Share

Chapter 109

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga papeles sa aking lamesa na kailangan ng lagda ni Mateo. Iniisip kong personal na ihatid na lamang ito sa kan'yang opisina upang maibigay na din ang tatlong piraso ng tsokolate, na itinabi ko para sa kan'ya.

Sa kabilang banda, iniisip ko rin na baka mag-isip siya ng kakaiba kung gagawin ko iyon at aabutan pa siya ng tsokolate.

Base sa naging pakikitungo niya kagabi at nang mga nagdaang araw, pakiramdam ko ay mayroong nagbago. Hindi na ito katulad ng dati na ako pa ang dumidistansya sa kan'ya, ngayon ay ito na ang gumagawa sa akin.

Ganito rin ba ang nararamdaman niya nang itinataboy ko siya?

Pumikit ako at hinilot ang sintido. 

Nang dumilat ako ay ang nakangiting mukha na ni Lesie ang bumungad sa akin.

Hindi ko napigilan ang batuhin siya ng ballpen, na tumama lang naman sa kan'yang damit, dahil sa gulat.

"Gulat na gulat tayo. Ano'ng iniisip mo?" mapang-asar na sabi nito.

Umirap ako at iniab

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status