa kanila. Big project ito kung tutuusin dahil ang ipapatayo ng kanilang client ay isang building sa isang famous area
One after another after another ang naging sitwasyon ng pakikipag date ni Natalie ng dahil sa kaniyang mga kaibigan. Kanya-kanya silang contact sa mga mutual friend nila na alam naman nilang mapapagkatiwalaan at matagal na ding may pagkagusto kay Natalie. "ano na friend?! maloloka na talaga kami sayo?!" panimula ni Kim"sis! lahat na ng pato namin pina meet na namin sayo?! pero wa epek" naiinis na natatawang asar ni Colton sa kaibigan" kaya nga friend. Lahat naman ng pinapa date namin sayo puro yummy naman. actually mas yummy pa dyan sa ex mo unless , mmmm ! dont tell me hindi ka pa rin nakaka-move on hanggang ngayon?!" curious na tanong ni Nicholai sa kaibigan."hindi naman sa ganon friend!. alam niyo naman na nabubusy na din kami ni Bella sa pag-aasikaso sa building na i-coconstruct lalo at paalis na din itong si Bella pag bumalik na naman siya sa Canada wala na naman akong makakasama, aside syempre sa ibang Engineer's namin sa Office. Iba yung andyan si Bella." pag-papaliwanag n