Hi!
3 days po tayo walang update starting tomorrow. I am currently preparing for my CE Licensure Examination, which will happen after tomorrow. It will be two days.
Back to normal po tayo on November 16. I promise to update 2-3 chapters each day at sisikapin kong maging maganda ang bawat eksena ❤️
Malapit na din po tayong matapos. Baka this month or first week of the next month.
Kaunting kapit at hintay na lang 😅
For the meantime, you can check out my first novel, entitled Capturing the Bachelor. Completed na po iyon with free chapter in the end.
----
This is your author Rina.
Ang matalim at nag-aapoy na titig ni Attorney ang sumalubong sa akin pagpasok sa opisina. Isinarado kaagad ni Lesie ang pintuan nang makapasok kami. Para ba'ng alam niyang mayroong nagbabadyang galit mula sa kan'yang nobyo. "What happened?" mahinahon ngunit may diin nitong tanong. Hindi ko magawang tumitig sa kan'ya kaya itinuon ko ito kay Lesie. Nakita kong pinandidilatan niya ng mata si attorney, kaya siguro hindi ako nito binulyawan. "I-I'm sorry," nakayuko kong sabi. Alam kong kasalanan ko. Handa akong harapin iyon ano man ang kapalit, pero sana'y huwag nang madamay pa ang Hacienda Miraflor, kahit alam ko naman na imposible iyon dahil ito ang gustong makuha ni Veronica. "Tinatanong kita Cassandra." Nakapameywang na siya sa akin kaya pumagitna sa amin si Lesie. Bumuntong hininga si attorney at umiwas na tingnan ang nobya. "Nagipit ang hacienda. Veronica offered help. Ayoko sana, kaso lang wala na ak
Napagpasyahan kong makipagkita kay Mateo sa Top Hill Park. Mapait ang alaala ko sa tuwing dumaraan ako sa lugar na ito at ayokong madagdagan pa ang lugar na matatakot akong bisitahin, dahil may posibilidad na mabahiran ito ng masamang alaala ulit. Nang makapag-park kami ni Kuya Joel ay kaagad kong inilibot ang mata sa paligid. Nakita ko siya sa dati naming pwesto. Nakatayo ito at pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba ng burol. Lakas loob ko siyang nilapitan bitbit ang folder na mula kay Attorney Sheldon. "Mateo." Tumingin siya sa akin gamit ang nagsusumamong mga mata. Hindi pa man ako nagtatanong ay tila nakikiusap na siya. Nagkaroon bigla ako ng hinala. Walang rason ang mga titig niyang ito dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko magawang paniwalaan na mayroon siyang kinalaman sa mga plano ni Veronica. "Sandra," he said, as if pleading with me for something. Tumabi ako sa kan'ya at ilang sandali din na pinagmasdan ang
Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang kalangitan nang bumyahe ako patungong opisina.It was a bright day, but it felt gloomy.Maaga akong nakatulog pagkatapos akong diretsong ihatid pauwi ni Troy. He didn't utter any words. Nagsalita lamang siya nang tanungin ko kung paano niya nalaman na naroon ako. Pinasundan pala ako ni Lesie.Pag-apak ko sa loob ay kaagad kong naramdaman ang tensyon. Bakante ang opisina ni Veronica, wala pa ito.Pumanhik ako sa aking opisina nang makitang wala si Lesie sa lamesa nito. Sa wari ko'y kausap niya si Attorney Sheldon.Just before I opened my email, I was flooded with messages from stockholders pleading with me to unfreeze their investments.Napahilot ako sa aking sintido. Wala pa akong konkretong plano, bukod sa pagpapatanggal kay Veronica sa kompanya. That' the only way I could think of.Hindi ko pa alam kung ano na ang nabuong plano ni attorney. Sigurado naman akong pupunta siya dito sa opisina
Sa isang pribadong restaurant kami nakipagkita kay Mateo. Napapagitnaan ako ni Lesie at Attorney Sheldon sa lamesa, tila ba pinoprotekhan ako laban kay Mateo, na nakaupo sa aming harapan. Kahit anong gawin nilang pagprotekta sa akin ay nasaktan na ako at patuloy na nasasaktan.Mugto ang mata ni Mateo. Makikita sa kan'yang mukha ang kakulangan ng tulog at pahinga.Binabagabag na kaya siya ng konsyensya niya?"We invited you to this dinner so that we could talk about Veronica and the hacienda."Kahit pa nagsalita na si Attorney ay tutok pa din sa akin ang mga mata ni Mateo. Gusto kong isipin na nasasaktan din siya dahil sa totoong mahal niya ako, ngunit sinong niloloko ko? Kung anuman ang rason ng kalungkutan sa kan'yang mga mata at sa paraan ng titig niya sa akin, sigurado akong hindi iyon pareho sa akin.Hindi siya sumagot kaya namutawi ang katahimikan sa amin. Bumuntong hininga si Attorney at nagpatuloy."Nagsisisi ka ba na nakipagsabwatan
