Share

Kabanata 003

One after another after another ang naging sitwasyon ng pakikipag date ni Natalie ng dahil sa kaniyang mga kaibigan. Kanya-kanya silang contact sa mga mutual friend nila na alam naman nilang mapapagkatiwalaan at matagal na ding may pagkagusto kay Natalie.

"ano na friend?! maloloka na talaga kami sayo?!" panimula ni Kim

"sis! lahat na ng pato namin pina meet na namin sayo?! pero wa epek" naiinis na natatawang asar ni Colton sa kaibigan

" kaya nga friend. Lahat naman ng pinapa date namin sayo puro yummy naman. actually mas yummy pa dyan sa ex mo unless , mmmm ! dont tell me hindi ka pa rin nakaka-move on hanggang ngayon?!" curious na tanong ni Nicholai sa kaibigan.

"hindi naman sa ganon friend!. alam niyo naman na nabubusy na din kami ni Bella sa pag-aasikaso sa building na i-coconstruct lalo at paalis na din itong si Bella pag bumalik na naman siya sa Canada wala na naman akong makakasama, aside syempre sa ibang Engineer's namin sa Office. Iba yung andyan si Bella." pag-papaliwanag nito sa mga kaibigan. "and hindi ko na siguro kasi talaga priority ang mag boyfriend parang wala akong time!"

"anyway sis! ok sige if you don't want na makipag date atleast may makausap ka man lang. You know this dating apps?! The one called Tinder?! sabi nila maganda daw dun. Makakakuha ka ng match mo.! try mo lang atleast meron kang makakausap palagi then hide your identity." pag-enganyo ni Bella sa kaibigan

"what you mean hide my identity?!"

"kumbaga hindi mo ilalagay real name mo, address or face. You can take a picture on g****e and make it as your profile picture." pagpapaliwanag nito.

"haist wala na siguro akong time sa mga ganyan!" pagdidisregard nito sa suggestion ng kaniyang mga kaibigan.

"ewan ko ba sayo! pati si Ethan and Jefferson drinop mo ang offer to court you! sis mabait yung mga yun. anyways its you naman! syempre kung san ka magiging masaya dun ka sis mahirap ipilit sa sarili ang isang tao kawawa lang din to give falls hope! kung ready ka na mararamdaman mo iyan sa isang tao." madamdaming payo ni Bella sa kaibigan sabay yakap nila dito.

"hay sis! ma-mimiss kita pagbalik mo ng Canada! Pano ba naman itong sila Nicholai, Colton at Kim laging busy sa hospital. Bihira ko na silang makasama sa dami din ng trabaho. ATleast ikaw no choice to be with me everyday dahil sa business natin. " paglalambing naman nito kay Bella.

"sis 6 months lang naman akong mawawala! always naman tayong mag conference call. Anything kahit nasa Canada na ko you can count on me!."

Nag kanya-kanya na din sila ng uwi sa kani-kanilang tahanan . Pumasok ng diretso si Natalie sa kanyang kwarto upang magpahinga.

POV Natalie

Kahit gaano ako ka-busy sa pag visit sa construction firm at madalas din naman kaming lumalabas ng aking mga kaibigan na sila Nicholai at the end of the day kung mag-isa na lang ako sa kwarto ay naalala ko pa rin ang pang cheat na ginawa sa akin ni Greyson. Good thing is hindi na siya nggulo sa akin. Nakikita ko din ang mga post niya sa social media niya ng mga picture nila ni Anastacia. Mga sweet photos nila, travel and food trips. Ewan ko ba pero wala na akong nararamdamang kirot tuwing makikita ko sila at maalala ko kung gaano kalala ang cheating era na pinaranas niya sa akin.

That night naalala ko ang sinabi ni Bella about Tinder. Siguro dahil sa sobrang bored ako everytime na umuuwi na ako sa bahay. Hindi ko gets kung paano magsimula. Im not into dating apps . Never kong na experience na makipag chat or date using dating apps.

Everynight akong nakatingin lang sa account ko sa Tinder, I don't know pero ng mga sandaling iyon merong isang lalaki na naka-caught ng aking atensyon. Sinunod ko ang payo ng mga kaibigan ko na hindi ilagay ang true identity ko. Lahat ng details na ginamit ko is gawa-gawa ko lang.

Ako na nga ang nag simula ng conversation sa pagitan naming dalawa.

"hi!" maiksing message ko sa kanya.

Lumipas ang ilang oras walang response akong nakuha mula sa kaisa-isang lalaking naging interesado ako para sana makausap ko. Hindi ko na sinubukan ulit na mag-message pa sa dating apps na yun. Naging abala na din ako sa pagbisita onsite dahil nasimulan na ang pag construct ng buildings na project namin under SB Group of Company. Sinisimulan na din namin ang project ng town houses. Si Bella naman ay onhand pa rin sa pag-asikaso kahit na nasa Canada ito. Kung kinakailangan kahit 3 days ay nag short visit din siya sa projects naming ito. Umuuwi siya ng Pinas paminsan-minsan .Ito kasi ang biggest project na nahawakan namin so far ng magsimula kami sa aming business.

Nagdaan ang 1 week wala pa ring response. ang minessage ko sa Tinder. Hanggang sa isang araw. During weekends, nag-pop-up ang notification sa cellphone ko. One message mula kay Amigo. Ayun lang yung code name din na ginamit niya. Isa iyon sa dahilan kung bakit naging interesado ako sa kanya. Dahil hindi lahat ng nasa dating apps ay gumagamit ng code name. Usually sa mga ito halos makita na kaluluwa sa mga profile picture nila. Si Amigo ay gumamit din ng picture mula sa g****e, nasabi ko yun kasi pamilyar ang taong ginamit niyang picture isa itong celebrity abroad.

Pagbukas ko sa message niya. Usual lang ang pag-uusap namin.

"hi ! sorry i was busy this weekdays. Madami lang akong inasikaso ngayon ko lang nakita yung message mo!" ito ang message na natanggap niya mula kay Amigo.

"its okay! nabusy din ako. By the way im Angel (code name na ginamit ko) . I just saw your account on Tinder. " ito naman ang reply ni Natalie sa ka chat.

Matapos ang araw na iyon. Tuloy tuloy na ang communication namin ni Amigo. Pakiramdam ko habang tumatagal ang araw kahit na pasingit singit lang na pag-chat namin kahit nasa office ako ay nakakaramdam ako ng gaan ng pakiramdam sa kausap ko. Pero hindi naman namin napapag-usapan ang mag-meet up dahil na din siguro sa busy din ako sa office.

Hindi ko din alam kung taga saan itong si Amigo. Basta ang alam ko lang nag-eenjoy kami parehas sa company ng isa't-isa. Kahit na never kaming nagkita or nagkausap through calls.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status