Share

Kabanata 004

Lumipas ang tatlong buwan lumalim na ng lumalim na ang pag-uusap ni Angel (Natalie) at Amigo (Sebastian). Kaya napag-desisyunan nila parehas na mag-meet up na. Nagdecide silang mag-date sa hindi naman gaanong mamahaling restaurant. Si Sebastian a.k.a Amigo ang namili ng place ng kanilang unang meet-up dahil ayaw niyang i-reveal sa dalaga ang kanyang true identity dahil natatakot siya kung malalaman nito kung sino siya.

Naunang dumating si Sebastian sa Restaurant na kaniyang pina-reserve. Napakagwapo nitong tignan sa kanyang itim na pants na nakatiklop sa ilalim na tinernuhan niya ng black polo shirt . Lumabas ang matikas na katawan ng binata na bumabakat sa suot nitong Polo Shirt halatang alaga nito ang katawan sa pag-gym. Ngunit kahit gaano nito itago ang kanyang true identity makikita pa rin sa kutis, kilos at gamit ng binata na may sinasabi ito sa buhay.

Hindi din nagtagal dumating na din si Natalie. Nakasuot lang ito ng riped black jeans na tinernuhan nia ng white sleeveless tops , hindi masyadong revealing ang kanyang tops na sinapawan niya ng brown blazer and semi high heels . Nagpa-ganda naman sa dalaga ang volume ng kanyang waivy hair na may kulay brown na may pagka-greyish ang dulo.

Napatulala si Sebastian ng makita niyang ang dalagang naka-caught ng kanyang atensyon ay papunta sa table kung san siya nakaupo. In-assist ito ng host ng restaurant na iyon.

Namumula at hiyang-hiya naman si Natalie sa pagkakatitig ni Sebastian sa kanya.

"hi!. are you Amigo?" nahihiyang tanong nito sa binata.

"yes! oh sorry. you look stunning. Im Amigo and you are Angel?!" pagpapakilala din nito sa kanya.

"yeah! im Angel" sabay upo niya sa hinilang upuan ni Sebastian upang makaupo siya." Thank you!"

Nagsimula na silang umorder ng kanilang pagkain para sa gabing iyon. nag-enjoy ang dalawa sa una nilang meet-up. Madami dami na din silang napag-uusapan. Kung saan saan na ito nakarating. Hanggang napapanatag na sila sa isa't isa.

Nasundan na ng nasundan ang kanilang paglabas. Hanggang ngayon hindi pa din alam ni Angel (Natalie) ang true name and work ni Amigo (Sebastian). Samantalang si Amigo(Sebastian) naman ay buong akala na isang trabahante lang si Angel sa Construction Firm na pag-ma-mayri nito gaya ng sinabi ng dalaga.

"aba sis mukhang napapadalas ata ang labas niyo ni mystery guy aah! hahahhaa." pang-aasar ni Colton ng mabisita nila ang kaibigan sa office.

"kaya naman pala hindi ka na namin nakakasama. Busyng-busy ka na pala kay Amigo! ayiie!" kinikilig na pang-aasar ni Kim .

Masaya sila dahil makalipas ang ilang taon . Finally nakikita na din nila ang kaibigan na ngumingiti ulit.

"sis kelan mo naman planong introduce samin itong si mystery guy A.K.A. Amigo!" pangungulit ng mga kaibigan nito sa kanya.

“Naku sis pag may time na siguro alam niyo namang busy pa this days! Pagbalik na siguro ni Bella para kumpleto ang tropa!” Pangiti-ngiting sabi ni Natalie.

“Wow ha! Wala pang time yan pero almost every night magkasama kayo nitong si Amigo mo!”

“Anyway! Im sure na hindi Amigo name niyan! Hanggang ngayon hindi mo pa din alam real name nia?” Aniya ni Nicholai

Napasandal si Natalie sa kanyang swivel chair habang nag-iisip tungkol sa sinabing iyon ni Nicholai ngunit tumawa lang siya sa sinabi ng kaibigan at inaya ang mga ito sa restaurant na naka locate sa baba ng kanilang office. May point din naman ang mga ito. Ilang months na din silang ngda-date pero hindi pa rin niya alam ang tunay na pangalan or even ang work nito. Kung sabagay ganun din naman siya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaamin kung anong tunay niyang pangalan.

Mabilis na nagdaan ang mga araw, linggo at buwan. Halos gabi-gabi silang magkasama ni Amigo. Dahil sa nag eenjoy sila sa company na binibigay ng isat isa hindi nahing big deal sa kanila ang hindi pagsasabi ng mga real name nila. Hanggang na curious na si Natalie dahil hindi din naman normal sa isang lalaki na laging nag-aaya ng date night kung wala itong kaya. May sasakyan din itong Lexus na talagang mamahalin. Makikita din sa suot nitong mga damit na hindi din basta basta kaya napatanong na din siya sa binata.

“Honestly i know Amigo is not your real name! Ano ba talagang pangalan mo?!” Pag uulirat nito sa binata habang nag da drive. Humarap siya dito na seryosong naghihintay ng sagot.

“Kasi hindi kita matawag ng maayos atleast alam ko ang first name mo para naman ma address ko ng maayos at matawag kita sa pangalan mo!” Dagdag pa ng dalaga.

Ngumiti si Amigo sa kanya. “Ok! My real name is Sebastian. And Angela is your real name?” Tanong nito sa dalaga na bumaling din ng tingin sa kanya habang naka stop sila sa paghihintay na mag go ang signal lights.

“Hmmmm haha honestly its my code name as well!” Napapakamot sa ulong pag amin niya sa binata. “Im Natalie in real life! Napapasok lang ako sa dating apps na yan kasi nahuli ko yung long time boyfriend ko na nag cheat sakin. Then one of my friend ang nagsabi saking try ko yung apps not to date para lang may makausap ako palagi”

Parehas silang natawa sa kanilang mga pag amin. Mas naging magaan ang gabing iyon para sa kanila dahil sa confession nila tungkol sa kanilang mga tunay na pangalan. Atleast ngayon alam nila kung pano nila tatawagin ang isa't isa. Hindi din naman interesado silang malaman ang kani-kanilang pinagkakaabalahan dahil gusto pa rin nilang i keep ang privacy na meron sa pagkataon nila.

Si Natalie ang bangka sa kanilang dalawa. Siya ang mahilig magkwento ng mga ngyayari sa daily lives nila samantalang si Sebastian ay Neutral lang . Makikita ang pagka finest nito sa pananalita at pagkilos. Hindi din naman nagtagal ay alam nilang nahuhulog na ang loob nila sa isa’t-isa marahil na din sa halos gabi gabi silang magkasama or kahit nasa trabaho ay magka chat pa rin sila pero this time hindi na sa Tinder apps kundi sa mga personal number na nila.

Madalas na magsend si Natalie ng picture ng whereabouts nia ganun din si Sebastian kung may ginagawa man ito sa kanilang w******p or imessage. Hindi nawawala ang daily updates nila sa isat isa.

Hindi din maipaliwanag ni Sebastian pero hinahanap hanap niya din ang presensya ni Natalie. Nasanay na siyang nakikita or laging nakakausap ang dalaga. Kahit pa lagi siyang busy sa trabaho or may schedule siya sa pag gym niya ay nilalaanan niya ng oras para makita at makasama ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status