"Are you ready?" tanong sa akin ni Lesie nang sunduin niya ako sa opisina.Tumango ako. Ngayon na namin muling kakausapin ang mga stockholders kasama si Mateo. I know it won't be easy, that's why we have to be careful about it. Dito nakasalalay ang magiging desisyon ng board members, kung mananatili ba sila o hindi.Pagpasok sa loob ng conference room ay sumunod na ang ilang myembro ng board. Isa-isa ko silang pinagmasdan, animo'y wala sa itsura ng ilan ang pagiging interesado para sa usapin ngayong araw.Naroon na din si Mateo na masinsinang kausap ni Attorney Sheldon. Bumaling sa akin ang kan'yang tingin subalit hindi ko ito pinansin.Sinimulan ni Attorney ang pag-uusap sa pamamagitan ng pagpapakilala kay Mateo kahit pa kilala na ito nang ilan.Naglakad si Mateo papunta sa unahan nang tawagin siya ni Attorney."You know me before as the supplier of construction materials para sa pagpapatayo ng pabrika. 'Di naglaon ay nakilala niyo ak
Kanina pa ako nakatulala sa papeles na nasa aking lamesa. Lagda ko na lamang ang kulang para ma-pull-out ang kan'ya-kan'yang shares ng mga board members."Are you done?" tanong ni Lesie nang pumasok siya sa aking opisina.Wala akong choice kun'di pirmahan iyon."Naipadala na ang letter kay Veronica. Magkikita na lamang tayo para sa pormal na usapan," pagbabalita niya sa akin.Walang gana akong tumango.I am exhausted. Nakakapagod.Nang matapos ang araw ay naiwan akong mag-isa sa opisina. Ayaw sana akong iwanan nina Lesie at Attorney Sheldon subalit sinabi ko sa kanila na marami pa akong gagawin kahit na ang totoo ay wala na. Sa estado ng kompanya ngayon ay tila wala nang trabaho pa'ng matitira sa amin.Kaunting ilaw na lamang ang nakabukas sa labas ng aking opisina kung nasaan ang cubicle ng mga empleyado. Kaagad akong binalot ng kalungkutan.I always project an intimidating aura whenever I talk to my employees beca
Mahirap ang mga sumunod na araw sa kompanya dahil halos kalahati ng shares ang nawala. Kung mananatiling ganito sa mga susunod na buwan ay tuluyan nang masasaid ang aming pera sa banko."Sa susunod nang bukas ang meeting natin with Veronica kasama ang kan'yang abogado."Marahan akong tumango sa sinabi ni Lesie habang nasa opisina kaming tatlo ni Attorney Sheldon."What's our plan after this?" dagdag niyang tanong.Nagkatinginan kami ni Attorney.Hindi ko alam ang sagot. May mga bagong kliyente na kaming tinapos ang kontrata at maaaring iyon din ang mangyari sa iba."Troy's parents said that they will stay despite our situation. Sinabi kong hindi natin ma-me-meet kung anuman ang nasa kontrata pero handa silang baguhin ito para sa atin." Nakausap ko na si Troy at ang kan'yang mga magulang. They assured me that they won't leave us in this battle. May tiwala pa din sila sa kalidad ng tsokolateng ginagawa namin.Isa pa'y sila a
My head is as light as heavy as my heart.Ilang oras pa lang ang naitutulog ko pero kailangan ko nang bumangon para pumunta sa opisina.Totoo nga'ng magpapakasaya ka sa gabi pero sa umaga ay magsisisi ka."Bakit ka ba kasi naglasing kagabi?" tanong ni tatay habang pinagmamasdan akong dumaing sa kaunting pagkahilo. Ininom ko ang gamot na ibinigay niya pagkatapos kong kainin ang lugaw na iniluto ni manang para sa akin."Nagkasiyahan lang po 'tay." Wala akong ideya kung alam niya na ang tungkol sa nangyayari sa kompanya dahil kakabalik pa lamang niya galing sa probinsya.Kahit hindi ako nakatingin sa kan'ya ay nararamdaman ko ang mataman na pagtitig niya sa akin."Kung mayroong problema at kailangan mo ng kausap, nandito lang ako," seryosong saad ni tatay kaya napatingin ako sa kan'ya.Mukha lang talaga siyang walang pakialam pero nararamdaman kong kahit 'di siya magtanong ay alam niya ang pinagdaraanan ko.Ngumiti ako sa ka