Share

Chapter 12

Nakagat ni Leila ang ibabang parte ng labi. Nabitiwan niya ang hawak dahil sa panghihina't panginginig ng kanyang mga kamay. Napakaraming taon niyang hinintay ang sandaling 'to. Ang sandaling makaharap niya ang nag-iisang taong inaasahan niyang tatanggapin siya't mamahalin. Ang taong simula bata pa lamang siya'y hinihintay niya sa tarangkahan ng bahay ng kanyang abuelo't abuela baka sakaling pumunta ito't dalawin siya. Ang taong nagparamdam sa kanya ng hindi pagtanggap.

"Papá," nasambit ni Leila kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

Gusto niyang lapitan ito't sugurin ng yakap. Gusto niyang maramdaman ang yapos nito, ngunit natatakot siya. Gustuhin man ng utak, puso niya na lapitan ito, ayaw naman makisabay ng katawan at mga paa niya.

"Lara, what are you doing here?" boses ni Stefano na hindi niya maintindihan kung galit ba o ano dahil ang buong atensyon niya't nararamdaman ay nasa isang tao na ngayo'y nakatayo na sa kinauupuan nito.

'Di maalis-alis ang tingin ni Leila sa kanyang ama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
wala pang update
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
pa update nmn Ms author
goodnovel comment avatar
Bioru Niesppiha
Ganda po ng story.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status