Share

Chapter 108

Ang sayang naramdaman ni Mateo ay mabilis na napalitan ng lungkot. Saglit niya lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang ina, dahil iniwan na siya nito.

Isang buwan na ang nakakaraan simula nang mamatay si Tita Amelia. 

Hindi maikakaila sa boses at mga mata ni Mateo ang lungkot. Ngayon pa lamang silang nagkakasundo ng ina subalit binawi na kaagad ang buhay nito.

Hawak ang tatlong piraso ng tsokolate ay tinanaw ko siya mula sa labas ng opisina nito. Pasado alas-otso na nang gabi ngunit narito pa din siya at nagtatrabaho. 

Sa umaga ay wala siya dito sa opisina dahil inaasikaso niya ang pagbubukas ng sarili niyang negosyo. Sa hapon naman hanggang gabi ay naririto siya upang tapusin ang trabaho.

Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagkawala ng ina. Nakiramay ako sa kan'ya subalit hindi ganoon kalalim ang mga sumunod namin na pag-uusap. Kung mag-uusap man kami ay tungkol iyon sa trabaho.

Huminto ako sa tapat ng pintuan ng kan'yang op

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status