Share

Kabanata 002

Kinabukasan...

Panay-panay ang ring ng cellphone ni Natalie. Ng tignan niya ang kanyang phone ay meron na itong 54 missed calls and 89 messages mula kay Greyson. Hindi naman ito pinansin ng dalaga at mabilis itong nagtungo sa cr. Mabilis siyang naligo at nagbihis dahil malapit na siyang ma late sa kaniyang business meeting.

Pagkadating sa kanyang office ay andun na din ang kanyang kaibigan na si Bella naghihintay sa kanya.

"sis nagpa-move daw last minute yung client natin! they move it to 1pm" bungad ni Bella sa kanya.

"hmmm its ok so lets go first to the coffee shop on the BGC meron pa rin naman tayong oras sakto din masakit pa ulo ko sis. Hang over na din siguro!" pag-aaya nito sa kabigan.

Umalis na nga muna ang magkaibigan sa kanilang office. Tutal wala naman silang next meeting. Ito lang ang sinadya nila ng araw na iyon dahil special ang client na ito para sa kanila. Big project ito kung tutuusin dahil ang ipapatayo ng kanilang client ay isang building sa isang famous area sa Makati.

May hang over din sila gawa ng bar hoping nila kagabi.

Habang nasa sasakyan nagkakwentuhan ang magkaibigan.

" you know sis honestly I received massive missed calls and messages from Greyson!" sabay harap ni Natalie sa kaibigan/business partner.

"so anong sabi ng G*gong iyon?"

"ayun sis humihingi ng tawad. as usual. si Anastacia daw ang biglang pumunta sa condo. Nakainom daw sila kasi sabi daw nito is malungkot sya that night dahil nakipag break sya sa kanyang boyfriend. Si Anastacia daw ang humalik sa kanya at nakipag flirt. Hanggang sa hindi na niya napigilan as lalaki." wika ni Natalie

"seriously?! pinilit siya pero nagkikilitian sa baththub?! sis bilib talaga ako sa pagiging story teller ng boyfriend mo!" gigil na sagot ni Bella.

"at talagang may guts pa syang magmessage sayo. And what is your plan sis?"

Napabuntong hininga naman si Natalie bago sagutin ang kanyang kaibigan. "sis you know its not easy na itapon lang lahat! hindi ko din alam pano ko sasabihin kila mommy ang ngyari. Ilang beses akong pinipilit nila mommy na mag migrate na din sa US ee alam mo namang buhay ko na ang negosyo natin!. But i don't have plan to come back to Greyson and that is for sure!"

"mabuti naman girl kung babalik ka din pupukin kita ng martilyo sa ulo ng matauhan ka! haha sis seriously . i think Gresyon is not for you! Alam naman naming mahal mo sya kaya nga mas pinili mo sya kaysa sa family mo but he doesn't deserve you! Desente ka, Maganda, Matalino at higit sa lahat marunong kang dumiskarte sa sarili mo! Kaya mo yan. Andito lang kami para sayo." pagpapalakas ng loob ni Bella kay Natalie.

Nakarating na din sila sa Starbucks coffee in BGC branch. Matapos nilang maka order at makuha ang kanilang order ay pumwesto na sila sa window side ng coffee shop para habang nag relax sila ay nakikita nila ang paligid.

Hindi nila inaasahan habang sila ay nagkukwentuhan napansin ni Bella ang ex-boyfriend ng kaibigang si Greyson na kasama ex-girlfriend nitong naglalakad sa BGC mall habang nakaakbay pa ito at sweet na sweet sa isa't-isa.

Napabuga sa iniinom na kape itong si Bella " OMG sis! look who've I seen!"

Bigla namang napabaling din ng tingin si Natalie sa tinuturo ng kaibigan. Tila naman may kung anong kumurot sa kanyang puso ng makita niya na sa kabila ng paghingi ng tawad nitong si Greyso ay tuloy-tuloy pa din ito sa kalokohan niya.

Hindi na ito pinuntahan ni Natalie para komprontahin. Hinayaan niya ito sa kanyang kasinungalingan. Diretso block ito sa lahat ng ways para makontak sya. Inaya na lang niya si Natalie na umalis na at bumalik sa kanilang Office. Nag focus na lang siya sa kanyang haharaping meeting.

Nakarating na sila sa office. At sa mismong oras ng kanilang meeting ay hindi dumating ang CEO ng SB Group of Company kundi ang secretary nito at business partner na si Adrian ang humarap sa kanila. Naging maayos naman ang flow ng kanilang meeting. Ngunit nilinaw ni Adrian na mag-email na lang sila for approval para simulan ang project dahil ang final say ay magmumula sa kanilang CEO. Walang kahit na sino ang nakakita na sa CEO ng SB Group of Company dahil kine-keep nito ang kanyang privacy.

Matapos nito ay hinatid na nila ang kanilang bisita hanggang sa lobby ng kanilang 3 story building.

Hindi naman pinalagpas ni Bella ang nakita nila sa BGC kaya naman agad niyang minessage ang mga kaibigan at kinuwento sa mga ito ang nakita nila. Kaya naman napagdesisyunan nilang i set ng date ang kanilang kaibigan para mawala sa isip nito ang kanyang cheater na ex-boyfriend.

Wala naman magawa si Natalie kundi puntahan ang mga sine-set ng kanyang mga kaibigan.

Makalipas ang isang buwan ng kanilang proposal meeting sa SB Group of Company ay naka receive sila ng email mula dito na nagsasabing sila ang napili nitong mag construct ng building nito na ipapatayo sa Makati City. Ito ay magsisilbing Offices mula 4th floor till top floor and Mall naman ang lower part. Aside sa building na ito ay binigay din sa kanila ni Mr. Enriquez ang project ng pagbuilt sa kanilang Town Houses in Cavite. Lahat ng bahay na ico-construct ay mag fall under sa kanilang construction firm.

Sobrang saya nilang magkaibigan dahil ito na ang maituturing nilang pinaka-malaking project na kanilang kakapitan sa kanilang entire journey sa kanilang construction firm. Dahil dito ay inanyayahan nila ang kanilang mga kaibigan upang mag celebrate .

Hindi naman nakaligtas si Natalie sa mga kaibigan. Sinama nila Colton and Nicholai ang kanilang kaibigan na si Ethan na nagmula pa ng UK. Ito ay sadyang bumyahe para makita ulit ang dalaga. Nakasama na niya itong mag chill sa mga bar sa UK ng minsang mabisita ito nung nag work pa sila Colton sa London.

Matindi ang pagkagusto ng binata kay Natalie kaya naman ng mabalitaan nito na single na ulit ang dalaga ay isa siya sa mga pumila upang manligaw dito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Star Naks
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status